watch now

Author Topic: Childhood Maling Akala  (Read 82013 times)

ice angel

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #200 on: October 28, 2012, 01:24:57 pm »
Pag nag point ng moon using finger magkaka paper cut ears.
Pag Ndi naubos food magagalit Ang god of thunder at tatamaan ka.
Haha... Super kulit!

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #201 on: October 28, 2012, 01:37:29 pm »
add ko:

- dapat yung kinakaing kanin titingnan talaga na wala ng palay, kasi pag nalunok mo yun baka lumago yung palay sa tiyan mo. hahaha

x-y

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #202 on: October 30, 2012, 11:01:32 pm »
Akala ko pag nakalunok ka ng buto (seed), tutubo siya sa tyan mo. LOL!!


jamien

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #203 on: October 31, 2012, 08:03:02 pm »
Akala ko pag nakalunok ka ng buto (seed), tutubo siya sa tyan mo. LOL!!

Ako akala ko mamatay ako.  ;D

JakeTheDog

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #204 on: November 02, 2012, 08:42:42 pm »
Manganganak ang kisses pag nilagay sa bulak.

FayeP

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #205 on: November 02, 2012, 08:56:15 pm »
^hahhaha ginawa ko din tong kisses sa bulak...

nun maliit ako:
-akala ko talagang nangingidnap un mga sisters ng missionaries of charity pag pumupunta sa lugar namin, panakot lang pala sa makukulit
-puputi ang buhok pag natulog ng basa ito
-totoong nagsasalita mga sesame street characters
-lumalaki daw ang mga batong buhay pag binabad sa tubig

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #206 on: November 02, 2012, 09:32:20 pm »
^tapos di ba powder ata yung pagkain nila.  ;) pwede pa nga atang magpanganak ng buntis na kisses eh. parang wala ng masyadong nagtitinda nun ngayon.

FayeP

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #207 on: November 02, 2012, 09:38:30 pm »
-sa mga tindahan malapit sa mga elementary school meron, may mga bata pa atang nagogogyo sa kisses

dati nga paramihan pa kami nun eh tapos pipili ka ng paparamihin....

-isa pang maling akala, akala ko mag asawa talaga sina annie at alexis...


Hanna1

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #208 on: November 07, 2012, 09:16:05 pm »
akala ko yung damo pag niluto
magiging sotanghon.

--tinanong ko kasi dad ko noon,
saan niya kinuha/binili iyon kasi masarap .
sa sobrang kulit ko kakatanong
itinuro niya yung damo..

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #209 on: November 07, 2012, 10:55:10 pm »
^sis natawa ako. ang layo.   ;D

and daddy mo ha, of all things na ituro.  ::)

jiskel

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #210 on: December 02, 2012, 02:27:28 pm »
He he he sari-saring pananakot talaga sa atin. noong bata tayo.  Eto naman ang sa akin
- huwag ipapasok ang daliri sa buto ng nilaga o bulalo, mabubulok ang daliri mo
- kapag nagtahi ka sa gabi, kakalawangin ang needle.  Kaya ang mga sewing projects ko noon at cross-stitch hindi puwede sa gabi
- kapag kumanta ka habang nakaupo sa toilet, makakapag-asawa ka ng matandang bakulaw
- ang mga tatay namin ang humukay sa ilog.
- yung mga parang tore na semento (hindi ko pa rin alam kung para saan yon) inuman daw yon ng mga pilotong nagpapalipad ng eroplano para huwag silang mauhaw
- sa unang mens mo, tatalon ka sa tatlong baitang ng hagdan para 3 araw ka lang magkakaroon
« Last Edit: December 02, 2012, 02:30:01 pm by jiskel »

muy003

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #211 on: December 18, 2012, 06:14:39 pm »
Na ang great grand dad ko ay kinain ng pating once upon a time na naglayag sya sa karagatan...

Opium overdose daw talaga.

Still, nag overdose, hilo, naglayag, di nakaiwas sa pating >> pinainindigan ng elderly.

mixxy16

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #212 on: December 25, 2012, 10:05:35 pm »
Kung ilan yung white marks sa nails, ganun daw kadami yung may crush sayo.

