We use cookies to ensure you get the best experience on FemaleNetwork.com. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. Find out more here.
Remember Me
Oops! Sorry!
A message has been sent to
johnjones@gmail.com
Click on the link in the email to set a new password.
Click on the link to activate your account.
hi sis chedz! long time! nakakaiyak talaga ano sis. kagabi when i left our house di naman ako naiyak na, pero si mommy parang ayaw pa ako pauwiin. sabi niya sigurado ka na ba, di pa tayo tapos manood ng teleserye. eh parang buong buhay ko, magkasama kami manood ng tv gabi gabi. mula mula sa puso at pangako sayo hanggang ngayon sa kahit pusoy masugatan. pinigilan ko maiyak eh. pero itong si hubby nun nasa trike na kami pauwi, sabi niya next week or basta pag naayos na yung room namin sa kanila, dito naman daw kami tutulog sa bahay namin, kahit ilang araw pa daw.. ayun naiyak ako. pagdating kina hubby, sinamahan ko si MIL sa tindahan at nakipag kwentuhan, para naman di niya isipin na di ako tumutulong kahit 30 min lang. pinapaakyat na nga niya ako para tulungan si hubby kasi inaayos yung cabinet namin. nun pasara na siya, pinaakyat na niya talaga ako. this morning din tinulungan ko din alaga sa niece na 2years old habang di pa dumadating yung yaya tapos nagbantay kami 2 sa tindahan pinakain ko muna si MIL. chaka na kami umalis ni hubby, at ito andito ulit ako sa bahay ko hahaha! kaso mag isa ako. mga 6pm pa uwi ng mom ko.