watch now

Author Topic: bakit kaya may mga taong ayaw sayo kahit wala ka naman ginagawang masama?  (Read 117020 times)

sassa

  • Guest
Hay marami talagang ganyang tao. Lagi akong bikitima dyan since college. Kesho I look mataray, maarte, intimidating etc. I agree maarte talaga ako. So what I did was, I just smiled a lot, made small talks with them then eventually I became friends with them.

When I was new in the office, I brought food pa nga (chips lang naman).Dun sa mga taong may wall talaga, eh wala na talaga akong magagawa sa kanila but I'm still nice to them.

K0rr4

  • Guest
Na iingit, mostly ganyan they unconsciously want to be you or more than pa kasi kayo sa taong yuna

rae

  • Guest
Naisip ko, I've been at both ends, some people don't like me for some reason, and I don't like some people for no reason (but I keep it to myself).

This is my theory: They see something that they think is not cool, not pretty, not good. That's what other people think. We don't have a right to control what they think and it's none of our business. Thing is, it's just THEIR perception. Ang mahalaga, what you think of yourself. Focus on yourself na lang and grow as a person.

Pero kapag may abuse na, or aggressive behavior towards you. Make away to keep proof. HIndi naman excuse na porke ayaw nila sayo, magiging rude na sila.

tiggerlily

  • Guest
Kahit naman anong dedma natin there's still that curiosity that we can't help but ask why and what's wrong? Yung tipong obvious na obvious na nga na bigla syang sisingit sa usapan tapos ikaw lang ang dededmahin. And there's that stare pa from head to foot. Ang hirap lang kasi dedmahin kapag palagi mo nakikita. Parang ang laki ng insecurity sa buhay.

rae

  • Guest
^ I've experienced that a couple of times too. Lalo na sa ladies' restroom. Mararamdaman mo na lang na parang may nakatingin sayo and when you check around, there's a girl giving you a once over.

Ang ginagawa ko na lang, I look at her in the eyes until she looks at me, so that she knows I'm aware of what she's doing. After that, I'll act nonchalantly like nothing happened, as if hindi talaga ako affected. Over time, di na talaga ako affected, and I don't even notice anymore.

Feeling ko din kasi, what we focus on magnifies. Mala-law of attraction.

When I started deviating my focus and attention to something else, I don't experience it as much.

tiggerlily

  • Guest
^buti ka pa. sa public restroom mo lang nakikita. ako i see her regularly. from a previous post on this topic, ok lang kasi di ko pa sya namimeet. iba pala kapag meron talaga in your circle. can't really help but be bothered. kuuu... sana mawala na lang sya sa buhay ko.

rae

  • Guest
^ actually ngayon, hindi ko na namamalayan. I'm sure meron pa din na may ayaw sakin for no reason.

I'm just happy na di ko na sila napapansin. Malay mo akala mo lang ayaw nila sayo pero ganun lang talaga sila. I've accepted na kasi na I will encounter people who will not like me. Ganun talaga e.

Let them suffer by ignoring them. Sila naman yung napupuno ng nega emotions e. Sila na ang mag-advanced aging.

As for me, I'm only going to live once. I dont have energy for them.

tiggerlily

  • Guest
^meron pa nga sigurong ibang ayaw din sa akin na hindi ko rin alam. mas obvious lang itong isang ito kasi nga talagang super sabat sya sa conversation sabay ibablock ka. actually, i'm not the type of person who will try to please everybody. care ko naman sa kanila di ba. kagigil lang kasi to think na no choice ako dahil makikita ko sya regularly at wala akong option. buti na lang at 5 sessions na lang.

miss resilient

  • Guest
well ganun talaga..opinion nila yun and we cannot do anything about it. yung boss ko from previous company ayaw sa kin. pero nasurvive ko ang company niya. ganun din yung latest manager ko, ayaw din sa akin, nagsalita pa nga ng di maganda sa lilipatan ko eh. pero awa ng Dios nakalusot ako. kung wala ka namang ginagawang masama sa kanila deadma na lang kung ayaw nila sayo basta ginagawa mo work mo.

Amphitrite

  • Guest
I'm always aloof kaya akala ng lahat maldita ako. Oh well, maldita naman talaga ako kapag kinakailangan na, hehe.

After a few days I try to be friendly naman, tinitingnan ko muna kasi yung mga ugali nila, what they like or don't like, then I start the conversation with things that they like. Pero may mga tao talaga na mahirap pakisamahan, and I don't waste my time sa ganung tao, nakakasira ng aura eh.

tiggerlily

  • Guest
^ganyan din ako aloof. hindi talaga ako friendly e. kaya napapagkamalan ding suplada. kasi di ako madaldal.

yun kinukwento ko pala. ganun pala talaga sya. social climber. nakita ko kung paano nya gawin din sa iba yun ginawa nyang kabastusan sa akin. so meaning. di nya ko ayaw. marami syang ayaw. tinatanong pa nga ni hubby kung di daw ba talaga ako nakikipagkwentuhan sa kanila kasi kasama ko sya at the time. tapos kinuwento ko. sabi nya. oo nga. may pagka-sosyalera at kayabangan. so there. hindi pala sya for this thread. LOL

hazelbrown_eyes27

  • Guest
I guess lahat ng tao may kinaaayawan na tao. So, I think, di naman lahat ng tao insecure. May mga taong di lang talaga natin feel. But doesn't really mean na insecure ka doon sa tao.

harlet

  • Guest
^i agree......sadyang di lang magkatugma ang aura kaya't sa umpisa pa lang ayaw mo na sa isang tao....

h_mische

  • Guest
ako rin meron kinaka ayawan kahit walang ginagawa sa akin. either sobrang arte nung tao or sobrang yabang. kaya kahit hindi ako inaano ay ayaw ko na agad sa kanila.

