watch now

Author Topic: Childhood Maling Akala  (Read 81965 times)

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #100 on: March 04, 2011, 12:31:47 am »
nakakatawa naman itong thread na ito, super nakaka-relate. lol

favorite ko ito nung highschool ako: maglalagay ng picture ng crush ko sa ilalim ng unan para mapanaginipan ko.


micci

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #101 on: March 04, 2011, 12:49:07 am »
mga akala ko noon:
-na nasa loob ng tv talaga ang mga artista..sinisilip ko pa talaga sa gilid ng tv..hehe pano kaya ngayon na plasma na ang mga tv? :D
-na sa pw*t lumalabas ang bata(sabi kasi ng nanay ko) haha..

pretinnes

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #102 on: March 04, 2011, 05:27:15 am »
-santa claus
-mabubuntis kapag iniwan ang damit sa labas na nakasampay
-bawal mag gupit ng kuko at mag walis sa gabi
-kapag nasugatan ka during mahal na araw, hindi gagaling ang sugat

sweetczarina

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #103 on: March 04, 2011, 02:29:12 pm »
- pag nauntog ka ng malakas, kailangang kontrahin mo sya ng pag untog ng likod ng kamay mo sa chin mo para di ma-bobo..

- huwag iiyak ng malakas pag nagkasugat dahil lalabas ang kanin sa sugat mo..

- pag nkalunok ng buto ng fruits na kinain mo, tutubo yun sa loob ng tiyan mo at maglalabasan ang mga sanga at ugat sa ilong, tenga at bibig mo..

 :o

wengerts

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #104 on: March 04, 2011, 03:10:36 pm »
- huwag iiyak ng malakas pag nagkasugat dahil lalabas ang kanin sa sugat mo..

 :o

naaalala ko to, sinabi to sa kin ng kalaro ko dati haha ;D

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #105 on: March 04, 2011, 04:15:45 pm »
naaalala ko to, sinabi to sa kin ng kalaro ko dati haha ;D

grabe, lalabas daw talaga ang kanin. hehehhe

yapeegurl

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #106 on: March 05, 2011, 04:29:27 am »
-santa claus
-mabubuntis kapag iniwan ang damit sa labas na nakasampay
-bawal mag gupit ng kuko at mag walis sa gabi
-kapag nasugatan ka during mahal na araw, hindi gagaling ang sugat


aww.. i used to believe in Santa din :( di pala totoo.. lol

prettykhae

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #107 on: March 05, 2011, 01:22:47 pm »
kainin lahat ng kanin sa pinggan kundi lalayasan ka daw! un pala, panakot lang para alang itira kahit isang kanin kasi panget nga naman kung di ubusin ang kanin o pagkain. :)

micci

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #108 on: March 05, 2011, 01:44:18 pm »
huwag matulog ng gutom kasi yung kaluluwa mo daw baka maghanap ng makakain sa kusina at hindi na bumalik o baka pagbalik,puno ng uling yung mukha mo :-\ naniniwala ako dito dati,ngayon hindi na,pero until now,ayokong matulog ng gutom,siguro subconsciously iniisip ko pa din ito :D

jaded1025

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #109 on: March 05, 2011, 05:40:07 pm »
Ang sabi naman ng mama ko pag natulog ka ng gutom, aalis yung kaluluwa mo at maghahanap ng food at pupunta sa kaldero pag natakpan. Sa loob ng kaldero patay ka..haha!

Pink_Sugar

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #110 on: March 06, 2011, 08:03:21 pm »
dito ka lang nalaman yang lalabas na kanin sa sugat.  ;D kakatakot yun parang naimagine ko na maggots yung mga kanin. LOL

muahmuahmuah

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #111 on: March 07, 2011, 11:15:16 am »
all from my mom:

spoiled ako and iyakin so konti away sa akin iiyak ako to the point na i'll stop breathing and my mom would put me on her lap and hug me sabay sabi while wiping the tears "those are special tears, only you have special tears..." may long litany of special tears yan and when I last cried and she wiped my tears sabay hirit "special tears talaga yan eh ikaw lang naman kasi makakaproduce ng sarili mong tears noh!" sabay tawa.

and there's an old man with a cane and hat living in your belly..can't remember why she'd scare me with this fergot na why pag may tummy ache ata ako or pag iinom ng soda.

