watch now

Author Topic: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?  (Read 14661 times)

marsh_candy

  • Guest
Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« on: July 13, 2010, 05:26:52 pm »
Ano pananaw nyo dyan?

Akin kasi, pag-bata pa at kelangan ng gabay, dapat andyan ang parents.

Pero pagnagka-sariling isip na lalo na may sariling pamilya at may mga bagay na di kayo pinagkaka-sunduan dapat ba:

1. Sundin mo Parent/s mo kasi sila nasa tama kahit sa tingin mo, mas tama yung sayo?

2. And dumating sa point na, sobrang nasaktan ka at sa tingin mo di na na-respeto sarili mo, dapat ba sundin pa rin Parent/s kasi magulang sya at anak ka lang?

At isa pa.. same din yung, mas nakaka-tandang kapatid. Kahit na di narespeto si mas naka-babatang kapatid dapat sya pa rin magpakumbaba dahil "naka-babatang kapatid lang kita"

Ano masasabi nyo?

Naniniwala kasi ako sa mutual respect.




yellowpie

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #1 on: July 13, 2010, 05:43:57 pm »
For me there's no right place nor right time para sabihin na "Anak lang kita.."
Every individual has it's own mind to decide what is right for us..off course kung bata pa that's exeptional but still di pa din dapat sinasabi n "anak lang kita".Para kaseng pagsinasabi un parang bang "you're under my control-sumunod ka sa kahit anong sasabihin ko"..

marsh_candy

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #2 on: July 13, 2010, 06:34:52 pm »
same tayo sis..

bat ganun sa family namin, sa side ng mama ko hayyzz.. kaya di nagkaka-sundo.. pero good thing is kami magkakapatid, nagkakasundo.

aquacharly

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #3 on: July 13, 2010, 07:00:39 pm »
To say "anak lang kita" -- which sounds diminishing -- there is NEVER a right time nor situation for a parent to be saying that.

The problem in most lousy family relationships/communications is PRIDE. 
Funny, but Pride is just pride.. you cannot make money out of it, you cannot eat it, you cannot use it for anything positive really.. but there, some people allow it to destroy/erode their relationships.  Dumb, yes.

For people who have harsh words and misplaced/too much pride.. as in , manindigan sila till death comes to claim them in all their unhappiness...  wala ka nang magagawa. Hindi sila magbabago.. do not hold your breath waiting for that.

Realistically, what can you do?  Hwag mong patulan their rudeness, their closemindedness, their pride.   Basta magalang ka at hwag kang sumagot sagot... tapos, gawin mo what you think is right.  Just do it quietly, hwag mo nang ipagdakdakan na mali sila at buhay mo so diskarte mo.   

tiggerlily

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #4 on: July 14, 2010, 12:11:11 am »
hindi sya dapat sinasabi sa anak. somewhat similar to "naging anak pa kita!" na madalas sinasabi ng papa ko noon sa akin kapag ayaw kong sumunod - sutil kasi. maybe that's why i dread doing chores at home. kahit alam ko gawin, i don't wanna.

when i got older, ayaw naman ako pagawain sa bahay. lahat ng siblings ko naglilinis ng bahay for an event noon at ako - sleeping in. i heard ayaw daw ako ipagising ni papa. oo na, tamad ako.

sis aqua is right, as usual. ;) alam mo na naman na mali yun. pero out of respect, hindi mo na kailangan sumagot. wala naman mababago even if you do. mag-aaway lang kayo. ano ba yung pinapagawa sa yo?

sa nakatatandang kapatid ganun din. both my parents were brought up that way. second parent ang turing sa mga panganay. pero me being me, hindi pumapalag ang elder sister ko sa akin. or even if she does, walang nababago sa akin kapag tama ako.

i try to change their mindsets (yeah, alam ko di na mababago pero gusto ko lang makita nila ang pananaw ko) pero hindi directly saying they're wrong. kapag pinagagalitan ng mom ko mga kapatid kong lalaki dahil sa pag-aaway, isasama nya yan linyang, "mas matanda sa yo ang kuya mo ganun ka sumagot." i'd say agad, "hindi naman sa age, e. respeto na lang. para respetuhin ka rin nya."

we're lucky kasi kahit papaano i get along well with my siblings. lahat yan nakikinig sa akin more than my elder sister - kahit sya pa ang panganay. kasi alam nila nakikinig din ako sa kanila at may respeto kami sa isa't isa. tama yun sinabi ng MIL ko. pabayaan mong mag-away sila ng mag-away habang bata pa para magmahalan sila paglaki nila. - teka sa anak nga lang pala ang topic.

geminilady1984

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #5 on: July 14, 2010, 01:42:10 am »
I remember an incident na nagkasagotan kami ng mama ko na nsabi ko sa kanya na "Kung di mo ako kayang tratohin, pakisahan at respetohin bilang isang anak....respotohin mo ako bilang tao. Di sa lahat ng pagkakataon kayo ang tama. Ang magulang andiyan yan para gumabay pero sana naman wag ninyo ipagpilitan ang gusto ninyo kasi di lang kayong mga magulang ang mayroong utak, mayroon din ako."

