watch now

Author Topic: Childhood Maling Akala  (Read 81903 times)

m

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #40 on: September 30, 2010, 08:39:12 am »
haha yan sinok na yan ginawa ko pa sa baby ko kulit kasi ni mil and mom ko. anyway, super nakakarelate ako ang daming maling akala na akala ko din e totoo nung maliit pa ako.
to add: yung snake sa robinson's galleria sa may cr ng babae, na nabiktima daw si alice dickson. as in kala ko talaga totoo kaya pag nag cr ako tapos flash the toilet takbo na palabas hahaha

marsh_candy

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #41 on: September 30, 2010, 12:21:46 pm »
 ;D ;D sa amin sa davao, ganyan din sabi nila nung bata ako .. pero sa dressing room.. kaya imagination ko grabe... di ko alam if imagination ko ba or sinabi sa kin.. nasa isip ko nun, bigla nahulog si snooky serna at kinagat ng ahas! tapos may malaking dragon!

sabi nila, kaya daw robinson dahil son of robin, snake ang katawan at ulo ay tao!

kalurkey!  ;D

pinkstone

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #42 on: September 30, 2010, 01:00:35 pm »
^^umabot din pala yan sa davao sis,dito rin sa amin sis,may robinsons din dito,yan din sabi2x nila,may malaking ahas daw na nagtatago sa dressing room,kaya raw bigla nalng mawawala yung mga nag fi-fit don,kambal daw yun ng may-ari,half man,half snake LOL,paniwalang paniwala ako don nung bata ako..

wuvshoe

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #43 on: September 30, 2010, 01:03:50 pm »
haha! nakakatuwa naman kayo...

- ang batang maraming kuto, tatangayin at dadalhin ng mga kuto sa kanilang kaharian... (sus, di totoo... nagparami kaya ako ng kuto para lang makalipad... hmp! o baka naman mabigat lang ako...)

- akala ko... first cousin ko si dracula... hindi ko alam bakit feeling close ako sa kanya nun...

- pag umiyak ang bata after 6:00pm, may mamamatay! nyaaayyy~~~ kaya promptly at 6pm, i will stop crying. resume na lang ang drama sa umaga...

- na totoo ang mga carebears... mag-asawa si she-ra at he-man... at anak nila si rainbow brite... basta totoo lahat ang cartoon characters... at magiging asawa ko yung green lion sa voltron!!! sigh...

maika14

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #44 on: September 30, 2010, 02:02:15 pm »
Akala ko ang America nasa ibabaw ng langit. Kaya kailangang sumakay ng eroplano yung mga tita ko.  ;D ;D

"san nakatira tita mo?"

"sa taas!"

LOL!  ;D

Nung tinanong ko brother kong nasa college na ngayon, yun din daw paniwala nya nung bata sya. Hahaha! Weird kids!  :P ;D

yapeegurl

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #45 on: October 03, 2010, 10:43:24 pm »
lagay ko daw ang books sa ilalim ng unan para tumalino ako.. hay nako sumakit lang batok ko sa dami ng matigas na books sa ulo ko. waaahh!

prettypepz

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #46 on: October 03, 2010, 10:54:09 pm »
haha nakaktuwa isipin yung past natin..

ako naman nung bata ako:

- sabi ng mama ko liliparin daw ako sa malayo sa sobrang dami ng kuto ko, kaya pinagupitan nya ako noon yung gupit na "syete" haha yung panlalaki...

- akala ko kapag umihi ako sa labas tapos naihian ng boy, mabubuntis ako  ;D

- kapag nilunok ko buto ng santol o kahit anong prutas eh tutubo sa tiyan ko hahaha

- kapag 12midnight may manananggal (sabi yan ng lola ko) naniwala naman ako...

- kapag nasugatan ako may lalabas daw na kalabaw haha (ewan ko ba san nila kinuha yan)

...ayan lang mga natandaan ko pero madami yan.. hehe ;D

pistachio nuts

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #47 on: October 07, 2010, 04:34:37 am »
eto pa: sa province--

dati may pinsan akong married na, tapos tinanong ko kung bakit wala pa silang anak; then tinanong ko kung pano gumawa ng anak.
sabi sakin kelangan daw nilang kumain ng tig-2 spoonfulls ng vicks.. e pangit daw lasa nun, kaya wala pa silang anak. (after 16 yrs.. di na talaga sila nagka-anak)

yung mga puti-puting spots sa carport namin dati, sabi ng mga kalaro ko, dun daw madalas tumayo yung mga white ladies..hehe

pinkk

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #48 on: October 12, 2010, 08:44:49 am »
my childhood maling akala is mistook literally that ideality is to reality.

marsh_candy

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #49 on: October 13, 2010, 11:45:41 am »
pagkino-cross ko finger ko, lalabas ang mga patay sa lupa.. yung sa kakapanuod kasi ng Pinoy thriller at mga patay-patay scenes nung bata ako, then meron malapit sa amin na sementeryo kaya yun, takot ako.

