watch now

Author Topic: Childhood Maling Akala  (Read 81939 times)

hawiyah

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #80 on: February 25, 2011, 09:29:25 am »
ako takot ako magkasugat nun kasi lalabasan daw siya ng tren sabi ng nanay at kuya ko,galit din ako nun kapag binabatukan ako kas nga nakakabobo daw...LOL
     adik ako nun sa kisses ang bango kasi tapos nilalagyan ko pa ng bulak para manganak hahaha...nakakatawa talaga kapag naalala ko siya,and now my daughter is also have a false belief in kisses sabi daw sa kanya nung classmate nya nanganganak at lumalaki daw yung kisses dapat daw nilalagyan lagi ng bulak at tubig... ;D

pumpkin13

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #81 on: February 25, 2011, 11:32:46 am »
halos maling akala ko n din yun mga previous posts, kakatuwa!!

eto pa, may dagdag ako.

pag daw sumakay ka ng jeep or kotse tas nilabas m kamay m, mapuputol.

pag daw binatukan ka, mabobobo ka. --- eto super iyak ako dito nun bata ako pag natatamaan ako ulo ng mga ate ko, d ako makaget over gat d sila pinapagalitan ng mom ko kase natatakot ako, honor student ako e.  :o

haha!

ako hanggang ngayon naniniwala na pag nilabas ang kamay or ulo sa jeep mapuputol, if may nag-overtake na isa pang sasakyan tapos nahagip yun kamay or ulo. LOL!  ;D

hawiyah

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #82 on: February 25, 2011, 01:55:15 pm »
tingin ko nga sis pumpkin hindi impossible na mangyari yun hehe...

health.gal

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #83 on: February 25, 2011, 02:26:01 pm »
....pag daw sumakay ka ng jeep or kotse tas nilabas m kamay m, mapuputol....
just sharing.... personally, may kailala ako na naputulan ng kamay because of this. nakasakay siya sa jeep, eh nakahawak siya sa rails ng jeep (yung parang bar na sandalan pag nakaupo ka). then yung jeep nakipagracing sa ibang jeep driver hanggang sa ma-out-of control siya. yung gilid ng jeep kung saan nakahawak yung kakilala ko sumadsad sa railings sa daanan (yung parang yellow na bar). tapos nabali kamay niya kasi nga nakahawak siya dun. sa lakas ng impact ng nangyari, hindi na masave ng mga doctor kamay niya, so kinailangan nang putulin. for those who ride jeepneys, mas maganda kung sa bar sa loob na lang humawak.

yapeegurl

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #84 on: February 26, 2011, 01:48:48 am »
^yikes nakakatakot naman yun! pero seriously, hindi maling akala yung mapuputol ang kamay pag nilabas while the vehicle is moving... it's an SOP..

pumpkin13

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #85 on: February 26, 2011, 02:13:16 am »
^ ayan, meron na tayong tamang akala.  ;D

hawiyah

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #86 on: February 26, 2011, 10:55:52 pm »
^ ayan, meron na tayong tamang akala.  ;D

 TAMA!!! sis pumpkin hehe...

douxmadchen

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #87 on: February 26, 2011, 11:43:43 pm »
Sabi ng lola ko, ok lang gupitan buhok ng Barbie ko kasi tutubo naman daw. So ako naman, kinalbo ko Barbie kong kakabili lang sa kin ng mama ko. Naloko ako ng bonggang bongga!!! Kaasar. Pikon na pikon ako noon. Shinampoo ko pa and all, hello? Syempre, walang nangyari. Haha. Talk about stupidity and pure innocence na sinamantala ng lola ko.  :-[

douxmadchen

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #88 on: February 26, 2011, 11:50:39 pm »
May isa pa pala, pag tulog na ko, sabi ng dadi ko, lahat daw ng toys ko nabubuhay. Parang sa Toys Story lang. Ako naman, nagtutulug-tulugan para maabutan ko yung *alive* kong toys, haha.


lekcin

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #89 on: February 28, 2011, 02:08:31 am »
akala ko nung bata ako ang mga aso lalaki lang, at ang mga pusa babae lang, ako din naman ang nagpatunay na hindi totoo yun kase nga naman paano dadami yung pusa kung puro sila babae diba? i think yun yung pinakabatang memory ko about sex, kase yung mga pusa samen ang bilis dumami ng bata ako.

yapeegurl

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #90 on: February 28, 2011, 02:57:31 pm »
akala ko totoo talaga pag nag cross fingers ka, mapipigilan mag poopoo ang mga aso..

kulotz

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #91 on: March 01, 2011, 04:57:56 pm »
ako naman, noong bata pa ako:
>  hindi ko pinapahaba yung kuko ko. kasi pag mahaba na (lalo na pag may itim itim na yung dulo), lalabas daw yung uod. kaya hanggang ngayon, pudpod pa rin kuko ko.
>  pag nasugat, lalabas daw yung kanin.
>  pag nauntog ang ulo, lalo na pag malakas, magiging bobo. kaya pag nauuntog ako dati, lagi kong tinatanong sarili ko ng 1+1 kasi pag hindi ko nasagot yun eh ibig sabihin nun eh nabobo na ako. :P
> hindi nagpapakita ang mga tikbalang, white lady at mga lamang lupa pag christmas kasi birthday ni jesus.

ang saya naman nito!  ;D

dropdeadgorgeous

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #92 on: March 02, 2011, 02:01:47 am »
pag umulan at may araw, may kinakasal na tikbalang.

huwag matutulog ng basa ang buhok, kase magkaka uban agad.

kapag naglaro ka at nasugatan ka during mahal na araw, hindi gagaling ang sugat mo.

kapag nasugatan ka,lalabas ang tikbalang sa sugat.

pumpkin13

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #93 on: March 02, 2011, 02:10:04 am »
pag nauntog or binatukan, magiging bobo so ang ginagawa ko ipupunch ko un chin ko pataas para hindi matuloy yung pagkabobo. asows!  :D

lianneg

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #94 on: March 02, 2011, 09:45:09 am »
kapag linunok ang seed ng mangga, it'll grow at my tummy.

when you kill a dragonfly, you'll lose 10 years of your life.


sweetbabycakes

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #95 on: March 02, 2011, 10:05:45 am »
kumuha raw ng buhok from somebody famous or smart tas isama yung unang gupit sa bata para makuha ng bata yung characteristics nung famous/smart person.

saka maglagay daw ng dictionary para maging matalino sa english yung baby.

yapeegurl

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #96 on: March 02, 2011, 12:31:22 pm »
samin naman maglagay ng notebook or book under your pillow para high grades ka sa exam the next day..

Beng01

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #97 on: March 02, 2011, 06:12:30 pm »
Nakakatawa tong thread na to.

Here's mine:

-Pag nagkiss na sa wedding ang bride and groom, buntis na kaagd iyong bride at magkikiss lang sila para mabuntis uli.
-Bawal maligo sa gabi kase matutuyuan ng dugo.
-Bawal magtali ng buhok pag basa dahil sasakit ang ulo.
-Bawal maligo pag pagod dahil magkakaketong.


sweetczarina

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #98 on: March 03, 2011, 03:11:04 pm »
grabe..natatawa ko mag isa dito sa office habang binabasa ko 'to.. buti walang nakakakita sakin.. LOL


momai

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #99 on: March 03, 2011, 03:52:23 pm »
pag pinaglipitan sa hapag kainan, hindi makakapag asawa

 

Latest Stories

Load More Stories
Close