watch now

Author Topic: TIANGGE shoppers  (Read 182494 times)

trishevil

  • Guest
Re: TIANGGE shoppers
« Reply #80 on: April 24, 2013, 09:44:16 am »
^so true sis, when I was in college I often go to Divi to buy my clothes. But now that I am working, I find that the clothes sold there are of poor quality and marami pang magkakapareho. So whenever I go there, sa mga nagbebenta ng export overruns ako bumibili or once in a while may mga stalls na "Bangkok clothes". Meron kasi silang mga damit na mas maganda ang quality at mas unique compared sa mga "korean clothes".

May binibilhan rin ako sa St. Francis square ng mga export overrun na dresses. I once bought a dress na Forever 21 for only P300. Nag-iisa lang yung dress nayun and luckily it was my size!  ;D

username.taken

  • Guest
Re: TIANGGE shoppers
« Reply #81 on: April 24, 2013, 10:49:07 am »
Maganda rin ang tiangge sa Paseo Center sa Paseo de Roxas, Makati. :)

sis, saan banda to? nasa building ba siya?  :)

tinsantos10

  • Guest
Re: TIANGGE shoppers
« Reply #82 on: July 15, 2013, 11:05:47 pm »
Hi mga sis! Join ako :)

I recently went to Taytay palengke kasi it's near our place and may tiangge don. Yung mga sandos na kapareho sa GH na mabibili for P150, P35 lang sa taytay. Tapos some dresses naman na worth P200-350 in GH, 75 each lang. Shorts naman would range from P55-70 :) I think dun kumukuha ng clothes yung mga nagtitinda sa GH :)

trishevil

  • Guest
Re: TIANGGE shoppers
« Reply #83 on: July 16, 2013, 03:59:29 pm »
ako naman idadagdag ko yung isang stall sa Bustillos. Regular shopper ako doon kasi ang blouses at skirts nila P100 each lang tapos ang dresses P200 each lang. Recently, nakita ko yung dresses nila na kapareho ng nasa Jewels

shabby

  • Guest
Re: TIANGGE shoppers
« Reply #84 on: August 19, 2013, 11:24:26 pm »
Gusto ko rin ang tiangge shopping. Last kong punta sa Greenhills, nung May. Nakabili ako ng sheer sleeveless blouses na ginawa kong cover-up ng bikini. Tapos sa 168 naman, last kong punta noon pang October 2010. Sadly, nadukutan ako ng wallet doon. Binunggo ako sa intersection tapos ang bilis wala na wallet ko. Buti di ko talaga dinala mga ID ko. Ilan pa lang nabibili ko, for Christmas shopping pa naman. Pero kahit ganon, gusto ko pa rin bumalik doon. Doble ingat na lang gagawin ko. Sa Greenhills, twice or thrice a year kami pumupunta. Never pa ko nanakawan sa GH.
« Last Edit: August 20, 2013, 11:53:13 am by shabby »

kristinebarrios

  • Guest
Re: TIANGGE shoppers
« Reply #85 on: August 24, 2013, 11:35:51 pm »
I work in Eastwood and yung weekend bazaar dun overpriced! I heard that some seller there get their goods from Taytay kasi maraming patahian daw dun. Dun din factory ng Gap/Old Navy I
think? sa labas ng Club Manila East may "talipapa" daw dun every Sunday. Never tried going to Taytay for shopping kasi from QC pa ko. I love GH kasi may ibang
damit dun wala sa Divi.

lakambini

  • Guest
Re: TIANGGE shoppers
« Reply #86 on: September 30, 2013, 09:11:22 pm »
When I was still studying in Manila takot na takot ako pumunta at mamili sa 168 dahil sa mga snatchers so I usually frequent Greenhills. Okay naman talaga dun and on some days I get really lucky with the clothes on sale.

mrsonthego

  • Guest
Re: TIANGGE shoppers
« Reply #87 on: October 02, 2013, 10:13:28 am »
^^yes, dami na palang nakakaalam ng Taytay, grabeh sobrang mura dun, mga shirts blouses as low as 35 Pesos, worth going there, kaya lang Tuesday and Friday tiangge nila

vainmode

  • Guest
Re: TIANGGE shoppers
« Reply #88 on: October 03, 2013, 03:09:33 am »
^^yes, dami na palang nakakaalam ng Taytay, grabeh sobrang mura dun, mga shirts blouses as low as 35 Pesos, worth going there, kaya lang Tuesday and Friday tiangge nila

sis pano ba pumunta dun kung manggagaling sa cubao? tsaka what time po nagopen yung mga nagtitinda?

