watch now

Author Topic: Childhood Maling Akala  (Read 82026 times)

alexandrea

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #120 on: April 18, 2011, 11:11:30 am »
Akala ko dati, Pilipinas lang yung nasa baba, tapos lahat ng ibang bansa nasa sky. Seven years old kasi ako nung unang nag-work abroad ang dad ko, at naalala ko nung pagkahatid namin si Papa sa airport, tinuro ni Mama yung isang airplane tapos sabi niya, "Look, andun na si Papa."

Akala ko rin na free-for-all yung ATM LOL. Naalala ko na yung babae sa harap ni Mama, ang laki ng na-withdraw. Tapos si Mama, ang liit lang. Sabi ko kay Mama na kumuha pa siya ng marami kasi ang dami ng kinuha ng babae na nauna sa amin. Nagalit pa ako sa kanya kasi ang konti ng kinuha niya, eh puwede pa naman siyang kumuha ng mas marami.
« Last Edit: April 18, 2011, 11:55:32 am by alexandrea »

muahmuahmuah

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #121 on: April 18, 2011, 11:48:10 am »
^hahaha ang impressionable talaga ng mga kids.

buzzhang

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #122 on: June 16, 2011, 01:00:07 am »
If you have a wound, there's a train that will come out from there.  ;D

Mai

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #123 on: June 22, 2011, 07:30:35 pm »
That if I eat a fruit with seeds, such as watermelon or apple, tutubo at mag  bebear ng fruit yun inside the tummy hehe

icee_star

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #124 on: June 22, 2011, 11:04:42 pm »
Funny thread! Super reminisce ako kasi dami dito na paniwala ko din dati like

- yung nanganganak na kisses. Patok to sa akin, nilalagay ko sila sa isang box with bulak and maraming pulbos at check ko lagi kung dumadami ba talaga. :D
- pag nakalunok ng buto tutubo sa tiyan
- wag tutulog ng basa ang buhok at lalabo mata
- pag maraming kuto tatangayin at dadalhin sa kaharian (super takot ako dito kaya lagi ako nagpapasuyod haha)
- maglalagay ng libro sa ilalim ng unan (ginagawa ko ito pag exam the next day haha)
- pag may sugat may lalabas na pari, piano at kung ano-ano pa :D
- wag uupo sa unan at magkakapigsa!

Naku marami pa! Haha!

Eto naman share ko:

- dati pinaniwala ako ng nanay ko na ang tatay ko eh si silvester stallone. Kaya yung kiddie cabinet ko dati may poster ni stallone. Then sabi niya yung kapatid ko naman eh si Cesar Montano daw ang tatay. Only to find out na yun pala ang mga crush niya while pinagbubuntis niya kami :D

- lagi sabi sa akin na pag kumakanta ako habang kumakain, eh mamamatay daw ang nanay ko. May mga dialog pa yang "bakit ka kumakanta, gusto mo mamatay mama mo?" Labo! Haha! Ako naman siyempre titigil.

- pag nagpayong ka sa loob ng bahay maglalaglagan daw ang mga butiki at ipis.

- naniniwala ako dati sa mga higanti dahil sa palabas ni Manilyn at Janno na "Feel na Feel" takot na takot ako nun sa higante dun. (I forgot yung name nung kalbo na actor) :D

- pag nagsasalita daw habang tulog magtanong ka daw ng tatama sa jueteng or ending. I remember I did this with my tita, tinanong ko kung ano tatama sa ending. Di naman na siya sumagot! Hmpf!

Isip pa ko ng madadagdag!
« Last Edit: June 22, 2011, 11:08:36 pm by icee_star »

davesant32

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #125 on: June 24, 2011, 06:45:51 pm »
nakakatuwa, nakakatawa, at nakakarelate po ako sa iba. Yung nanganganak na kisses (ga beads), alam ko rin iyon. Hahaha.

