Sharing mine.

On my panganay, mabilis lang.
May 25, 2010 - 4pm, start ng walking routine ko. Inikot ko nun some area ng scouts area ng morato.
6pm - Yun na. Nakakaramdam na ko contractions pero kaya pa. Mga 20 minutes interval. Nagpaikot ikot uli ako sa loob ng bahay.
11pm - Mas nafefeel ko contractions na medyo uncomfy na. Pero di pa rin kami pumunta hospital kasi hinihintay ko muna nun either pagputok ng panubigan o mucous plug. (w/c is hindi pala tama yun dapat pala pumunta na ako ospital)
May 26, 2010 - 4am , I woke up to pee. Then nakita ko may blood na panty ko. That time, talagang uncomfortable na. Ginising ko agad si mama at hubby.
5.30am - We were at the hospital na. IE ako agad at the ER kasi dun ako pumunta sa halip na sa DR. Masakit na kasi talaga, e mas malapit ang ER kesa DR. 2cm pa lang daw ako that time. They ask me, kung ilang minutes ang interval ng pain, sabi ko I guess mga 3 mins po. Hindi rin ako nagta-time nun, kung di sinabi sakin hindi ko alam na need ko pala orasan.. hehe. Sabi ko na lang sorry first time mom.
5.45am - I was wheeled to the LR na. IV ako agad. Then the resident there, interview na naman ako. Hindi na ko maayos sumagot nun.
6am - They artificially ruptured my bags of water. Ayy, medyo greenish na daw, meconium stained. nakapoop na raw si baby so need ko daw iinduce. Wala ako idea kung ano induce, basta oo lang ako ng oo. Pagkasakit pala nun. (as per my OB, x3 daw ang pain ng induced kesa normal labor.. saka ko lang nalaman after)
7am - 5cm na ako. Good thing, mabilis ang progress ng dilation ko.
8am - 7cm na ako. At this time sobrang ingay ko na, sinasaway ako ng mga intrerns na I think nabubwisit sa ingay ko. Kaya natarayan ko pa tuloy sila. sakit sakit kaya tapos sasabihing wag maarte hindi lang daw ako ang patient, sabi ko lam ko pero ang sakit ehh hindi ako makahinga, ayun kumahog sila kuha bp, 130/90 nga ako, kumahog din sila kuha oxygen. kung hindi ako nag-iingay di pa nila gawin yun. Panay sorry na lang din ako sa mga kapwa ko buntis na naglalabor, buti naman at naiintindihan naman daw nila ako.
9am - 8cm na ako. Grabe na talaga ang sakit, nanghingi ako epid, they need to ask my OB daw. Hindi ko kasi naidiscuss sa kanya about epidural. Kaya tanong daw muna nila kung bibigyan ba ko or not. Pero pagkatagal naman ng sagot ng OB, mukhang di naman yata tinatanong.
9.25am - Sa sobrang sakit gusto ko na magpa CS. kaloka! haha. Umiire ire na ako. Hindi pa ulit ako inaIE kasi supposedly, 9.30 pa ako iaIE ulit. every 30 minutes kasi. Pero hindi ko sinasadya naiire na talaga ako. Pinagalitan na naman ako kasi wag ko daw pilitin, hahaba daw ulo ni baby kakaire ko. wag daw matigas ulo ko, ayun natarayan ko na naman. eh di napapa IE sya ng di-oras. OMG fully dilated na pala ako, I saw the resident's face kung paano sya nag panic nung sabihin nya kapa na ulo, magka crown na raw. Kaya dali dali nila akong nilipat sa DR. Timing din nun may kasabay akong nanganak na patient din ng OB ko. Na emergency CS yung kasabayan ko pala, kaya nung nilipat ako sa delivery room, nasa OR pa si OB buti na lang at saglit lang akong naghintay. siguro mga 3minutes lang. Pagdating ni OB tinurukan agad ako anesthesia, after nun unconcious na ako, nagising ako nirerepair na ni dra episiotomy ko. 9.38am daw lumabas baby ko. I gave birth NSD induced without epidural.
Grabe, sobrang painful, sobrang baba kasi ng pain tolerance ko, kaya right after I gave birth, sinabi ko talaga sa harap ng nanay ko at asawa ko yoko na. tama na isa. Pero wag ka kasi nabuntis ulit ako after 14 months haha. Unexpected pregnancy.
Ito naman birth story ng pangalawa.
