watch now

Author Topic: twin pregnancy  (Read 148053 times)

cloudcean

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #180 on: March 22, 2011, 05:55:52 pm »
sis, talagang extra challenge pag sabay silang umiiyak... :)
pero ang pinakamasarap ay pag sabay silang nagsmile sayo ;)

luthientinuviel

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #181 on: March 22, 2011, 10:56:41 pm »
naeexcite na ako sa smiles  ;D nila. kaso me kasamang iyak na kinakatay din. hehe. pero ayoko muna silang lumabas kahit di na ko makagalaw sa bigat at sa sakit ng likod ko kasi 30 weeks pa lang sila in 2 days. pano kayo nkakatulog nung mga last weeks? semi-recline? parang di ko na keri ang side-lying kasi nangingimay na laft and right sides ko. parang 5x ako nagigising sa gabi para lang magwiwi at magbago ng sleeping position.

pwede kaya patummy tuck right after ng CS?  ;) joke.

mga sis, co-sleeping ba kayo o crib? mas maganda ba na magkatabi sila?

golda_ph

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #182 on: March 23, 2011, 04:05:31 pm »
sis cloud, di pa natiming na sabay sila nakasmile na tulog. hehe. kasi pag gising, di pa sila smile kasi iyak o gaze lang sila:)
sis luthien, di na ako makatulog ng 32wks onwards kasi ang bigat at kahit tagilid o paharap o recline, di drecho tulog dahil sa ngawit, same experience po tayo pag dating dyan kasi mas mabigat talaga dala natin. re tummy tuck, hehe..mukhang ganun nga ang itsura ng tyan ko,flappy pangtummytuck na dapat paputiin ang navel at talagang stretchy looking pusod siya, haha. hay ewan ko lang kung magiging intimate pa kami ni hubby dahil sa itsura ng tyan na to. haha,patay ilaw na lang solusyon. hehe...ang ok sa cs ng ob ko sa akin, bikini type kaya parang tiklop na balat ko lang.keloid former kasi ako eh. kaso balewala din ata kasi ang dilim talaga ng pusod area at linea negra na parang guhit din ng cs traditional. hehe..
at first, we co sleep kaso katakot madaganan sila kaya sa crib na tlaga at pag medyo malaki na siguro pag nakakataob sila, baka cosleep na rin. yaya din namin nasa kwarto namin so mas mahirap na damputin ang baby pag nasa gitna namin. nwei, my hubby needs to sleep din kasi may pasok pa the next day.
basta mga sisses, goal nyo full term, ako nga pala inabot sa asian ng 200k, cs 3days na wala namang nicu. ifafile ko palang philhealth ko eh so siguro iminus pa yun, mga 40k din siguro yun. kaya normal dlvry para faster recovery :) belly rubs!
tulog sila ngaon at may globe tatoo na ako kaya nakakainternet ulit:)

cloudcean

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #183 on: March 23, 2011, 04:08:18 pm »
sis luthientinuviel, yung twins ko sa crib sila natutulog magkatabi sila pero ngayong 6 months na sila hiwalay na sila ng crib

eizej

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #184 on: March 24, 2011, 11:34:27 am »
awwts! now pa lang parang ramdam ko na hirap ng may twin.. thanks for sharing sis golda.

luthientinuviel

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #185 on: March 24, 2011, 01:40:27 pm »
yey! babies ko 18% na lang discordance (from 1 month discordance, forgot na the percentage ---> to 26% or 2-week discordance)!!!  ;D salamat sa protein shake at sa porkchops, itlog at sangkatutak na chicken. sana pag tuntong ng april pantay na sila. sana lang di sila nagkamali sa capitol... :-[ check up ko bukas, sana consistent resulta...

sana manalo ako sa lotto pang-tummy tuck. hehe.  ;)

seriously, hanggang kelan isusuot ang binder para lumiit ang tyan? nakakaliit nga ba ng tyan? yung tyan ko pati parang ulo ng alien na may hydrocephalus sa pangit ng stretch marks below my navel. kala ko wala ako stretch marks, di ko lang pala nakikita. sensya na yan ang iniisip ko kasi ayokong magfocus sa growth problems ng babies ko kasi masama ang iyak nang iyak.

