Personally sa akin sis, c Miles talaga hinahanap ko.. Senior cya dun. Kaya lang kasi, d talaga cla ang humahawak.. un mga assistants nya.. Un asst nya before na humawak sa akin mas ok kesa ngayon.. Nagyon kasi c Deo, di ko masyado gusto. Naglagas buhok ko pero sabi miles balik daw ako para itreat nila.. Un isa asst MIles c Pier magaling un.. cya humahawak sa anak ko.. Backread ka sis kung kung sino mas marami positive feedbacks.. 
hi sis... thank you so much po sa pag reply sa mga queries ko regarding VO. na-appreciate ko un. 
"THANK GOD FOR MOTHERS"
(my VO experience, just in case you pretty ladies are interested to know about it)After waiting for almost one and a half months, finally, natuloy din.

Ang daming naging "reasons" kaya hindi ako matuloy-tuloy
(i.e. kinakabahan dahil hindi ako familiar sa place, sobrang layo sa amin un location, mixed feedbacks regarding the salon, at higit sa lahat... ang unpredictable weather at bagyo, idagdag pa ang baha nung nakaraang mga linggo). Pero, God answered my prayer yesterday. It was a perfect day to go out. Natutuwa ako kasi my mom even volunteered to go with me. I was quite hesitant dahil senior citizen na s'ya. I even insisted na hindi naman siguro ako mawawala kung mag-aaventure ako mag-isa

but so as not to disappoint her, I decided to bring her along. It was a decision I would never regret. Her mere presence was a sure encouragement to me. I had peace of mind all throughout the whole experience and it was a worthy bonding escapade with her. Despite my "age" (I'm 31) and "status" (I'm married), my mom still "looks" at me as her little girl - I guess almost all moms are like that

always very caring and concern sa welfare ng kids nila. That's why I love my mom so much!

Matapos ang pakikipag-siksikan at pagtayo sa bus, nakarating na din kami sa Boni. It took us more than 2 hours to reach the place. Hindi ko na inisip mag-MRT at kawawa naman un mom ko sa sobrang DAMI ng taong nakapila, sa ibaba pa lang ng station. Almost 11am na kami nakarating sa VO. As expected (based on what I have read), Sir Lito approached me in the counter. Un na un!

I filled up a 2-page form and was asked if I have a preferred stylist na gusto ko. Since naka-"bakasyon" pa din daw un person na hinahanap ko, ipinagkatiwala ko na lang sa kanila un decision kung sino ang hahawak sa hair ko. Sobrang kaba ako dahil bigla ko naalala lahat, as in LAHAT ng reviews na nabasa ko dito. But then, I told myself na I have been waiting for this opportunity so I opted to have a positive outlook na lang, kesa sikmurain ako sa kakaisip ng mga "what ifs" ko.
Maraming clients na kaming dinatnan dun when we came in. Marami na din ang nakasalang na. After a minute or two, pagkatapos magsulat, tinawag na ako at nilapitan ng female junior stylist. Lahat naman sila halos dun (I'm particularly referring sa mga junior stylists), may bakas naman ng pagiging courteous. Pero sa mga senior stylists (just my observation), they don't look approachable at all. Actually, ang mga talagang subsob sa pag-rebond dun mga junior nila

