watch now

Author Topic: How to deal with this pain alone?  (Read 100703 times)

jaymejorrol

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #380 on: April 09, 2013, 09:56:32 am »
Quote
hehe nadelete ko na rin album namin pati sa pc ko wala ng bakas  ;D Umaasa ako tuloy-tuloy na..Blocked na rin siya sana lang hindi ko siya iunblock agad  :)

haha good.. masasanay ka rin.. :) oh holiday ngayon gala-gala ka.. :D relax muna ng isip.. mawawala din yan.. ganyan lang talaga sa una masakit.. pero katagalan.. wala na yan..

piatos

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #381 on: April 09, 2013, 02:45:09 pm »
hehe.  paonti-onti mawawala din thanks  ;D

pinesfly

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #382 on: April 09, 2013, 02:58:47 pm »
Mawawala din yan Ms piatos. Go out and have fun with your friends.

jgb24

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #383 on: April 11, 2013, 09:33:44 am »
Hello mga sis matagal na akong lurker dito sa gt pero first time ko lang magpost. well ramdam ko kayong lahat. ako naman isang buwan palang nakakalipas simula nung nagbreak kami ni ex.

Ang story ko naman iniwan ako ni ex kasi nafall siya dun sa ka-officemate niya. bago pa maging sila, sinabi niya muna sakin.. ginawa daw niya lahat para lang mapigilan yung nararamdaman niya kay girl, pero wala, nainlove na talaga siya :( nung una nagmakaawa pa ako sakanya pati dun sa girl! grabe no pero wala, wala na talaga ako magawa. hanggang sa tinanggap ko nalang na wala na talagang pag-asa na maging kami ulit  :(

2 years kami nagsama, masaya kami kadalasan un lang nakakainis kasi dumating yung babaeng un! pero eto ako ngayon bumabangon kahit lagi padin siya sumasagi sa isip ko. nagppray lang ako lagi para gumaan itong pakiramdam ko.

kaya mga girls, alam ko makakaya natin to magtiwala lang tayo kay god kasi siya lang makakatulong satin. good vibes para sa lahat!
« Last Edit: April 11, 2013, 09:35:38 am by jgb24 »

jaymejorrol

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #384 on: April 11, 2013, 10:13:22 am »
^ well at least maaga pa lang nangyari na ang ganyan.. kesa tumagal pa kayo lalo.. mas lalong masakit yun.. and sa umpisa pa lang tinulungan ka na ni GOd.. which is pinakita nya sayo na hindi karapat-dapat sayo si boy.. kasi alam nya lolokohin ka lang.. :)

jgb24

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #385 on: April 11, 2013, 11:12:54 am »
^ oo nga eh, siya lang talaga natatakbuhan ko lagi hindi ko kasi masabi sa mga kaibigan ko tska mama ko, ayaw ko kasi sila magalala sakin. Ngayon paganda lang ng paganda kahit umiiyak minsan hahaha

hyeuna03

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #386 on: April 11, 2013, 02:48:07 pm »
so sad to read stories here..

hinding hindi ko makakalimutan yung advice sa akin ng tita ko nung buhay pa sya..
sabi nya, once na magloko ang bf or ang mapapangasawa mo, wag na wag mo papipiliin bet ween you and the other girl, kasi paano pag yung isa ang pinili at hindi ikaw? eh di mukha kang kaawa awa? pabayaan mo syang mag decide without you asking. never ask a man to stay against his will kasi hinding hindi ka magiging masaya ever..

hanggang ngayon, buhay na buhay ang mga words na ito sa puso ko. Nung nagloko [textspeak!] dating partner ko, hindi ko sya pinapili, hinayaan ko sya gawin ang gusto nya. Iniwan ko sya at hindi nya ko pinigilan, pero okay lang atleast i know in my heart kung ano talaga ang gusto nya. ayoko kasi yung lokohan, yung tipong mag istay sya, kasama mo sya pero iba yung nasa isip nya.

