watch now

Author Topic: Signs of labor  (Read 834720 times)

yapeegurl

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #260 on: March 01, 2011, 12:04:51 pm »
sinisterspark, sis feel na feel ko yung story mo.. parang naramdaman ko ulit yung pain nung labor ko. congratulations sis! buti naging ok pag inject ng epidural :)

true yung isteam mo butt mo mga 15/20mins to relieve the pain.. ang matatanda sinabi na lagyan ng dahon ng bayabas para mas madali gumaling.

ysa_38

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #261 on: March 01, 2011, 03:26:03 pm »
^ ako din sis.. sobrang hina din ng loob ko.. natatakot nga ako manganak eh.. :( sana din normal ako and sana saglit lang din ako mag labor.. :( ilang weeks ka na sa sis?

28 weeks na ko ngayon sakto... hehe! ikaw sis?

mikhia

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #262 on: March 01, 2011, 03:30:07 pm »
halos magkasabay lang tyo.. :) 28 weeks ako sa friday.. :)

ysa_38

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #263 on: March 01, 2011, 03:54:19 pm »
^kelan edd mo? 7 months na si baby... yehey!

natakot ako sa cord coil na yan...naCS friend ko dahil dyan... is there something we can do to prevent it from happening?

ragnamom

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #264 on: March 01, 2011, 04:30:02 pm »
28 weeks din me 29weeks sa friday halos magkakasabay lang pala tayo

Here's my story [textspeak!] sa first child ko last December 17, 2004. I'm a college student that time at nag-oOJT pa ko. okey lang naman kasi christmas vacation ako manganganak Dec.28,2004 ang EDD ko nun.

December 17,2004
schedule ng check up ko

8am-HOUSE- nagbreakfast ako then nagshower. Nakakita ako ng blood spot sa panty ko. Eto na ba yun? o baka hindi pa. Ak ko na [textspeak!] si OB pagdating ng clinic nya.

9am-CLINIC NI OB-prang masakit lower back ko na di ko maintindihan. Deadma muna. Pinahiga ako tapos in-IE ako. Sabi ni OB "4cm na sya" referring to my mother and sister. Wala si hubby nasa work. "dalin nyo na sya sa hospital then pupunta na lang ako dun" sabi ni OB. Umuwi kami pra kunin mga gamit ko ko sa house pero di pa rin talaga ko nakakaramdam masyado at wala sa sarili na manganganak na ba talga ako ngayon??? prang di naman

10am-ER ROOM-with my sister. Pinagpalit ako ng hospital gown. pero [textspeak!] naman nag-IE sakin  saka wala pa ko nararamdaman masyado maliban sa lower back pain. Habang nasa ER may mga tinuturok sakin yung nurse di ko alam kung [textspeak!]. wala naman ako paki kung [textspeak!] kasi iniisip ko pa kung manganganak na nga ba ako?
Nagulat ako pagtayo ko bigla ako sumuka yung kinain ko nung breakfast.. So need ko nanaman magpalit ng gown.

11am-dinala ako sa room para dun maglabor since sa ward  yun. 3 kami dun sa room. yung isa nakapanganak na at yung isa iyak ng iyak kasi madaling araw pa lang naglelabor na sya pero 7cm pa lang sya. Sa takot ko na ganun katagal hintayin ko nagdecide ako maglakad-lakad sa labas ng room with swero and my sister.

12pm-naupo na lang ako sa kama at medyo ibinukaka ko legs ko unlike sa ginagawa nung katabi ko iniipit nya at naiyak. Nagtataka ako maya't maya sya ina-IE samantalang ako din ina-IE. Sabi ko na lang kakarating ko lang naman baka matagal pa ko. Maraming nnumbers pa ko dadaanan bago makarating ng 10cm.lol

1pm -sumasakit na talaga parang dysmenorhea at kusang naire ang katawan ko. Nakita ko dinala na sa delivery room yung katabi ko kasi 8cm na daw. tagal nya. Pasakit ng pasakit at dumating na nga si hubby. napapasigaw ako at ire ako ng ire di ko mapigil basta naire ng kusa. pinatawag ko na yung nurse sabi ko ipa-IE ako.