ishko

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #50 on: October 13, 2010, 02:22:09 pm »
akala ko dati pag may namatay, skeleton na rin sila pero kasama pa rin natin, like napanaginipan ko na kumain ng ubas yung namatay na tapos nahuhulog lang dahil skeleton na nga  ;D ;D ;D

phurple0515

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #51 on: October 13, 2010, 02:32:54 pm »
Ako naman, naalala ko, nong bata daw kasi ako, mga barkada ni Papa sa bahay nag-iinuman.  So ang pulutan aso o kambing.  Nito lang sinabi ni mama na naguulam daw ako ng aso dati (shempre di ko pa alam to non).  Tapos kinder ako, alam ko me handa kami na kalderetang aso ata, so ako, kain ng kain.  Sabi ni Papa sa akin, wag daw akong kakain na non at sa gabi daw baka umalulong ako.  After that, tinigil ko na kumain tapos di ako nakatulog ng gabi kasi natatakot nga ako na baka nga umalulong ako :)

pag nakakain ng buto, takot na takot ako kasi baka tumubo yon sa katawan ko.


xiansmom

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #52 on: October 24, 2010, 03:08:18 am »
sabi ng lola
wag daw maligo pag tuesday and friday,kasi naglalabasan ang engkanto.
kapag umihi duraan mo ihi mo kasi mabubuntis daw pag nahakbangan
ng mga boys.

ce2610

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #53 on: October 28, 2010, 09:30:15 am »

pag nakakain ng buto, takot na takot ako kasi baka tumubo yon sa katawan ko.


same na same tayo sis.

akala ko non si santa claus totoo. pag christmas may mga candies sa socks ko, sabi ko "pumunta na pala si sta. claus dito mommy, di mo ba nakita? di mo ako ginising" tapos ipagyayabang ko sa mga friends ko. hehe

un pala si mom lang naglalagay ng candies..

hannie1216

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #54 on: November 05, 2010, 04:13:05 am »
1. Kala ko nanganganak ang mga kisses.
2. Kala ko may mga taong nakatira sa buwan
3. Naniniwala akong totoo si superman :)
4. Pag may sugat at umiyak lalabas ang tren (panakot sa akin ng mommy ko)
5. Kala ko dikit dikit lang ang mga stars

chaucer19

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #55 on: November 06, 2010, 11:39:12 am »
1. akala ko yung kinakasama ng tita ko dati ang kumanta ng HANDOG (FLORANTE ).
2. kapag tinuro mo ang puno ng BALETE mamamatay ka. Kaya nguso ang gamit namin kapag napagkkwentuhan ang puno ng balete sa school namin.
3. kapag nasugatan ka tuwing holy week yearly magkakasugat ka.
4. kagatin ang dulo ng dila kapag may aso para hindi sya lumapit at kagatin ka.
5. Aspilet lang ang gamot para sa mga bata. (di ko pa kilala noon ang medicol)
6. Na totoong may lumalabas na ulo ng tao sa toilet bowl kapag nag-pplush ka
7. nabubuo ang baby kapag nagkadikit ang katawan ng babae at lalake.
8. kapag sumakay ka ng LRT may magbibigay sayo ng spaghetti. (may nakita akong commercial na may spaghetti sa LRT)
9. kapag hindi ka natulog sa tanghali kukunin ka ng mga tao at isisilid sa sako at gagawin pang-tambak sa tulay.
10.

showermist

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #56 on: November 06, 2010, 12:04:50 pm »

to add: yung snake sa robinson's galleria sa may cr ng babae, na nabiktima daw si alice dickson. as in kala ko talaga totoo kaya pag nag cr ako tapos flash the toilet takbo na palabas LOL

nakarelate ako dito.  at imagine hanggang ngayon, pag napunta ako ng galleria, di ako  talaga makatagal sa toilet nila lols

pag nakalunok ng buto ng prutas, tutubo sa tyan.  iniimagine ko dati seedlings kaya panay ang inom ko ng mainit, para mag wilt hehe


at eto ang nakakaloka, yung anak ng pinsan ko, naniniwalang magic-kera ang nany nya.

yapeegurl

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #57 on: November 08, 2010, 08:54:47 am »
^sa restroom pala yun sis? akala ko dati yung sabi nila nasa fitting room daw yung snake.. lolz

daddy-yo

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #58 on: November 08, 2010, 11:25:37 am »
lagi ko nakikita parents and grandparents ko tinatanggal pustiso nila pag nagtoo-toothbrush. sabi nila sa akin pag tanda ko din daw matatangal na lahat ng ngipin ko. buti naman 30 nako ngayon buo pa.

liyapot

  • Guest
Re: Childhood Maling Akala
« Reply #59 on: November 08, 2010, 04:08:17 pm »
1. bawal magturo ng puno or budok kasi baka ma-nuno.. pero kung nagawa mo na kakagatin mo lang yung daliri mo na ginamit pang turo..

2. sa amin..hinde tren or elepante ang lalabas sa sugat... sa amin..KANIN! hahaha!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close