Hayy.. mga sis, na backread ko ang thread, at akala ko ako lang ang pigsain.. grabe mga sis, bakit ba kasi naimbento ang pigsa.. lol
Ako nga mga sis, nag start akong pigsain nung college, palaging sa singit noon, as in pabalik balik, hindi naman ako diabetic, nag pa check up na ako, pero siguro kasi I am on the big side, kaya dapat ata mamayat ako, pero sabi ni doc, kahit daw payat, nagkaka pigsa

Then nawala yung pigsa ko sa singit, as in hindi na umuulit.
Pero naulit na siya sa armpit ko na mga sis, kalowka diba?

Yung pigsa sa armpits ko, twice na akong napunta sa doc to have incision and drainage, napakasakit mga sis, mas masakit pa nung ma-CS ako sa mga anak ko, nakakainis..
Then, pinayuhan ako ng doc, na everytime mag shave ako, mag prophylaxis na ako ng Bactroban Ointment, kasi hindi naman pwedeng hindi ako mag she shaved, ikakahiya naman ako ng husband ko niyan, lol.
So, ayun, may ready ako palagi ng bactroban, pero still, pabalik balik, kaka pa check ko lang ng blood sugar, normal naman.
Right now, meron na naman akong pigsa, same area, as in palagi dun sa spot na yun, napapagod na ako mag take ng mag take ng antibiotics, plus magpahid ng bactroban, ang bactroban pa naman, nakakasunog ng balat pag everyday nilagay, nasunog ang balat ko nun grabe..
How I wish mga sis, masolusyonan na ang problem ko, kumunsulta na ako sa derma, sabi niya, dapat daw i laser removal yung armpit hair ko..
How true kaya yun na pag ni laser na eh hindi na ako pipigsain? Ang mahal kasi ng pa laser tapos baka hindi yun ang solusyon?
Help mga sis.. any idea?