watch now

Author Topic: PIGSA or BOILS  (Read 466460 times)

Lady Czarina

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #120 on: August 12, 2011, 01:54:51 pm »
^huhu..super guilty ako sa pagkutkot.. now meron ako sa face, sabi ng derma pimple lang sya actually na nainfect na kaya ayan nagmuka na pigsa...well diko naman kinutkot natatamaan ko lang minsan nakakalmot ko na kasi nga sa face eh, ni require ako uminom ng cloxacillin 4x a day for 7days saka lagyan ng ointment yung bactroban...i asked my derma na baka pwede alisin na and linisin ayaw nya kasi nga sa face daw baka mag scar..pabayaan ko lang daw mawawala din naman..di din naman sya masakit di tulad ng boils na super sakit..kaso ang panget sa face ko pa talaga..huhu..

babyjapnurse01

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #121 on: August 12, 2011, 02:10:25 pm »
^ pag sa face, dapat talaga keep the face clean muna, no makeup for the meantime and use a mild
cleanser mga at least twice within the day para hindi magkaron ng accumulation ng bacteria sa surface.

usually kasi diba pag may pimple ka tapos nag-makeup ka pa, manonotice mo in the middle of
the day, may pus na yung pimple, nahihinog kaagad pero mas lalong namamaga, so its important
to keep your face clean all the time para di na lumala. :)

Lady Czarina

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #122 on: August 12, 2011, 02:15:21 pm »
^ano masuggest mo na cleanser sis? yung pwede ko dalin anywhere? di din naman ako pwede mag wash ng face lagi 10 hrs ako nasa harap ng pc everyday...TIA!

babyjapnurse01

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #123 on: August 12, 2011, 03:25:43 pm »
^ if you could bring babywipes with you and face mist, pwede na yun as long as you can get
rid of sebum and dirt that attracts bacteria. :)

Lady Czarina

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #124 on: August 12, 2011, 04:36:15 pm »
Thanks sis, last question..pwede ko ba sya lagyan ng band-aid?para lang di din masyado exposed kasi pumapasok pa din ako eh hello naman sa pollution hehe...  ;D
and what if it popped? kasi feeling ko mag pop na sya or siguro nag rereact lang sa ointment and sa gamot na tinake ko.. mag scar pa din sya? thanks thanks so much!!

diamond.sky

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #125 on: August 12, 2011, 04:39:39 pm »


@babyjapnurse
reddish lang po siya nab bilog hindi po siya ganun kalaki eh pero hindi din ganun kaliit, pero kahit anong cream po na ilagay ko like bioderm
hindi siya lumiliit at hindi din nag dadry  feeling ko po kasi hindi siya pimple hay pano kaya to mawawala
baka po kasi wart pero ang alam ko din po kasi hindi naman pula ang wart ano po ba yun cystic pimple..
TIA

babyjapnurse01

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #126 on: September 11, 2011, 11:54:43 pm »
Lady Czarina : sobrang tagal na pala ng question mo sakin haha! I wonder bat di ako nagkaron ng alert sa mail, if it pops, of course magkakaron po ng scar, kahit ano namang break sa integrity ng skin, magkakaron ng scar afterwards, but if maalagaan mo naman and ma-drain properly hindi naman magiging kasing worse kesa yung napabayaan tapos nainfect talaga ng bongga.

diamond.sky :  antibacterial cream ang ilagay mo sis, ang bioderm ay antifungal, right? ang wart hindi dapat masakit. cystic pimple = big pimple. :D

Lady Czarina

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #127 on: September 12, 2011, 10:56:05 am »
thanks sis babyjap at least nag-reply ka pa din...  ;D
well nahinog sya tapos kusa natanggal yung sa gitna tapos meron ininject yung derma ko pero til now kasi parang meron pa syang laman sa loob tapos maitim na nga sya.. babalik ako tom sa derma to ask kung ano pang need ko gawin..

sarahsensible

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #128 on: September 12, 2011, 11:05:04 am »
There was a time ang husband ko nag ka pigsa, after ng isa may kasunod ulit.

horrible for him.

