watch now

Author Topic: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!  (Read 158179 times)

ashleycole

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #40 on: July 26, 2010, 06:18:13 pm »
@ sharks

sis, may PCOS din ako pareho pala tayo..im taking metfromin (fornidd) once a day lang at yon nga sabi nila hirap daw mabuntis pag may PCOS..nakup, sorry at ot na yata ako hehe

sharks

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #41 on: July 26, 2010, 06:27:08 pm »
@ sharks
 
hello sis, thank you din sa pag welcome :) 3 mos. pa lang kami ni bf this month..matagal pa mangyaring mag propose kaagad c bf kasi bago pa lang kami eh but were in the right age naman to get married kasi his 30 and im 31  ;D  delikado nga daw pag sa tanker kaya sabi ko kay bf na next time wag na syang sasakay sa tanker
@ sharks

sis, may PCOS din ako pareho pala tayo..im taking metfromin (fornidd) once a day lang at yon nga sabi nila hirap daw mabuntis pag may PCOS..nakup, sorry at ot na yata ako hehe

madami din pala ang may ganung condition. oo nga daw yun din sabi sakin kaya nga talagang pinanindigan ko na yung pagpa-checkup sa OB ko. kasi dati on-off ang visit ko sa OB e. hehe ate pala dapat tawag ko sayo  ;D kung late bloomer ako, mas late ka pa pala sis..hehe

ashleycole

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #42 on: July 26, 2010, 07:07:45 pm »
@ sharks

hehe yup, ate mo na talaga ako..regular din ang check-up ko sa OB para kung sakaling ready na ako magbuntis ay meron na kaagad syang maibigay na pampa fertile daw hehe pero sabi ko after na lang sa kasal para sigurado..syanga pala ka chat ko ngayon si bf papunta na sila sa saudi galing sila ng dubai.. :) mt oliva pala name ng barko na sinakyan ni bf sis..sa bf mo pala ano name ng sinakyan nyang barko?
« Last Edit: July 26, 2010, 07:18:49 pm by ashleycole »

sweetpea_1104

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #43 on: July 26, 2010, 07:18:31 pm »
madami din pala ang may ganung condition. oo nga daw yun din sabi sakin kaya nga talagang pinanindigan ko na yung pagpa-checkup sa OB ko. kasi dati on-off ang visit ko sa OB e. hehe ate pala dapat tawag ko sayo  ;D kung late bloomer ako, mas late ka pa pala sis..hehe

mga sisses, matagal na po ako may PCOS. I had my first menstruation kasi late na 15 ata ako or 16. And then from the start irregular na talaga ako there are times na i would only have period twice or thrice a year. Pero since bata pa ako that time, dedma lang until such time na halos lahat ng friends namin ni hubby during college mga nagbubuntisan na pati mga kababatang pinsan nia may mga anak na tapos tapos it really breaks my heart lalo na kapag sinasabi niya sakin na gusto niya na magkababy at yun nalang ang kulang samin. Mas lalo akong natakot nun at napressure nung nagplan na kami magpakasal feeling ko kasi doble pressure yun sa side ko dahil syempre pati mga relatives at family nia maghahanap na ng baby after kasal kaya what i did was last year when he was onboard talagang nagpaalaga ako sa ob. I had more than 5 obs at that time, believe me palipat-lipat ako, i even went to a fertility ob and pare-pareho lang sila ng finding PCOS nga.

I took provera since college pa every month para magkaroon ako, i remembered na parang naging dependent ako sa provera that time kasi pag hindi ako nagtake nun hindi ako magkakaroon. then the fertility ob prescribed metformin + diane/yasmin. ayun 7 mos ako nagtake nun habang wala si hubby, bf ko pa lang [textspeak!] that time tapos nagduphaston din ako hanggang sa makauwi si bubby. nung umuwi na si hubby [textspeak!] isa ko namang ob prescribed clomid tapos may schedule pa yung pag-do namin hehe, duphaston saka clomid 2 [textspeak!] ang pagitan ng take ko nun basta may schedule siya. Then ayun po we got married last October pressure nako nun kasi every time na bibisita kami sa relatives laging tanong sakin "ano meron na ba?" tapos yung parents niya akala im pregnant kasi nagcivil lang kami ng kaal so they thought talaga preggy din ako. ayun after kasal namin, tuloy pa din medications ko tapos sinasabayan ng prayers, punta sa mga churches na they say could help at yung mga maraming nagpapatotoo. balak ko na nga rin sana nun magpunta ng ubando bulacan tapos nagpahilot din nagpataas ng matres and then ayun Jan 2010 delayed nako ng 3 days tapos negative nakakafrustrate talaga everytime na negative pero we didn't lose hope. pinaguusapan na rin namin dati what if kung hindi ako magkababy etc...naiiyak ako nun everytime na itatanong ko yun sa kanya feeling ko kasi ayaw niya lang ako ma-hurt sa mga sasabihin niya sa akin. then Feb 2010 ndi nako nagkaron pero tinuloy-tuloy ko pa din [textspeak!] duphaston until 3rd month of my pregnancy kasi pampakapit din yun.

