watch now

Author Topic: Childhood Maling Akala  (Read 81954 times)

laviere

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #60 on: November 08, 2010, 05:01:19 pm »
akala ko if i pull the sides of my mouth while smiling, lalaki yung bibig ko, parang si joker. haha!

yapeegurl

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #61 on: November 09, 2010, 09:26:57 am »
1. bawal magturo ng puno or budok kasi baka ma-nuno.. pero kung nagawa mo na kakagatin mo lang yung daliri mo na ginamit pang turo..

sis, til now naniniwala pa din ako dito.. hahahaha

ravena

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #62 on: November 09, 2010, 11:29:15 am »
may ulong pugot na lalabas kapag nasugtan. nyi. haha.

jaded1025

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #63 on: December 09, 2010, 12:01:01 am »
Sabi ng mama ko yun mga canned foods daw puro daga at pusa ang laman, kaya puro gulay kinakain ko dati.

Pag nalunok mo ang bubble gum, didikit sa puso mo.

May xray vision si santa clause, dahil kahit madilim alam nya saan yun mga nkasabit na plastic bags namin. (Konti lang kasi laman ng socks, kaya plastic bags ang sinasabit naming magpipinsan.

Magaling maghati si santa, dahil lagi pare-pareho laman ng mga plastic bags namin.

Nanonood daw si santa pag pinapakanta at sayaw kami ng lolo at lola tuwing noche buena, kaya ang magagaling lang daw ang may laman ang plastic bags.

quennna

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #64 on: January 03, 2011, 01:41:22 pm »
pag di ka daw natulog nang tanghali.. kukunin ka daw ng bomba.. lol

pinoyako

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #65 on: January 13, 2011, 10:28:32 am »
kala k dati pag nakakain ka na seed mag grow siya sa katawan mo. :D

pumpkin13

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #66 on: January 17, 2011, 04:51:52 pm »
akala ko:

mom's version:kapag nagkasugat at ayaw ko ipagamot, lalabasan daw ng kalabaw. so kahit masakit yung penicillin na dinudurog ng mom ko at ilalagay sa sugat, go lang ako. lola's version naman kapag namaga na yung sugat ko dahil ayoko ipagamot, magkakaroon daw ng malaking ahas sa loob, tapos gagapang at pupulupot sa leeg ko. take note, nasa loob ng katawan ko ang ahas na malaki. ::)

yung kisses/aroma beads, manganganak kapag nilagay sa bulak at binuhusan ng alcohol everyday. pag ayaw pa din umanak, papagulungan na ng lapis.  ;D

may nagsabi din na 12mn, harap sa mirror with lighted candle para makita ko daw yun mapapangasawa ko. i was about to do that when a kalaro told me na her ate did that and saw a demon instead.  ???

madaming mundo sa ilalim ng lupa.hindi ko kasi nun maintindihan na bilog ang earth. so akala ko ang lupa na nilalakadan natin is isalng flat na space lang na nakapatong sa madaming bilog, dikit-dikit na mundo.  ;D

ana mimi

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #67 on: January 19, 2011, 04:32:53 pm »
---akala ko kapag bata ka pa may baby ka na agad sa tyan at unti unting lalaki ang tyan mo until the right age tapos dun ka na manganganak. kaya sabi ko nung 4 ako, may baby na pala ako, need ko kumain ng healthy foods..

---akala ko kapag torrid kissing lang ginawa at binigyan ka ng laway ng partner mo, buntis ka na.. akala ko, sabay yun, na kapag nag-kiss kayo, simultaneously na may papasok na sperm sa girl.


