watch now

Author Topic: :(Frustrated lady driver? thread 2  (Read 115234 times)

huggykaye

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #420 on: July 14, 2015, 05:36:14 pm »
kaya nyo yan mga sis! :) ang mahirap lang pag may nakasalubong kang pasaway sa kalye hehe =)

^next purchase ko kuha na lang ako ng automatic, para mas madali =)) LOL

jamie_0117

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #421 on: July 14, 2015, 06:10:17 pm »
^Masaya talaga a/t.

The other day, I let my inaanak drive my car (she's been driving for around 8 months na), kilig na kilig while driving, as in natitili pa.

huggykaye

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #422 on: July 23, 2015, 10:19:18 am »
^how young si inaanak mo? alala ko din tuwa ko nung first day akong turuan ng tito ko elementary days hahaha naiimagine ko excitement nya! hahaha :)

jamie_0117

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #423 on: July 23, 2015, 11:56:50 am »
^legal age naman na sya. kung hindi, hindi ako papayag! haha! :)

blushberry

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #424 on: July 27, 2015, 04:34:36 pm »
I'm missing manual transmission but in reality, i'm not really much of a driver.  I drive like an old lady and I hate parking. ::)

jamie_0117

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #425 on: July 28, 2015, 12:11:46 am »
^naiinis nga ako sa malls na walang valet, haha!

jaymilu_620

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #426 on: July 28, 2015, 07:00:21 am »
Sa ilang beses kong binasa yung thread nato to gain confidence, finally i was able to drive na, and yung dilemma ko nalang yung parking skills. Though nakakapark ako tagaktak naman pawis ko hehe kaya asa sa valet pero bit by bir trying hard pa din, importante di na ako masyado affected sa busina and bus and nakakaexperience ans huli. Sana me group din tayo.. Join ako hehe

imeego

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #427 on: July 28, 2015, 11:12:35 am »
Pareho tayo sis, yung car ko nasa garage lang:)  nung dinala nga namin sa casa tinanong pa kami kung di ba namin ginagamit yung car... si hubby din prinessure ako matuto magdrive coz i might go back to work na on october, so inenroll nya ako sa A1, tapos binilhan na ako ng car..finished na driving lessons ko but wala pa akong confidence magdrive sa highway talaga, practice lang sa subd nagagawa ko.. Yung son ko nga di ko pa din masundo sa school, asa pa din ako sa driver para sunduin sya.. Need ko talaga ng lakas ng loob
« Last Edit: July 28, 2015, 11:17:48 am by imeego »

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #428 on: July 28, 2015, 11:59:14 am »
^ & ^^ apir mga sis! Ganyan din ako sa start, naka-tengga ang car.

Pero lately nalalabas ko na at least once a week, mostly short distances lang - to&from nearest mall, with my daughter and her yaya. Challenge pa din ang parking, though. Kaya minsan pinapa-valet ko. Or bumababa ako sa lower level ng basement parking para sure na madaming vacant spots, keribels kahit slowmo ako mag-park. Hehe..

Then pag weekend at me lakad kami ni hubby, ako pinapag-drive nya. Yun medyo malalayo na. Edsa, nlex, konting Skyway, etc. Once ko lang na-try mag-edsa na solo ko, nung sinundo ko si hubby sa airport. Pinilit ako ni hubby na sunduin sya para masanay din daw ako to drive solo.. Kelangan ko pa ng more confidence though. Hehe..

Next challenge daw nya for me e i-drive yung sasakyan nya, which is slightly bigger and wider.. sabi ko tsaka na at baka maiyak sya pag nagasgasan ko. Haha!