Sorry mga sis mejo humaba pero isa lang talaga masasabi ko don't lose hope, just the keep your faith akala ko nga nun dati talagang hindi nako mabubuntis pero ayun unexpectedly biglang may miracle. Tyagaan lang talaga sis pabalik-balik sa OB, magastos kasi [textspeak!] mga gamot pati consultations, etc pero all worth it naman.

health.gal

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #44 on: July 26, 2010, 07:48:43 pm »
usapang PCOS pala dito? meron din ako niyan! nakikiuso. LOL. seriously, i was diagnosed with PCOS 3 years ago. hormonal ang cause sa akin, kaya hormonal pills din ang recommended ng OB ko. pero mga sis na kapwa may PCOS, wag kayo mag-alala. kung si judy ann nga may PCOS din then 30 y/o (turning 31) pa siya nagpakasal eh nagkababy pa, tayo pa kaya. and its not the end of the world. hindi naman siya disease, syndrome lang siya, which means that meron at merong solution. my OB is good. sa medical city siya. right now, ayaw pa niya ako i-prescribe ng gamot, since i'm not trying to conceive naman. hormonal pills lang to maintain, and exercise of course. wait, napahaba na ata post ko. hehe.

sis sweetpea, i agree with you tungkol sa gastos. hormonal pills pa lang halos 500 na monthly, eh what more yung iba pang gamot for those trying to conceive. umiinom ka na ba ng metformin? ive read sa kabilang thread na makakatulong din ito if youre trying to have a baby. ay, preggy ka na pala kaya you don't need this. :)

sis ashleycole, pareho tayo, yun din sabi ng OB ko saka na daw siya magprescribe ng gamot pag gusto ko na magkababy. btw, totoo bang nakakapayat ang metformin? OTC drug ba siya?  ;)

sis sharks, sorry, hindi ko nasagot mga greetings mo ha, both at this thread at sa kabila. medyo busi-busihan sa office kanina eh, dami gawa.
« Last Edit: July 26, 2010, 07:50:39 pm by health.gal »

sharks

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #45 on: July 26, 2010, 07:53:17 pm »
@ sharks

hehe yup, ate mo na talaga ako..regular din ang check-up ko sa OB para kung sakaling ready na ako magbuntis ay meron na kaagad syang maibigay na pampa fertile daw hehe pero sabi ko after na lang sa kasal para sigurado..syanga pala ka chat ko ngayon si bf papunta na sila sa saudi galing sila ng dubai.. :) mt oliva pala name ng barko na sinakyan ni bf sis..sa bf mo pala ano name ng sinakyan nyang barko?

hi ate, nakauwi ka na? yihee, happy na siya.. ;D name ng barko ni bf mv golden strength. papunta sila ng australia ngayon, galing ng china. nung nakaraan dumaan sila ng pilipinas e, kaya natawagan ko siya matagal kami nakapagusap. wala kasi internet barko nila kaya minsan pag nasa port na lang siya tumatawag. tipid muna sa satellite phone masyado mahal e. minsan din naka-chat ko siya nung nasa russia sila kasi meron naman nagpa-rent ng modem hehe. san agency ng bf mo?

sharks

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #46 on: July 26, 2010, 07:58:14 pm »

sis sharks, sorry, hindi ko nasagot mga greetings mo ha, both at this thread at sa kabila. medyo busi-busihan sa office kanina eh, dami gawa.[/size]

okay lang yun sis! ;) oo OTC ang metformin, uminom na din ako nun, sa una ka lang mag-lose ng weight kasi palagi kang mag-poopoo pero pag nasanay na hindi na masyado, ganun kasi nangyari sa akin. hay, sarap talaga ng feeling pag may support group na ganito. Buti na lang nakita ko.. ;D

sweetpea_1104

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #47 on: July 26, 2010, 08:32:47 pm »
@health.gal

uu sis provera, metformin, duphaston, yasmin, diane at clomid. yan ang mga ininom ko for  years trying to fight PCOS pero all worth it naman ang gastos at hirap kahit masuka-suka ka na sa lasa ng gamot lalo ng metformin kasi umabot ako sa 3x a day ang take nun at kada kakain ka lbm ang katapat mo haha pampasexy nga tawag ko dun hehe!