Periwinkle25

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #126 on: July 04, 2011, 08:19:15 am »
That if I eat a fruit with seeds, such as watermelon or apple, tutubo at mag  bebear ng fruit yun inside the tummy hehe

i believed that too..i was even telling na paoperahan ako kasi i accidentally swallowed santol seed..
tapos pag nkalunok ng gum, magdidikit ang bituka..
that the moon was my balloon na nailipad..i was even bragging about it..
pag di matutulog ng tanghali, kukunin ng uwak..
huwag kakanta in front ng kalan kasi hindi makakapag-asawa..
pag matutulog na basa ang hair, mabubulag..
i also believed na yung bro kong namatay is binaril ng kapitbahay namin..lol
pag umuulan habang may araw,may dwendeng ikinakasal..hehe..

mei-mei

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #127 on: July 04, 2011, 09:43:20 am »
dahil eto sinabi ng papa ko dati:

kaya nag-eyebrow pencil yung mga matatanda (like mama ko and aunties) kasi nung 70's, nauso yung shinave nila buong kilay nila para magdrawing ng kilay na heart, star, etc. 

high school na ko nun nalaman ko na di to totoo.  dahil nagtataka ako bakit pag nanonood ako movies na 1970's ang setting, wala naman tao dun na may star or heart ang kilay.  LOL.

imyourangel

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #128 on: July 04, 2011, 06:07:01 pm »
Akala ko, pag nagpalit ka ng sim card (From Globe tapos lilipat ng Smart), magiiba yung format nung buong cellphone. :D

kaya nung nagpalit ng sim yung ate ko when I was in grade school, I said to her "Ate patingin nga ng cp mo"
HAHA :)

sofala

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #129 on: July 11, 2011, 02:02:48 pm »

Nung bata ako, akala ko pag umupo ako sa public toilet, mabubuntis ako. Sabi kasi ng kalaro ko eh.  ;D

abbey

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #130 on: July 11, 2011, 02:27:06 pm »
haha kaloka naman tong thread na to!  ;D
eto sa akin:

- pag umuulan tapos umaaraw may kinakasal na tikbalang
- pag masama yung panaginip ko knock on wood
- pag ayaw ko timigil umiyak kukunin daw ako ng tiktik
- pag nagkasugat lalabas yung kanin na kinain ko
- pag nakalunok ng buto ng prutas tutubo daw sa tiyan ko
- pag mahal na araw lumalabas daw ang mga demonyo

chasiderwin

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #131 on: July 12, 2011, 02:56:05 pm »
childhood memories kakatawa naman:

- kapag nasugatan wag iiyak dahil lalabas ang pari at kakainin ako
- kapag nalunok ang bubblegum didikit sa bituka at mamamatay ako
- kapag may falling star mag wish at magkakatotoo (true ba to?)
- kapag nanaginip na nalagas ang ipin pag gising ikagat sa kahoy dahil may mamamatay sa family mo (until now ginagawa ko to  ;D)
- wag  maliligo sa ulan kapag meron dahil mababaliw ka
- wag kakanta kapag nagluluto dahil hindi ka na makakapag-asawa (sus may asawa naman ako)
- kapag puno ng kuto ililipad ka sa tirahan ng mga unggoy
- kapag kumulog naglalaro ng bowling si san pedro
- kapag umuulan umiiyak si Papa Jesus dahil makulit daw ako
- wag magtatapon ng tirang asin dahil kapag namatay di ka makaka akyat sa langit hanggat di mo 
  napupulot lahat ng asin na tinapon mo ng buhay ka pa (paano kapag iodize?)
- dapat tumalon sa bagong taon para tumangkad
-

marsh_candy

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #132 on: July 12, 2011, 05:42:29 pm »
 ;D ;D

sabi ng mama ko, pag-umuwi ng gabi ang isang babae, mabubuntis.. kaya pagginabi kapitbahay namin na babae, teenager, nagtatanong kagad ako kung buntis ba sya  ;D

