watch now

Author Topic: Signs of labor  (Read 834264 times)

katyap

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #720 on: July 15, 2014, 07:07:13 pm »
sobrang informative ng thread na to, thanks mga sis sa pag-share ng experiences nyo. nakakalakas ng loob lalo na sa mga takot manganak tulad ko ;)

actually habang nagba-back read ako, nabuo ang loob ko na mag-try mag-normal delivery. gusto sana namin dati mag-elective CS na kasi may regular palpitations ako (nagpa-check naman kami, ni-clear ako ng cardio). medyo takot din para sa kin yung ob-gyn ko dahil don.

pinkpotato

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #721 on: July 16, 2014, 12:11:08 pm »
Different ba yun painless sa epidural? Kasi yun quote sa akin ng OB ko is painless na daw pero after back reading parang mas ok yun natural all the way kung kaya naman. Feeling ko kasi mas madali ngang magpush kapag nafifeel ang sakit di ba? Kaso if ever di ako magpainless nor epidural mga sis, pano yun pagtatahian ka na down there, parang ang sakit na nun noh pag walang anes..

what does your OB mean by painless? painless delivery in general? may ganun ba? even if its epidural masakit pa rin pag lagay nun imagine sa spinal cord. *faint* I just didn't have a good experience with this on my first born so not a fan.

Even with that I still did consider having epidural or even CS on my second child because I was afraid of the pain during labor but I prepared myself. I walk at least 2km everyday. Nag yoga class din ako, read hypnobirthing which I eventually discarded since some parts disagreess with my religious belief. I watched my diet din although no need at all sana kasi until the 20th week, sinusuka ko lahat ng kinain ko and Im a bit sorry kasi my baby was a kinda small.

if you go through ND with Episiotomy, your OB will spray (i think thats what my ob did to me) local anesthesia, you won't feel the stitching at all.

 

lovemeagain30

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #722 on: July 16, 2014, 01:27:08 pm »
I don't think there is such thing as painless labor. for me its marketing strategy to convince you to use medication. you will give birth to a human being of course its going to be painful!  ;D wala yatang nanganganak ng tulog. besides who would like to have that? its one of the greatest experience in life as a woman, to experience giving birth to a child. :) Kahit nga CS masakit parin pagkatapos. ang malaking pagkakaiba lang is ang pain ng NSD is only during labor, ang pain ng CS ay days (or even months) after delivery. lets say you will choose epidural as pain reliever for NSD, do you think they will give you the shot right away? hindi kaya! you have to be in 'active labor' first, that means dilated ka na dapat nun, on going na yung overwhelming na sakit bago ka nila turukan sa likod ng 'malaking needle' sa spine mo. you have to curve properly or else if they miss the right spot then they have to do it again.

« Last Edit: July 16, 2014, 01:39:49 pm by lovemeagain30 »

katrinac

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #723 on: July 22, 2014, 10:29:53 am »
Hi mga sis! :) Here's my story naman. I gave birth last July 6 (CS section) due date is July 8.

July 5- nag punta kami ni hubby sa clinic sa Borough in MOA for my check up. All the while alam ko induced birth na ako, kasi 2 weeks na 2 cm si baby. And wala man lang labor signs. Even contractions and braxton hicks wala ako na fifeel. Kahit anong lakad and exercise gawin ko, di nag di dilate ang cervix ko. And kada IE sakin ni OB, 2 cm ng 2cm parin.

Then yung July 5, nag IE sakin si dra, nasa 3CM na daw ako. AFter nya mag IE sakin, sabi nya punta na daw kami ng hospital. Sobrang kinabahan ako kasi wala akong ka alam alam na manganganak na pala ako! Sabi ko pa kay OB, eh dra, pupunta pa po sana kami sa travel expo, okay lang po ba na mga 4PM na kami dumiretso sa hospital? Natawa nalang bigla si OB, kasi nga manganganak na ako, gusto ko pa mamasyal.