Ito ang pinagawa ng derma na cousin ko sa amin.

1. Distilled water with salt- Saline solution lang ito mga sis may nabibili din sa mercury, lagay sa atomizer or kahit saang container okay ipang linis sa pigsa. Derma prefers this kasi hindi drying sa skin ipanglinis.

2. Pwede mo syang hot compress para mas lumabas yung laman. Pero ingat lang how warm or hot can it get. (Itong step na ito pina skip na sa amin -- straight na kami to 3)

3. We use Fucidin Cream

...so nawala yung una, now diba may sumunod pa na isa. Hubby had to take antibiotics. Nag pa test din sya for MRSA. Sabi ng doctor this time, mahina ang immune system ni hubby OR ang carrier kasi could be wala syang pigsa pero naipapasa ang manifestation sa iba.
So ang ginawa namin, lahat ng tao sa house we put Fucidin cream sa gilid gilid ng fingers and toes.

Hassle talaga mag ka Pigsa

mhae_0615

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #129 on: September 29, 2011, 11:15:42 am »
mga sis question! si hubby kasi nagkapigsa sa gilid ng face neto lang nakaraan, after namin madrain yung puss biglang namaga yung mukha nya. yung kalahating side lang, kung nasan dati yung pigsa.

normal ba na mamaga yun?  ???

babyjapnurse01

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #130 on: September 30, 2011, 12:34:58 pm »
^ how long na yung pamamaga? usually kasi ganun yun nagkakaron ng inflammatory response ang sugat after maalis yung pressure sa loob kasi lumabas na yung exudates (pus). nakuha nyo din ba yung mata? and pag kinakapa mo, matigas pa ba or medyo lumambot na sya? kasi kung matigas pa sya, meron pa yang encapsulated or nanigas na pus sa loob, yun yung mata,

DocShe_713

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #131 on: October 06, 2011, 10:27:43 pm »
Mhae- where exactly? We have a certain location in the face, we call the dangerous triangle of the face which when abscess is present , is really dangerous. Better have it checked by a surgeon for peace of mind. Sometimes, it may require intravenous antibiotics.

harley_18

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #132 on: October 25, 2011, 08:45:55 pm »
nagkapigsa din ako kelan lang.. and sobrang nadepress ako kasi may nakaschedule akong outing at 2 pigsa pa tumubo sa legs ko.. kala ko hindi ako makakasama kasi ang sakit sobra and nilagnat pa ko..  :-[

nun pinacheck ko sa doctor para tanggalin.. niresetahan lang ako antibiotic.. Cefuroxime Axetil.. 3x a day for 7 days.. sobrang effective!!  ;D malapit na syang pumutok nun nagstart ako mag-antibiotic.. hindi sya natuloy.. kusa ng gumaling.. namalat lang yun area nun mismong pigsa pero ang importante, hindi nagsugat at nagpeklat!!  ;)

younis

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #133 on: October 27, 2011, 04:00:06 pm »
bakit ba nagkakaron ng boil? does it mean may deficiency sa katawan? anong klaseng vitamins ang dapat tine-take para maiwasan ito?

roxybrat

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #134 on: January 31, 2012, 11:45:29 pm »
hi ask ko lang, di ko kasi alam kung pigsa ba to.. last week ng december na feel ko na lang parang may bukol na masakit sa may singit ko, then i called hubby to check it out  as well.. sabi nya mukhang pigsa, mapula na matambok sya na wala naman mata.. then after 3 days wala na un pain then unti unti na lumiliit.. so sabi ni hubby baka pimple lang kc naalala ko rin nag bikini wax(DIY) din ako e first time ko nun, so baka un din caused.. pero 3wks afte ko mag wax ko naramdaman na may bukol at masakit e.. ngaun maliit na sya at walang pain pero andun pa rin sya.. di naman sya pulang pula pero parang may hair sya sa loob.. di ko naman magalaw kc natatakot ako.. ano ba dapat ko gawin? :(

younis

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #135 on: February 01, 2012, 08:47:46 am »
^sis tingin ko yan yung tinatawag nilang ingrown hair that is impacted, usually lumalabas yan kapag nagwa-wax or nagpa-pluck ng hair tapos may ibang hairs na hindi nakalabas, kaya namamaga. nangyayari rin sa akin yan sa armpit naman, pero nawawala din in few days.