I love my mom and no doubt paborito niya ako kaya siguro sobrang pakialamera sa life ko. Mataas pasensiya ko sa pinagagawa niya na pakikialam kasi nga avoid na din sa maaring effect emotionally kay mother (Highblood pa naman). Pero that incident talaga di ko na napigilan. Nag burst out emotion. Since then medyo kumalma na si mother. Although nagkasagutan pa rin kami but it just a matter of making my opinions and views clear.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #6 on: July 14, 2010, 03:23:55 am »
I've always believed that parents are NEVER always right but they are always after their kids' welfare. Yang statement na yan is very old-fashioned. I will never say that to my child kase parang tinatanggalan ko naman sya ng right na mag-decide on her own.

AnneMP

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #7 on: July 14, 2010, 01:07:27 pm »
For me, parents should have raised their kids right.  Parents should not only provide the material things that are necessary to nourish the child's body.  It is more important to nourish their mind to develop them with wide and unobstructed perception of himself and the world that he belongs to.  That is the main role of a parent to whom God entrusted His child. 

Once the child comes of age, parents should be confident to let their child think for themselves.  It's not right that parents should impose whatever they want to their children.  They are not allowing their children to grow.  We understand that parents would like their children to live a life they thought would be best for them.  We also understand that children cannot live their life if they are not allowed to choose their own directions in life. 

I have parents who don't trust my decisions.  They find a way to make me do the things that I don't want to do.  In our house, they are the only ones who have the say about everything.  This is the reason why I don't see our house as my own home.  Everything that's in there is my parents'.  This is actually good since I aspire to have my own someday.  But the thing is, they don't allow me to think for myself.  Everything about me should always be about them.  And here is where the "Anak lang kita" concept fits.  It's like I'm a possession when I'm really not.  They see me as one of their hired servants who has to please them all the time instead of chasing after my whims. 

I don't mind showing respect to the elders especially our parents.  But doing their every bidding is not respect.  It becomes an obligation.  Respect comes out of love.  Obligation is just an empty act of duty. 

Shanejewel

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #8 on: July 14, 2010, 09:53:46 pm »
Ako naman, ang pagkakaintindi ko pag sinabi ni Parent na "anak lang kita" is when we cross the line na nasasagot na natin ang parents natin ng di maganda.   That hits and hurt them kaya nasasabi nila na ganon. "Anak lang kita" para pagsalitaan mo ako o sigaw-sigawan mo ako.  Pero not to the point na sinasabi anak lang kita kaya sa akin ka dapat sumunod o ako ang masusunod kasi anak lang kita.

Bash

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #9 on: July 15, 2010, 04:36:28 am »
"anak lang kita" or "apo lang kita" or "mas matanda ako sayo".
I've heard all these phrases and I want to share my POV.

This is straight off discrimination. I also believe in mutual respect, kumbaga you reap what you sow. respect begets respect. Sa akin kasi hindi komo matanda laging tama. Irerespeto ka kung rumerespeto ka. sasagutin ka ng hindi maganda kung hindi maganda yung sinabi mo. for me, hindi tama na sabihan ako ng ganon, in the first place, hindi ko naman pinili maging anak/apo or kapatid.

chengkii

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #10 on: July 17, 2010, 02:13:07 am »
Hahaha. Naalala ko iyun isang kapitbahay namin dati. Nagsisigawan sila ng nanay niya, ito sinabi ng nanay niya. Sinagot ba naman niya ng, "Eh ano ngayon, nanay lang din kita? Hindi ka Diyos." Hahaha.
Parang di mo malamang kung comedy o drama iyun sigawan nila. Hahaha

sxymnky

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #11 on: July 17, 2010, 02:00:43 pm »
"ANAK LANG KITA" I think it's their way of telling us na "You dont know what i've been through..kaya wala kang karapatan gawin o sabihin sa akin yan" ;)

anir

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #12 on: July 17, 2010, 06:10:36 pm »
"anak lang kita" - my father once told me that...

