watch now

Author Topic: Childhood Maling Akala  (Read 82004 times)

fleur_de_liz

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #140 on: December 28, 2011, 09:13:32 am »
i remember this:
before naniniwala ako kay santa claus.. pinalaki ako ng parents ko na alagang paniwalang-paniwala ako na may santa claus.. nagsusulat pa ko ng wish ko kay santa and pag-gising ko may reply si santa and Crayola with different colors pa yung gamit nyang panulat.. as a kid syempre paniwalang paniwala talaga ko.. then when i was 15 years old (imagine 16 na ko gullible pa rin ako) nagsabit ulit ako ng socks sa windows namin then pag gising ko kinabukasan nakita ko may mga chocolates sa socks na sinabit ko.. syempre natuwa naman ako then pag tingin ko may price tag ng 7-11 yun mga chocolates... parang ang t@ng@ ko talaga when i asked my dad "bakit may 7-11 to?" then sabi naman ng dad ko, "baka sa 7-11 namili si santa".. ako naman si t@ng@ naniwala pa rin tapos yung mga cousins ko binigyan ko ng mga chocolates sabi ko from santa tapos nag-tawanan sila then sabi nung isa "ano ka ba ang tanda tanda mo na naniniwala ka pa kay santa eh si tita lang bumili nito. tignan mo may 7-11 pa"... then dun na ko natauhan.. nakakahiya lang pero pag naaalala ko natatawa na lang ako.. hehe

honey61501

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #141 on: December 28, 2011, 09:21:43 am »
akala ko ang toyo ay patis. ang tawag namin sa patis ay toyo. di kami na "introduce" sa patis.

curlyhair

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #142 on: February 04, 2012, 03:21:20 pm »
akala ko dati pag mayaman ka masamang tao ka na, kaya nung bata pa ko lagi ako nag papray ng ganito " papa jesus wag nyo po kaming gawing mayaman ayoko po maging bad kami "  ;D  kasi yung mga napapanood ko sa tv pag mayayaman sila yung masasamang tao. LOL ;D

natuwa naman ako dito sis ;)

sarahsensible

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #143 on: February 04, 2012, 03:45:43 pm »
akala ko ako talaga yung nasa box ng tiki tiki na baby, kasi sabi ng mommy ko ako yun. Kasi kamukhang kamukha ko...  :o

ravena

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #144 on: February 04, 2012, 05:30:33 pm »
na babae si winnie the pooh. sorry porket walang shorts lalaki na?! ha ha.

sofistikada_1230

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #145 on: February 04, 2012, 06:09:59 pm »
Kala ko before pag putukan na pag new year's eve lahat ng tao nagcecelebrate ng birthday ko kasi dec 31 birthday ko... Hindi pala. Pag Hindi daw inubos yung kanin iiyak sila. Tapos pag sinasabi ko sa papa ko na busog na ko papakinggan niya tyan ko tapos sabi daw ng tyan ko Hindi pa daw ako busog.

simplecathy143

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #146 on: March 12, 2012, 12:27:47 pm »
akala ko:

na kapag naging mabait ka daw sa isang taon may gift ka kay santa claus..
pag nakalunok daw ng buto ng prutas tutubo sa tiyan mo..
pag hindi daw natulog sa tanghali may mama daw na nangunguha ng bata at isasako..
kapag madami kang kuto at lisa ililipad ka
kapag nalunok ang bubblegum didikit sa bituka at mamamatay ako

KaraVT

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #147 on: March 13, 2012, 07:22:41 pm »
You can be anything you want to be.

janix athena

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #148 on: March 24, 2012, 02:47:01 pm »
Kapag nakainom ng kape na may kasamang langgam, gaganda daw ang boses.
Ang mga batang naglalaro sa labas kini-kidnap at pinapatulo ang dugo sa mga tulay para tumibay.
Pag nahalikan di na virgin.
Pag umihi sa bukid dapat sabihin "tabi-tabi po" para wag maiihian ang mga nuno sa punso.
sabi ng lola ko kapag daw idinikit ang pusod ng baby sa pisngi nya bago maputol, magkaka-dimples.

sugardrop

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #149 on: April 22, 2012, 10:20:26 pm »
Kala ko before pag putukan na pag new year's eve lahat ng tao nagcecelebrate ng birthday ko kasi dec 31 birthday ko... Hindi pala. Pag Hindi daw inubos yung kanin iiyak sila. Tapos pag sinasabi ko sa papa ko na busog na ko papakinggan niya tyan ko tapos sabi daw ng tyan ko Hindi pa daw ako busog.

