hi, we just came back from our 5-day trip in Dumaguete-Siquijor

Dumaguete - we love the place kasi walang traffic! Haha... walking distance ang baywalk from our hotel tapos kapitbahay pa sina Bubuyog, Ronald at iba pa.

1st day - we strolled around downtown, visited 2 churches, bell tower, Siliman University at then baywalk. My online co-worker sa Upwork met us and took us in Twin Lakes. Uphill at downhill ang way tapos cloudy pa. Nakita namin yung lake kaso after 5mins nag-foggy na at umulan na nang tuloy-tuloy. We decided to go back pero dumaan muna kami sa Relaxing View Restaurant para magmerienda. The food is yummy at ang ganda ng view, overlooking Cebu island. Afterwards, nag-dinner kami sa Hayahay. May band that night kaso late start na kaya di na namin hinintay.

2nd day- Siquijor trip. Thanks kay Sir Joam kasi siya nag-tour sa amin.

Makulit at maraming kwento. We went to St Francis of Assisi Church, Calipay Spring Park, Old Enchanted Balete Tree na maraming malalaki isda na kakagat sa iyo pag nalingat ka.

Lazi Convent while skip San Isidro Labrador Church kasi under renovation. Lumipad sa flying walis!

Bumaba ng Cambugahay Falls. The water is cold and may bayad ang pag-tarzan while may tip ang mga tour guide. Natawa kami sa isang napuntahan namin resto para sa lunch. Wala raw ang head chef at ang alam lang lutuin ng trainee chef eh sweet and sour

So lumipat kami sa Laguerta Kuzina. Ang sarap ng pancit bihon at may kakaiba silang sisig

Afterwards we ended up in Salagdoong Beach. Natakot ako mag-dive pero si bro tumalon sa pinakataas.

Pag-uwi namin inabot kami ng ulan at halos maiiwan na nang ocean jet pabalik ng Dumaguete. Actually, hindi na kami pinapasok sa loob ng port building. Sa exit gate na lang pinadaan. It was a great experience and we want to go back again!
3rd day- Apo Island. Not sure if good or bad experience here.

Sa dive center kami ibinook nung agent kaya mix ang for diving and snorkeling. Sa sobrang dami ng tourists kokonti ang tour guide na pinadala. We are 11 persons (3 groups) na mag-snorkeling pero 2 persons lang yung guide. Nainis pa father ko kasi nawala yung guide na mag-aassist sa amin. Iniwan na kami to the fact na kami yung nauna bumaba.

Anyway, naging special yung guide tuloy namin. Yung ship captain ang nag-assist sa amin nang wala sa oras. Haha...

Ang daming gumagalang sea turtles! Ang lakas nga lang alon kaya mahirap bumalik sa bangka. Di na rin pumunta sa tabi ang bangka kaya mga magaganda ang kutis namin pag-uwi

For us, #1 snorkeling choice pa rin namin ang Dos Palmas pagdating sa marine life. Coron has its own because of the reefs and ship wreck. We love to explore some more snorkeling sites! Btw, our dinner that night was tempura. Akala ko tulad ng tempura na shrimps na ini-order sa mga resto dito sa Manila. Nagkamali akech!
4th day- Bais and Manjuyod sandbar. Ang bilis magpatakbo nang driver namin! Wala pang an hour from Dumaguete to Bais (v.v)

Tapos 2x kami bumalik sa laot para sa dolphin watching. Yung una kasi was walang dolphin so dumiretso muna kami sa Sandbar. Maganda sana ang pics kung drone ang gagamitin. For me same lang halos sila ng Vanishing Island sa Samal Island. Konti pa tao that time while sa Vanishing Island, solo namin yung place.

Different comparison naman ang White Island sa Camiguin. Anyway, may nag-iisang starfish na naligaw. Pagbalik namin sa laot, andami dolphins! Parang ansarap tumalon at sumabay sa kanilang pagsisid! Haha... maaga kami umuwi that day. My online co-worker invited us sa C & L Suites para mag-dinner. The place is nice. Konti lang ang diners tapos may live band pa. Ang sarap ng chicken cordon de bleu nila! Sa dami namin, sulit ang food at prices. As usual lakad pag-uwi nang hotel.
5th day- since we had limited time, sinamahan kami nung anak ng co-worker ko papunta Tierra Alta. The view is nice. Ang hirap lang umakyat nang motor (umaatras!) We like to stay there kahit one day lang. Ang gaganda pa nang mga bahay na madaraanan along the way.

Then uwian na... back to traffic and back to work.

All in all... our next agenda hopefully:
- Siquijor, we're going back next time.

- Twin Lakes para makapagboating na!

- Relaxing View- hamburger and chicken pops are yummy

- Sansrival - yung lasagna nila! Siyempre yung silvanas at sansrival

- C & L resto - food, view and live band

- Sibulan- San Antonio de Padua church

Ooppss... mahaba na po. until next time! tnx!

ps: dami foringers!
