watch now

Author Topic: Childhood Maling Akala  (Read 82071 times)

tomatostellar

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #180 on: September 07, 2012, 09:28:29 am »
tawang tawa ko sa mga posts nyo,,

 ako naman naniwala ako sa friend ko nung sinabi nyang madami daw syang toys nung nagpunta sya ibang bansa kaso nahulog sa window ng plane!
>_<


kookieandcookies

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #181 on: September 28, 2012, 09:46:06 pm »

Pag kumain ng kambal na saging (yung magkadikit) kambal ang magiging anak

chemarie

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #182 on: September 28, 2012, 11:08:46 pm »
Elementary days...
1. Akala ko dati kaya nabubuntis ang mga babae ay dahil nilagay ni Jesus ang baby sa tiyan nila.
2. Akala ko dati "dumi" ng lamok ang earwax. Sabi kasi ni mama, cr ng lamok ang tenga. o_O
3. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng salitang "crush" dati, akala ko bad word 'yun. Kasi noong inaasar ako sa ganyan, umiyak ako. Lol. :))

jaded1025

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #183 on: September 29, 2012, 06:27:09 pm »
^nung grade 3 ako, kinukulit ako ng classmate ko sino crush ko..ayun inaway ko! Haha! Akala ko kasi pa may crush na, mag-aasawa na agad! Eh sabi pa naman ng mama ko after college pako pwede mag-asawa! Haha!!

pinklilac

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #184 on: September 29, 2012, 07:00:41 pm »
1. nakakabutas ng mukha raw ang pagkain ng itlog ng isda dahil yan lagi sinasabi ng tatay ko. ayun pala paborito nya at ayaw nya may makaagaw.hehe

2. akala ko noon ang buhay sa ibang bansa ay parang paraiso. nakow!! hindi pala.


twelve5

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #185 on: September 30, 2012, 03:12:29 am »
1. Santa claus

2. tooth fairy

3. 3 Kings (like santa give gifts but on day of the 3 kings naman)

4. Thunder = st peter playing bowling (pag sobrang lakas = strike)

5. Wag iiyak pag may sugat para di lumabas yung kanin na kinain mo (salamat sa yaya. Hehe)

6. Pag tuming ka sa mata ng may sore eyes mahahawa ka

7. Head lice = liliparin ka ng hangin (kaya sobrang takot ako sa classmate ko nung elementary. She has long hair na may lice daw per ibang classmates ko.)

8. Playing crosseyed + masamang hangin = permanent ka ng duleng/duling

9. Babies are delivered by the stork

10. Kiss on the mouth = preggers

11. Easter bunny

12. Smokey mountain = real mountain (not tambak ng basura)

13. Chocolate hills = are made of real chocs (excited pa naman akong pumunta, hehe)

14. That 30 is old.  :P
 
Add ko pala:

15. May maliliit na tao sa loob ng tv.  ;D ;D
« Last Edit: September 30, 2012, 03:15:18 am by twelve5 »

patchi2012

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #186 on: September 30, 2012, 06:49:54 am »
--that clouds are made up of cotton
--may lalabas na pari na pugot ang ulo pag di pinalinis ang sugat
--totoo ang fairies at sila ang reason kung bakit namumulaklak ang halaman
--morning dews ay pawis ng halaman
--pag may cheque ka, mayaman ka na
--masarap ang snow at pwedeng kainin  (really do this on the first drop of flurries, silly)
--wag maligo ng tanghali or every friday, mauusog
--mabubuhay ang buto sa loob ng tummy once nalunok
--that black dogs ay mga aswang na nagkukunyari lang
--totoo ang mga nangyayari sa mga artista na gumaganap sa pelikula
--siopao is consist of pusa meat
--ililipad ka ng kuto once madami na sila sa ulo mo
--mabubuntis ka lang once may asawa ka na


