watch now

Author Topic: bakit kayo nag resign sa job nyo?  (Read 143562 times)

Fluffyheart

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #300 on: October 28, 2014, 07:48:23 pm »
Ok naman yung pay, kasi commission basis. Hindi mo na papansinin yung basic. Kaso hindi maganda ang management, hindi binibigay yung kabuuan ng commission namin. 6 days a week ang pasok, minsan 7 pag hindi ka alaga ng supervisor. Ubligadong magduty ng Linggo. So ayun, may favoritism. Every Monday morning may meeting. Every Tuesday evening may meeting din. We work 7 days a week (occassionally) more than 8 hours (most of the time!) a day with no OT pay. We work even on holidays. Pahirapan pang magleave. San ka pa di ba?
Colleagues were great, spontaneous, and game talaga sa lahat. Halos lahat friend ko kaya wapakels na lang sa mga back stabbers. Yun nga lang dadating talaga sa point na maiisip mo hindi sulit yung perang kinikita mo pag hindi ka na masaya at sobrang stressed ka na.

mayumi18

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #301 on: September 06, 2015, 12:19:31 am »
I left my last job in PH dahil sa di ko  matagalan ang bosses ko, mag asawa sila. Ang wife ng owner is a lawyer by profession who claims na alam na alam nya ang trabaho ko. I really donnt like her style, medyo may halong pangiinsulto na kasi. Total humiliation talaga so I ended up leaving the company. Then when I got my last pay several months ago, she asked me if saan na ako nagwowork and when she learned kung saan ako nagwowork, she made a very insulting comment -- "Ikaw? Manager ka sa (a well known MNC), di ka naman marunong magcompute ng tax mo. " I just brushed it off, flip my hair, got hold of my paycheque, smiled and left. Bahala sya sa buhay nya. Manghamak man sya, wala na sa akin yun cos Im in a better job now.

ubermame

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #302 on: September 06, 2015, 03:49:19 pm »
sa 1st job ko - high-risk pregnancy, bed rest ako the whole term.

RoughLady

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #303 on: September 07, 2015, 02:23:59 pm »
not professionally challenge

mysterioza_me

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #304 on: September 08, 2015, 08:40:48 am »
Feeling ko underpaid ako sa bigat at stress na inaabot ko sa previous job ko. I came to a point na hinihila ko na lang sarili ko at iniiyakan ko na pagpasok kaya I left the company after almost 3yrs. Sobrang mapulitika pa kaya ang bagal ng growth paghindi malakas ang kapit sa itaas.

No regrets naman since I am so happy with my current company ;D

donya_dyosa

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #305 on: September 24, 2015, 03:47:11 pm »
1st job - 2 yrs assistant Bldg Administrator ng isang high class condo. kalma lang; maliit ang sweldo di ako yayaman don
2nd  job - 4mos tour guide at manila ocean park; kami ang pioneer. di pa nagoopen ang MOP nandun nakami.. pero nakita ko na (sorry) ang pangit ng park na ito dami bad reviews and i didnt want to associate my name with them.
3rd job - 3 yrs Admin assistant/Receptionist (Makati girl) sa lahat ng job ko. ito fave ko; kalma lang ok sweldo hawak ko oras ko when i do BIR/SSS works.. but sadly boboneska ang business manager nagalit ang may ari.. nagclose ang company
4th job - 11 mos BPO na VXI - western union money transfer ; i hated it, para kaming nanloloko ng tao dahil sa mga security reasons nila
5th job - 3 yrs BPO (united airlines flight attendant support) isa sa the best na company ang united. magaling ang sistema nila when it comes to handling calls; but i had a call from ADP at ang laki ng offer; i grabbed it.
6th job - 4 mos ADP and sadly, paresign nako.. my MOM is sick na. everyones telling me to chose MOM over work.

khaleesiCersei

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #306 on: September 24, 2015, 06:16:03 pm »
10 yrs bpo. Hindi na masaya. Hindi na maramdaman ang value mo as an employee sa kanila. Wala ng challenge. Tried to apply for promotion pero politika ang nagwagi hehe. Alam mo yun pakiramdam na alam mong napromote lang yun iba kasi close kay ganto ganyan. Pero pag tiningnan mo kung pano sila magtrabaho eh mapapakamot ka na lang sa ulo

wandergirl1980

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #307 on: September 24, 2015, 06:46:26 pm »
1st job - more than 2 years ako sa company. di nagbabayad ng tax yung employer ko eh gusto ko may ITR ako.

2nd job - BPO...nainis ako sa manager ko dahil di na niya ako ini-include sa decision making involving my own team (ako ang TL) since bumalik ako from my maternity leave.