At 10:45am, shinampoo muna hair ko. I put an oily product on my hair everyday (dahil nga kasi hindi na manageable un hair ko), and yesterday was not an exception.
Perhaps magandang idea na kung pupunta kayo dun for a treatment, "hugas na hugas" talaga un hair n'yo at walang products na nakalagay sa buhok. After nun, may nilagay sa hair ko na cream (pink un lalagyan, pero mukhang puti un laman). Binabad un buhok ko for 45 mins, I think. Then, it was checked kung "okay" na. Siguro hindi pa talaga completely "cooked" un buhok ko sa gamot, nag-wait pa kami ng another 5 minutes. Pagkatapos, binasa lang un buhok ko, hindi banlaw. Tsaka sinuklay ng sinuklay.
(Own opinion ko lang, feeling ko hindi advisable un treatment kung [1] sensitive ang skin (anit) mo, at [2] malakas ka maglugas ng hair, tapos manipis pa buhok mo.) Ako kasi since nagpa-rebond ako 2 years ago, napansin ko ang tindi ng hair fall ko at ang laki ng ninipis ng buhok ko. Tulad ng iba, hindi din ako gaano nag-worry kasi makapal ang buhok ko at scattered naman un paglulugas, meaning, hindi napapanot un isang area ng ulo ko. Pero kinabahan pa din ako dahil madami un nakita kong natatanggal sa duration ng rebonding ko... madami talaga. Dun sa iba, bilang lang.
I would agree sa mga payo ng iba dito na gamutin n'yo muna un hair fall n'yo before undergoing this or any treatment at all. Nung satisfied na si Ate sa result, pina-banlawan na n'ya ako. I admire the guys sa shampoo area, hindi ata madaling mababad ang kamay mo maghapon sa tubig
Second stage, binlower na un buhok ko para matuyo.

Nakita ko nanaman un maalsa kong buhok. Then, tsaka na nag-umpisa mag-plantsa. Mahigit one hour din un pag-plantsa sa buhok ko, mahaba-haba din kasi. I noticed na nahihirapan s'ya sa bandang gitna papuntang dulo ng buhok ko - sobrang damaged na kasi un sa mga previous treatments ko in the previous years. "Patay na" - ang description ko sa ends ng buhok ko!

Third stage, nilagyan uli ng gamot (puting lalagyan naman). 15 minutes lang ang babad, tapos banlawan na.
I believe na kung ano un makikita mo habang tinutuyo un buhok mo sa blower after this stage, un na ang i-e-expect mong hitsura ng buhok mo for the coming months. Nasabi ko un kasi nung tuyo na un buhok ko, may "finishing touches" pa uli ng plantsa, so medyo nabawasan ang "imperfections" kahit papano. I also decided na magpalagay ng treatment kasi damaged na talaga ang buhok ko. Tsaka sinulit ko na lang din un byahe namin ni mommy.

Pinaka-last stage, pina-trim-man ko un hair ko dahil lifeless na un dulo. Si Sir Lito ang nag-trim.
If you are going to ask me kung satisfied ako at kung sulit ang effort naming mag-ina, I would have to say "YES!" Compared sa two previous rebonding ko kasi, this looks better. Lahat naman ng nakita ko na lumabas sa salon na nagparebond, maganda lahat ang result kahit sino pa man ang gumawa sa kanila. I guess "hasa" na sila sa paggawa dahil sa dami ng taong pumupunta sa kanila.
At syempre, after settling my bills, I approached the stylist and the shampoo guy to "express" my gratitude to them. It is but appropriate to thank any person who did something good for you. I did not give any tip to Sir Lito, although he trimmed my hair. I do not have anything against the person, mukha namang mabait. Hindi lang ako nag-abot for some reasons: (1) hindi naman n'ya ako nilapitan ni-minsan mula ng sinalang ako... sa counter lang n'ya ako pinuntahan to ask kung ano papagawa ko (SOP n'ya ata un!), (2) he never checked on my stylist because he was very busy putting up some Christmas decors, (3) when he was told na kelangan akong trim-man, ang tagal bago s'ya pumunta

, (4) onting-onti lang talaga ang binawas sa buhok ko, ends lang, and (5) feeling ko mas intimidating pa kung bibigyan ko s'ya ng tip na maliit, considering the fact that he's the MAN in the house. Basta nilapitan ko na lang s'ya and said "thank you!"

He smiled back naman and thanked us in return. I'm pretty sure he received a lot of tips from his regular customers that day, kaya sa stylist at shampoo guy na lang ako bumawi - sila naman kasi un nag-effort talaga to make my experience worthwhile!