Eh si hubby, sobrang taranta na, while ako super cool lang. sabi ko hanap muna kami ng auntie anne's bago kami umuwi muna ng bahay. kasi gusto ko pa maligo muna bago dumiretso ng hospital. :D
So we decided na uwi muna kami ng bahay, pero nag take out muna kami sa jollibee. kumain ako ng bongga kasi alam ko while nag le labor eh bawal tlaga kumain. Dami ko talaga kinain! hihi! So pagdating ng bahay, ligo muna ako then gora na sa hospital agad.

While on our way sa hospital, nararamdaman ko na may lumalabas na sa undies ko. Not sure if waterbag ko na ba yun, pero eventually blood na pala. as in madami blood na.

Pagdating namin ng hospital, super clueless kami ni hubby kung ano gagawin namin. As in kami lang kasi dalawa eh. tapos sya ang mas kinakabahan. so ako ang naalalay sa kanya. haha! From ground floor nilakad namin paakyat 5th floor kasi ang daming tao sa elevator.
Pagdating namin ng 5th floor, may nag assist samin. pinapasok ako dun sa isang kwarto. Eh wala akong kaalalam alam na labor room na pala yun. di man lang ako nakapag kiss sa husband ko! akala ko kasi may fi fill apan lang ako :D
So pinahiga ako agad, super taranta ako. sa, gilid ko may nakita akong mga gunting. super takot talaga ako. yun pala, i shave lang nila ako that time. natawa nalang ako kasi sobrang praning ko akala ko hihiwain na ako! haha!

After nila ako i shave, dinala ako sa isang room at 2PM. dun kinabitan na ako ng parang contraction meter. Yung mga ob super nabilib sila kasi ang taas daw ng tolerance ko sa pain. kasi yung contraction level is nasa 100 na tapos wala ako nararamdaman. todo ngiti pa ako at nakikipag chikahan sa mga ob andnurses. From 2pm to 7PM super wala akong pain na naramandaman, not until they decided na putukin yung panubigan ko. Super takot talaga ako nun kasi may pinasok na mahabang stick sa loob. halos nasipa ko pa yung isang resident ob sa sakit talaga.
Then yun, ang dami ng tinurok sakin na pampahilab (oxtocin and buscopan) dun ko na naramdaman yung labor pain mismo.

from 7pm to 11pm yun nung intense na labor pain. iba pala talaga yung pakiramdaman. Wala na ako paki, at nagsisigaw na ako sa loob ng labor room. Sigaw ako ng sigaw ng ayaw ko na po. and hinahanap ko na yung OB ko mismo and yung anesthesiologist. Eh kaso, 11pm sila dumating, kaya di rin naging painless ang labor ko. hehe!

11pm naturukuan na ako ng epidural - sobrang sarap sa pakiramdaman (though nasaktan ako sa procedure talaga) 3 times ako tinurukan kasi dumudugo yung likod ko, e di daw pwede yun kasi. tsaka malikot ata ako nun kaya nahirapan yung anesthesiologist. After an hour, wala parin progress labor ko,. naka ilang IE na sila sakin, until they decided na i CS nalang ako. distressed narin si baby. umabot yung heartbeat nya ng 207.

12:00am pinasok na ako sa delivery room, then dinagdagan yung dosage ng epidural. tapos before ako hiwain, tinutusok ng karayom yung tyan ko, to check if may nararamadaman pa ako. Nung wala na ako nararamdaman, inopen na nila ako :)

1:14 AM - lumabas na si baby. Grabe lahat ng pain dun sa labor room nawala, and di ko din natatandaan na. basta ang alam ko lang, oo masakit, pero nawala lahat nung narinig ko ng umiyak si baby. Iba pala talaga sa pakiramdam. hihi!

Beng01

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #724 on: July 22, 2014, 01:25:31 pm »
hi sis katrinac congrats nakita mo na si baby sa wakas ;D

Medyo natense ako sa kwento mo kasi parang ramdam ko yung pain, kinabahan tuloy ako manganak...

Btw, I am already 24 weeks based sa LMP ko.

bagaholic_chewy

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #725 on: July 22, 2014, 01:29:01 pm »
^ naaliw ako sis! Same tayo walang naramdamang any pain during labor. Kahit nung pinutok nila water bag ko wala pa din ako na-feel na pain. Mas nasaktan pa yata ako sa paulit-ulit na IE, especially since inaabot nila si baby na ayaw bumaba ng cervix ko, hehe.. Tapos same na na-cs eventually. At same tayo, 1:14am time of birth ni baby. :)

Umabot ako 7cm na walang naramdaman at all. As in. Though yun nga, na-cs din kasi ayaw bumaba ni baby tapos di na nag-progress from 7cm yung dilatation ko..