Kailarueluka

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #187 on: October 01, 2012, 10:56:09 pm »
Kapag pumikit ako Hindi n din ako makikita ng kalaro ko sa tags-taguan! tee hee!!  ;D

green-aholic

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #188 on: October 07, 2012, 09:49:20 pm »
kiss = pregnancy (agad agad  ;D) kala ko kase nangyayari yon through the saliva eh :D

pag nanonood ako ng tv akala ko lagi live kaya sabi ko sa lola ko buti hindi nagkakamali ang artista sa palabas. taped pala! hehe.

pag nadadapa, akala ko kaloob looban na ng katawan yung nakikita kong dumudugo kaya naman todo iyak ako. skin is made up of layers pala  ;D

nung bata ako akala ko napakalayo ng maynila at kala ko parang abroad ang itsura non.

nung bata ako kala ko madali at masarap ang magwork. hahaha.

when i was in HS, feeling ko ang tanda ko na. Its just now that I realize na eto pa lang yung stage na yon. I am 26 now. I kept believing then that I am already mature in all aspect and matanda na.

mamapeew

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #189 on: October 15, 2012, 09:54:32 am »
^ sis 26 ka pa lang. When you reach 35 sasabihin mo bata ang 26. It will never end. :)

Ang aking mga maling akala:

1. Pag naka lunok ng bubble gum - magdidikit dikit ang bituka sa loob
2. Kapag gutom at masakit ang tyan, kinakain ng malaking bituka ang maliit na bituka
3. Kapag matulog na basa ang buhok, masisira ang ulo
4. Pag nasugatan at hindi nilinis, lalabas ang pari at puting kabayo
5. Kapag nag gupit ng kuko sa gabi, mamalasin
6. Kapag nag bukas ng payong sa loob ng bahay, mamalasin o malalaglagan ng butiki
7. Wag ituturo ang langit at mapuputol ang daliri mo. Para hindi maputol, kailangan kagatin mo daliri mo
8. Wag maliligo sa ulan dahil matutunaw balat dahil sa acid rain
9. Tatangkad pag lumunok ng buto ng prutas kasi tutubo ito sa loob ng tyan mo
10. Pag tumalon sa new year tatangkad
11. Pag gumastos sa january 1, gagastos ka buong taon (labo, pwede bang hindi gumastos sa isang taon?)
12. Totoo ang Goya Fun Factory (at gustong gusto ko pumunta doon para makapag boat ride sa chocolate river)


Marami pa. Post ako ulit pag naalala ko yung iba.

green-aholic

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #190 on: October 19, 2012, 10:24:38 pm »
^hahaha. feeling ko nga sis masasabi ko yan pag 35 nako at paulit ulit lang. kaaliw mga posts mo. ganyan din kase kame. ang samin naman, pag nagbukas ng payong sa loob ng bahay, may lalaglag na ahas. ibang version lang. :D

cinco girl

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #191 on: October 20, 2012, 12:51:14 am »
^ yes sis! haha. I remember those days. sa pencil case ko yun nilalagay eh.

When I was a kid, my yaya would tell me not to point my finger randomly sa labas kasi baka daw may ma-point akong hindi nakikita at magalit. Haha. And she would tell me to bite my finger afterwards. Very funny. What's even more funny kasi one time si boyfriend was pointing at a direction and involuntarily tinapik ko yung arm nya and said, "No! Baka may maturo kang hindi nakikita." LOL. :D

Clair de Lune

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #192 on: October 21, 2012, 06:00:26 pm »
that if you have left-over rice on your plate after meals, it will transfer to your face as pimples; that babies are made by kissing mouth to mouth; and i will never forget what my lola's sister said that everytime it rains, it means God is urinating. ;D