----bawal magsuyod sa gabi, lalo daw dadami ang kutO

---wag upuan ang unan dahil daw nakakabobo

---kapag nasugatan ka ng malalim e may lalabas na mga kanin sa sugat.

mishmish

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #68 on: January 21, 2011, 10:15:13 pm »
nung bata pa ako, kala ko , kung binasag ang TV, lalabas mga tao hehe  ;D

kettlekorn28

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #69 on: January 26, 2011, 09:49:37 am »
- yung araw at buwan nagtatago sa likod ng bundok kapag di ko sila nakikita.
- pag uminom ng kape iitim ang balat mo
- pag nalunok ang buto ng prutas, tutubo yung puno sa loob ng tiyan tapos pag sobrang laki na ng puno, lalabas yung mga branches nya sa tenga, mata, etc
- pag umupo ka sa unan, magkakaroon ng pigsa
- wag matutulog ng basa ang buhok kasi maloloka
- sa tv, pag namatay ang character, akala ko totoong namatay na sila
- yung sugat lalabasan ng kalabaw kapag di ginamot
- pag malaki ang tiyan ng tao, kahit pa lalaki, akala ko buntis na
- kapag nilakdangan ako ng kalaro ko, di na ako lalaki kaya dapat lakdangan nya ulit ako pabalik.
- ang mundo ay dere-deretso lang, pahaba, hindi bilog. kasi sabi ko, kung bilog, mahuhulog yung mga tao sa ilalim tapos yung tubig sa dagat tatapon.

yapeegurl

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #70 on: February 04, 2011, 04:34:00 pm »
akala ko meron talagang pot of gold at the end of the rainbow..

pumpkin13

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #71 on: February 04, 2011, 10:45:35 pm »
^ haha. inasahan ko din yan nung bata ako sis. kaya pag sinabi nila na may rainbow daw, lumalabas ako agad ng bahay tapos tinatanong ko mga matatanda samin kung anong dapat sakyan na jeep para makapunta ko dun. kala ko pa nga kelangan muna magpadulas sa rainbow para mapunta sa pot of gold.  ;D

yapeegurl

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #72 on: February 05, 2011, 10:41:13 am »
^yikes! pareho tayo sis! hahaha as in iniisip ko pa ng sobra kung pano makarating dun.. as in naging dream ko syang mapuntahan.. lol

sweet_cherry

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #73 on: February 06, 2011, 09:06:03 pm »
akala ko ang kisses nanganganak pag nilagay sa unan,

yapeegurl

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #74 on: February 07, 2011, 03:14:11 pm »
^wala na akong nakikitang kisses ngayon.. sayang ang bango bango pa man din nyan..

yang

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #75 on: February 07, 2011, 03:21:03 pm »
kapag nag shampoo ako mabilis hahaba hair ko.

mameejhy

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #76 on: February 24, 2011, 03:20:59 pm »
this thread brings back funny childhood memories! :D

j a n i z

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #77 on: February 24, 2011, 04:15:28 pm »
halos maling akala ko n din yun mga previous posts, kakatuwa!!

eto pa, may dagdag ako.

pag daw sumakay ka ng jeep or kotse tas nilabas m kamay m, mapuputol.

pag daw binatukan ka, mabobobo ka. --- eto super iyak ako dito nun bata ako pag natatamaan ako ulo ng mga ate ko, d ako makaget over gat d sila pinapagalitan ng mom ko kase natatakot ako, honor student ako e.  :o

haha!


momai

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #78 on: February 24, 2011, 04:25:36 pm »
ito ang mga maling akala ko....

-pag nakalunok ng buto, tutubo yun sa loob ng tiyan
-pag nakalunok ng bubble gum, magdidikit dikit ang mga bituka
-pag umuulan pero may araw, may kinakasal na tikbalang
-pag di pinagamot ang sugat lalabas ang elephant
-pag natulog na basa ang buhok, masisira ang ulo
-wag uupo sa lamesa at unan, magkakaron ng pigsa sa pwet
-pag hinakbangan ka, di na ka lalaki, kaya dapat bumalik ulit ng paghakbang
-pag di natulog s ahapon, di na daw lalaki
-kinukuha ang mga makukulit na bata para gawing vetsin
-ang laman ng siopao ay pusa

mag isip pa ko  ulit..kakatuwa itong thread na ito.

maika14

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #79 on: February 25, 2011, 02:13:18 am »
Ay may naalala din ako:

Pag naglaro ng taguan tapos pagabi na or gabi na, kukunin ka ng tikbalang.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close