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #726 on: July 22, 2014, 01:41:14 pm »
sis katrinac, dahil sa kwento mo parang naexcite na rin tuloy ako manganak. hehe! cute ng pagkakwento. ramdam ko sakit mo pero parang wala lang in the end.

sweetarwen07

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #727 on: July 22, 2014, 01:42:22 pm »
^ ako naman kinabahan.  di ko kasi alam kung ano birth plan ko pa. :)

katrinac

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #728 on: July 25, 2014, 12:03:08 pm »
beng01 - thank you sis! naku wag ka matakot sa labor pain. kayang kaya mo yan. parang menstrual cramps sya, pero times 10 nga lang. LOL! tsaka mararamdaman mo if sasakit na sya or hindi. btw, tip lang, pag andun ka sa labor room, wag ka mahiya sumigaw. isigaw mo, kasi nakakawala ng sakit talaga. and ako may dala ako towel nun. kinakagat ko kapag masakit na. hihi!

bagaholic_chewy - wow same tayo ng time sis. and tama ka dyan, yung IE talaga yugn dreadful. tapos ang pangit sa pakiramdam. kasi after IE, parang may dugo na lalabas. pinaka ayaw ko na ginagawa nila yung term na "stripping" ba yun. ginanun ka ba sis? grabe, pag yun ang ginagawa sakin  oa lang ako sa kakasigaw. haha

ishopnowfeelguiltylater- naku sis, totoo, kapag nakita mo na talaga si baby! iba talaga yung pakiramdam. ako nga naiiyak iyak ako nung una ko narinig na umiyak si baby. :D

sweetarwen07 - ako sis, wala na akong birth plan, birth plan. may nagtatanong nga sakin dun na resident, sabi ko wala po akong plan, come what may na. hehe!

mga sis, nung after ko makita si baby, gusto ko sana gumawa ng eksena, yung iiyak tapos makakatulog. haha! pero totoo pala yun, nakakatulog talaga after manganak. kasi ako nakatulog agad nung pagkakita ko kay baby. sa sobrang pagod din siguro. kasi ba naman halos isang araw na akong gising nun. tapos pagod pa sa labor, then yung epekto ng anesthesia.

And please mga sis, wag nyo kakalimutan yung Unang Yakap ha. very impt yan.

Adam1025

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #729 on: July 25, 2014, 01:28:51 pm »
Sis katrinac naaliw ako sa labor story mo feeling ko tuloy nandun ako sa scene na nagla-labor ka sis haha with mega sigaw and all. Matagal pa ako pero nakaka-excite na nakakatakot din at the same time feeling ko di ko din mapipigil di sumigaw kahit sabi nila pigilan para di maubos ang energy. Congrats sa safe delivery sis :)

outandaboutph

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #730 on: July 25, 2014, 02:58:31 pm »
katrinac congrats sis same pala tayo, CS din ako pero hindi ko na naexperience maglabor kasi nagpaschedule na ako natakot na kasi ako dinugo na ako 36 weeks, tapos double cord coil parin si baby last ultrasound namin. Ang boring ng labor story ko sis sa totoo lang pero ikwento ko narin.

