watch now

Author Topic: SMS Spammers  (Read 52138 times)

kettlekorn28

  • Guest
Re: SMS Spammers
« Reply #40 on: March 03, 2011, 09:49:22 am »
hay naku, kaimbyerna yung SAM MENDOZA na yun huh! tuesday night, mga 11pm, nagtext ulit kay hubby at nagmamakaawa na tulungan sya na makarating ng manila. tapos nung madaling-araw, around 3am, nagtext ulit. nagising tuloy kami. kaya daw nya ibigay ang katawan nya kapalit ng pagtulong sa kanya na makarating ng maynila. que horror!

alna

  • Guest
Re: SMS Spammers
« Reply #41 on: March 03, 2011, 10:16:33 am »
^nakatanggap na rin ako dati ng messages from sam, di naman ako nasagot sa kanya pero several texts din yun at parehong-pareho yung sinabi nya...

alna

  • Guest
Re: SMS Spammers
« Reply #42 on: March 03, 2011, 10:21:33 am »

kettlekorn28

  • Guest
Re: SMS Spammers
« Reply #43 on: March 03, 2011, 10:23:31 am »
^ oo sis. matagal na yan. na-search ko na rin dati sa google. ay kaasar nga. kasi kasarapan ng tulog namin biglang magtetext. di naman pwede magbago si hubby ng # kasi provided ng company yun, naka-postpaid sya.

greenarrowbabe

  • Guest
Re: SMS Spammers
« Reply #44 on: March 11, 2011, 06:26:05 pm »
Naku sis! sa sun madaming ding spammers! yung cocoplans and kung ano2 pa! napapasin kong sa postpaid subscribers madalas ito. Kaya feeling ko may nagleleak ng subscribers list sa kanila.

jhez

  • Guest
Re: SMS Spammers
« Reply #45 on: March 11, 2011, 07:02:29 pm »
may narereceive kami ganyan. 1 time tinext ko, sabi ko "sige padala mo na yung box", di na sumagot. hehe...

strawberry

  • Guest
Re: SMS Spammers
« Reply #46 on: March 11, 2011, 09:10:13 pm »
^^@greenarrowbabe, yan din ang hinala ko. imposible kasing nagkataon lang at hula hula lang sa mga cell numbers naten yung mga nag papadala ng SMS. pihado may nag furnish ng listahan sa kanila

tiggerlily

  • Guest
Re: SMS Spammers
« Reply #47 on: March 12, 2011, 04:46:11 am »
kainis talaga nakukuha pa akong nanalo sa ganito at ganyan. pati na rin mga text tungkol sa mga politician. hayz

strawberry

  • Guest
Re: SMS Spammers
« Reply #48 on: March 12, 2011, 09:11:54 pm »
^ay meron din akong na re-receive na mga updates on politicians, esp during da campaign period. minsan nga naninira pa ng politicians. sa inis ko, ni text back ko ng "stop texting me updates coz i don'r give a d@mn!"  ;D

these text spams are soooo irritating  >:(

barbwire

  • Guest
Re: SMS Spammers
« Reply #49 on: March 12, 2011, 10:26:12 pm »
ako naman nakakareceive ng text mga 10 times yun sunod sunod, lea name niya, nagpapaload ng 150 pesos.
mommy ko din may nagtext sa kanya, nagpapaload din. akala niya a kilala niya. sabi ko wag niya pansinin mga ganon kasi nanloloko lang.

msTiKtac

  • Guest
Re: SMS Spammers
« Reply #50 on: April 08, 2011, 02:55:27 am »

ito ang classic...

"Ito nga pala bago kong roaming number.  Pauwi na ako sa ___ week next month.  Load mo ako P300, marami akong itetext sayo importante tungkol sa package na pinadala ko nung ___.  Hihintayin ko ha... wag mo kalimutan."

Hanep talaga, parang may mga patagong pera eh!  Sa makatsamba lang talaga....  ;D

eto pa... smart #


"You have won P250,000 just by texting to your friends.  blah blah blah... DTI Series No. __(celphone # ni spammer)___ ; Code: 500  To confirm that you receive this message, type in the DTI Series No., space, Code and send it to 0808" ...


Hayup!  Pasaload na yun!  ;D ;D  Marami talagang g@go sa Pilipinas.