This is cute! Yung papakinggan yung tummy mo. ;D

sugardrop

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #150 on: April 22, 2012, 10:21:51 pm »
That it's so much easier and better being an adult.

mei-mei

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #151 on: April 22, 2012, 10:48:44 pm »
That it's so much easier and better being an adult.

+1000!

FayeP

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #152 on: April 22, 2012, 10:58:40 pm »
-pag nagkasugat daw ako may lalabas na pari sa sugat ko

-pag lumabas kami sa hapon at naglaro kukunin kami ng bumbay tapos gagawin kaming sunflower crackers/vetsin/ibebenta sa instik

-pag umambon habang umaaraw, may kinakasal na tikbalang

-un malaking doberman ng isang taga baranggay namin ay isang aswang

-nangingidnap ng bata ang mga madre ng missionaries of charities (lagi kasi sila sa lugar namin pag Sunday to pick up kids na kasali sa Sunday school, kala namin kidnapping ito kaya kanya kanya kami tago ng mga kalaro ko)

-na totoong tao sina Alexis at Annie (at ang mga amasona) at sila ay talagang nagtatagalog

-na pag mapula ang langit pag pagabi na may lulubog/lumulubog na barko somewhere

-akala ko hanggang mag highschool ako na ang tawag dun sa nilalagay sa cementong sahig na kulay red ay "trokot"...high school nako nang malaman ko ng True Coat pala un (sabi kasi ng asawa ng tita ko (she's from samar), trokot daw un kaya un ang akala ko talaga)



FOURever

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #153 on: April 23, 2012, 02:39:05 pm »
pag good friday, dapat 12pm nakaligo na. Kasi 12-3pm may dugo daw ang tubig :)

landrexi

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #154 on: April 25, 2012, 05:51:55 pm »
Na ang mga mayaman laging  bihis na bihis, ang mga mayamang babae palaging suot ang malalaking alahas and fully made up.


millealtera

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #155 on: April 25, 2012, 08:00:33 pm »
Akala ko dati in real time or live nangyayari yung scenes sa movies o tv series. Kaya takang-taka ako bakit ang bilis mag-umaga o gumabi sa mga napapanood ko. Lagi kong tinatanong nanay ko o tatay ko bakit umaga na sa tv pero sa amin gabi pa lang. :)

comp_nurse

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #156 on: April 25, 2012, 08:14:50 pm »
pinakanakakatawang akala ko nung bata ako is normal lang iyong kambal na daliri ko sa kaliwang paa. pinagtatawanan ko pa mga kalaro ko kasi wala sila ako meron. sabi kasi ng mga matatatanda swerte daw yun kaya sabi ko sa kanila swerte ko sila hindi dahil di sila nabigyan ng dikit na daliri. LOL! :D

-bawal maligo pag lampas 3pm pag good friday dahil patay daw si Christ.
-bawal magkasugat pag black saturday dahil di daw gagaling
-nakakagaling ang toothpaste sa paso
-nakakagaling ang kulay blue na kung ano man iyong nilalagay sa beke. mukha kong t**** dahil 2 pisngi ko may beke, imagine meron akong tina/food color or whatever it is sa mukha.
-totoo si santa.. :D i think every child believes in this.
-pag binatukan ka mabobobo ka. kaya para makontra, tapikin mo pataas iyong baba mo. :D
-nakaka divirginize daw ang pag ba bike. :D
-magiging aso ka pag kumain ka ng aso. kaya nung nakita ko tito ko kumain ng adobong aso.. hintay ako ng hintay na magtransform siya.. hahahaha

rheinfall18

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #157 on: May 18, 2012, 07:00:35 pm »
-nakaka divirginize daw ang pag ba bike. :D

..may scientific explanation na to and this is true..^^

FOURever

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #158 on: May 18, 2012, 08:12:54 pm »
^if we are talking about hymen.. At madali talaga masira ang hymen. Sa penetration talaga dapat ibase yung virginity.. Even finger/s basta pinasok di na virgin... FOR ME. Haha!


Kapag pinagligpitan daw, di na magkakaasawa. Hehe! Pero up to now kasabihan pa rin..

Dacian

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #159 on: May 18, 2012, 09:19:32 pm »
kelangan ubusin ang pagkain.  kung hindi, yung kamay mo mapa-paralyzed.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close