watch now

Author Topic: PIGSA or BOILS  (Read 466306 times)

elfie

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #240 on: June 14, 2013, 04:40:33 pm »
Nakakaiyak. I went to a well-known waxing place for a Brazilian wax the other day.
Bago gawin yung procedure, napansin ko na parang hindi bago yung sapin dun sa higaan. Pero go pa din ako kasi suki naman ako dun.
Ayun, may mga pigsa ako ngayon sa area. Ang sakit. :'(

heybeybey

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #241 on: July 31, 2013, 12:57:13 pm »
Hello mga sis. Nung sunday, napansin ko na yung pimple ko sa loob ng ilong ko is super sakit at ang laki na. Tapoa yung buong face kasama jawline ko sa left side masakit. Pati ulo ko parang namamanhid. So pinacheck ko sa ENT, ayun pigsa nga. Napakaswerte ko naman at sa loob pa ng ilong. What she told me is magpa iv ng clindamycin 4x for a day. The med is 1500 per shot! Nakakatapos na ko ng 4 shots and capsule naman ako ng clendamycin. Wala pa ko nakikitang improvement although di na asakiy face ko... im flying pa naman on monday to hk. Mga sis, and docshe, advice naman po. Thanks

onlytechgirl

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #242 on: August 01, 2013, 09:07:26 am »
^his sis, tiyagain mo lang yan. need mo talaga matapos yun antibiotic treatment mo eh, delikado pa naman yun location ng pigsa mo. although talagang mahal, pero dapat mo sundin yun doctor mo kung ilang days mo tatapusin yun shot ng antibiotic para maiwasan bumalik rin siya. iwas sweets muna lalo na softdrinks.

littlemisskolehiyala

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #243 on: September 07, 2013, 06:21:27 pm »
Sis, if your prone to boils..mahina yung immune system mo try to take vitamins para di kana magkaron ulit.

anong vitamin po? Kasi ako madalas magkapigsa simula nung nag 2nd year college ako. Simula rin yun nung nagkakain ako ng mga unhealthy foods like yung mga entelog at burger at mga kwek kwek sa labas. mga ganun. Hindi ko lang maiwasang iconnect dun yung pagkakaroon ko ng boil. haha.

Last time na nagkaroon ako ay nung June pa. Sa may mata pa nagkaroon.

Ano rin ba ang magandang ipahid/ilagay para mawala yung scar ng pigsa? Yung sa leeg ko kasi nangitim yung scar ng pigsa ko dati. Help naman

joannabassist

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #244 on: December 21, 2013, 12:34:46 pm »
i remember " koyo " ang nilagay ko sa pigsa ko years ago,,effective naman kahit sa anak ko,first sign palang ng pigsa nagpapabili na ako ng "koyo" sa botica,,initin lang ng kaunti if tuyo masyado bago ilagay sa pigsa,huwag tatanggalin kahit maligo,if maayos pagkakalagay kusang matatanggal kasama na mata ng pigsa,,no pain and mas madali gumaling,madali rin mawala peklat na iniwan..

An officemate of mine also suggested me to use this 'koyo' thing. currently I'm suffering from a boil sa paa. and I can't barely walk. :( nagli-limp akong umaakyat sa MRT station. It started last wednesday lang. alaka ko kagat lang ng lamok then napansin ko mamumula na sya at masakit na ang paligid nya. then kagabi namaga na sya. :( keri ko pa naman maglakad kaya inaagapan ko ng gamot. may pinapatak din akong mineral drops na antibacterial and it went fine this morning kahit paano. sa Mercury meron bang koyo? OTC drug ba sya?

mariebiscuit

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #245 on: January 22, 2014, 05:47:20 am »
@joanna sis minsan meron sa mercury pero kadalasan sa mga generics na botika nakakabili ng koyo,,,i remember pa,ng nagka pigsa asawa ko ,pinainom ko pa ng clindamycin capsule then ng nahinog sya mismo nagtanggal ng mata,,grabe sakit daw...then a chinese friend of him suggested koyo,,,so the next time nagka pigsa na sya koyo lang nilalagay namin,kahit ako pa o mga anak ko,,effective sa amin....so far hindi na kami nagkaka pigsa ngayon....

aizen

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #246 on: February 17, 2014, 04:20:50 pm »
Sometimes i drain it with a needle. Then minsan inaantay ko mapunta siya sa peak niya na hinog na sya.. We have hot shower, so magbababad lang ako, makikita ko nalang nagsoften na siya, magdedrain ng kusa. Ilang ligo pa nagiging okay na. :)

young_maiden

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #247 on: February 26, 2014, 10:39:09 am »
Meron ako last month ng pigsa sa pwet. Ngayon naman sa kilikili. Nakakainis.  :'(

jieunae

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #248 on: March 04, 2014, 09:58:19 pm »
Last Oct 2013 nagkaron ako ng pigsa sa loob ng ilong ko as in sobrang sakit nya.sa sobrang maga nya yun left cheek ko hindi na pantay sa right.tapos pag sumasakit siya parang damay na yun ulo ko pati ngipin ko parang sumasakit na din.wala akong ginamot nun tea tree oil lang at inom pain reliever tapos hinintay ko lang talaga siya pumutok ng kusa.1week din yun tiniis ko dun hindi ako umabsent sa work.

