watch now

Author Topic: :(Frustrated lady driver? thread 2  (Read 115228 times)

gorgeous_me

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #240 on: October 07, 2013, 06:14:10 pm »
naku sis geekchiq, dapat ilalabas ko na papuntang office, kaso, ayun, dinala ko sa dealer, lol..kasi parehas kami ng brother ko nag-aaral, salitan minsan, e ayun, hindi na-break agad, sa pagpark sa bahay, nagkaron ng scratch, nyahaha..hindi ako mapakali, kaya dinala ko na, sa mamomove na naman yung dala sa office, pero nakakapagdrive na akong mag-isa every weekend, minsan sa katipunan, or sa taguig, yun lang muna, haha, tapos natuwa pa ako, kasi nakpagpark na ako sa mega (nadagdag na sa malls na pwedeng parparkan :P), although hindi sa pataas, haha..baba lang muna

congrats sis, galing galing naman, ikaw na lang mag-isa..kamusta naman ang night driving?

geekchiq

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #241 on: October 07, 2013, 06:50:35 pm »
Yes sis, ako lang magisa. And am used to night driving kasi pasok ko minsan madaling araw and may uwi akong gabi. Masasanay ka rin sis sa night driving kapag lagi kang nagdridrive.

May times pa rin na kinakabahan ako lalo na [textspeak!] mga fx at jeep na bigla na lang nagcucut ng lane. Actually lahat ata nadadaanan ko papuntang work, eskenita, uphill, intersections. Kahit may times ma stressful mas convenient pa rin sa akin magdala ng kotse.

gorgeous_me

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #242 on: October 07, 2013, 07:19:04 pm »
^ay uu nga pala, madaling araw ka nga pala pumapasok, hehe, ilang beses pa lang ako nakapagnight driving, pinakamahirap ata yung umuulan ng malakas, haha

sinabi mo pa, nagugulat na lang ako, may fx o taxi na ang lapit lapit ko na, wala naman sila don nung una, pero minsan fault ko din, kaya nabobosinahan nung malalaking sasakyan, haha

galing galing mo na sis, nakakapagsarili ka na sa work :)

geekchiq

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #243 on: October 07, 2013, 07:31:44 pm »
Sinabi mo pa sis. May times na napapashocks ako kasi dikit na pala [textspeak!] sasakyan at buti na lang hindi ako kumaliwa. Kulang pa talaga ako sa diskarte sa daan.

gorgeous_me

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #244 on: October 07, 2013, 08:01:37 pm »
^tama, ako din ganyan, ang luwag sa kabila, pero hindi ako lumilipat, hahaha...tapos ano yung tawag don sa maliliit na bumps sa daan, yung pampagising daw, haha, minsan late ang pagslow ko, ayun, nginig kung nginig, LOL

miminibebe

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #245 on: November 18, 2013, 07:39:06 am »
Hay naku!

Ayaw ko ng magdrive, sobrang nakakastress! Kagabi nakasabit na ko ng tricycle!  Pano ba naman nakaliko na ko dumiretso pa din siya at talagang dumikit, di ko na natantya yung space, ayun, sumabit.
May mga sakay pa naman siya sa backride, umaray na nga at nagbabaan.  Buti na lang di sila nasugat or talagang naipit.  Parang ayoko na tuloy ulit magdrive at yun pa lang eh natakot na ko talaga. :-[

wangwang

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #246 on: May 22, 2014, 07:59:08 pm »
sis iamasinger..tama yan,lakas ng loob,saka mag practice lang ng mag practice,kahit paikot-ikot lang sa loob ng subdivision.mas okey yung maraming humps,para masanay sa stop and go.at maging expert sa pagtimpla ng clutch and gas pedal..happy driving.

iamasinger

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #247 on: May 23, 2014, 05:39:04 pm »
hi girls. matagal na akong hindi nakakapagbisita sa thread natin. kamusta na ang driving nyo? ako ok na para sa akin. naubos na yung kaba (hahahaha) ko sa pagmamaneho. i drive my family every Sunday going to church. pero dito lang kami sa province. hindi ko pa nasusubukang magdrive sa metropolis. but then, pare-pareho lang naman ang driver so more or less ganun din ang experience. pero ibang case yung bumper to bumper ang traffic. yung kailangan ng mabilis kang makasingit dahil yung mga bus, hindi ka nila pagbibigyan.