Huntress Krystle

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #193 on: October 23, 2012, 09:57:46 pm »
- Na totoo sina: Santa Claus, Bondying (Jimmy Santos), Godzilla, Ultraman, Tooth Fairy, Freddy Krueger, Tyanak, etc.
- Nanganganak ang kisses.
- Kaya nabubuntis ang babae dahil mina-magic ni God yung tiyan nya.
- May moomoo sa ilalim ng kama ko.
- Tatangkad ka kapag tumalon ka sa New Year.
- Kapag kinukuskos parati ang eyes, magiging singkit.
- Kapag ayaw ko matulog ng maaga, kukunin ako ng bumbay at isisilid sa sako.
- Na totoo yung mga labanan at hindi scripted ang WWE (na WWF pa noon).
- Na ang mga baby ay sa pwet lumalabas (seryoso).
- Na pwede akong lumipad basta mag-concentrate lang ng todo (ang tagal ko ding ginawa to nung kabataan ko. para akong baliw.).
- Na mag-syota o mag-asawa sina Kuya Bodjie at Ate Shena.
- Yung mga tumpok na mga lupa sa mga bakanteng lote ay bahay ng mga dwende (pero anay pala ang nakatira).
- Yung tambucho ang nagpapaandar sa sasakyan.
- Sa bundok or dagat lumulubog ang araw.
- Kapag umuulan at may araw, may kinakasal na tikbalang.

kikay9599

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #194 on: October 24, 2012, 08:10:53 pm »
-pag nadapa at nagkasugat, lalabasan daw ng kalabaw pag hindi pinalis.
-pag naupo sa unan, magkakapigsa.
-pag naupo naman sa table, gagalisin. Lol!
-real time ang mga tv shows, kaya niyayaya ko parents ko sa encantadia, sa Okay Ka Fairy Ko. Lol! :)
-un number ng butil ng kanin na natira sa plate, will be the number of days our souls will spend in purgatory.
-pag may white sa nails means may crush na.

Funny ng mga childhood maling akala natin. :)

conundrum101

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #195 on: October 24, 2012, 11:00:15 pm »
-na totoo sina red 1, green 2, blue 3, yellow 4 at pink five.

-there are fairies in the forests. that unicorns exist (tho i still choose to believe them to this day :) )

-when you chase after fireflies they will lead you to a kapre.

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #196 on: October 25, 2012, 10:42:39 pm »
- totoo raw si santa claus.. nalungkot talaga ako nung nalaman kong hindi pala. kasi we used to hang socks on xmas eve. kaya pala one time nagtaka ako sa ginamit na tape sa gift, kaparehong kapareho nung sa amin. yun pala parents namin naglalagay nung gifts! :P

- kapag daw maaraw pero umuulan, may kinakasal na tikbalang, haha!

- pag natulog daw ng gutom, babangon kaluluwa tapos maghahanap ng pagkain. ang laking kalokohan talaga nito!

mamapeew

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #197 on: October 26, 2012, 05:22:52 am »
More:

- kapag lumipat ka ng upuan habang kumakain, magpapalit ka ng asawa
- kapag pinagligpitan ka sa mesa habang kumakain, di ka na makakapag asawa
- kung gano karami butil ng kanin na naiwan sa plato mo, ganun karami magiging pimples mo (hahaha)
- sa amin din, pag natulog ng gutom babangon kaluluwa habang tulog tapos pag bukas ng kaldero ng kanin makukulong sa loob
- kapag lumabas daw ako sa gate ng bahay kukunin daw ako ng bumbay (sorry, no discrimination intended ha) at ipagpapalit sa piso
- kapag hinakbangan ng nakahiga, hindi na tatangkad unless hakbangan ulit pabalik
- kapag lumindol bumubuka ang lupa (kaya nung lumindol noong 90's at lumabas kami ng bahay, hinintay ko talaga mag-crack yung kalye namin)

marsh_candy

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #198 on: October 27, 2012, 03:04:39 pm »
akala ko nung bata ako may magic ako at ako ang liligtas sa mga tao against kasamaan!  ;D 5-6 yrs old ako nun, epekto sa kakapanuod ko ng chinese movies na lumilipad!

iwannabeasupermodel

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #199 on: October 27, 2012, 04:37:13 pm »
ito palang naalala ko:

- sabi nila dati if you point to a rainbow mahuhulog daw ang forearm mo. i did it at naku natakot ako ng todo. nagpahilot pa and all. hahaha. iniyakan ko yun. wth.

- yung wag daw maliligo after mamamatay si jesus (good friday 3pm) kasi you'll go crazy, i followed that religiously. pero now naisip ko paano naman yung mga nasa other parts of the world na di pa 3pm ng friday sa kanila, so maloloka na sila non? haha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close