Canon071

  • Guest
Oo nga bakit may mga ganyan? Kahit wala ka namang ginagawa sa kanila.

Sakin inis na inis ako dun sa kapit bahay namin, ewan ko ba bakit parang malaki ang galit sakin. Lahat na lang pinapansin. Pati pagtatrabaho minsan sabi nya sakin...

  " Wala ka bang balak magtrabaho? Pano yan hanggang ganyan ka na lang? Ako balak ko na mag-apply sa *** tapos mag-aaral ako" Gusto ko sanang sagutin na " Akala mo lang hindi ako nagtatrabaho! Nagpahinga lang muna ako dahil nagkasakit ako, pero ako bumubuhay sa family ko ah, ikaw nga bata pa nag-asawa na." pero nanahimik na lang ako, sobrang napahiya ako sa harap pa ng ibang mga kapit bahay namin. Pero wala naman nangyari sa sinabi  niya hindi naman sya nag-work at hindi rin nag-aral ulit.

Tapos minsan nagbibingo sila nakita nya yung mama ko. Wala namang nagtatanong sabi ba naman nya" Hindi naman maganda si (ako)  ano te? mas maganda pa si bunso, maputi lang si (pangalan ko)

Tapos dumaan ako minsan, pinaringgan nya ako. Sabi nya dun sa kapit bahay namin na kausap nya "Ang yaman ng kapatid mo te ano? Pero hindi halata sa itsura.. ganun naman talaga ang maganda hindi gaya ng iba dyan akala mo gusto ng ma hold-up"

Naiinis talaga ako sa mga ganyang klaseng tao, porke mahilig kang magsuot ng maganda feeling nila maarte na? mayabang na? pacute na?

Babae ako noh! Natural lang na gusto kong maging maayos ang itsura ko lalo na pag-umaalis, minsan ka na lang aalis hindi ka pa mag-aayos. Tsaka buti sana kung binabalot ko sa alahas ang sarili ko , eh hindi naman. Yung mga sinusuot ko eh makikita rin naman sa ibang babae. Kahit sa church may mga ganyan, pero hindi nila napapansin na sila nga yung mga mukhang trying hard.

megansmomma

  • Guest
^Sis, i feel for you.. what a bad cheetah insekyora your neighbor is.. If i were you, dedma lang. maganda kas siguro talaga kaya inggit sya sayo and thats the reason why she doesnt like you..
patayin mo sya sa inggit nia sayo  ;D

On the topic :

mabibilang lang sa daliri ko yun mga taong kinanaiinisan ko out of insecurities pero tapos na yun..
sa ngayon, those who doesnt want me it up to them i dont give a s***. I have lives to move forward kaya ang masasabi ko lang sa mga haters ko "continue to hate me as I continue to prosper my life" ganun lang heheh!

harlet

  • Guest
^^yes sis, maliwanag na super inggit sa yo kaya ka kinaiinisan......

Huntress Krystle

  • Guest
It's part of our daily lives talaga kasi e. Hindi mauubusan ng ganyang uri ng tao. Sanayan lang siguro yan. In my case, ayaw sakin usually ng mga ka-age ko (may pagka loner ako during my hs and college years) kasi ibang-iba yung interests ko sa kanila. Usually ang gusto ng teens ay fashion, partying, boys, the latest music, etc. Eh ako old soul kasi ako. I like books, I'm geeky, hindi ako mahilig sa party and hindi rin super sociable, I spend most of my free time with my pets (up to this day actually).  ;D Kaya nawi-weirduhan sila sakin. Dami ko na ding naranasan na ganyan. Huhusgahan ka kagad imbes na irespeto nalang yung trip mo.

Pilitin mo lang ignore ang mga ganyang tao sis. Be glad that you're not like them and by doing that, you're making this world a better place. And it's not your obligation to make them like you. Sino ba sila? Mga VIP? Na kailangan may standard pa para magustuhan ka? Hehe. Yung mga ganyang tao ang tunay na kaawa-awa. Ang importante ay mga tunay na nakakakilala at nagmamahal sayo kaya sa kanila ka dapat mag focus.

megansmomma

  • Guest
Sabi kase, You are the reflection of what they want to be kaya bitter sila sayo, in short-- ayaw nila sayo :) so, kung ganun man. Ako i can live on bread alone, tama si sis huntress hindi sila VIP kaya no need to give so much attention whether they like or hate you. In the end, ikaw ang masaya at hindi sila and thats what matter most :)

rae

  • Guest
^ true. Minsan naman, you are a reflection of what they think is not ideal and they cant wrap their minds around the fact na you're ok with who you are.

Halimbawa: Nung bata ako, tinatanong ako "Hindi ka ba naiiinggit na mas maganda sayo ang pinsan mo?"


 

Latest Stories

Load More Stories
Close