yung husband ko naman, ganun din, nagloko din, ang again hindi ko sya pinapili, ako ulit yung umalis. hinayaan ko lang din syang gawin ang gusto nya, after six months, pinipilit nyang magkabalikan kame, siguro nagsawa na sa babae nya. kaso nung time na bumabalik sya, ayoko na, sanay na ko na wala sya.. eh hello, nabuhay na kame ng anak ko ng 6 months na wala sya no, so that only means na kaya namin wala sya sabuhay namin.

so mga sis, kaya nyo yan promise.. wag mawalan ng pag asa. you will all smile again..  :)

jaymejorrol

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #387 on: April 11, 2013, 03:02:58 pm »
Quote
once na magloko ang bf or ang mapapangasawa mo, wag na wag mo papipiliin bet ween you and the other girl, kasi paano pag yung isa ang pinili at hindi ikaw? eh di mukha kang kaawa awa? pabayaan mo syang mag decide without you asking. never ask a man to stay against his will kasi hinding hindi ka magiging masaya ever..

gusto ko to.. kasi mahirap nga naman ipilit mo sarili mo sa taong ayaw sayo.. talagang hindi ka sasaya..

regarding sa story mo sis.. himala at biglang nakikipagbalikan asawa mo.. parang pinaglalaruan nya lang ang mga girls.. pero di nya alam sya tong mukang bola ngayon na kung kani-kanino pinapasa.. sya to ngayong naghahanap ng sasalo sa kanya.. pero bilib ako sayo sis.. kinaya mo gawin yung ganun.. pero paano po yung support kay baby mo? ikaw na lang talaga? kasi syempre lumalaki ang bata..

hyeuna03

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #388 on: April 11, 2013, 03:26:17 pm »
pero paano po yung support kay baby mo? ikaw na lang talaga? kasi syempre lumalaki ang bata..
ako lang din sis, sa awa ng Diyos, nakapag start akong maliit na business dito sa bahay, ito ang pinagdasal ko talaga, magkaroon ako ng pagkakakitaan na hindi ko kailangan iwan ang anak ko sa bahay. di naman nya ko binigo.

kaya sa lahat ng mga sisses dito na nanghihina at nawawalan ng pag asa, magpatuloy lang kayo mabuhay mga sis, mabuhay para sa mga taong nagmamahal at mas nangangailangan ng pagmamahal nyo kagaya ng mga anak at pamilya nyo.  :)

jgb24

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #389 on: April 11, 2013, 03:36:20 pm »
sis hyeuna03 tama ka kaya ako tinanggap ko nalang na niloko ako ni ex. goodluck sayo at sa baby mo :)

jaymejorrol

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #390 on: April 11, 2013, 04:10:34 pm »
ako lang din sis, sa awa ng Diyos, nakapag start akong maliit na business dito sa bahay, ito ang pinagdasal ko talaga, magkaroon ako ng pagkakakitaan na hindi ko kailangan iwan ang anak ko sa bahay. di naman nya ko binigo.

kaya sa lahat ng mga sisses dito na nanghihina at nawawalan ng pag asa, magpatuloy lang kayo mabuhay mga sis, mabuhay para sa mga taong nagmamahal at mas nangangailangan ng pagmamahal nyo kagaya ng mga anak at pamilya nyo.  :)

guy po ako sis :) ..well it's good na kahit pano eh may pinagkakakitaan pang dagdag budget.. and you serve as an inspiration sa iba.. and gaya ng sabi mo.. mabuhay tayo para sa mga taong nagmamahal sa atin.. hangga't may nagmamahal sa atin, wag tayo mawawalan ng pag-asa.. hindi gaya ng iba na hindi na nakabangon sa sakit na nararamdaman.. kaya napapabayaan na sarili.. mahirap pa non may anak sila na dapat intindihin..