At saka yung pag nakaclose yung fist tas may pinipisil sa may wrists , kung ilan yung makikitang parang small na bukol e ganun daw kadami yung magiging anak.  ;D

cheskacruz

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #213 on: December 25, 2012, 10:53:33 pm »
Hahahaha... Super laughtrip ako sa thread na ito. Ito naman sa akin mga sis:

1. Sabi ng lola ko, kapag hindi raw ako kumain, sasakit daw ang tiyan ko kasi yung malaki kong bituka kakainin yung maliliit kong bituka... Jusmio takot ko lang nuon, kasi pag naubos raw yung bituka ko puso ko naman ang kakainin...
2. Kapag hindi ko raw inubos yung pagkain ko sa plato, yung mga kanin daw aakyatin ako sa kama at kukunin ako sa gabi
3. Ang kisses ay nanganganak
4. Kapag hinakbangan ka ng kalaro mo or ng kahit sino hindi ka na lalaki, kaya dapat hakbangan mo ulit sila, kaya ang ending nag-aaway-away kami ng mga kalaro ko at kapatid ko. Hahaha
5. Kapag may nakalimutan ka raw sabihin, (yung hindi mo maaalala pero parang nasa dulo na ng dila mo) ilagay mo raw yung dalawang kamay mo sa kili-kili mo hanggang sa maaalala mo yung sasabihin mo
6. Kapag nahawakan ng lalaki ang kamay mo, mabubuntis ka na - kaya hinahampas ko mga kalaro kong lalaki nuon dahil bawal sila dumikit sa akin - mga 5 years old ako
7. Kapag nag-make face ka raw at mahipan ng masamang hangin yung mukha mo, hindi na raw babalik sa normal

Yan lahat ay sabi ng lola ko... Hahaha... memories of our childhood.  ;D
« Last Edit: December 25, 2012, 10:55:42 pm by cheskacruz »

Miss Charcoal

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #214 on: December 25, 2012, 11:11:57 pm »
^sis, ano ba talaga ang meron sa kisses?

1. pag nagkiss ang boy at girl, mabubuntis si girl.
2. pag marami kang kuto, ililipad ka nila sa gabi.
3. pag kinamot ang pusod, sisirit ang dugo. hahaha

douxmadchen

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #215 on: January 04, 2013, 01:37:54 pm »
1. Sabi ng lola ko, kapag hindi raw ako kumain, sasakit daw ang tiyan ko kasi yung malaki kong bituka kakainin yung maliliit kong bituka... Jusmio takot ko lang nuon, kasi pag naubos raw yung bituka ko puso ko naman ang kakainin...
2. Kapag hindi ko raw inubos yung pagkain ko sa plato, yung mga kanin daw aakyatin ako sa kama at kukunin ako sa gabi
3. Ang kisses ay nanganganak

7. Kapag nag-make face ka raw at mahipan ng masamang hangin yung mukha mo, hindi na raw babalik sa normal

Haha. Eto rin mga sinasabi ng di lang lola ko pati dadi ko. Kainis. Eto pa:

-Pag naligo ka after 3pm ng Black Saturday, mababaliw ka (so kami ng mga kapatid ko noon, ligo kaagad or di na maliligo pag di na umabot)

-Yung baby tooth mo na natanggal dapat itapon sa bubong para mapalitan daw pag hindi, bungi ka na forever

-Ang mga lalaking may suitcase daw na nakaporma, kidnappers daw yung mga yun tapos gagawin kang chop chop baby (siguro para di lang kami kumausap ng mga strangers)

-Kapag umuulan tapos may araw pa rin, kinakasal daw ang mga tikbalang

-Kapag tumingin ka ng directly sa moon, kukunin ka raw ng witch

-Ang mga laruan nabubuhay kapag tulog ka (parang toy story lang so ako naman si t*nga, nagtutulugtulugan palagi tapos binabantayan ko toys ko)

Haha. Actually madami pa pero di ko maalala ngayon. Haha. Nakakatuwa naman.

younis

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #216 on: January 04, 2013, 03:16:44 pm »
nung bata pa ako kapag sinabing baka makunan, akala ko bawal magpakuha ng picture ang buntis kundi makukunan hahaha!  ;D ;D ;D ;D

younis

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #217 on: January 04, 2013, 03:53:32 pm »
^ang alam ko sis, dogs can sense our feelings talaga.

maldita29

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #218 on: January 04, 2013, 04:03:30 pm »
akala ko dati pag replay ang palabas sa tv inuulit talaga nila lahat ng scenes, as in inaarte ulit. bilib pa ko kasi wala man lang pagkakaiba! hehe. effort!

Xania G

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #219 on: January 04, 2013, 04:39:24 pm »
kala ko dati yung mga baby pag pinapanganak sa pusod ng mother lumalabas. haha

 

Latest Stories

Load More Stories
Close