Hindi ang OB ko ang nag CS sa akin kasi natakot kami ni hubby na lumagpas sa budget kasi ang daming kwento na ganon nga daw doon sa hospital na sinuggest ni OB. So naghanap kami ng iba, ilang ulit kinausap ni hubby hanggang nagulat ako pag uwi niya sinabi sa akin ischedule na daw ako ng July 1. Akala ko nga joke lang until tumawag sa akin mismo iyong OB to confirm, tapos ayon dami ko tinanong, kung magkakano aabutin ng gastos hehe. The day before my sched nag SM pa ako kasi nga ang aga ko nabedrest hindi pa complete gamit namin ni baby. Dami ko bitbit tapos dumaan pa ako ng tiangge tagaktak ang pawis ko sobra kakalibot. Nilabhan ko pa pagdating mga gagamitin ni baby tapos pagdating ni hubby nilalagnat. So ang siste, ang kasama ko pumunta ng hospital kinabukasan eh iyong cousin niya kasi ang bagal kumilos ni hubby kasi nga masama pakiramdam. Medyo nagtaka pa si OB kasi ibang lalaki kasama ko. OB ko ang bata, parang mas matanda pa ako kaya medyo kabado talaga ako that time. Pagdating ko nag fill up kami ng form tapos dinala gamit namin sa room namin pinagpalit ako ng daster, na wala akong dala haha. Buti dumating na si hubby pinatakbo pa sa palengke cousin niya para bumili ng daster. After ako ishave, kinabitan na ako ng dextrose sinakay sa wheelchair then dinala sa delivery room. Ni hindi alam ni hubby na dinala na ako doon kasi nagpunta siya sa room namin to check mga gamit namin so noong tumatawag sa labas iyong nag aassist na nurse sa akin, walang lumalapit. Kalungkot lang siya na lang tumulong sa akin magpalit ng damit.

Iyong pwesto ko sa delivery room parang ipapako sa krus. May pinahid sa buong katawan ko, I don't know if pampamanhid ba or betadine. Tapos sinaksakan na ako sa likod ng pampamanhid, akala ko masakit siya pero wala na ako halos naramdaman. Kinabitan ako ng oxygen after tapos tinaas iyong tela sa harap ko. Iniisip ko baka biyakin na nila ako ng hindi pa nag eeffect iyong pampamanhid so pinilit ko igalaw iyong kanang paa ko, naigalaw ko naman. Naramdaman ko pa na ibinalik nila sa pwesto iyong paa ko. Tapos try ko ulit igalaw kaso wala na ako maramdaman. Sabi ni OB magstart na daw sila, ako naman hilo na as in nakakatulugan ko na. Naramdaman ko pa may nagpush sa tiyan ko, pinupush parin pala kahit CS??? Tapos nakatulugan ko yata ulit nagising ako kasi kinakausap ako nakalabas na pala si baby pinapakita sa akin. Tapos sabi sa akin mommy matulog ka na ha tapos may ininject sa balikat ko tapos nakatulog na ako ulit.

Nagising ako nasa loob parin ako. Nagising ako kasi mag pinapaanak sa tabi ko, normal delivery yata kasi sigaw ng sigaw. Sunod na nagising ako, naramdaman ko inililipat ako sa bed, and ramdam ko na may masakit sa katawan ko pero hilong hilo parin ako. 10am nailabas si baby, gabi na ako nagising kasi narinig ko boses ni hubby akala niya nagtutulog tulugan na lang ako. Pinilit ko tuloy idilat mata ko pero hilo parin ako. Kinabukasan pinilit na ako pagalawin, pinatatagilid ako ng higa tapos pinatayo narin ako kinagabihan. Gusto ko silang sapakin lahat ang sakit kaya ang dami pa nakakabit sa akin. 3rd day sa hospital tinanggal na mga nakakabit sa akin and palakad lakad na ako.

4cm na nga daw pala ako noong i-CS ako sabi ni OB, noong ilabas si baby, isa na lang cord sa leeg niya and iyong isa sa body na niya nakapulupot.

Mitchieme

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #731 on: August 03, 2014, 03:12:21 pm »
Sis [textspeak!] pakiramdam nang magpa induce? Saka [textspeak!] procedure?

khriseeee

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #732 on: August 04, 2014, 09:17:23 am »
^^scary naman to change OB at the last minute and to get a doctor so young to perform your CS. Good thing it turned out well for you.

^My labor was augmented, meaning I went into labor on my own but it didn't progress so they had to induce me parin. It worked immediately and my contractions went from mild to very strong in a matter of minutes. I couldn't take the pain and asked for an epidural.

Mitchieme

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #733 on: August 04, 2014, 11:10:17 am »
Paano procedure nang induce? Ilan weeks ka noon? Nsd kaba?

outandaboutph

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #734 on: August 06, 2014, 12:20:08 pm »
^^scary naman to change OB at the last minute and to get a doctor so young to perform your CS. Good thing it turned out well for you.