Kaya mga sisses ingat ingat kayo sa pag scratch banda sa ilong kasi sobrang nipis ng skin natin jan.bacteria are always present sa skin natin.d natin maiiwasan kahit malinis tayo sa katawan.moist broken skin can be a good breeding ground for bacteria.

SnowBall

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #249 on: July 14, 2014, 02:45:54 pm »
Happy to report, na almost a year na akong hindi nagkaka pigsa sa kili kili, so happy.

Turmeric Capsule lang pala makaka solve sa problem ko, 2 capsules/day, solve ang problem ko.

minsan, na notice ko may tumubong pigsa sa singit ko, ayun dinoble ko ang turmeric, kinabukasan, natuyo agad.

really a miracle for me :)

try ninyo mga sis, sana gumaling na din kayo :)

devilish_einjel

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #250 on: July 14, 2014, 04:02:11 pm »
hay bwisit tong pigsa na to! sinira [textspeak!] legs ko :( hindi na ako makapag suot tuloy ng shorts.. haay.. ano nilalagay niyo sa peklat mga sis? yung isa nag keloid na sobrang laki.. huhu.. halos sa baba ng bottom area ko.. ang sad talaga nakakainis

bluish_mommy

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #251 on: July 14, 2014, 04:10:58 pm »
^hiyang ako sa Contractubex sis when it comes to keloid.

devilish_einjel

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #252 on: July 14, 2014, 06:39:25 pm »
^ ok lang ba sis kahit matagal na yung scar? and how much ba yung contractubex? thank you

bluish_mommy

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #253 on: July 17, 2014, 10:47:10 am »
^hhmmm parang almost P500 eh, more or less sis. yung dati ko ng scars inapplyan ko nyan, nag-lighten sya at nag-flatten naman, although syempre di na talaga mabubura sa balat na parang hindi nagkasugat.

heybeybey

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #254 on: July 31, 2014, 05:36:17 pm »
Exactly a year ago, nung nagpost ako about my pigsa inside my nose. And now, eto na naman... Hindi ko alam if boils nga ba ito or just a pimple pero trauma na ko. Ayaw ko na ng injection at lalong ayoko na tirisin. Bakit kaya lagi sa ilong? Ako pa naman yung taong laging naglilinis ng ilong.. As in lagi.. Kaya sabi ng hubby ko sa sobrang OC ko na daw to. At bakit saktongg isang taon!!! :(

dianeC

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #255 on: August 14, 2014, 09:33:31 pm »
please help me.... may pigsa yata yung boyfriend ko... may lagnat po siya ngayon at may nakapa bukol sa likod ng leeg... ano po ba yung koyo? I don't have any idea, ointment po ba yun, or para po salonpas? ano pa po puwede nya inumin at gawin para gumaling kaagad? salamat po sa mga sasagot... malaking tulong po iyon..

rich_loner

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #256 on: August 19, 2014, 02:29:43 pm »
There is a home remedy cure for boils and open wounds...

BAISANAN

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #257 on: August 19, 2014, 02:46:24 pm »
sobrang pain pala pag nagkaroon nito...:(

TysLolakins

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #258 on: August 20, 2014, 01:41:50 am »
i luck out on this area,  (knock on wood) never pa ako nagka-pigsa pero yung 2 sisters ko noong bata sila nagkaroon sila.
if may pus and swollen,  ibig sabihin may infection, kailangan yata palabasin yung 'mata' para gumaling.  at kailangan i-drain yung pus.

anya_anya

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #259 on: September 16, 2014, 01:19:10 am »
hello mga sis! sana active pa din itong thread na ito.

meron ako pigsa ngayon sa armpit. and hinayaan ko lang siya hanggang kusa lumabas yung pus. pero may napansin ako kanina habang nililinis ko yung gilid, since parang may maliit na butas yung skin ko(dahil sa wound), nakita ko na may parang grey-ish na something sa loob. so hinayaan ko lang kase akala ko pus.. pero after an hour or two, tiningnan ko ulit. lumaki yung whole sa outer layer ng skin ko, and mas lalo ko nang nakikita yung greyish na something sa loob. so ayun, nilinisan ko na lang ulit yung paligid nung pigsa. tapos hinayaan ko muna. after an hour, chineck ko ulit, lumaki na ulit yung whole. and lalabas na yung greyish sa loob. i pressed it slowly and lumabas yung grey thingy. i was so shocked sa nakita ko. kase akala ko pus lang siya na namuo. almost half ng size ng marble yung laki niya. hindi naman siya ganun katigas, pero parang yung outer layer eh parang plastic(not plastic literally, cant explain it well eh)  tapos i was so curious kaya hinati ko siya sa gitna, medyo foul yung amoy niya. hindi ko alam kung laman o something yun. basta sure ako na hindi siya pus na namuo. nabobother lang talaga ako. anyone here na nakaexperience na din ng ganito? hindi ko alam kung mata yun ng pigsa or what.

oh, btw. ngresearch din ako online, and i think also have this Hidradenitis thing. lagi sa armpit. minsan sa left, minsan sa right.

« Last Edit: September 16, 2014, 01:42:48 am by anya_anya »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close