watch now

Author Topic: DUMAGUETE  (Read 99818 times)

lakwatsa

  • Guest
Re: DUMAGUETE
« Reply #140 on: March 09, 2011, 10:48:04 am »
ilang days ba dapat para maenjoy ang dumaguete at siquijor?

yikee

  • Guest
Re: DUMAGUETE
« Reply #141 on: March 09, 2011, 10:51:13 am »
parang tig 2 days sana sis sila para mas sulit pero syempre sa mga hirap sa schedule at mag leave, kahit 1 day sa siquijor and 2 days sa dumaguete pwede na.. kami bitin e, hirap na kase sa schedule kaya tig 1 day lang sila halos, siksik ang IT
« Last Edit: March 09, 2011, 11:09:09 am by yikee »

rocky

  • Guest
Re: DUMAGUETE
« Reply #142 on: March 09, 2011, 11:02:32 am »
^oo sis, karamihan ng nababasa kong blog daytour lang sa siquijor, kaso ngarag kasi lalabas na 4 hours lang yong tour dahil hahabulin nyo yong sked ng ferry. :)

yikee

  • Guest
Re: DUMAGUETE
« Reply #143 on: March 09, 2011, 11:10:49 am »
^korek sis, kaya kami nag overnight na sa siquijor para di masyadong haggarness sa paghabol ng schedule ng ferry..

tinatawagan ko na pala si kuya naldo kaso cannot be reached pa sya.. try ko ulit maya.

lakwatsa

  • Guest
Re: DUMAGUETE
« Reply #144 on: March 09, 2011, 11:30:12 am »
awww ganun ba. naku 3 days lang yun nabook ko dati nun promo e. 7:05am papunta then 4:25pm pauwi. bitin din ito malamang.  :-\


yikee

  • Guest
Re: DUMAGUETE
« Reply #145 on: March 09, 2011, 11:44:42 am »
^ganyan din flight na bi-nook ko nung promo sis.. depende sa kung anong mas priority mo, yun na lang isiksik mo sa IT

Mr.Punch

  • Guest
Re: DUMAGUETE
« Reply #146 on: March 09, 2011, 03:41:50 pm »
@ Rocky, try mo tanungin kay Fernando kung kaya mong i-squeeze in yung Pulang Bato waterfalls sa Casaroro mo.  It's also in Valencia.  I wanted to go there but i forgot to ask him about it kasi sobrang pagod ako after ng Casaroro.

Pulang Bato waterfalls is so named because of the rich iron content of the rocks at the mouth of the Falls.

rocky

  • Guest
Re: DUMAGUETE
« Reply #147 on: March 09, 2011, 03:45:56 pm »
^oo nga no? maganda don, parang nakita ko na yan dati sa isang blog eh. kaso ang tanong kaya ko pa kaya yon? hehe! kung di naman mahirap yong trek why not tutal nandon na rin lang & lubus-lubusin na. thanks :)

yikee

  • Guest
Re: DUMAGUETE
« Reply #148 on: March 09, 2011, 03:48:47 pm »
di ko pa din macontact si kuya naldo  :( sana hindi pa sya nag iiba ng number

rocky

  • Guest
Re: DUMAGUETE
« Reply #149 on: March 09, 2011, 04:11:30 pm »
^ay, sayang naman. mura na rin kasi yon kahit papano compare don sa rate ng tourism. :-[

sardonyx

  • Guest
Re: DUMAGUETE
« Reply #150 on: March 10, 2011, 09:54:10 am »
must-try ang taster's delight's burgers! they also sell this in how yang.  people always bring this for pasalubong.  the best burgers i've tasted so far! :D
« Last Edit: March 10, 2011, 09:57:14 am by sardonyx »

yikee

  • Guest
Re: DUMAGUETE
« Reply #151 on: March 10, 2011, 10:14:46 am »
^^korek sis, sayang, nanghihinayang ako.. di ko pa din sya macontact hanggang ngayon e  :(

ilocanapilgrim

  • Guest
Re: DUMAGUETE
« Reply #152 on: March 11, 2011, 10:57:33 am »
any suggestion po on a nice but reasonably-priced resort aside from antulang?

sardonyx

  • Guest
Re: DUMAGUETE
« Reply #153 on: March 11, 2011, 12:18:14 pm »
^ bahura resort and spa, bravo resort, thalatta resort, private residence, sea forest

rocky

  • Guest
Re: DUMAGUETE
« Reply #154 on: March 17, 2011, 02:09:26 pm »
mga sis, dito na ako sa dumaguete. buti na lang maganda panahon ngayon kaya nakapasyal ako. yong mga kasama ko sa plane kanina, dapat daw kahapon pa sila kaso hindi naka-landing sa dumaguete dahil zero visibility kaya na-divert sila sa cebu. pagdating sa cebu binigyan sila ng option pwede na silang bumaba or babalik sila ng manila. hehe! pasaway cebu pac hindi nila sinagot yong accommodation & food. dami nga daw nagwawala kahapon sa airport sabi ng katabi ko.