ladylucille

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #136 on: February 01, 2012, 09:16:14 am »
younis
sis parang infection yan sa pores eh.

roxybrat
sis have it checked by a derma. i think it's ingrown hair din.
basta parang may laman sa ilalim at parang inuuka nya skin mo, pigsa yun.

younis

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #137 on: February 01, 2012, 09:26:47 am »
^korek, actually it's hair na hindi nakalabas sa pores.

momentum

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #138 on: February 01, 2012, 09:47:17 am »
wow nagkaroon ako ng dalawa nito recently lang  :'(
first week of December sa right front lower leg ko grabe and sakit! tapos now kahit naka 2 months na, may "shadow" na bilog, parang flat peklat na siya :( nilalagyan ko nalang ng SBO and sebo de macho para mglighten, kakainis!

then kala ko tapos na. nung 1st week of January sh1t! nagkaroon uli ako! sa left butt naman aww sakit! ito mas ang tagal bago nagheal, grabe trauma na trauma na ako, went to the clinic narin para ipadrain then akala ko tapos na yun pero the next succeeding days ayun may mga pus pa, parang hindi nauubos tapos ang lalim ng hole  :o although maliit lang siya, pero lalim. grabe. pero mas light itong peklat kesa sa right leg ko. halos naglast ata ng 3 weeks itong 2nd boil ko

now begininng of feb, kinakabahan na ako! todo safeguard ako hehe kasi that's what the clinic/doc told me. and I bought this indian blood cleansing syrup na SUPER GROSS pero Indians swear by it daw kasi it's for all kind of skin infections like boils,acne,cures constipation, indigestion, helps also to make you slim and smart daw etc etc. I drink it after dinner, 1tbsp. sabay tubig agad or water, kelangan i-pinch mo nose mo para wala kang malasahan  :P tsaka super dark brown color ng syrup, argh! made of all natural herbs ito from India, P120, forgot how many ml pero malaki bottle niya. naubos ko na yun, super pait. It's called SAFI. sa second boil ko, ito nalang talaga tinake ko kasi walang kwenta maganti-biotic kasi when I had the first boil nagantibiotic din ako for 7days + anitbac cream pero still I had another one. Hope this SAFI works. nakakatrauma ito grabe.
« Last Edit: February 01, 2012, 09:51:19 am by momentum »

akireyhoj

  • Guest
Re: PIGSA or BOILS
« Reply #139 on: February 01, 2012, 10:17:45 am »
i had this last december :( sa right underarm ko sa ibaba... before non akala ko kulani lang natubo kasi ilang beses na may masakit sa UA ko.. malamang yung last wax ko non hindi ayos kaya nagkaron ako nito.. i know it's yucky pero napacheck ko sya nung pumutok na.. malay ko ba na pigsa kasi masakit lang sya di ko mataas at magalaw ng ayos arm ko.. nagkataon pa na ako lang tao sa bahay wala parents ko so di ko mapakita.. then nung pumutok na pinacheck ko sa doctor and she confirmed pigsa nga daw.. yung doctor nakakainis di man lang naisipan linisin, pinayuhan lang ako ng dapat gawin.. tapos nag antibiotic din ako for 7 days.. sabi nya if hindi puputukin other option is ooperahan.. eh two days before mag xmas break ako nagpacheck non, di naman pwede operahan kasi di ako pwede magleave sa work... good thing si bf nagprisinta (hay lalo akong nainlove sa kanya) sya nag alaga sakin, pinutok nya then nilinis tinakpan nya para di magmantsa sa damit ko.. believe it or not, after 2 days gumaling agad sya and tuyo na agad! ang tyaga talaga ni bf.. di man lang sya nandiri samantalang ako diring diri talaga.. yun nga lang nairritate skin ko sa medical tape nagkasugat ako after :(
« Last Edit: February 01, 2012, 10:19:28 am by akireyhoj »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close