sleeping time: cover your feet with a blanket if not sharks will bite you

ito yung inconsistent:

pinulot ako sa basurahan pero tatay ko Aeta kaya kinky yung hair ko malapit sa nape (pero sa labas straight) may pangalan pa nga sya na sinasabi pag pinipilit ako na hanapin ko yung mom  and dad ko na tunay

yapeegurl

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #112 on: March 08, 2011, 10:17:19 am »
May kinakasal na tikbalang pag umuulan and umaaraw at the same time :D

mavhy

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #113 on: March 10, 2011, 02:56:11 pm »
grabe, lalabas daw talaga ang kanin. hehehhe

Sabi pa nga pati daw pari lalabas sa sugat hmppp :o

raven03

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #114 on: March 10, 2011, 08:48:05 pm »
Kapag inalog mo daw yung food or drink bago inumin/kainin sasakit tyan mo. =)

Until now, I rarely shake stuff.. haha affected pa rin.

blush_blush

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #115 on: March 10, 2011, 09:07:53 pm »
^haha hindi pala talaga ito totoo, ngayon ko lang nalaman. haha

auburn

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #116 on: April 14, 2011, 02:34:34 pm »
hahaha!  nakakatuwa naman!

here's mine:
>  pag natulog sa gabi nang di kumakain, hihiwalay ang kaluluwa sa katawan mo at mahahanap ng pagkain sa kusina.  mata-trap sa kaldero kaya di ka na magigising
>  bawal matulog nang basa ang buhok kasi masisiraan ng bait
>  lahat ng aso may rabies kaya wag magpapadila sa mga ito or else magkaka-rabies ka dahil sa laway
>  dapat nasa loob na ng bahay by 6pm kasi naglalabasan na ang mga engkanto or lamang-lupa pag ganong oras
>  nanganganak ang mga kisses pag nilagay sa bulak
>  pag nasugatan on Holy Thursday or Good Friday, di na gagaling at taon-taon meron kang sugat.  sus, takot ko lang maglaro sa labas at baka masugatan ako
>  bawal maglaro ng sungka sa loob ng bahay, malas daw un  ???
>  bawal magbukas ng payong sa loob ng bahay at baka bumagsak daw ang mga butiki
>  kumain ng maraming mani para tumalino
>  bawal magcap or hat sa loob ng bahay dahil makakalbo
>  mababansot ka kapag hinakbangan ka

isip pa ko, ang sarap magreminisce ng pagkabata  ;D

hairt mini

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #117 on: April 17, 2011, 02:51:00 pm »
Hhahaha nakaka aliw naman ang thread  ;D
nawala ang stress ko ah  ;)

@sis jaded1025: kapatid ba kita? hahaha madalas din sabihin sa akin ng nanay ko yun  ;)

Here's mine:

1. kuamin sa gabi para di mag hanap ng food ang kaluluwa mo and pag na trap sa loob ng kaldero di na makakabalik sa katawan mo.

2. Huwag mag papa kiss sa boys kasi mabubuntis ka (oo nga naman, kasi after ng kiss petting then ayun s*x na hehe)

3. Kailangan before dumilim nasa loob ka na ng bahay kasi mag lalabas na mga enkanto baka maapakan mo.

4. Kailangan maligo bago mag 12nn ng good friday kasi bawal ng maligo pag patay na si Jesus  :o
At pag nasugatan ka during holy week taon-taon ka ng may sugat.

5. bawal matulog ng basa ang buhok, lalabo ang mata (and na surprised ako si hubby na niniwala din dito! hehe and until now huh  ;D..sabi nya "kaya malabo yan mata mo ang hilig mo mahiga ng basa ang buhok" :o )

6. bawal maligo /mabasa ng ulan pag may monthly period ka kasi masisiraan ka ng bait (eto naman ang talagang di ko ginawa at naman kadiri eh! Lagi na kaming nag away ng lola ko  :P)

yan lang muna..isip pa ako :)

jaded1025

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #118 on: April 17, 2011, 03:37:57 pm »
^ haha! Kung ano-anong imbento ng mga nanay natin para lang kumain tayo. =)

micci

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #119 on: April 18, 2011, 11:08:03 am »
yung kaluluwa thing,til now dala2 ko..haha
meron pa:
-pag makati ang ilong,may namatay daw na intsik(ewan ko ba bakit intsik talaga,recently lang narinig ni bf ito at pinagtawanan nya ko talaga ;D)
-pag may natanggal kang pilik-mata pwde mong kunin at magwish

 

Latest Stories

Load More Stories
Close