Since 2010 I freelance from home na...happy naman ako :)

airwaterfire

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #308 on: September 25, 2015, 10:21:53 pm »
After almost 11 years, mag resign na ako para makalipat na sa serbisyo publiko.
haha

superpinya

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #309 on: September 26, 2015, 01:01:51 am »
4 years in an IT company. Patayan na sa OT, 14-16hr a day, 6 days a week hung 3rd yr and 4th yr ko. Yaw na. Hahahahaha. Lumipat IT company pa rin, mejo mas may time to pursue other things. :) hopefully tuloy tuloy :)

RoadrunnerXCX

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #310 on: September 26, 2015, 11:55:30 am »
underground pala.. walang Business permit wala kaming mandatory government benefits like SSS, Philhealth etc.  Korean school  ;D

RoughLady

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #311 on: October 23, 2015, 02:45:44 pm »
Hi sisses, needed your advice. Actually, bago pa lang ako dito mag 1month palang, but i've heard employees that their govt mandated benefits were not remitted.Iyong isa 8mos na here yet walang posted sa sss online account niya. Ok lang bang maghanap na ko ng bago yet nakaindicate sa resume ko itong present ko? I have valid reasons naman if ever diba?
« Last Edit: October 23, 2015, 03:38:45 pm by RoughLady »

crzysxycl

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #312 on: October 24, 2015, 10:46:27 pm »
1st job - bwiset ang boss, walang laban mga rank and file kahit boss ang mali. sobrang liit ng sweldo!

2nd job - lumayo yung office, tagal ng byahe ko lagi

3rd job - bwiset uli ang boss, mag kamag anak ata sila ng boss ko sa 1st job

4th job - lagi nalang ako naaassign sa malayong office nila. Ayaw ako ilipat ng project para sana sa medyo malapit akong office mapunta. epal din ang team lead dito, parang hindi nag leadership training.

Sa current job ko nakaka 3yrs na ako, kahit gusto ko pa sana mag stay, parang hindi ko na kakayanin ang stress level sa current project ko.

mysterioza_me

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #313 on: October 24, 2015, 11:40:28 pm »
^try mo muna siguro magpaalam for LOA sis para mas makapag-isip ka, mahirap gumawa ng pabigla-biglang desisyon just because natalo ng stress. Mas makakapag-isip ka mabuti kung stressfree ka

crzysxycl

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #314 on: October 25, 2015, 08:25:10 am »
^feeling ko sis yan din offer sa akin ng HR pag nagsabi akong mag reresign ako - LOA. kaso sis wala atang pay pag naka LOA. di man lang din nila kasi maisip kung sapat pa ba yung sahod compared sa dami ng tasks nung tao.

mysterioza_me

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #315 on: October 25, 2015, 09:13:50 am »
Yup unpaid nga ang LOA but if you still have some unused VL's pwede mo naman gamitin yun. And pakiusap sana naman wag ka nila istorbohin sa panahon na nagrerelax at nag-iisip ka

crzysxycl

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #316 on: October 25, 2015, 10:46:04 am »
^ewan ko sis, parang dead end na talaga to.. konti nalang leaves ko at naka sched na rin lahat ngayong 4th qtr. Diskartehan ko nalang siguro makapag apply pag naka leave.

mysterioza_me

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #317 on: October 25, 2015, 05:25:16 pm »
^Oo nga pala agawan na ng dates (of leave) pagganitong season. Sa previous work ko ginagamit ko na lang as SL pagpuno na slots lol, sobrang tamad ko na talaga pumasok dun, literal na iniiyakan ko na ang pagpasok.


crzysxycl

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #318 on: October 25, 2015, 09:03:10 pm »
^nakaka relate ako sis dyan sa iniiyakan ang pagpasok, lol. like ngayon, diba sunday, naiisip ko kailangan nanamang pumasok bukas, haaay. minsan 7am na pero nakaupo pa rin ako sa sala, parang wala na akong paki kung ma late man ng pasok. Kaso minsan hirap din pag late kasi pag marami tasks, kailangang mag OT. kainis lang!

mysterioza_me

  • Guest
Re: bakit kayo nag resign sa job nyo?
« Reply #319 on: October 25, 2015, 09:33:49 pm »
^ako lagi may sermon pero wapakels na, then nung nagrerender na lang ako lagi ako late and absent kasi nga nag-apply na ko sa iba and nag-aayos na ng requirements. Sabi ng sup ko baka materminate pa ko sa ginagawa ko e pa-resign na ko. Sabi ko nagpapaalam ako magterminal leave dahil nga busy na ko tapos ngayon isusumbat ninyo lates and absences ko. Maldita na talaga ako nun dahil ayaw ko na sa work ko. Ang hirap magtrabaho kung di mo na gusto ginagawa mo.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close