watch now

Author Topic: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?  (Read 14663 times)

messe.besse

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #20 on: August 07, 2010, 12:12:55 am »
...that am used to it...and been told far worse:

wala ka talagang pakinabang (because am/sisters and i are not like the other family friend's children who pays for the water and the likes).

sana maghirap ka para malaman mo ang kahalagahan ng pera (because i went to national and bought supplies for our office though with the driver's consent but against hers)

sarap talaga ng luto ni maid, naperfect na niya yung roasted chicken (but i have been cooking and have taken culinary courses for many years...)

i guess, the worse thing for me, when i gave up hope and refused to get hurt already is when, she found out i was getting married.

her fave daughter kasi had a small wedding of 50 at her own expense, she demanded my dad not to give any money to support my wedding, and yet, they wanted to have 250 guests, solely on our side of the family...and spend the wedding on my own.

gypsy

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #21 on: August 12, 2010, 06:48:06 am »
@Messe.Blesse I read your PM, for some reason I am not able to send any PM messages to anyone, blocked yung feature sa account ko eh.

Anyway ako rin hanggang ngayon hindi ko maintindihan why my mom treats me like this to think ang tanda ko na para itrato na parang high school na kailangan lahat ng iutos nya ay kelangan ko sundin.

I am pregnant and in a few months I will give birth to my child and yet tuwing maglolong distance ang mom ko wala na ibang binanggit kundi ang mag apply ako ng work abroad/ or kung saan sya andun dahil wala daw mangyayari sa akin sa pilipinas.  Hindi man lang maisip na kailangan ako ng anak ko at hindi ko basta basta pwede iwanan.  Kesyo kailan ko daw ba sya paparanasin ng ginhawa man lang sa laki ng sakripisyo nya, wala ako utang na loob at walang kwentang anak.  Sobra sobra ang mga sinumbat nya sa akin after she learned I got married.  Nagpacivil lang kasi kami ni hubby para matapos na ang kakulitan ng mom ko sa akin na controlin ang life ko.  Lahat na ng pinakamasasakit na salita narinig ko na mula sa kanya tuwing tatawag sya at alam nya na buntis ako.  Grabe mga sumbat nya to think mas grabe ang ginawa nya sa akin when she forced me to have an abortion years back.  Hindi nya narealize ang trauma sa akin na hanggang ngayon meron pa.  Hindi man lang nga nya nakuha ipatingin ako sa pyschiatrist or anyone that could counsel me, instead dapat daw ako pa ang magpasalamat sa kanya.

 Ang palagi nga sinasabi sakin ng husband ko hindi naman dapat kinakapos pa ng pera ang mom ko kaso may pagkagastador sya at maluho kaya wala naiipon.  Hanggang ngayon she wants to be the one deciding sa kung ano patutunguhan ng career ko.  Puro pera ang nasa isip nya at pano ako magkakaron ng sweldo na malaki.  Sa totoo lang hindi ko alam ano ang mangyayari kapag umuwi sya sa month na manganganak ako dahil nahihiya ako sa husband ko kung marinig nya ang pangungulit sa akin ng mom ko na sumama ako sa kanya pabalik abroad.  May sarili na akong pamilya pero hindi nya pa rin maintindihan.  Ako pa ang gusto nya palabasin na masama sa mata ng mga friends nya dahil sinuway ko sya sa pagpapakasal ko samantalang all my life I did nothing but follow her wishes.

lennix

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #22 on: August 17, 2010, 02:48:58 pm »
Growing up madalas ko marinig ang linya na 'to from my parents. I hated it kasi ang paniniwala ko, I did not ask for them to conceive me so bakit kailangan ko'ng isipin na this was something that I needed to be always grateful for. At first ang hirap ipaliwnanag sa parents ko kasi traditional Filipino parents sila, big deal iyong utang na loob ek-ek. But later on nainitindihan nila iyong point ko. Kaya hindi ko na masyado naririning linya na ito from them (but they still use it on my siblings hehe). Don't get me wrong, hindi ako masamang anak and I have great parents. Now ako na ang bumubuhay sa mga kapatid ko but I'm not doing it kasi para pasalamatan ang mga magulang ko for bringing me into this world. It's because they were such great parents na kung ipapanganak ako uli sila pa rin ang gusto ko na maging parents.

ishko

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #23 on: August 18, 2010, 05:21:21 pm »
mali ang kultura na anak lang... dapat pinapahalagahan ang anak..


