watch now

Author Topic: Childhood Maling Akala  (Read 82119 times)

mbeeyap

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #160 on: May 19, 2012, 04:26:47 pm »
nabubuntis ang babae sa isang halik lang, at ang pangontra para wag mabuntis eh mag magmadre!

ladyxylenz

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #161 on: May 22, 2012, 06:11:16 pm »
-pag tumalon ka daw ng new year tatangkad ka.
-pag makati daw ang palad ilagay daw sa bulsa para magkapera ka..ahahaha:D

SakuraBride

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #162 on: May 23, 2012, 04:46:18 pm »
- nung bata ako sabi nila nabubuntis daw pag nagalaw na ng lalake.
akala ko literal ba pag nagalaw ka, as in pag natayo ka at nabangga ka ng lalake galaw na yun,
so nung bata ak paranoid ako hahaha
- pag-nakalunok ng buto ng prutas, tutubo sa loob
- pag-naligo ng may mens, mababaliw
- pag-umuulan pero may araw, kinakasal ang tikbalang

madami pa iba, lumaki kase ako sa lola at lolo pero di ko pa maalala yung iba :)

AltaVida

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #163 on: May 28, 2012, 12:56:32 am »
naku lola ko hilig sa ganito.. feeling ko tinatakot lang kami.. haha

- I never learned to ride a bike kasi sabi ng lola ko, mawawala ang pagkakababae ko pag nagbike ako kasi matutusok daw...
- feeling ko talaga nun may lalabas na pari sa paa ko pag nasusugatan ako..
- sabi ng lola ko, pag daw meron ako wag daw papahawakan sa lalake ang palda ko kasi mabubuntis ako..
- pag may mens dapat wag maligo
- wag daw ako kakanta habang nagluluto, makakapangasawa ako ng matanda (hindi ko magets ang connect nito)
- eto classic: akala ko nung bata ako pag sinabi ni papa ko na may "duty" siya, ang alam ko hindi siya uuwi nun.. when I got older, I realized na sa work pala ng papa ko eh walang overnight na duty, kasi hindi naman siya guard, military official siya.. now I know kung bakit daming sakit sa ulo nun ng mama ko.. haha
 

Seductive Emo

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #164 on: May 28, 2012, 01:35:43 am »
na mabubuntis pag nagsampay ng undergarments sa labas ng gabi. :P

iristacey

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #165 on: May 28, 2012, 08:26:19 am »
-akala ko din dati kapag na-kiss ka ng lalaki, mabubuntis ka na.
-sabi naman sakin kapag daw kumakanta habang nagluluto, tatandang dalaga naman daw. may asawa na kaya ako ngayon. :)
-mahuling matapos kumain, huling mag-aasawa.
-kapag pinagligpitan ng kinainan, tatandang dalaga

lisa122582

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #166 on: May 28, 2012, 10:10:43 am »
> kapag nakidlat at may hawak na hayop, mag kakapalit kayo ng kaluluwa.
> pag humingi ng pera at gabi na, mag lalabas na kamay na maitin na mabalahibo sa pera.
> pag nakalunok ng buto ng prutas, tutubo sa tyan.
> pag kumain ng penoy, magiging bobo daw.
> pag nauntog dapat pukpok ng kamay pataas yung baba para bumalik.
> yung pagitan ng age ng magkakapatid pede i-set (5yrs kasi gap namin 3 magkakapatid)
> yung palabas sa movie 1 beses lang pinapalabas.
> pag nasugatan ng mahal na araw hindi na gagaling.
> pag hindi nag pray bago matulog kukunin ng aswang.
  :) isip pa ko :)

rene_angelnoir

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #167 on: May 29, 2012, 11:13:21 am »
- nanganganak ang kisses... lately ko lang nalaman na hindi pala totoo yun. Muntik pa akong mahuli ng mga colleages ko.

- kapag hindi mo napatay ng maayos yung ipis, babalikan ka nya para maghiganti.

- Kala ko nun yung matanda pinanganak na talagang matanda, hindi sila naging bata.

lol.. natatawa na lang ako pag naaalala ko.

SedatedPrincess

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #168 on: May 29, 2012, 08:55:18 pm »
mabubuntis daw pag nagwiwi sa cr ng mga lalake.

tsutsat

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #169 on: May 30, 2012, 03:50:24 pm »
-Kapag nasugatan ka during Holy Week, di na gagaling sugat mo
-Nabubuhay sa gabi ang mga dolls kapag natutulog na kaming lahat
-totoo si Santa Claus. Dami kasing kwento ng nanay ko na nakita nya si Santa at hirap na hirap. Kaya during Christmas Morning, excited kaming magkakapatid gumising!
-lagyan ng maliit na piraso ng papel ang noo ng baby para mawala sinok (even up to now, ganun pa din sa bahay! Di ko alam kung nakakatulong ba talaga?)

