watch now

Author Topic: Childhood Maling Akala  (Read 81998 times)

jhaydee282

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #240 on: March 21, 2013, 08:26:03 pm »
Noong bata ako paniwalang paniwala ako na tuwing umaambon kahit nakatirik ang araw eh may kinakasal na demonyo. haha ewan

Fluffyheart

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #241 on: March 23, 2013, 05:20:26 pm »
Nung elementary ako, akala ko mature na ang mga HS. Hindi naman pala.
Nung HS ako, akala ko mature na ang mga college. Hindi naman din pala.
Nung college na ako, aba e kahit pla mga professors at working people na, hindi pa rin pala mature.

green-aholic

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #242 on: March 23, 2013, 10:15:58 pm »
^same tayo sis! yan din ang buong akala ko! nung hs nga, senior year, feeling ko ang tanda tanda na namin. looking back those times natatawa na lang ako. haaay.. buong akala ko talaga ang tanda ko na, not realizing its only now at 26, that i'm getting matured and old. :D

sweetcris

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #243 on: April 25, 2013, 08:42:07 pm »
Nakakatuwang basahin ang thread na to! ;D

-akala ko noon nanganganak talaga ang kisses
-tutubo ang kahit anong buto ng prutas na nalunok mo sa tiyan.
-pag may sugat, lalabas dun ang kanin at yung iba mo pang kinain
-mabubuntis na agad pag hinalikan ka ng boy
-santa claus, inaabangan ko talagang dumating yan pag pasko

stacies83221

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #244 on: April 25, 2013, 09:34:11 pm »
^hahaha same tayo sweetcris. Nakalimutan ko rin i add dun sa earlier post ko na kapag hinakbangan ka ng iba (yung nakahiga ka tapos may hahakbang over sayo) eh di ka na lalaki. And yung mga anthill eh bahay ng duwende at pag dadaan ka malapit dun eh dapat nakakagat ka sa dila mo. :)

bpa

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #245 on: April 25, 2013, 10:30:26 pm »
@ Fluffyheart super agree. pag nakikita ko yun hs students nung elementary ako feeling ko matanda na sila. same nung hs na ko, parang matanda na yun college students. same pa den nun college na, feeling ko pag working ka na parang matured ka na talaga. di nga totoo yun. now na nasa working stage na ko feeling ko naman sobrang bata pa pag college student.

sobrang maling akala ko nun bata pa ko na pag matanda ang nagsabi parati tama, may sense. now i know better. hehe.

 

iamgold

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #246 on: May 05, 2013, 01:09:27 pm »
-akala ko din nanganganak talaga ang kisses
-tinanong ko kuya ko dati kung humahaba ang buhok ng barbie sabi niya oo daw..ayun lahat ng barbie ko ginupitan ko ng buhok kase hahaba naman daw.ayun nag iiiyak na ko nung dalawang buwan mahigit na eh boy cut pa din buhok ng barbie ko..ang ending napilitan akong ibili ng mama and papa ko ng mga barbie kapalit nung mga barbieng nagupitan ko
-pag umuulan akala ko talaga may tikbalang na kinakasal as in yung sa isip ko yung kasal na naka wedding gown talaga.tinatanong ko pa si mama kung saan yung kasalan kase pupunta ako
-akala ko pag mahal na araw pag nasugatan ka matagal daw gagaling sugat mo

Hanna1

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #247 on: May 18, 2013, 10:39:59 pm »
-akala ko din nanganganak talaga ang kisses
-tinanong ko kuya ko dati kung humahaba ang buhok ng barbie sabi niya oo daw..ayun lahat ng barbie ko ginupitan ko ng buhok kase hahaba naman daw.ayun nag iiiyak na ko nung dalawang buwan mahigit na eh boy cut pa din buhok ng barbie ko..ang ending napilitan akong ibili ng mama and papa ko ng mga barbie kapalit nung mga barbieng nagupitan ko
-pag umuulan akala ko talaga may tikbalang na kinakasal as in yung sa isip ko yung kasal na naka wedding gown talaga.tinatanong ko pa si mama kung saan yung kasalan kase pupunta ako
-akala ko pag mahal na araw pag nasugatan ka matagal daw gagaling sugat mo

tawa ako sa barbie part sis. haha
ginupitan pa kasi talaga


xhawie0131

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #248 on: May 23, 2013, 04:11:37 pm »
 here's mine:

 - sabi ng lola ko pag natulog ako ng walang hapunan, babangon ang ispiritu ko at kukuha ng pagkain at hindi na raw makakabalik ang ispiritu sa katawan ko kasi natabunan na ng takip ng kaldero. kaya takot na takot ako na kahit antok na ako or walang gana, pinipilit ko pa ring kumain..hehe..
 - halos mamatay ako sa iyak nung ang months ko pa lang na kapatid ay nalunok ang ibinigay kung bubblegum kasi nga didikit sa sikmura. pero bad parin kasi baby pa nga eh..lol
 - akala ko may totoong tao talaga na maliit sa loob ng tv
 

 :)

SOFIEMAE

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #249 on: June 18, 2013, 12:07:43 pm »
funny kakawala ng antok at stress :)

