i remember a friend, LDR sila ng bf niya [abroad] --
at first, feel naman daw niyang love siya, kada uwi ng guy dito, halos patirahin na siya sa house nung guy, open naman din ang parents ng guy sa set-up nila, sa friend ko na din pinapadala yung sweldo nung guy, at yung friend ko na ang bahala kung magkano ang iaabot sa parents ng lalaki, nagtagal sila 4 years na ganon ang set up, then came january 2009, they were planning na to get married, nakapagpa-reserve na din sila ng church -- san sebastian.
come february 2009 -- nakikipag-hiwalay na yung guy, kasi manganganak na yung gf na nabuntis. sobrang devastated yung friend ko, to the point na ayaw na niyang lumabas ng kwarto, kasi umiiyak na lang, may times daw, pinagbabawalan siyang mapag-isa ng mother niya at baka kung anong gawin niya sa sarili niya.
naging curious ako kung ano ang nangyari, kung hindi man lang ba siya naghinala sa naging galaw ng bf niya, ang sabi niya, may isang gabi daw na, nagising siya wala sa bed yung bf niya, nasa salas, may kausap sa phone. she asked daw kung sino kausap niya, work-related daw yung kausap, pero after daw non, naging mainitin na ang ulo ni bf.