hindi ko type ang driving sa gabi dun sa amin kasi halos yung buong kahabaan ng highway eh walang ilaw kaya ang dilim sa daan. ang tendency yung nasa opposite line na kasalubong mo, mga naka-bright light. asus! ka sakit sa mata. minsan naman bumubulaga na lang yung tao na papatawid. meron ding mga may sayad ata sa ulo na motorcycle driver na hindi nagbubukas ng ilaw. akala siguro makakatipid sya sa gasolina kapag naka-off mga ilaw nya sa gabi. o siguro akala nya kitang kita sya ng mga drivers na kasabayan nya sa kalsada. basta pasaway, gusto kong businahan ng pagkalakas-lakas.

may na-encounter naman ako na tricycle driver na nag-counterflow, eh kaluwag-luwag ng kalsada sa kanan nya. gabi din yun. mabuti na lang nagpreno ako dahil kung hindi, gagastos talaga sya ng malaki. kung nagmumura nga lang ako malamang namura ko ng pagkalutong-lutong yung lalaking yun at nabusinahan ko din. basta madaming pasaway sa kalsada. kaya kailangan maging alisto, mapagbigay, at cool lang. minsan nakakapang-init talaga ng ulo pero wag mo ng dalhin sa labas ng kotse. hayaan mo na lang sila. kasi minsan kung papatulan mo pa baka ikapahamak nyo pa o ng sakay mo sa kotse. kaya yung mga mga naka-bright light sa gabi, nagrereklamo ako pero sa loob ng kotse na lang at hindi ko na ginagantihan ng two taps ng bright light. sa isip-isip ko, makakalagpas din naman yun sa akin. tsaka di ko naman din masisisi sila dahil ginagawa lang din naman nila yun for their own safety, dahil nga walang sindii ang mga ilaw sa poste dun sa probinsya. ang corruption nga naman.

practice lang ng practice sa driving. malalaman nyo sa sarili ninyo kung kaya nyo na. yun bang parang di ka na mapakali kasi gusto mo na talagang lumabas para magmaneho. at wag na wag nyong gagawin ang huminto sa pagdadrive lalo na sa mga frustrated driver. isipin nyo na lang... "kung nakaya ng ibang lady driver na magmaneho ng MT car sa daan, kaya ko din yun."

wangwang

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #248 on: May 27, 2014, 07:41:02 am »
Hay naku!

Ayaw ko ng magdrive, sobrang nakakastress! Kagabi nakasabit na ko ng tricycle!  Pano ba naman nakaliko na ko dumiretso pa din siya at talagang dumikit, di ko na natantya yung space, ayun, sumabit.
May mga sakay pa naman siya sa backride, umaray na nga at nagbabaan.  Buti na lang di sila nasugat or talagang naipit.  Parang ayoko na tuloy ulit magdrive at yun pa lang eh natakot na ko talaga. :-[


charge it to experience sis,gagaling ka din mag drive..

gorgeous_me

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #249 on: May 27, 2014, 10:27:18 am »
ako,kabado pa din sa uphill, paakyat o paatras tapos traffic pa, last time, need kong umatras kaso pataas, kasi bumwebwelo yung nasa harapan ko, sobrang dikit nya na sa akin, kaso, nung aatras na ako, umaabante ako, hays, hindi na lang ako gumalaw, tinignan tuloy ako nung guy na nagddrive, hirap, need ko pa din magpractice sa uphill...kinakabahan kasi ako bigla, kaya yun :(

wangwang

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #250 on: May 27, 2014, 12:52:49 pm »
ako,kabado pa din sa uphill, paakyat o paatras tapos traffic pa, last time, need kong umatras kaso pataas, kasi bumwebwelo yung nasa harapan ko, sobrang dikit nya na sa akin, kaso, nung aatras na ako, umaabante ako, hays, hindi na lang ako gumalaw, tinignan tuloy ako nung guy na nagddrive, hirap, need ko pa din magpractice sa uphill...kinakabahan kasi ako bigla, kaya yun :(

manual transmission,kung uphill...lagay mo na lang sa neutral ang kambyo,ready ka lang sa brake,kase aatras car,whether you like it or not..