Quote
at first, we co sleep kaso katakot madaganan sila kaya sa crib na tlaga at pag medyo malaki na siguro pag nakakataob sila, baka cosleep na rin. yaya din namin nasa kwarto namin so mas mahirap na damputin ang baby pag nasa gitna namin. nwei, my hubby needs to sleep din kasi may pasok pa the next day.

Quote
sis luthientinuviel, yung twins ko sa crib sila natutulog magkatabi sila pero ngayong 6 months na sila hiwalay na sila ng crib

kung ganon kukunin ko na yung isa pang crib sa SIL ko. sayang bumili ng isa pa eh me nakatago lang sa SIL ko, di nagagamit.

as for strollers, nagagamit nyo ba? yung SIL ko sa US nagpadala sa akin ng "lock" para mapagdikit ang 2 single strollers. OA sa presyo yung twin strollers sa rustans, baka di naman din magamit.

cloudcean

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #186 on: March 24, 2011, 02:16:17 pm »
^ sis, yung twin stroller nmin gift ng SIL ko goodbaby ang brand binili niya sa baby co. nung december 8k nakita ko last week sa sm north php 5, 600 na lang.. ok naman  ;)

oo wag ka ng bumili ng 1 pang crib nung una kasi bumili kami ni hubby ng wooden crib na malaki kala namin kasya na sila e ngayon di na sila kasya kaya bumili kami nung grand babyfair ng playpen 1,500 lang bili namin :)

lablynes

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #187 on: March 24, 2011, 06:32:20 pm »
sis golda, congrats for d safe delivery ng twins mo! angaleng nman umabot cla ng full term  :)

problem ko n din ngaun ang matulog sa gabi. anhirap pumwesto. mina-maintain ko kc parati na nka left side ako kya lang nkkangalay na. ultimo bumangon pra mgwiwi sobrang effort na din. antakaw ko p nman sa tulog ngaun gusto ko parati nkahiga nbbigatan ako s tyan ko pg nkaupo parang hinde ako makahinga. hindi ko ata keri matulog n nkaupo pg asa last weeks na ko. super likot p ng mga babies ngaun lalo na kapag nkahiga na ko. anlikot nun baby na nasa left side ko parang mabubutas na yung tyan ko sa sipa nya. iniisip ko tuloy baka nadadaganan ko sya since lagi ako nkahiga s left side ko sabi nman ni ob hinde nman daw dahil lumulutang nman cla sa tubig. tapos nafeel nyo din bang lagi kayong pinagppawisan? ganito b talga? hindi kc ako ganito sa first pregnancy ko eh summer din ako ngbuntis nun.

btw, mga sis pano nyo nadistinguish yung movements ng babies nyo. un saken malikot tlaga yung baby boy un asa left ko, minsan ko lang maramdaman un baby sa right ko. pero since umiikot pa cla hinde ko tuloy alam kun kaninong movement na yung nrramdaman ko. pano iccount un pag asa last weeks kn ng pregnancy? minsan nppraning ako gusto ko sumugod sa ob ko pra mgpa doppler kc parang movement lang nun isa nrramdaman ko un isa hinde ko gano mramdaman. hinde ko din alam bka sabay na pla clang gumagalaw.

sis luthientinuviel, good to hear na bumaba na yung discordancy ng babies mo sana mgtuloy tuloy na yan. in my case antay ako hanggan next week pra mgpa u/s sa ibang clinic/lab nman. gusto ko n nga this week kya lang 2 wks pa lang since nun last u/s ko. hinde ba msama mgpa u/s kun 2 weeks interval lang? pero sana bumaba na din discordancy or mgpantay na cla. wala pa nman akong mabasa sa net tungkol sa weight discordancy issue pag fraternal twins puro sa identical yung nababasa ko. bka meron kayong alam na site, pa share nman mga sisses para mpag aralan ko. thanks!