^My labor was augmented, meaning I went into labor on my own but it didn't progress so they had to induce me parin. It worked immediately and my contractions went from mild to very strong in a matter of minutes. I couldn't take the pain and asked for an epidural.

Nakakatakot talaga sis pero kilala naman family noong OB na nagpaanak sa akin may maternity clinic silang sarili puro doctor sila pati MIL niya OB din and niresearch ko pa talaga siya sa net and nagtanung-tanong. Para nga akong sira lahat ng nagpupunta sa shop namin tinatanong ko if kilala nila siya. Pero iyong orig na OB ko, nega feedback na talaga kasi my SIL works with her same hospital sinabihan niya agad kami 100k iprepare namin kasi usually nga daw hindi nasusunod ang package baka mabigla kami. 

tabularasa08

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #735 on: November 17, 2014, 12:12:01 pm »
37W3D na kami ni baby pero wala pa ako napifeel na any sign of labor. Gusto ko na manganak kase gusto ko na makasama si baby boy namin. Salamat sa mga labor stories, nakakalakas ng loob. Sana NSD din ako and wag sana kami mahirapan ni baby.

Chrischeliahxine

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #736 on: November 19, 2014, 11:21:17 pm »
Hi mga sis share ko din yung mga labor stories ko. First is yung sa eldest ko.

37 weeks ako ng makaramdam ako ng sobrang paghilab tapos sumasakit pati batok ko dahil 1st time mommy excited akong nagpadala agad sa hospital. Oct 28 2008 yun. Pagdating sa hospital ininform nila ang OB ko kinausap ako ng OB ko sinabihan na hindi pa daw ako manganganak kasi 37 weeks pa lang ako pero ayaw na ako pauwiin ng senior OB na nagkataon na nandun at siya ang nag IE sa akin malambot na daw ang cervix ko at 1cm na ako so ang siste eh pinaglakad lakad ako sa hospital tuloy. October 29 lumuwas pa ang OB ko sa ayun tambay lang ako sa hospital walang progress 1cm pa din. dumating na ang OB ko around 7 pm pero ganun pa din so ang ginawa niya ininduced na niya ako. Pinutok na niya yung panubigan ko then nag inject na sila ng pampahilab sa akin. 11 pm nag progress na yung labor ko 8 cm na ako mega kapit na ako sa hubby ko sa sakit. From my room binaba na nila ako sa DR nun. That time kung papipiliin ako kung ano mas gusto ko mag bungee jumping o maglabor parang mas gusto ko pa tumalon kahit gaano kataas haha. Gusto ko pa maiyak kasi wala dun ang asawa ko mag isa lang ako sa DR na naglalabor hindi ko alam kung saan ako kakapit nakahiga na ako noon na touch lang ako ng umiiyak na ako inaalo na ako ng OB ko pinapalakas niya loob ko then mga 2am na ayun lalabas na si baby kaso ang problema hindi daw ako marunong umire! Hahaha. Ang hugot ko daw sa pag ire sa leeg nanggagaling kaya pulang pula na ang mukha ko lalo leeg ko. Sabi nila yung ire na parang natatae ka na kaso nahihiya ako baka kasi matae din ako kasama ni baby haha. Tumulong na yung anes ko at yung nurse nag fundal push na sila sa tyan ko para i assist nila ako sa pag ire. Sabi ng nurse sa akin "ate umire ka na naglalambitin na kami sayo!" Para silang nagpupunong braso sa tyan ko sa pag push hindi ko alam tuloy kung saan ang masakit yung sa balakang ko o yung pag push nila. Sa awa ng Diyos nailabas din si baby pinahiga pa siya sa tiyan ko then pina cheek to cheek kame bago siya dinala sa nursery after that nakatulog na ako. Pag gising ko hindi ko alam kung ano ang uunahin ko sa masakit sa akin. Yung tahi ko ba o yung sakit ng katawan ko feeling ko para akong ginulpi puro ako pasa  may sugat pa ako sa braso haha.