April 5, 2012 - 3.10am, my waterbag ruptured. Sobrang basa ng kama, hindi ko alam kung anong oras nag start kasi nagising na lang ako basa na higaan ko, nung tiningnan ko orasan 3.10 am tas tuloy tuloy pa rin yung pag agos ng tubig. I'm sure hindi yun ihi kasi unang una, nagigising talaga ako pag time na may urge to pee at pangalawa, di ko sya mapigil pigil kaya lam ko waterbag talaga yun. Ginising ko agad si hubby. Ako relax lang kasi wala pa namang pain. Si hubby sobrang nag panic kasi nabasa daw nya na kelangan na isugod sa ospital kapag naruptured na waterbag. Pero naligo muna ako at inayos yung mga things ni panganay.
5.30am, we were at the hospital na. Diritso na agad sa DR. Interview then IE. 2cm pa daw. Kala ko papauwiin ako kasi sabi nung unang nag IE kung sure ba daw ako na waterbag daw yung umagos kasi nung niIE nya ko mukhang intact pa naman daw. Sabi ko, lam ko po waterbag yun kasi di ko mapigil tsaka nung inamoy ko wala naman amoy, hindi amoy urine. sabi nya, ah ok wait na lang natin si OB mo.
8.30am - Ob came, I'm still at 2cm when she did an IE. At sinabi nya dun sa interns na manganganak daw ako that day kasimalambot na daw cervix.
8.30am to 11am - wala pa rin contractions so ako nagdududa na rin kung manganganak ba talaga ako that day. naiinip na ako. Di rin kasi ako makatulog kasi yung katabi ko sobrang active naman, naaawa din ako kaya kino comfort ko sya. I even teached her ng breathing techniques during contractions.
12nn - my OB came again IE nya ulit ako nasa 3cm pa.
1pm - Nagsisimula na akong mag contract. Pero kaya pa. Nakatulog ako. Nagising ng 2pm kasi need ako IE ulit. 5cm na daw ako. Masakit ang pagkaIE super.
3pm - 6cm, masakit pero tolerable, siguro kasi 2nd time na kaya medyo kaya kaya na.
3.30pm - 6 cm pa rin ako, this time dalawa na lang kaming natira sa labor room, yung katabi ko mismo di pa rin nanganak. ang ending na CCS sya kasi na stuck sya sa 5cm. 7 hrs na syang 5cm. sobrang laki kasi daw ng baby nya.
4pm - Dumating ulit si OB. 7cm na ako. Ako na lang mag-isang naiwan sa LR.
4.25pm, pinalipat na ako ni OB sa DR. still at 7cm.
4.45pm, sobrang sakit na I asked for epidural, but nag declined si dra kasi baka daw madelay ng madelay ang aking progress kung bbigyan nya ako kasi minsan side effects daw nun, nakapagpabagal ng dilation. so nagtiis na lang ako.
5pm - 8cm, natatakot na ako kasi sabi ni dra, mukhang mataas pa rin daw si baby. she even said na sana bumaba na kasi baka maCCS daw ako.
5:50pm, nagulat ako si hubby nasa DR rin, OB allowed him daw pumasok pero 5-10 mins lang. He cried sooo much nag alala daw sya sakin kasi since 6am di daw nya ako nakita, sobrang naawa din daw sya, kala nya kasi I'm in pain simula ng pumasok akong LR, kung alam lang nya 3pm na ko nakaramdam ng sakit, hehe. Grabe iyak ni hubby, pati medical team, nahabag haha. Kaya pagka alis ni hubby, tinuruan nila agad ako pag ire. Kaya yun ilang minutes lang pag alis ni hubby crowning na si baby, again sobrang sakit. Natuwa si OB, di daw sya nagkamali na pinapasok nya si hubby, nainspired daw ako. Baby out at 6:02 pm.
Hayy ayoko na talaga, haha. quota na rin naman, eldest is boy at si pangalawa is girl naman kaya enough na.

I never expected na makakaya ko yung ganun. Pero ganun siguro talaga, hehe. baga hindi ibibigay ng Diyos sa ating mga babae ang ganung responsibilidad kung hindi natin kaya. Kaya sa mga buntis, ito ang palagi ko sinasabi, wag pangunahan ng takot, basta magdasal lang ng magdasal sure na hindi ka Nya pababayaan. Kung kaya ko, kaya mo rin.

******
EDIT TO ADD:
Both my babies were born at exactly on my 39th week pala. At pareho din sila sumakto sa ika 9th month like my eldest, lmp ko august 26, 2009 he was born May 26, 2010. Sa second naman, lmp ko, july 5, 2011. Lumabas sya, April 5, 2012.
Mas maliit si panganay, 5.6 lang. compared to 2nd baby, 6.8 sya.