luthientinuviel

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #188 on: March 26, 2011, 12:00:51 am »
Quote
sis luthientinuviel, good to hear na bumaba na yung discordancy ng babies mo sana mgtuloy tuloy na yan. in my case antay ako hanggan next week pra mgpa u/s sa ibang clinic/lab nman. gusto ko n nga this week kya lang 2 wks pa lang since nun last u/s ko. hinde ba msama mgpa u/s kun 2 weeks interval lang? pero sana bumaba na din discordancy or mgpantay na cla. wala pa nman akong mabasa sa net tungkol sa weight discordancy issue pag fraternal twins puro sa identical yung nababasa ko. bka meron kayong alam na site, pa share nman mga sisses para mpag aralan ko. thanks!

thanks! sana sa yo din magpantay na din. try mo magtake ng ensure baka sakali magwork din katulad nung sa kin.

hindi naman masama yung madalas na u/s. yung 2 kong u/s na pinagawa ko sa capitol (dahil sa sobrang kapraningan ko) binigay ko sa OB ko kanina and wala naman syang sinabi. mas tutok sya sa pagbaba ng discordancy ng girls ko. including my initatial CAS, nakatatlo ako or 1 scan every week.

Quote
btw, mga sis pano nyo nadistinguish yung movements ng babies nyo. un saken malikot tlaga yung baby boy un asa left ko, minsan ko lang maramdaman un baby sa right ko. pero since umiikot pa cla hinde ko tuloy alam kun kaninong movement na yung nrramdaman ko. pano iccount un pag asa last weeks kn ng pregnancy? minsan nppraning ako gusto ko sumugod sa ob ko pra mgpa doppler kc parang movement lang nun isa nrramdaman ko un isa hinde ko gano mramdaman. hinde ko din alam bka sabay na pla clang gumagalaw.

ganyan din ako, yung nasa left side ko (yung mas malaki kong baby) ang mas malikot and yung nasa right ko ang di ko masyado nararamdaman. kaya din lagi akong nagpapaultrasound, reklamo ko sa sonologist na di ko maramdaman yung nasa right. pero kita naman daw sa u/s na malikot silang pareho. tapos kanina sinabi ko rin sa OB ko concern ko na ganun, sabi nya it's hard minsan to distinguish kung sino ba talaga ang gumagalaw talaga since yung babies ko head-to-head (pareho silang cephalic na) and sobrang dikit dahil masikip na kaya minsan daw akala ko si baby A (left) yung gumagalaw yun pala si baby B na. magkahalo na daw kasi yung limbs nila eh.  ;D si baby B nga lang nakasiksik kaya di masyado yata free yung movements and she has her foot jammed under my ribs.  :o nakakampante lang ako pag nakikita ko and napapakinggan yung heartbeats nila na halos pareho lang (136 bpm and 133 bpm).

marose17

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #189 on: March 26, 2011, 08:51:19 am »
Re strollers, my kids used the Maclaren Twin Techno.  Gamit na gamit, nalaspag na nga!  Unless you are going to bring 2 yayas each time you go out, twin strollers could be very useful.

kookimaster

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #190 on: March 26, 2011, 01:40:44 pm »
Hi! newbie here. expecting twins din in july! Just had my CAS in New World this morning. Boy and Girl :)

golda_ph

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #191 on: March 30, 2011, 04:07:03 pm »
congrats sis kooki! everbody dreams of having fraternal twins:) welcome aboard to motherhood! belly rubs

luthientinuviel

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #192 on: March 30, 2011, 09:15:28 pm »
Re strollers, my kids used the Maclaren Twin Techno.  Gamit na gamit, nalaspag na nga!  Unless you are going to bring 2 yayas each time you go out, twin strollers could be very useful.

thinking of ordering from amazon, yung twin stroller na isasalpak na lang yung car seat. meron na kaming car seats eh. iniisip ko lang kelan ang sched magpadala ng balik-bayan ang BIL ko. hehe.