jaymilu_620

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #429 on: July 28, 2015, 12:47:37 pm »
Ako from the south kaya nakakasabay ko mga trucks and bus ayun nahasa naman ako. Yung sa tagaytay weekly ako nagdadrive para masanay ako, bit by bit masasanay din tayo. Mga months palang ako mag isa and masarap pala yung feeling and nakakainis kapag gitgit ka ng bus na bully . Parking nalang gusto ko yung d ako pinagpapawisan

belle_v2g

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #430 on: August 22, 2015, 07:42:02 am »
Well done mga sis. Maybe the best way para madgadagan yung confidence sa driving is higpitan ng LTO ang process nila in securing drivers licence. Ang dali lang daw kasi ng driving test. That way, magpupursige talagang matuto lahat ng willing at gustong magdrive para makapasa sila sa exam at makapag drive on their own later on. Pag madaling makakuha ng licence yung iba nagiging pabaya lang. Iba naman nakakuha ng licence under the table settlement. Eh napaka unsafe non. Pag alam mo kasing pinaghirapan mo ang isang bagay, hindi ka magiging careless.
« Last Edit: August 22, 2015, 07:44:14 am by belle_v2g »

gorgeous_me

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #431 on: August 22, 2015, 10:05:09 am »
Well done mga sis. Maybe the best way para madgadagan yung confidence sa driving is higpitan ng LTO ang process nila in securing drivers licence. Ang dali lang daw kasi ng driving test. That way, magpupursige talagang matuto lahat ng willing at gustong magdrive para makapasa sila sa exam at makapag drive on their own later on. Pag madaling makakuha ng licence yung iba nagiging pabaya lang. Iba naman nakakuha ng licence under the table settlement. Eh napaka unsafe non. Pag alam mo kasing pinaghirapan mo ang isang bagay, hindi ka magiging careless.

I agree, kasi yung mga garapal na driver isa din sa kinakatakutan ko sa pagddrive, matagal na din akong hindi nakakapagdrive dahil work from home, pero dati, yung mga jeep at motor at taxi, hays, nakakainis lang talaga, sila pa tong titignan ka ng masama...kahit yung ibang private cars, parang timang lang magdrive at magpark sa daan, humaharang sa kalsada...siguro kung mas mahigpit ang LTO at walang under the table, malamang sa malamang hindi ganon karaming cars dito, kung marami man, maayos ang sistema sa kalsada...kasi kahit pedestrian hindi sinasanto..well may mga tao din naman na hindi sumusunod sa stop light, tumatawid ng naka green pa, or beating the red light..o kaya nakaharang sa intersection kasi traffic, kaya siksik kung siksik.

kaa parang balewala din yung mga requiements nila, kasi kahit hindi mo itake yung written at practical exam, magkaka-license ka :(


belle_v2g

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #432 on: August 22, 2015, 01:52:23 pm »
Nailed it sis gorgeous_me. Sa madaling salita, walang disiplina. Kaya yung mga super gustong matutong magdrive, nawawalan ng confidence dahil sa mga nakikita nila sa kalsada.
Never akong nagdrive when i was still in manila. When we moved overseas, i didn't have any choice but to learn how to drive (Especially for us na may anak who goes to school & needs dropping and picking up). I had to learn how to drive in 3 months (that's the minimum period i can have my Learners Driving Permit) before i can apply for a driving test. That's for ages 25 and above ha. If younger than that, mas mahabang period ang need para matuto. Teenagers needed to complete 120 hrs of driving too before they can apply for license. At recorded dapat yan. Kase talagang nambabagsak ang assessors dito pag may nakita silang atleast 2 violations mo while doing the drive test. Super higpit. Aside from that, we undergo eye test, computer exam (i had to buy a reviewer pa for this) and before we do the drive test, need pa hazard test which is a computer simulation of an actual driving. I needed to pass all these tests before I can drive. Instructors costs around $45-$55 per hour!! So my hubby was the one who trained me (all the sigaw and kaba nya while teaching me paid off anyway) then naglessons lang ako for 5 hrs. The government also invests on road safety cameras. Wala man police sa kalsada, lahat ng violation kita nila and nagugulat na lang the violator when they receive the ticket mailed straight to their respective address. If you don't pay, you lose points until such time na kailangan ng bawiin ang license.
I hope maging ganito ka strict sa traffic and safe driving rules ang pinas. Tiyak magkakaroon ng confidence magdrive lahat.
Totoo yon, when im in manila, kung sino pa yung mga sumisingit, sila pa galit. Haaay!!!