automatic transmission..uphill pa din...lagay mo sa reverse and ready ka na agad sa brake..

note: syempre tingnan muna kung may sasakyan sa likod mo. na naka buntot lang din sa car mo.

gorgeous_me

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #251 on: May 27, 2014, 01:19:37 pm »
^MT sis, ok na ako sa mga uphill na hindi matatarik, LOL
pero kapag matarik, yun lang, hahaha, dati naabutan ako ng traffic sa uphill, nagneutral ako, tapos nung paglipat ko ng first gear, kinulang naman tapak ko sa gas, kaya namatayan, tapos, nung pinaandar ko ulit, namatay ulit, kasi mali naman yung pagrelease ko sa clutch.
kabado na ako non, kasi umaatras ako ng paunti unti, e may nasa likod ko, bumubusinan pa,haha. kasama ko naman kapatid ko, siya yung marunong na talaga, kaya sinasabihan nya ako, lakasan mo pa tapak sa gas, hindi ko daw kasi binibitawan pa ng konti yung clutch, kaya medyo, hindi umaandar pataas, yung may pumipigil, hahaha

hays, kalaban ko talaga yung kaba kapag uphill, lalo na kapag may nasa likod :( hindi ko pa carry yung matatarik talaga

kasabayan ko yan si sis geekchiq, pero mas magaling na siya sa akin, haha, araw araw siya atang nagddrive, ako thrice a week lang, nyahaha
« Last Edit: May 27, 2014, 01:21:43 pm by gorgeous_me »

wangwang

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #252 on: May 28, 2014, 12:29:40 pm »
^MT sis, ok na ako sa mga uphill na hindi matatarik, LOL
pero kapag matarik, yun lang, hahaha, dati naabutan ako ng traffic sa uphill, nagneutral ako, tapos nung paglipat ko ng first gear, kinulang naman tapak ko sa gas, kaya namatayan, tapos, nung pinaandar ko ulit, namatay ulit, kasi mali naman yung pagrelease ko sa clutch.
kabado na ako non, kasi umaatras ako ng paunti unti, e may nasa likod ko, bumubusinan pa,haha. kasama ko naman kapatid ko, siya yung marunong na talaga, kaya sinasabihan nya ako, lakasan mo pa tapak sa gas, hindi ko daw kasi binibitawan pa ng konti yung clutch, kaya medyo, hindi umaandar pataas, yung may pumipigil, hahaha

hays, kalaban ko talaga yung kaba kapag uphill, lalo na kapag may nasa likod :( hindi ko pa carry yung matatarik talaga

kasabayan ko yan si sis geekchiq, pero mas magaling na siya sa akin, haha, araw araw siya atang nagddrive, ako thrice a week lang, nyahaha

sis,mas madali kung naka handbrake kung uphill and na-traffic,sabay tinpla gas and clutch pedal,saka lang i-release handbrake.para hindi umatras car mo..guytalker here,

gorgeous_me

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #253 on: May 28, 2014, 03:48:53 pm »
^ay guy ka ba? kala ko girl, sorry :)

anyway, yan nga sinasabi nila e, yung tinuruan kasi ako sa driving school, hindi nya pinahawak yung handbreak sa akin, para daw masanay ako sa bilis ng paa, peroang tinuro nya yung may daya, habang tapak mo yung break, tska mo bitawanyung clutch gang working level, kapag feeling mo nakakagat na yung clutch, at hindi na aatras (mararamdaman mo naman siya, dahil yung car parang gusto ng tumakbo), biglang tapak sa gas

nakuha ko na yun dati, kaso, ngayon, nakalimutan ko na ata, kasi sinasanay ko na yung, papa-atrasin mo ng konti yung car, tapos aabante, hehe, yun lang nagagawa ko lang yun, kapag walang pressure sa likod ko, nyahaha