1 bawal daw matulog ng basa ang buhok kasi mabubulag :)
2 pag hindi natulog sa tanghali hindi na tatangkad
3 pag kumukulog nag bobowling si san pedro
4 pag nagkasugat sa mahal na araw hindi na gagaling
5 pag bagong taon tumalon para tumangkad (ginawa ko naman every year pero hindi ako tumangkad bwahaha)
6 pag nagkipag away sa kalaro walang gift kay santa claus sa pasko :)

gracita13

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #250 on: July 28, 2013, 07:10:24 pm »
-yung kapag naglalaro ako sa labas tas aambon magdu-drawing ako ng sun sa kalsada para huminto daw at makalaro ulit.
-the moon follows me  :P

*napaghahalatang taong labas ako nun* tee hee!
« Last Edit: July 28, 2013, 07:30:01 pm by gracita13 »

cloudzy_09

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #251 on: July 28, 2013, 07:27:52 pm »
Yung isdang galunggong akala ko dalagang bukid kasi yung lola pag nag babakasyon kami sa house niya ang binibili niya galungong para tipid at sinasabi niya dalagang bukid yun. College na ako noong na discover ko na niloko pala ako ni lola ;D

gracita13

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #252 on: July 28, 2013, 07:32:45 pm »
meron pa pala haha!
akala ko yung mga nurse pag napromote nagiging doctor  :P

nights

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #253 on: July 31, 2013, 01:15:14 am »
nung bata ako narinig ko yung kasabihang kung anong puno siyang bunga tapos napanood ko pa yung movie na Family Tree...

ang resulta? nagtanim ako ng pera: mga barya. hahaha!

tinanim ko pa malapit sa poso kasi naisip ko para sa mga araw na hindi ko madiligan hindi mamatay yung halaman. pero kahit anong dilig ko walang nangyari  :P

ri-anne

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #254 on: August 06, 2013, 12:07:36 pm »
lol! kaaliw naman reading all these pages... ;D
makes me realize how very imaginative at madali pa paniwalain mga kids...
and made me realize mejo i only have 2:

-the seed thing (tutubo inside you pag nakakain ka ng seed, lalabas sa tenga,ilong, bibig [textspeak!] mga branches..gross)
-pwede makabuo ng baby with the clothes still on, & w/ just a kiss (then when i later realized the truth, from my older sis, when i was 9, panay ang "yuck!!" ko ;D at sabi ko pang ayoko mag-asawa..:))

for my own kids naman, i tell them the truth talaga..si hubby yung nag-iinstill sa kanila (like, pag may sugat may lalabas na tren etc lol!!) pero kinokontra ko & explain the truth (pano mgkakasya tren dyan?? only blood will come out)...ang corny ko nga daw eh  ;D

naalala ko tuloy when m y daughter's 1st tooth came out, i told her to put in under the pillow then the tooth fairy will give her a dollar. she did, so tuwa sya may dollar sya.
nung 2nd tooth nya, nakalimutan kong kunin under the oillow so wala syang coin. the next morning, she said "mom you forgot to give me a dollar..you're the tooth fairy, right?" ;D  ooopss..ot na...im just curious what my kid would be saying when they're older :)

green-aholic

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #255 on: September 17, 2013, 07:33:11 pm »
nung bata pa ko akala ko pag teacher nagpapalit ng name. nung time na yun, gaganda ng mga pangalan ng teachers ko, parang mga pang artista. screen name ba. kaya nung bata ako nag iisip ako ano yung akin since gusto ko maging teacher kuno paglaki ko. natatawa na lang ako pag naaalala ko. hahaha.. parang 6 yo ako nun eh, nakahiga pa nga ko sa kwarto at me dala dala akong ballpen at notebook.

domestic diva

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #256 on: September 24, 2013, 11:52:53 am »
Love this thread!

Akala ko noong bata ako, my dad was working part time sa isang game hall. May billards, pin ball machines
And table top games. Akala ko kita ng daddy ko lahat ng pera sa kaha kaya kuha lang ako
Ng kuha ng coins para maglaro sa mga games. Hindi pala. Kaya pala ayaw ng dad ko na magpunta
Kami doon. Hahaha

chicafabulosa

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #257 on: September 24, 2013, 11:59:45 am »
Akala ko before oag nagholding hands or nahawakan ng boy ang kamay ng girls nabubuntis na..

huggykaye

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #258 on: September 24, 2013, 12:22:30 pm »
-yung kapag naglalaro ako sa labas tas aambon magdu-drawing ako ng sun sa kalsada para huminto daw at makalaro ulit.

madalas ko din gawin yan nung bata! haha! nagtatampo ako pag ayaw tumigil  ng ulan LOL

tuwing Halloween madalas magluto ng ginataang bilo-bilo tapos maglalagay ng isang bowl sa may pinto sabay ng kandila para daw sa mga kaluluwang bibisita...
pag check ko sa umaga wala na [textspeak!] bowl akala ko talaga kinain ng kaluluwa =S LOL

gracita13

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #259 on: September 24, 2013, 01:12:30 pm »
^hahaha
dati din pag pumupunta kame ng divi ni mama nadadaanan namen yung CEU school (CENTRO ESCOLAR UNIVERSITY ) akala ko mga escolar lang pwede mag aral dun  ;D ;D ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close