Margaritabythebeach

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #170 on: June 05, 2012, 01:34:47 am »
nabubuntis ang babae sa isang halik lang, at ang pangontra para wag mabuntis eh mag magmadre!

Hahaha! mbeeyap, kaloka ang akala mo.  ;D

Ako, akala ko noon pag nas swimming ako sa pool kasama ang boy mabubuntis ako. nung teenager ako pag may nakakasaby sa pool na lalake, praning na praning ako. dumating sa point na nag no novena ako pag di agad dumadating on time ang period ko.  :D

maniwantiwan

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #171 on: June 13, 2012, 06:14:05 pm »
 
akala ko ang mga lobo kapag nabitawan & nakalipad, sa langit pupunta at makukuha ni Jesus. ;D


Nuriko

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #172 on: June 19, 2012, 01:20:43 pm »
-na totoong tao sina Alexis at Annie (at ang mga amasona) at sila ay talagang nagtatagalog

wahaha shaider!!
-

nung bata pa ako, akala ko lahat ng blonde ang buhok eh amerikano.
yung kuto raw lumilipad kaya akala ko meron syang pakpak
kapag nagduduling-dulingan ka tapos nahipan ng hangin yung mata mo, maduduling ka na talaga
kapag tawa ng tawa, gusto na mag-asawa

bollin_pop

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #173 on: June 25, 2012, 03:50:11 pm »
-kapag nakalunok ng buto, tutubuan ng dahon o kaya magiging puno
-kapag hindi kumain sa gabi, aalis ang kaluluwa mo at maghahanap ng pagkain

klengmorales

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #174 on: June 25, 2012, 04:26:10 pm »
-Humahaba ang buhok ng troll pag laging hinihila pataas
-Puputi daw ako pag iinom ng gatas (ayoko kasi ng lasa nito). at kaya daw ako maitim kasi puro kape daw iniinom ko
-D daw ako pwede mag lawyer kasi pangit daw sulat ko. dapat daw sa akin doctor (pasintabi po sa mga doctor)

CebuGem

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #175 on: September 05, 2012, 02:47:39 pm »
-That Santa Claus is real.
-I had a book in kindergarten with an illustration of a tree bearing ice cream (as fruits) so my young mind thought that they grow from trees.
-That jumping on New Year's eve can make you taller.


rheinfall18

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #176 on: September 05, 2012, 03:08:29 pm »
pag di natulog sa hapon di pwedeng lumabas ng bahay para maglaro..considered ba to?? hahaha

CmomS

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #177 on: September 05, 2012, 03:10:52 pm »
Kakatuwa naman dito sis.

When I was young and habang kinukutuhan pa ako ng mama ko noon sasabihin nya "oh may mag-asawang kuto pa" Naisip ko tuloy na sa ulo natin as in may mga bahay na nakatayo, mga simbahan at kung ano ano pa. At doon nakatira at namumuhay ang mga kuto. hehe. Natatawa parin ako kapag naaalala ko to.

Naniniwala din ako noon na:

 - Kapag tumitig sa araw magkakaron ako ng POWERS
 - Kapag naglaro ng kandila iihi ka daw habang natutulog ka
 - Wag paglaruan ang anino dahil biglang gagalaw to ng kusa
 - Kapag umupo sa unan magkakapigsa
 - Totoo si Santaclause at pagsabit ng medyas kapag pasko (lagi kong hinahanap ang raindeer sa langit noon)
 - Sa taas ng mga ulap nandun ang langit
 - Pwede maiuwi ang clouds kapag nakasakay ka sa airplane
 - Magkakakuliti kapag nanilip
 - Pag nabatukan ka pupukpukin ang chin paitaas
 - Maglagay ng red line sa taas ng papel para tumaas ang score sa test

harlet

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #178 on: September 07, 2012, 06:26:33 am »
sabi, pag pinakagat sa tutubi yung nipples matututong lumangoy.....haha, naniwala naman ako at ginawa ko...eto, di pa rin ako marunong lumangoy.....

TysLolakins

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #179 on: September 07, 2012, 08:29:45 am »
^ sa aming lugar naman, ipinapakagat ang nipple sa tutubi para lumaki ang boobs.  ginagawa ito pag dalagita na pero flat pa rin ang chest area.   ginawa namin ito sa friend namin kasi 4th year hs na kami wa pa suso.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close