Sa second pregnancy ko naman ng naglabor na ako 40 weeks naman ako. Oct 17 2011 ng 9pm nag pa admit na ako 1cm na daw kasi ako at madalas na din ang hilab. Yun lang puro hilab walang progress oct 18 na as is pa din so ang ending nag induced nanaman si OB ko pinutok nanaman ang panubigan ko at nagbigay nanaman ng pampahilab. Ito ang pinaka masakit na labor ko good thing kasama ko ang hubby ko sa labor room halos mabali ko na yung kamay niya sa higpit ng hawak ko. 2pm na ng ipasok na nila ako sa DR at iyon nanaman ang eksena ko hindi nanaman daw ako marunong umire haha. Asar na asar ako kasi feeling ko tama naman yung ginagawa ko pero hindi. Sobrang sakit na ng nararamdaman ko pinipilit ko pang irecall kung paano nga ba ang ginawa ko noon umire ako sa eldest ko. At iyon ulit yung anes ko nag fundal push nanaman para i assist ako sa pag ire haha. And then lumabas na si baby sa wakas after that nakatulog na ako.

Hindi ako nag painless nsd. Ang alam ko kasi may side effects yun kaya tiis talaga ako sa sakit. Madami nagsasabi sa akin na mas masakit daw ang induced labor compare sa natural na naglabor ka talaga. Super agree naman ako sa kanila haha kahit na hindi ko na experience yang natural labor na yan.

Ngayon 33 weeks na ako sa pangatlo ko pero this time 1cm na ako at soft na din ang cervix ko kaya bed rest ako ngayon at inum ng pampakapit kasi masyado pa daw maaga para manganak ako. Sana lang ma experience ko naman yung natural labor yung puputok ng kusa yung panubigan mo or yung may bloody show na lalabas sayo etc. at hindi nanaman ako ma induced ulit. Sana lang talaga.

Chrischeliahxine

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #737 on: November 20, 2014, 08:15:16 am »
^sis thanks s story. wala kang anaesthesia? gusto ko din magnatural birth all the way walang gamot gamot nagdadasal ako sana makayanan ko eh yung iba nga sa probinsya s bahay lang nanganganak eh... hay sana nsd din ako.

May anesthesia naman na nilagay sa akin ininject siya sa part sa perineum para hindi masyadong masakit pag ginupit nila usually ginagawa yun pag lalabas na yung ulo ni baby para mapadali yung paglabas ng buong katawan niya. Episiotomy ang tawag dun. Nang makalabas na si baby yung anes nag inject na sa swero ko nang gamot tapos nakatulog na ako para hindi ko na din maramdaman yung pag tatahiin na nila yung ginupit nila.

Pero yung epidural anesthesia na iinject sa likod mo ayoko nun may side effects kasi yun eh maybe sa ngayon hindi pa pero later on mararamdaman mo din.

tabularasa08

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #738 on: November 20, 2014, 10:48:22 am »
^sis, ang galing mo naman na kahit nasaktan ka nung 1st na delivery mo, nasundan pa si baby mo. Ako kase hindi ko alam. Parang after ko na-IE, narealize ko na ang baba pala ng pain tolerance ko. Sabi ko nga kay hubby ayaw ko na yata masundan si baby kase nahirapan din ako nung 1st tri. Kaso gusto din namin ng baby girl. Hay, hirap mabuntis.

Chrischeliahxine

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #739 on: November 20, 2014, 11:36:18 am »
Naku sis kaya nga pangatlo na itong pinagbubuntis ko ngayon kasi gusto namin makahabol ng baby boy pero hanggang itong pangatlo girl pa din haha!

Hindi din pare pareho ang pagbubuntis. Sa una ko tolerable ko pa kahit papano yung labor ko pero nung pang 2nd ko hindi ko talaga alam kung paano ko pa siya nakaya. At that time sa sobrang sakit nagmamakaawa na akong magpa epidural bahala na si side effects hindi ko na talaga kaya pero hindi pumayag si OB ko kaya ko pa din daw binigyan niya ako ng 1 ampule ng painkiller thru iv pero wala ng effect mas mahirap pa yun kasi inaantok ka pero sobrang sakit naman. Hindi din totoo yung pag pang 2nd or pang 3rd mo na madali ka ng manganganak. Lahat talaga ng pagbubuntis magkakaiba ng case.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close