ok dito sa hotel nicanor, ganda ng room & malakas wifi. hindi pa available yong room ko kaninang 9:00am kaya iniwan ko na lang sa lobby bagahe ko tapos nag-breakfast ako sa sans rival, sarap ng sans rival club 95 pesos. sa sans rival na rin ako nagpasundo kay kuya fernando, sya yong ni-refer sa kin ni mr. punch na tour guide. casaroro falls & pulang bato falls pinuntahan namin gamit habal2x, 700 binayad ko sa kanya. ok lang kasi malayo yong pulang bato & super nag-enjoy naman ako don. bago kami bumalik ng hotel, nilibre ko sya ng lunch sa jo's chicken inato bale yon na lang tip ko sa kanya. mabait si kuya fernando, magaan loob ko sa kanya. ;)

danda

  • Guest
Re: DUMAGUETE
« Reply #155 on: March 17, 2011, 02:54:43 pm »
^enjoy sis! ;)

lakwatsa

  • Guest
Re: DUMAGUETE
« Reply #156 on: March 17, 2011, 03:50:58 pm »
^^naks enjoy sis!  ;)

pasaway naman cebpac kaloka! hehe  ;D

shegothim

  • Guest
Re: DUMAGUETE
« Reply #157 on: March 17, 2011, 05:04:46 pm »
aba nakagala ka na pala kel. enjoy dumaguete at pagpunta ng tropa ikaw na ang tour guide namin at syempre walang guide fee iyon. ano ka si...? ahaha

pasalubong wag kakalimutan ;D

Mr.Punch

  • Guest
Re: DUMAGUETE
« Reply #158 on: March 17, 2011, 05:31:45 pm »
@rocky - mas malayo sa Valencia town center yun PulangBato?  Sayang talaga, I meant to ask Fernando about that kaso lang I forgot all about it dahil sa pagod ko sa 300 steps pabalik galing Casaroro.  Di ko tuloy napuntahan. :(  Pero masaya ako at nakinabang ka sa tip na yun.  :D

yikee

  • Guest
Re: DUMAGUETE
« Reply #159 on: March 17, 2011, 05:45:45 pm »
kababalik lang namin galing dumaguete kanina.. dapat kahapon pa ng hapon flight namin pauwi, pero yun nga, kagaya ng sabi ni sis rocky, yung flight kase from manila diverted sa cebu kaya cancelled.. kaloka!

buti na lang na enjoy na din namin ang dumaguete bago pa lumakas ang ulan ng ganon kahapon. 1st day namin siquijor. tapos nung sa dumaguete, sa bahura na kami para malapit lapit lang din from city.. antulang or atmosphere sana gusto namin kaso bukod sa malayo, ubos oras, mas mahal kaya sa bahura na lang.. maganda sa bahura, relaxing and ang lapit lang nila sa apo island. masasarap ang foods nila.  sa city, sa hotel nicanor din kami nag stay.. maganda sa hotel nicanor, malinis, halos walking distance sa lahat kaya tipid.. at may mineral water dispenser kaya tipid din sa tubig, refill lang kami ng refill

kumain kami sa sansrival na super sarap ng sansrival, sylvanas.. nagustuhan din namin lasagna nila and spaghetti.. tapos ang mura lang sa kanila
kumain din kami sa cafe antonio and yun nga, kagaya ng sabi ni Mr. Punch, puno talaga sya ng students, buti may paalis na nung dumating kami.. ok din food nila pero nagustuhan ko yung design ng lugar
sa mamias din kumain kami at totoo nga, masarap ang blueberry cheesecake nila! hehe

madami pa kami gustong kainan (mga nasa list ko na sinuggest ng gters) kaso feeling namin maeempacho na kami kaka food trip..lol.. kaya may reason para bumalik
pati yung tabi tabing magbabalot saka kikiam sa baywalk nila sa may silliman nakakakatuwa..

buti na lang din alam na namin mga tamang fare dahil sa gt, pag nag tricycle, kase may mangilan pa din na taking advantage..

di na kami nakapag manjuyod at dolphin watching kase tinanghali kami ng gising, hehe.. medyo malayo din kase, next time na lang din pag madami na kami para sulit sa boat since hindi ko nacontact si kuya naldo..

overall nag enjoy pa din kami sobra! thank you ng madami sa lahat ng sumagot sa makukulit kong questions lalo na kay Mr. Punch
sis rocky enjoy your trip! ingat!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close