At tama ka jan, di dapat mawalan ng pag-asa, diba aside from judy ann, si nancy castiglionenga din daw eh kaya sila naghiwalay ni paolo contis kasi hindi sila magkababy - PCOS din case niya, eh ngaun twins pa ang anak niya. Even one of my OBs, PCOS din siya pero nagkababy din siya at ayun natulungan pa niya ako.  :D

sweetpea_1104

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #48 on: July 26, 2010, 08:38:57 pm »
ok enough na tayo sa PCOS topic hehe..

mga sis, ask ko lang ganun din ba mga bf niyo kapag may signal gusto kada oras rereport ka sa kanya sa text na kahit minsan wala ka ng masabi eh text ka nalang hehe. naranasan ko kasi ito sa hubby ko even when we were still mag-bf at gf. minsan napupuno na sent items ko ng text ko sa kanya just for the day. hehe

health.gal

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #49 on: July 26, 2010, 08:59:15 pm »
^hindi naman niya lantaran na sinasabi na yun ang gusto niya, ako mismo volunteer na nagpapadala ng text message sa kanya like mga sweet reminders (like, kain na siya, wag magpapatuyo ng pawis sa likod, uminom ng tubig, etc). kaya lang pag hindi ako nagtxt, nagtatanong naman siya bakit hindi ako nagttxt. does that count? LOL. mag all-text ka na lang para tipid :)
« Last Edit: July 26, 2010, 09:15:11 pm by health.gal »

sharks

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #50 on: July 26, 2010, 09:11:22 pm »
oo sis, ganun din bf ko. pag may signal dapat may text ako palagi. pag konti lang text ko sa 1 araw magtatampo na yun, sasabihin nun hindi ko siya tinetext kahit na lahat na yata ng ginagawa ko tinetext ko sa kanya..hehe sabi nga niya sa akin, magtext daw ako kahit ano kasi masaya daw pag may nababasa siya na mga text ko. kahit hindi daw siya maka-reply go pa din daw hehe. ;D

sharks

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #51 on: July 27, 2010, 05:11:25 am »
sis sino si sis gladys...yun ba yung kakilala ni sis sharlyn??? LOL

tama ka diyan sis!! sila nga yun..LOL ;D

ashleycole

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #52 on: July 27, 2010, 11:11:06 am »
@ sharks

hello sis, sorry di na ko nag online kagabi pagdating sa house 8:00pm na kasi ako nakauwi kaya ngayon ko pa nabasa mga post dito..United Philippine Lines, Inc. (UPL) agency nya..

minsan lang kaming nagtetext ni bf kasi mas madalas chat kami palagi kasi may wifi na daw barko nila na mas ok naman kasi nakikita ko sya  :)
« Last Edit: July 27, 2010, 12:22:51 pm by ashleycole »

sharks

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #53 on: July 27, 2010, 12:19:42 pm »
okay lang sis  ;D mas maganda nga yung may internet e, nakikita niyo isa't isa.

sharks

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #54 on: July 27, 2010, 04:22:23 pm »
Hi girls! nakakainip naman..tagal pa ng hihintaying kong mga araw. :'( eto na naman yata, inaatake na naman ako ng lungkot. hay... :-\

sweetpea_1104

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #55 on: July 27, 2010, 06:24:09 pm »
Hi girls! nakakainip naman..tagal pa ng hihintaying kong mga araw. :'( eto na naman yata, inaatake na naman ako ng lungkot. hay... :-\

Cheer up sis! Isipin mo nalang ndi ka naman nagiisa sa pagaantay saka for sure si bf naiinip din yun. =D

sharks

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #56 on: July 27, 2010, 06:39:01 pm »
oo sis, hindi lang talaga mapigilan na malungkot..haba ng paghihintay tapos 1-2 days lang sa port.

ashleycole

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #57 on: July 27, 2010, 06:43:03 pm »
@ sharks

good evening sis, kelan pala uwi ng bf mo?

sweetpea_1104

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #58 on: July 27, 2010, 06:44:44 pm »
oo sis, hindi lang talaga mapigilan na malungkot..haba ng paghihintay tapos 1-2 days lang sa port.

 nako badtrip yang ganyan sis noh tagal ng waiting pagtapos 1-2 days lang signal. minsan pa next port walang signal haisst ganyan nangyari sakin nung last na asa canada sila hub isipin mo ha canada na yun olats ang signal asa bulubundukin ata sila.

sharks

  • Guest
Re: Girltalkers na Girlfriend ng Marino (Seafarers)!!!
« Reply #59 on: July 27, 2010, 06:50:46 pm »
talagang nakakainis sis, minsan nga nababaling kay bf yung inis ko. at hindi lang yun, pagdating ng port syempre sobrang busy nila naku..hindi din siya nakakapagtext kasi sa sobrang pagod..hindi ko na nga alam kung panong intindi pa gagawin ko e..hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close