rurikoanne123

  • Guest
should i break up with my boyfriend just for the sake of my parents?
« Reply #24 on: April 04, 2012, 06:58:51 pm »
,.i have a mother that is so strict to get rid of having a boyfriend because she always imposed that it will affect my studies :-\,will in fact it never affect me.
« Last Edit: April 04, 2012, 07:16:28 pm by rurikoanne123 »

red_one

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #25 on: April 10, 2012, 01:43:27 pm »
nakaka-hurt kapag sinabihan na anak lang kita.
I was told with that words by my father before. and masamang masama loob ko. Kasi we are arguing about their conjugal property. Kasi gustung gustong ibenta ni papa ko. eh kaming magkakapatid aayaw namin ibenta kasi pag binenta yun, san na titira father namin? eh yung mother namin more than 10 yrs na dead. tapos may bago na family papa ko. syempre kami iniisip din namin yung magiging sitwasyon nila. eh sya ang iniisip nya lang puro pagkakaperahan. di iniisip yung future ng bago nya pamilya. tapos samin din naman lumalapit pag nagigipit. tapos sasabihan ako na anak lang kita?
ano yun, anak lang kita, kaya dapat bigyan mo ako ng pera?
anak lang kita, kaya wala kayo paki-alam sa mga desisyon ko ke tama o mali?
anak lang kita, kaya wala ka karapatan sa properties namin ng mother mo, pero dapat sustentuhan mo ako?

tama ba yun?

we are in speaking terms naman ng father ko, pero pag na-o-open uli ng usapan about bentahan ng lupa, nag-aaway talaga kami.

ishko

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #26 on: April 10, 2012, 03:58:05 pm »
^sis, may karapatan kayo sa bahay kung conjugal property nga ng parents mo yun.. half lang ang pwede ibenta ni father mo as his, tapos yung half na para sa mother mo, hati hati kayong lahat dun, so may karapatan ka kahit na "anak ka lang nya"  ;D

m_lim

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #27 on: April 10, 2012, 11:11:22 pm »
mali, mali, mali! pero sadly, talagang may mga magulang na dapat hindi naging magulang. dahil it takes a LOT to be a parent.

Amphitrite

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #28 on: April 27, 2012, 01:29:54 am »
I always believe in mutual respect.

Hindi matututo ang bata rumespeto ng magulang kung hindi niya nararamdaman na nirerespeto rin siya ng magulang nya.

Ilan beses ako nasabihan ng anak lang kita. Ang sagot ko lang naman lagi, oo, kaya nga maliit ang tingin mo sakin at hindi mo ako kaya i-respeto bilang tao, kasi anak LANG ako, hindi importante..

Ako ang tinuturing na black sheep sa amin, kasi hindi ako takot sa parents ko. Kasi nga I strongly believe in mutual respect. I grew up with my lolo, kahit na lagi niya ako sinisigawan eh pinapakinggan nya muna ako kapag nagsasalita ako, parents ko hindi ganun kaya lagi kami nag-aaway.

Recently narinig ko yan sa MIL ko, sinabi nya sa husband ko. Hubby ko ang breadwinner ng pamilya, nandito pa rin kami sa house ni MIL kasi alam nya na hindi kaya alagaan ng mga kapatid niya si MIL. Si hubby lang kasi ang responsable sa kanilang magkakapatid.

Byuda na si MIL and she's hanging out with this guy na puro inom at kayabangan lang ang alam. Hubby wants MIL to stop seeing the guy because drinking liquor is really bad for her ailing heart, may maintenance na gamot na si MIL. Sinabi ni MIL yung linya na yan, sumagot si hubby na Sige anak mo lang ako at ayaw mo pakialaman kita. So ngayon pwede na ba kami umalis ng pamilya ko? Bumigay din si MIL at nag-sorry kinabukasan.

I'm a mom and I never want to say that line to my son. I often hate myself if my actions hurt him because I am supposed to be the number one person that should not hurt him.

black_star13

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #29 on: May 07, 2012, 09:37:51 am »
Naiinis ako pag naririnig ko sa magulang yang salitang "anak lang kita" narinig ko na sa father ko yan, lalo na pag hindi ko sinusunod gusto nila, sinasabi ko lang, paano ko malalaman kung tama ang mga decisions ko kung parati akong susunod sa gusto nila..hindi ko mararanasa na matuto sa sarili kong pagkakamali.

kuliglig^^

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #30 on: May 21, 2012, 09:09:49 pm »
Buti na lang ako, di ako nasabihan ng mommy ko nang ganito. She treats me like an equal and values my opinions naman.

Di ko rin sasabihin to sa baby ko balang araw, kahit magwarla kami.

girl24

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #31 on: May 22, 2012, 04:30:45 pm »
our parents probably said that just for the simple reason that they love us and they want the best for us. eh that time hindi uso lalo na sa mga fathers na maging vocal kaya instead of saying all those words nagiging - anak lang kita ang bagsak... positive point of view because i do believe and felt that parents really love their children.

ngayon, mas vocal naman na tayo at mas open ang communication kaya instead of "anak lang kita" make it "anak kasi kita"...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close