iristacey

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #133 on: July 12, 2011, 06:10:01 pm »
- pag nagkiss ang boy and girl mabubuntis yung girl
- gaya ng iba dito, tutubo ang buto sa tyan
- masama daw kumanta habang nagluluto, hindi daw makakapag asawa
- pag nilagay yung libro sa ilalim ng unan mas magiging matalino at maalala inaral para sa exam
- ilagay daw ang unang putol ng buhok sa libro or dyaryo para tumalino. dapat matalino din unang pumutol ng buhok mo
- pag nagwish sa falling star magkakatotoo
- hindi na daw tatangkad kapag nahakbangan ka
- wag daw magbike kasi hindi ka na daw magiging "virgin"
- pinulot lang daw ako sa tae ng kalabaw. iyak ako ng iyak pag sinasabe to.
- niyayanig ng nanay ko yung bahay ng lindol. ang lakas niya (1991)
- wag kakain ng 1 itlog kapag mageexam. baka mabokya din exam mo.
- para perfect sa exam, kumaen ng 1 hotdog and 2 itlog - 100
- nakakaalis daw ng beke yung kulay blue
- nakakagaling daw ng trangkaso yung royal na may gawgaw at itlog

yan muna :)

itcha123

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #134 on: July 14, 2011, 09:04:05 am »
akala ko dati, kapag kumikidlat nagpipicture taking sa langit sina San Pedro hahaha, tapos kapag naman kumukulog naglalaro sila ng bowling.... ;D  ito pa rin sinsasabi ko sa mga kids ko ngayon at isang malakas na owwwwssss ang naririnig ko sa kanila.

cherry*coke

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #135 on: July 15, 2011, 02:30:50 pm »
dahil eto sinabi ng papa ko dati:

kaya nag-eyebrow pencil yung mga matatanda (like mama ko and aunties) kasi nung 70's, nauso yung shinave nila buong kilay nila para magdrawing ng kilay na heart, star, etc. 

high school na ko nun nalaman ko na di to totoo.  dahil nagtataka ako bakit pag nanonood ako movies na 1970's ang setting, wala naman tao dun na may star or heart ang kilay.  LOL.

LOL! ang lakas ng trip ng papa mo.. napaniwala ka talaga.. ;D


- wag magtatapon ng tirang asin dahil kapag namatay di ka makaka akyat sa langit hanggat di mo 
  napupulot lahat ng asin na tinapon mo ng buhay ka pa (paano kapag iodize?)
- dapat tumalon sa bagong taon para tumangkad


hehe.. pano nga naman pag iodized..

sa pagtalon during new year.. napaniwala din ako diyan... gusto ko kasi talaga tumangkad..nagtago pa nga ako sa kwarto at tumalon.. dahil nahihiya ako sa kanila.. hehe..pero di naman ako tumangkad.

eto:

yun mga taong may adam's apple.. nakalunok ng buto ng santol..



clermont

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #136 on: July 15, 2011, 02:37:21 pm »
Sabi ni Mama kailangan daw magbayad ng 5-6 on time kasi kukunin daw ako ng Bombay. Kaya siguro takot ako sa mga Bombay nung bata ako. Si Mama talaga.

mompj1029

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #137 on: July 27, 2011, 01:45:03 pm »
sabi ng nanay ko pag nagmura daw ako mapuputol ang dila ko kahit word lang na "g**o"sabihin ko... pinaniwalaan ko to hanggang grade 6 ako tpos pagtuntong ko ng high school mga classmates ko nagsasabi ng PI pero buo naman dila nila :)

mikparks

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #138 on: August 10, 2011, 11:25:17 pm »
akala ko dti pag nagsabi ng "sandali lang" sa manong driver ng jeep pra bumaba eh babalik pa din sa jeep at hihintayin ng driver  ;D

beatrize zuri

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #139 on: October 01, 2011, 03:38:32 am »
akala ko dati pag mayaman ka masamang tao ka na, kaya nung bata pa ko lagi ako nag papray ng ganito " papa jesus wag nyo po kaming gawing mayaman ayoko po maging bad kami "  ;D  kasi yung mga napapanood ko sa tv pag mayayaman sila yung masasamang tao. LOL ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close