-munchkins12-

  • Guest
Re: SMS Spammers
« Reply #51 on: April 08, 2011, 11:44:35 am »
^hay naku i received sms again similar to this. Mga 3x na sunod sunod pa. Sometimes i replied. I said nareceive ko na. I think this should be reported to agencies. Kanino naman?

tiggerlily

  • Guest
Re: SMS Spammers
« Reply #52 on: April 08, 2011, 07:52:38 pm »
nung minsan nainis na ako. sumagot ako sa ganyang nagpapaload e. sabi ko, "malaki ba ang kita dyan?" hindi ako sinagot. kainis ang damot. ayaw magshare ng business. hehe!

cati

  • Guest
Re: SMS Spammers
« Reply #53 on: April 09, 2011, 01:47:40 pm »
sana may agency na pede ireport ang mga phone numbers ng spammer and maghigpit sa pagbili ng prepaid card, para matrace kung san galing

tiggerlily

  • Guest
Re: SMS Spammers
« Reply #54 on: April 09, 2011, 02:49:21 pm »
chos! Good luck na lang dyan sis. walang magawa ang NTC sa mga ito kundi i-warn ang mga users. i've just heard of someone na nagpadala ng 600k+ worth of smart loads dun sa scammer. kasi akala nya nanay nya na nagsabi sa kanyang magandang business daw ang load sa US. ayun, ang dami nyang pinadalang load.

RoyalWeddingFavors

  • Guest
Re: SMS Spammers
« Reply #55 on: April 19, 2011, 09:29:47 am »
nakakainis na madaling araw sila nagtetext tapos hindi lang isang message, paulit-ulit na ang dami so magigising ka talaga. kala ko tuloy minsan may emergency tapos yun lang pala.

i doubt kung may magagawa ang NTC kasi paano mo mafi-filter yung text messages ng mga spammers... unless na lang they will require na kahit prepaid naka-register ang user (katulad sa postpaid)

beayap

  • Guest
Re: SMS Spammers
« Reply #56 on: April 29, 2011, 02:11:07 pm »
I always get naman mga spam sa mga condo.. Nakakainis din.

a_y_e_n

  • Guest
Re: SMS Spammers
« Reply #57 on: May 03, 2011, 11:28:25 am »
^^naku, pabor ako sa registration ng mga prepaid numbers! sobrang perwisyo na talaga sila. one time may nagtext sa mama ko, nagpapaload, nagpakilalang anak nya daw na naaksidente naubusan lang ng load. buti nalang ang mama ko matabang, minura nya yung texter. lam nya na impossibleng kame yun ng kapatid ko since pareho kameng postpaid.

pagnakakareceive din ako ng mga spammers, nagrereply talaga ako ng bonggang bonggang mura. kahit masayang free text ko basta makaganti lang ako sa kanila.

^kaye^

  • Guest
Re: SMS Spammers
« Reply #58 on: May 03, 2011, 03:01:53 pm »
Yung mother in law ko naloko ng scammer. Akala niya ang katext niya ay yung mom ko, ayun, nagpadala ng 6K na load. Nung nalaman namin ng hubby ko, pinagtext namin yung PIN number ng prepaid cards, pero wala, na load na lahat ng scammer na yun  >:(

Ngayon, pagnakakatanggap ako ng messages na ganoon, pinapatulan ko talaga. Quesehodang masayang ang load ko. Kapag nagtetext ng "musta kayo diyan?..." nirereplyan ko ng "Ito, malungkot pa din. Na-demolish na bahay natin, yung tatay mo pala namatay na nung isang linggo, hindi ka na namin sinabihan para hindi ka na umuwi pa. yung nanay mo nagka-complikasyon sa diabetes, tapos yung kapatid mo inaresto dahil nahuling may dalang droga. Si bunso baka hindi na makapasok sa eskuwela kasi wala na kaming pera, naulos lahat sa libing ni itay." Madalas, hindi na sila sumasagot.

Tapos minsan naman, sinasakyan ko scam nila. Tapos pag nag alok na sila ng negosyo at magpapabili ng prepaid card, sasabihin ko nakabili na ng card, nakautang ako ng mga 7K sa tita/kaibigan/kapitbahay. Tapos sasabihin niya na ipadala ko na sa kanya. Maya-maya itetext ko na sa sobrang dami ng card, hindi ko na maitetext yung pin kasi sayang sa load. pina-iscan ko na lang yung likod ng card tapos inemail ko sa kanya. Natutuwa ako pag nagte-text sila na gigil na gigil na at pinapatext yung pin ng card dahil wala silang internet access ;D


dashgirl

  • Guest
Re: SMS Spammers
« Reply #59 on: May 03, 2011, 03:57:50 pm »
ang swerte ko pala hindi ko pa na experience yang mga yan hehe

will follow your diskarte kaye nyahaha

pati sa text, may mga scammer na rin pala. may mga taong wala talagang magawa sa buhay

ma coconvert ba yung prepaid load to real cash? O_o

 

Latest Stories

Load More Stories
Close