Ikaela:
thank you sis, That's my problem sis, natry ko na lahat ng yan, ever since dalaga pa ako pigsain na talaga ako, sa singit, sa kili kili.. pero last 2010 nagsimula yung
recurrent boil ko sa armpit na same site, as in, palaging doon.. Biruin mo since 2010, three years ko ng pasan pasan ang recurrent pigsa na to.. hahaha... hay
naku.. at ayaw ko ng maulit talaga.. daig ko pa nanganganak tuwing mag incision drainage sa akin doctor.. napaka sakit.
Na try ko na yang vitamins supplement, yang food, yang turmeric, yang lactoferrin.. walang nakatulong sa akin. Ang hindi ko pa lang na ta try diyan sa
sinabi mo eh yung Colostrum, paano ba yun? Is it a vitamins supplement din?
I am so desperate na talaga, madami na akong doctor na napuntahan, wala naman akong diabetes, pero ganun pa din.. babalik na naman siya same site.
Akireyhoj:
sis, ako din eh... pa wax at pa shave ganyan ang nangyayari sa kili kili ko.. na try ko na rin yung cream, same result. Napansin ko din na
mas nagiging worst siya kapag nag de deo ako na hello hindi naman pwedeng hindi ako mag de deo hahaha at lalong hindi naman ako
pwedeng hindi mag aahit ang sagwa naman diba lalo na kung mag swimming.. hay.
Kaya desidido na talaga ako magpa laser ng kili kili, iniisip ko na lang.. kung iko compute ko lahat ng nagastos ko sa doctor, sa mga gamot
ganun din, malaki din nagagastos ko, plus yung PAIN talaga.. hay naku yan ang pinaka ayaw ko, mas masakit pa siya sa Cesarean operation ko
nung nanganak ako sa dalawa kong kiddo hahaha.
Nagtanong tanong na ako, nag re range sa 15,000-27,000 ang magagastos ko sa laser, depende kung saan ako magpapagawa.. lifetime package na nila yan.
Eh yung husband ko, sabi niya Go na, kung yun daw makakatulong para ma lesser yung chance ko na hindi na magka pigsa pa, kasi nga naaawa na din siya sa akin..
Kaya yun, super go na ako, pinapagaling ko lang tong pigsa ko, magpapa laser na ako, as in wala ng urungan. Hopefully, after that, maging okay na lahat. Hay
Thank you mga sis.
