true ka diyan mr punch...:-)
sis mchristine, madugong biyahe yan, i am telling you right now...ginawa yan ng mga kasama namin nung pumunta kami ng vietnam-cambodia...kami kasi PAL pero 5 or 6 days yata kami, pero sila yan Cebu Pac, ganyan na ganyan ang sked...nagkasabay lang kami nung papunta ng cambodia, pagod na pagod sila...tulog na tulog sila sa biyahe (12 hrs), di nila akalain na from their flight (manila), eh nag-wait lang sila ng certain hrs for the bus ride to cambodia...sa bus terminal kasi sila nag hintay na lang, di muna sila nag-check in sa hotel, kasi sayang din...medyo umuulan pa nun, kaya natagalan kasi sa pagtawid sa river nun...tapos kita mo na windang ang mga beauties nila...:-) then dumating na kami ng Siem Reap mga around 7 or 8pm yata, pero may nangyari sa bagahe nila...
oo nga pala, huwag kayong masyadong magdala ng maraming bagahe, kasi magche-change kasi ng bus, pagdating sa PP, so ililipat nila yung mga kargamento sa kabilang for the 6 hrs drive to SR...eh since yung mga kasama nga namin eh straight from manila, ang dami nilang mga bagahe dala...kami kasi we were in vietnam for 2 days na, so iniwan na lang namin yung bagahe namin sa hotel, and naka-backpack lang kami...nung pagbaba namin ng SR, napansin ng kasama namin na nawawala literally yung bagahe niya...as in...panic mode tuloy...buti na lang, at mababait ang mga tao sa cambodia, naiwan siya sa bus terminal, hinde nasama sa paglipat ng bus...naibalik naman yung bagahe the ff day na,kaya nung gabi na nasa SR kami, nag-night market na kami dahil wala siyang damit talaga...
then yung pagbalik ng vietnam, may konting nangyari sa amin, medyo late yung pagbalik ng vietnam, kasi matraffic tapos medyo nasiraan yung bus namin, kaya yung isang nakasama namin sa bus na japanese yata yun, nahuli sa flight niya na hinahabol sa vietnam...
kaya magbigay ka sis ng leeway for this...kundi mahirap na maiwanan ng airplane...:-)