gorgeous_me

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #433 on: August 22, 2015, 07:52:42 pm »
^true :)  haha, mas ok na yung mahigpit at least may discipline bawat driver, yung mga pro parang hindi pro, kakaloka

Canada ka ba sis, hehe, isa yan sa gusto ko don e, pero hindi pa ako nakakapunta ha, LOL

letters_to_cleo

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #434 on: August 23, 2015, 12:22:51 am »
^Dito sa NL ganyan din, mabigla ka na lang may overspeeding ticket ka sa mail haha!  Dito rin lang ako napilitang magdrive ng araw araw kasi walang public transpo yung worksite ko. Eh since industrial zone yung location ng work ko, puro tankers at trucks kasabay ko sa motorway. To be fair, narealize ko di lang pala mga pinoy ang kaskasero at pasaway magdrive!  petpeeve ko yung mga trucks na nagoovertake at nagfafast lane eh hanggang  80km/hr lang sila!

Yung parking, sobrang tangengot ko magpark as in. Sa worksite nga alam na alam ng mga tao na kotse ko yung nakapark kasi minsan tabingi haha. Pero through practice lang since five months na akong araw araw nagdadrive at nagpapark naging second nature na ang parking. So practice lang yan mga sis!  try and try lang.  lahat naman tayo nagsimula sa engorks moments :-)

Next week uwi ako ng pinas, naeexcite na natetense ako sa paguwi kasi gusto kong magdrive ng todo sa pinas pero sana di ako mastress sa traffic at pasaway na drivers.  Nasanay kasi ako na motorway nagdadrive so gusto ko lagi mabilis haha (though to be fair, bilang halos every month may naaksidente sa motorway so everymonth nakakaranas ako ng traffic,, yung worst is 2 .5 hours stand still traffic, when usually 40 minutes lang yun. may nagbanggaang motor at kotse.  See? Di lang monopoly ng pinas ang pasaway na driving!).

Yung para mark ko na medyo tumaas na ang confidence ko sa driving is yung dati nanonood ako sa youtube ng mga bad driving videos, before nung kakadating ko sa NL grabe pinanood ko sila para mawarn ako ng mga dapat kong iwasang mangyari, syempre with kasamang nerbyos and anxiety.  Ngayon gustong gusto ko na silang panoorin para tumawa lang.parang ay ano ba yan?! mga ganyan.

So go lang tayo!  pero I agree na dapat strict ang pag issue ng license sa pinas.  Nakakatakot kasi ng magdrive kapag di ka confident sa skills ng mga kasama mo sa daang mga drivers diba.  Baka nga yung iba di alam pano magsignal ng tama, or yung rules about right of way sa intersections at roundabouts...

belle_v2g

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #435 on: August 23, 2015, 12:52:10 pm »
^true :)  haha, mas ok na yung mahigpit at least may discipline bawat driver, yung mga pro parang hindi pro, kakaloka

Canada ka ba sis, hehe, isa yan sa gusto ko don e, pero hindi pa ako nakakapunta ha, LOL

Australia sis. Kaya even if di ako nagdrive sa atin, confident ako dito despite the brief driving lessons i've had. Alam ko kasi na lahat dito sumusunod sa rules. Di ka matatakot dumaan sa pedestrian dahil kusa silang titigil. Bawal sumingit dahil pinapahalagahan nila ang solid lines sa intersections at freeway. Pag over speeding ka, 1km away detected ka na ng camera. How i wish maging ganon sa pinas para iwas trapik at Aksidente. may mga parking lot na may time limit. Pag overtime ka, asahan mo may tiket Ka. May timer kase bawat parking slot. At bawal gumamit ng celfone, nahuli yung friend ko dito hinabol talaga ng police, almost $500 ang fine. ang mga taxi hindi pakalat kalat. Tatawag ka at susunduin ka sa pick up point. Kaya wala din masyadong traffic.