hahaha i understand now... anak lang kita - meaning I love you and I know what's best for you...

thanks papa...

miss u nah... pagbalik ko one on one drinking session uli tayo

mwahhh

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #13 on: July 17, 2010, 08:00:49 pm »
 naku! wag  nila sabihin yan at talagang di rin maganda ang maririnig nila mula sa akin. Anak nga lang nila ako, pero kung tratratuhin nila ako na sunud sunuran lang at kada utos gagawa, kahit mali kukunsintihin dahil " MAS ALAM NILA" ang ginagawa nila kaysa sa akin, sana di na lang nila ako pinag aral para talagang aakalain ko na lagi silang TAMA. Di ko naman piniling lumabas sa mundo. eh di sana di na lang sila nag anak. Kung sasabihin nila yun sa mga anak nila.

lilstar

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #14 on: July 19, 2010, 07:08:35 am »
^ lol. Tama sis di din naman natin pinili na sila ang magulang natin. For me kasi pag sinasabi sakin yan feeling ko sinusumbatan ako. Pag napapaliwanag ako parang senseless for them kasi anak lang ako.

Lagi ko naririnig yan sa magulang ko. Buti ngayon lumipat na kami ni hubby. At yung pag lipat namin di nila ikinatuwa, sabi nila dahil daw umalis kami nakakahiya naman bumalik. Parang ang dating sakin, di na kami welcome sa bahay ng parents ko. Parang feeling ko sinumpa kami maghirap at nasa kanila ang huling halakhak.. lol.. masakit man ang mga sinabi nila, di na lang kami kumibo ni hub kasi di naman makakatulong makipag argue sa kanila.

mi_kayla

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #15 on: July 19, 2010, 07:20:39 am »
tama si aquacharly, poor family values yan.

children are a product of love and not a product of a mistake.

some parents just to not know how to love properly. kaya nag kakagulo.

sxymnky

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #16 on: July 19, 2010, 07:49:01 am »
If may pagkukulang ang magulang pagpasensiyahan na lang siguro natin marami din silang Hang-ups sa buhay bumawi na lang tayo  sa mga anak or magiging anak niyo ;)

lilstar

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #17 on: July 19, 2010, 08:28:28 am »
^ tama ka sis. I will not do the same thing to my son. Sabi nga ng iba, ang mga anak di natin pag aari yan. Kahit gano natin sila kamahal, dadating ang panahon magkakaroon sila ng sariling buhay. Mag dedecide sila on their own. At syempre di na rin tayo ang priority nila pag may sariling pamilya na sila..

Iba kasi.. Parang pag sumagot ka bastos ka na., Pag bumukod ka wala kang utang na loob, tumatalikod sa responsibilidad sa pamilya.

marsh_candy

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #18 on: July 19, 2010, 03:53:27 pm »
hehe dami na pala nagcomment sa sinimulan ko..

Until the day kong sinimulan to.. until now.. nagtatampo pa rin mama ko.. 3x nako nagsorry.. Pero alam ko magte-text na yan pag-magsend na uli ako ng money for Aug.  ;D

anyway, kami magkakapatid, sanay na sa kanya.

And yep, too much pride.. as in too much!  ;D

lagi nga nya sabi, wala syang paki kung sya lang mag-isa basta wala syang mga utang sa ibang tao, mabubuhay sya!  Kaya hayun, sya lang mag-isa sa bahay! Kasi dun sa lola ko, di din sila nagkaka-sundo.

Mama ko kasi, ayaw magpasabi keso sya ang nanay.. kasi ba naman, nagco-comment sya sa buhay ng ibang tao. Taklesa din.. Sabi namin, wag mag-judge kasi di nya alam story keso.. andami nya rason..

Sobrang tapang. Mataas din kasi BP nya kaya yun..

Hay ewan, sa side ng lola ko, ganun sila.. yung pride sobra.. buti kami 3 magkakapatid, close.

Sanay na rin kami..

And thanks sa inputs nyo mga sis.

Cheesecak3

  • Guest
Re: Ano masasabi nyo sa "Anak lang kita."?
« Reply #19 on: July 20, 2010, 04:21:20 pm »
"anak lang kita" sinabi na sa akin ng mother ko yan, so many times lalo na kung hindi ko sya napagbibigyan sa gusto nya at nababara ko ang ugali nyang mukhang pera. ayon gigil na gigil at kung [textspeak!] ano ang kinekwento sa ibang tao na nagmumukha akong masamang anak.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close