hindi tayo dapat nawawalan ng pag-asa.. mga pagsubok lang yan.. :) goodluck sis pati sa baby mo :)

hyeuna03

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #391 on: April 11, 2013, 04:15:59 pm »
guy po ako sis :) ..well it's good na kahit pano eh may pinagkakakitaan pang dagdag budget.. and you serve as an inspiration sa iba.. and gaya ng sabi mo.. mabuhay tayo para sa mga taong nagmamahal sa atin.. hangga't may nagmamahal sa atin, wag tayo mawawalan ng pag-asa.. hindi gaya ng iba na hindi na nakabangon sa sakit na nararamdaman.. kaya napapabayaan na sarili.. mahirap pa non may anak sila na dapat intindihin..

hindi tayo dapat nawawalan ng pag-asa.. mga pagsubok lang yan.. :) goodluck sis pati sa baby mo :)
naku bro, pasensya ka na, guy ka pala.  :)
salamat ha, at may mga lalaki pa palang marunong makinig sa mga hinaing ng mga babae  :)

salamat ulit, goodluck din sayo at sa lahat ng mga iba pang may pinagdadaanan dito.  :)

jaymejorrol

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #392 on: April 11, 2013, 04:39:25 pm »
^ haha.. ok lang.. and mahilig lang talaga ako makinig sa stories ng iba.. nasanay lang din siguro ako kasi madalas talaga girls ang kausap ko samin or sa school dati pag serious talks.. kasi mas nakikinig din sila and nagbibigay ng good advices.. pag sa tropa ko kasi tagilid magbigay ng advice.. may halong komedi at kamanyakan eh haha!

yung kinakapatid ko din is a single mom.. di ko lang alam reason bakit iniwan sya ng bf kasi sa itsura pa lang ni girl, she's very beautiful and charming.. baka bf nya may prob kasi kilala ko ugali ni girl since kababata ko sya.. 3 years old na baby nya.. minsan nasa house namin nakikipaglaro, close ko si girl kasi nga kababata ko and kinakapatid ko sya.. part-time ata sya now sa call center and at the same time studying.. and yung son nya is nasa lola iniiwan pag pumapasok sya sa school/work.. and hindi nya napapabayaan sarili nya.. blooming parin sya.. and her son is soo bibo and matalino hehe.. bilib ako sa mga taong ganun.. parang hindi affected later on.. life goes on.. strong parin kahit na minsan sinaktan sila.. :)

hyeuna03

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #393 on: April 12, 2013, 03:27:50 pm »
sis hyeuna03 tama ka kaya ako tinanggap ko nalang na niloko ako ni ex. goodluck sayo at sa baby mo :)
thanks a lot sis! :)
good luck din sayo.. ok lang yan sis, makakahanap din ng katapat yang ex mo!!
you will survive sis!  ;)

piatos

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #394 on: April 17, 2013, 06:56:13 pm »
http://www.youtube.com/watch?v=ZNalmuvoiKg&feature=youtu.be   -how to move on xD

ito napanood ko nakakarelate muntanga hahahaha!!!

jaymejorrol

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #395 on: April 18, 2013, 09:00:59 am »
^ dapat talaga my mapanood pa.. hehe.. pang motivate mag move-on haha!

piatos

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #396 on: April 21, 2013, 07:02:30 pm »
hehe tinatak ko sa isip ko hindi na niya ako mahal at wala ng magagawa pa :)

jaymejorrol

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #397 on: April 22, 2013, 09:37:54 am »
^ pwede yan.. move on lang.. pakita mo na you are not affected anymore.. mag-paganda ka lalo.. para maglaway sya next time pag nakita ka :D sweet revenge!

piatos

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #398 on: April 25, 2013, 10:32:36 pm »
hehe thanks! Ok-ok na ako ngayon.  Iaantay ko na lang yung time na okay na talaga  :)

jaymejorrol

  • Guest
Re: How to deal with this pain alone?
« Reply #399 on: April 26, 2013, 08:46:16 am »
^ nice sis.. :) keep going! sa una ang yan masakit.. pero pag hindi mo masyadong pinapansin.. mawawala na lang bigla yang sadness mo.. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close