Sis letters to cleo, samin naman ni hubby super naaastigan ako sa mga magaling sa reverse parking. So 2nd day ng driving namin sa parking lot kami, puro reverse parking practice.

Pag sa pinas, ang daming nasasayang na oras sa kalsada because of traffic. kailan kaya maiimprove ng government ang problema natin sa ganon.

gorgeous_me

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #436 on: August 23, 2015, 05:29:36 pm »
magmigrate na kasi ako sa Canada, at nagulat ako sa seminar sa mga sinabi nya about driving rules ...lam ko naman na strict, pero nung na-share nya yun, lalo akong na-envy, gugustuhin ko talagang magdrive kapag ganon, hehe

hays, nakakalungkot lang dito sa pinas, kasi parang palala ng palala yung situation, parang walang nangyayari :( actually hindi lang sa driving...sa lahat..hays

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #437 on: August 23, 2015, 11:12:14 pm »
Just want to share. First time ko to drive ng medyo "out of town" nung Friday. Qc-Sta.Rosa-QC habang malakas ang ulan, via Skyway both ways. Masaya magdrive kasi less distractions (no pedestrians walking along the way or biglaang tumatawid, etc), and tuloy-tuloy sa highway. Medyo me konting kaba lang ako kasi since mabilis ang takbo, parang bigla ko naisip na pag di mo talaga nakontrol ang manibela e talagang pwedeng maaksidente.. nung pauwi especially, medyo padilim na, super-lakas ng ulan na minsan low visibility sa slex and skyway.. me konting water puddles pa sa ibang areas.. pero ambibilis pa din ng takbo ng mga cars..

This weekend din, first time ko to drive ng madaling-araw sa C5. Nase-stress lang talaga ako sa mga trucks, lalo yung mga mabibilis at me ibang sumisingit-singit pa.

For city driving (especially Edsa) naman, ang medyo nakaka-stress sa akin e yung mga motorcycles na wagas kung makasingit. Meron sumisingit sa left side, meron sa right side. Nakakaloka!

Kaya talagang nagdadasal ako bago mag-drive. For protection. Kasi kahit gano tayo kaingat, me mga ibang tao naman na barubal magmaneho at baka makadamay sila ng ibang tao..

Re parking, improving ang aking reverse parking skills. Konting tabingi na lang, haha. Yung parallel parking, yun ang olats pa ako, haha! Madalang kasi ako mag-parallel park kaya di ko masyado napapraktis.. lalo pag yung sakto for 1 car lang yung space, yunf wala masyado wiggle room, naku, patay ako sa ganun. Hehe..

letters_to_cleo

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #438 on: August 24, 2015, 02:03:31 am »
^congrats sis! Malayo layo na yung QC-Sta Rosa ha!  Ako rin parang habit ko sya pagkasakay ko ng kotse at bago mag on ng ignition kinakausap ko si Lord na gabayaan ako at bigyan ng tamang pagiisip sa pagmamaneho :-)   Question pala mga sis, anong ginagamit nyong navi sa manila?  gumagana ba yung tomtom sa manila basta idownload yung maps from tomtom site?  Gusto ko sanang magmaneho ng magisa sa manila/makati/taguig  paguwi ko next week kaso natetense ako baka mawala ako. sabi ng kapatid ko waze lang daw, pero parang mas kampante ako kung sa navi talaga sya. any recos?

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #439 on: August 24, 2015, 02:26:33 am »
^ the car i use has a built-in navi system na ina-update every 6months. Pero lately, i use mostly waze kasi nafa-factor in ang actual traffic situation (if may accident or construction area, etc). Sometimes lang, when major roads are really congested, waze directs you to small side streets na feeling mo napalayo ka in terms of distance, though total travel time may be shorter given the traffic situation sa major roads. Also, these side streets could be narrow or with cars parked on the streets both sides, so if like me who drives a suv, nagaalangan ako dumaan kasi baka sumagi ako, since di pa ako expert sa pagtatantya ng tight spaces.. my husband has no problems with it though kasi mas tantyado na nya width ng sasakyan nya..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close