excited na ako sa twins ko, lalo na dahil sa video na to http://www.youtube.com/watch?v=_JmA2ClUvUY (twins laughing at each other)

eizej

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #193 on: March 31, 2011, 04:18:54 pm »
excited na din ako malaman gender nila baby, sa 24 weeks na ako magpapa us, im on my 22 weeks na, so 2 weeks to go..

golda_ph

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #194 on: April 01, 2011, 03:09:16 pm »
lapit na. sana boy n girl sis! eizej:) belly rubs!
thanks sis labyles!
yap, may twin stroller na sa pinas! nagsale nga this march sa sm 5600 nalang. nabili namin yung samin nung dec 8k...hay...pero mas mura pa  nga ang twin stroller na good baby na yan kesa sa singeton na maganda ang brand. masusubukan ko kung ok naman ang good baby brand.
2  na yaya namin! pero ayoko hawak netong  bago, parang balibag maghawak. nagkaanak na siya ng kambal ng lagay na yan ha kaya nga kinuha namin siya kasi may 4yo  na siyang kambal. pero parang nagbabaliktanaw pa na nangangapa. hay, nakiusap na nga ako, wag naman harsh kasi 1st babies ko sila, i want them treated and held like a human being, di ragged dolls...intrimidida at parang ayaw na pahawak din ang mga anak ko pag umiiyak. sabi pa sa akin nung nagpapaligo kami, si mommy di pa marunong magtimpla ng tubig. eh bago lang eh, bawal ba magtry man lang ako sa ginagawa ko  bilang mom nila. hay,deadma sa comment na yun.
nwei, 1month na lang tapos naML ko...hayyy,,,i wanna stop time. kahit mahirap magalaga, i will miss their cry, smell, smile, everything sa pagiging newborn  nila kasi paguwi ko, like what sis melsy said, tulog na...sana kilala parin nila ako paguwi ko...huhu..parang yoko na nga magwork eh. parang nakalimutan ko na ang trabaho ko literally...
to everyone ulit, belly rubs...:) take care

eizej

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #195 on: April 01, 2011, 04:08:09 pm »
@ sis golda, sana nga sis boy and girl, pero kahit ano gender as along as healthy sila, masaya na kami.. keep posting sis, nakakainspire mga sharings mo...

golda_ph

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #196 on: April 02, 2011, 09:39:41 pm »
sis luthien, ang cute ng video naman! twin boys ka ba?  naku something to look forward pag pinapanood mo yun:)

luthientinuviel

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #197 on: April 02, 2011, 11:31:12 pm »
sis luthien, ang cute ng video naman! twin boys ka ba?  naku something to look forward pag pinapanood mo yun:)

twin girls!

eto pa

http://www.youtube.com/watch?v=X7mOzWQSnaQ

parang boring nga kung 1 lang baby. hehe
« Last Edit: April 02, 2011, 11:35:36 pm by luthientinuviel »

lablynes

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #198 on: April 03, 2011, 09:05:20 pm »
i just had my 3d/4d scan last week and thank God 3 days na lang weight difference ng twins ko! hinde na daw significant sabi ng ob ko. i hope mgtuloy tuloy na to hanggan due date. kya lang from cephalic-breech naging cephalic-tranverse lie na sila. i'm on 29 weeks, iikot p kya cla?

golda_ph

  • Guest
Re: twin pregnancy
« Reply #199 on: April 04, 2011, 01:49:48 pm »
if cephalic na [textspeak!] isa, ok pa rin yan to make it normal pag nakaefface yung cephalic. go for normal pa rin!:)
parehas tayo position eh, di na nagbago sa akin either transverse or breech lang lagi yung isa pero from start to finish cephalic yung isa forever. ayon sa ob ko,its better na di cephalic both kasi dyan nagkakaproblema na parang unahan sila sa pagefface. kaya better na breech yung isa na habang in labor ka, di in distress yung isa at iikot kusa, when it's his turn to come out...or your ob can assist...
:)belly rubs

 

Latest Stories

Load More Stories
Close