i.am.lee

  • Guest
Re: TIANGGE shoppers
« Reply #89 on: October 03, 2013, 06:04:45 am »
^^yes, dami na palang nakakaalam ng Taytay, grabeh sobrang mura dun, mga shirts blouses as low as 35 Pesos, worth going there, kaya lang Tuesday and Friday tiangge nila

--saan sa taytay yung tiangge sis?
« Last Edit: October 03, 2013, 10:26:54 am by i.am.lee »

iampennylane

  • Guest
Re: TIANGGE shoppers
« Reply #90 on: October 03, 2013, 08:38:17 am »
Yeah same question, san sa Taytay to? Also, wala bang tiangge ng weekends?

tinsantos10

  • Guest
Re: TIANGGE shoppers
« Reply #91 on: October 03, 2013, 09:23:50 am »
May tiangge pa rin sa Taytay during weekends pero malapit sa palengke pwesto nila, in front of mcdo.

iampennylane

  • Guest
Re: TIANGGE shoppers
« Reply #92 on: October 03, 2013, 09:25:17 am »
^thanks sis. Pag weekdays, san pwesto nila? I read sa isang blog, malapit daw sa Club Manila East? Eto ba yun?

tinsantos10

  • Guest
Re: TIANGGE shoppers
« Reply #93 on: October 03, 2013, 09:27:41 am »
Yes sis. Yun yung kapag weekends. Sa bayan ata every Tuesday and Friday

mrsonthego

  • Guest
Re: TIANGGE shoppers
« Reply #94 on: October 04, 2013, 09:57:34 am »
sis pano ba pumunta dun kung manggagaling sa cubao? tsaka what time po nagopen yung mga nagtitinda?

as early as seven am bukas na sila, from cubao sakay ka ng Angono or Binangonan highway, baba ka sa Taytay bagong palengke, tapos dun sa may likod ng Jollibee (landmark mo to) sakay ka ulit pabalik pa bayan lumang palengke, or walking distance sya lalakarin. Ipagtanong mo na lang, park yun na convert sa tyangge, hindi sya gaano pansin sa kalsada pero alam na yung lugar dun.

Sa Club Manila East naman, dun lang yun sa tabi ng Mcdo, dun din mismo sa binabaan mo, sa kabila ng Jollibee.


ladygaga1013

  • Guest
Re: TIANGGE shoppers
« Reply #95 on: October 04, 2013, 10:05:25 am »
Nothing beats shopping at Divisoria. Kahit na makipagbalyahan ka pa sa ibang shoppers dahil sa sobrang siksikan, worth it pa rin. Value for money talaga. Sana makapunta ulit ako for christmas shopping. Yung sa malls na Php100 pice ang value dun Php35 lang. Same quality lang din naman. Basta i-check nyo pa rin bawat item na bibilhin nyo para sure na walang defect, minsan kasi nahahaluan din lalo na kung wholesale and bili nyo.

gleek

  • Guest
Re: TIANGGE shoppers
« Reply #96 on: October 04, 2013, 02:22:14 pm »
hi mga sis! sulit kaya dumayo sa TaytaY? naghahanap kasi ako mabibilhan ng damit pang office.. ok na sana ako sa st francis or gh, pero kung same stuff lang naman nung mbbili s Taytay at mas mura, willing ako dumayo. from Makati pa kasi ako...

tinsantos10

  • Guest
Re: TIANGGE shoppers
« Reply #97 on: October 04, 2013, 06:34:19 pm »
^Yes sis super sulit. I was able to buy 14pcs of clothes for only 650php. Marami silang paninda na similar to gh. Actually dun sila kumukuha. Skater skirts ranges from 80-100. Sandos naman 35-40. Bihira ka lang makakakita ng above P150 dun

swtgrl_bee

  • Guest
Re: TIANGGE shoppers
« Reply #98 on: October 04, 2013, 09:03:28 pm »
Wow gusto kong pumunta sa Taytay Market, regalo ko na ito sa sarili ko. 1000 ko madami na palang mabibili dun, may mga dress din ba dun? :)

So sis, kapag Friday ang location nila ay nasa bayan tama ano? May parking ba dito? Isasama ko asawa ko and anak ko, may mga pambata din ba dito? :)

Bet ko yung skater skirts na 80-100. Sis  tinsantos10 may suki ka na ba dun? Or nag iikot ka din?

tinsantos10

  • Guest
Re: TIANGGE shoppers
« Reply #99 on: October 04, 2013, 09:24:05 pm »
May mga pambata rin and may pangboys. May skater skirts din for toddlers :) Wala akong suki here. Nag-iikot lang din ako :) Mas mabuti sis kung mag-ikot ka muna para you can compare prices. Mabilis lang naman yun ikutin e :) May parking lot dun sa malapit sa cme.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close