anyway, tatry kong practisin yung handbreak, hehe, sinubukan ko kasi dati,namatayan ako, haha

iamasinger

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #254 on: June 10, 2014, 01:49:32 pm »
^yan kaya ang ginagawa ko kapag uphill. yung nakaapak sa break tapos timpla ng release sa clutch then kapag umandar na ng konti apak na sa gas kaagad. hindi ako tinuruan sa uphill noong nag-aral ako sa driving school. husband ko lang nagturo sa akin nyang technique na yan kasi yan daw ang tinuro sa kanya. yung kapatid ko, ang dinemonstrate nya sa akin is yung naka-neutral at naka-handbreak. actually, problem ko yang uphill kapag traffic yung paakyat ng parking lot. alam nyo bang kahit malakas na loob ko magdrive, hindi na muna ako nagpupunta ng mall dito sa amin sa probinsya dahil sa traumatic experience ko. as in hindi talaga ako nag-aral at doon ko na-apply yung nai-share ng husband ko. good thing yung yaya na kasama namin eh nagche-cheer sa akin na kaya ko daw yun at wag daw ako kakabahan. but one of these days pupunta na din ako ng mall. :)

wangwang

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #255 on: June 10, 2014, 08:14:34 pm »
konting practice na lang mga sissies at gagaling din kayo mag drive,kahit na uphill pa yan and manual transmission ang gamit nyu na car..

geekchiq

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #256 on: June 10, 2014, 08:50:37 pm »
Hi sis gorgeous_me, ang tagal ko na rin di nakapagpost and nakapagupdate dito. It's been a year na pala since we started driving. May onting kaba pa rin ako uphill but manageable na. I use the handbrake method, release lang when feel ko na the car would move na. Dito ako sanay and confident so I would stick na lang sa method na to. Sometimes, I do the timpla na lang.

Parking ang kinakatakutan ko before. But I feel I have improved na on my parking skills. Before ayaw ko sumisingit in between cars, but now I prefer to park im between kasi mas diretso parking ko. Mas maganda estimate ko sa space compared to no cars beside me. hehe. :)

gorgeous_me

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #257 on: June 11, 2014, 11:33:23 am »
^I agree, mas ok kapag may car both sides, kapag nagpapark, hehe
sa uphill, haha, dami ko kasing kaba, although, hindi pa naman ako nakaka-atras, wag naman sana, namamatayan lang, hehe
yun lang, thrice a week lang kasi ako nagddrive e, hehe, kaya kahit 1yr na akong nagddrive, may kaba pa din, LOL, dami pang pasaway sa daan, grrrr

iamasinger

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #258 on: June 11, 2014, 07:30:40 pm »
ako naman, once or twice a week lang nakalalabas ng village pero no kaba at all and sometimes i would drive with one hand on the wheel while the other hand is on the stick. minsan nakikipagkarera pa sa UVEx van hahaha. yun nga lang pumapalag nanay ko, wag daw akong makisabay. yung ginawa ko dating uphill sa parking is  executing the theory kumbaga, wala ng practice-practice, lakasan lang ng loob hehe. kaya ayun, busina to the max ang inabot ko. pero gusto kong matutunan yang handbreak method. sana meron akong makita sa youtube ng actual demo nyan.

gorgeous_me

  • Guest
Re: :(Frustrated lady driver? thread 2
« Reply #259 on: June 11, 2014, 08:29:13 pm »
^haha, ay ako din, isang kamay na lang sa steering wheel tapos yung isa sa stick, kakatuwa nga e, yun lang talaga ang weakness ko pa din ang uphill, kaya balik ako sa pinapakagat yung clutch, ang pinapractice ko kasi, yung ginagawa ng taxi driver, yung mahuhulog ng konti, hehe, kaso mukhang hindi ko pa carry, lol, ok lang kung walang pressure sa likod ko, haha, hindi ko pa magawa yung sa handbreak, break talaga ako nasanay, nyahaha

 

Latest Stories

Load More Stories
Close