hi mga sis, share ko naman ang experience ko about walker, 7 months old ang baby ko when she use walker, pro sandali lang siya nag-stay dun, naiinip agad, about 30 mins per day lang, or twice a day, for 2 months lang namin nasulit. Tapos nabasa ko dto na ndi advisable ang walker, and mejo delikado pag di nabantayan ang bata, which is na-observe ko sa baby ko, kasi minsan nkita ko sha na naka-labas na yung half ng katawan nya sa walker, nakatukod ang isang kamay sa floor dahil inaabot nya yung gulong, buti naagapan. Kaya nagsisi ako, sana push along walker nalang binili ko, kasi napansin ko sa knya kapag tinuturuan ko sha lumakad naka-tip toe sha lagi so madalas sha natutumba, e sa walker gnon lagi ginagawa nya kasi alam nya na kahit matumba sha may sasalo sa kanya. Na-icompare ko din sha sa anak nun friend ka na ahead ang baby ko ng 1 month, pro mas nauna makatayo mag-isa yung baby nya, and mag-balance ng sarili nya pag di nkahawak, di nagwalker yung baby nya kasi maliit lang space nila kaya hinahayaan lang daw nya yung baby nya mag-crawl ng mag-crawl hanggang natuto tumayo mag isa at mag-balance. So sabi ko sa walker nga siguro kasi nasanay baby ko na kahit ibagsak nya katawan nya my naka-salo lagi. Gusto ko na bumili nun push along walker kaso ayaw ni hubby kasi nga madali magsawa si babay bka ilang gamitan lang ayaw na, e ang mahal pa naman nun. Kya nag improvise nalang ako, yung plastic chair ang ginawa kong push along walker pinapatulak ko sa baby ko while naka-alalay ako sa chair at sa kanya, tpos practice kami na unti unti ko sha binibitawan pag pinapalakad ko nun una natatakot at umiiyak pag binibitawan ko. After a week lang natuto din nman na sha mag-balance ng sarili nya, for 10 seconds nakakatayo sha ng di nakahawak tpos kinabukasan, nakakahakbang nadin ng mga 1-2 steps. Then next day mga 4 steps na nagagawa nya. Then I found out na yung baby ng friend ko na nauna matuto tumayo at magbalance, ndi pa pla marunong humakbang-hakbang, nag-crawl lang sha lagi, hahanap makaka-pitan to pull himself up tapos bibitaw pra mag-balance puro ganon lang daw. yung baby ko kasi bago sha matuto mag-balance, lakad na sha ng lakad while holding into furnitures, un lang takot bumitaw. So naisip ko may tulong din kahit papaano ang walker nya, kasi natuto siya humakbang, wag lang siguro hahayaan at iaasa sa walker pra matuto maglakad si baby. Kay yung friend ko na yun, e ngayon pa lang bumili ng walker pra daw masanay baby nya humakbang.