2pm-Napapagod na ko kakaire. di ko na inoorasan kung ialng minutes ang pagitan ng sakit since wala ako knowledge sa ganun. Finally dumating yung mag-aIE. Di pa nya napapasok kamay nya nagpatawag agad sya ng magdadala sakin sa delivery room at ang sabi pa nya "pigilan mo muna, wag ka umire". Sa isip-isip ko ang hirap naman pinapagawa nito sakin. e kusa naire katawan ko. Sabi pa nya " bilisan nyo nagpoo poo na sya". Di ko naramdaman yun ah kasi maunti lang naman at malambot lang talaga.

sa delivery room- pinipilit ko humingi ng water dun sa nurse kasi super dry na talaga pakiramadam ko.  At napagalitan pa ko kasi di ko daw tinanggal yung bra ko nung pinagbihis ako. Malay ko ba na dapat tanggalin yun?!  May mga ginagawa sila pero feeling ko magcocollapse na ko sa uhaw kya wapakels na talaga ako. Nag instruct yung OB ko kapag humilab saka ako iire na mahaba tapos yung 2 nurse tinutulungan nila ako magpush

2:38pm- lumabas na si baby at naramdaman ko nililinisan na ko sa bandang baba at tinatahian then knock out na ko. pag gising ko nasa room na ko.

May ipit sa ulo si baby kya siguro pinapipigilan sakin nasa bukana na talaga sya. Nainis pa ko kasi di agad ako in-IE sana mas maaga pa lumabas si baby di ako nahirapan.

ragnamom

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #265 on: March 01, 2011, 04:43:11 pm »
Add ko lang since mabilis daw ako manganak iniisip ko gawin yung mga ginawa ko nung 2004 pra mabilis ulit ako manganak 2 weeks before december 17 nun nag stop muna ako sa OJT ko inadvise akong maglakad-lakad pero wag daw ako maghagdanan. dunno why? inom ako ng inom ng tubig at buko juice kasi malimit naninigas tyan ko nun sabi sakin kulang daw sa tubig kya naninigas.Pag di daw kasi bumuka or something bka mainduce ako or CS. Natakot ako kya Morning pa lang nagstart na ko magwalk sa subdivision even papuntang market sumasama ako pra magwalk. lagi dn ako naglalakad papunta sa mall. or ikot ng ikot sa subdivision.

So plan ko after 32 weeks ko maglalakad lakad na ko dito samin. Magpupunta ako lagi sa mall para di naman mainit summer na kasi.
At magpapa-IE na rin ako maya't maya para di ko na maexperience yung sakit na yun. naisip ko kung di dumating yung nag-IE sakin either nanganak ako mag-isa sa room or may nangyari sa masama sa baby ko. Now alam ko na gagwin ko.

mikhia

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #266 on: March 01, 2011, 05:03:54 pm »
ysa_38: EDD ko is May 27, 2011.. Ikaw? anong gender ng baby mo? :)

bb

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #267 on: March 01, 2011, 06:40:34 pm »
waaaaaaahh nakakatakot naman manganak!!!!

HeartHeart

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #268 on: March 01, 2011, 07:15:40 pm »
@ ragnamom, kelan nagbroke water bag mo?   :-*

yaninay

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #269 on: March 01, 2011, 08:00:27 pm »
I gave birth last Feb. 25.

FEB 22:
Check-up ko and was hoping na manganak na ako this day. My OB did an IE and was 1.5cm dilated. I asked her kung hindi pa ba talaga ako puede manganak this day. Hindi pa daw. She told me to come back next week kaso ako si kulit sabi ko kung gano katagal ba ang progress ng dilation kung 1.5cm na half a week to a week daw. Nakita nya gusto ko na talaga manganak so she told me to come back on thursday. IE nya daw ulit ako.


FEB 24:
Balik ulit kami sa OB. Ready na lahat dala na din namin lahat ng gamit namin in case ma-admit na talaga.

2:00pm- dumating kami sa clinic ng OB ko. wala sya so ang mom nya na OB din was the one na nag IE sakin. This time 2cm na sya and malambot na din cervix ko, bumaba na din si baby ng konti pero floating pa din daw.

2:30pm- Nagusap mom ng OB ko and her and then kinausap din ako ni OB. She told me kung ok lang daw pa na pa-admit na ko kasi my house was 1 hr and 30 mins. drive from the hospital. And People Power day pa kinabukasan so baka matraffic pa kami. She told me din na punta din muna ako sa delivery room to monitor lang yung heart rate ni baby for an hour.

3:00pm- I thought matutulog pa ako ng one night sa room ko kasi monitor lang naman daw for an hour ang gagawin. nag IE din yung resident sakin pag IE nya 6cm na daw ako. So they called my OB. OB's mom went to the DR to check kung 6cm na nga ako. Upon checking 4cm pa lang naman sa kanya but she told me na hindi na ko papaalisin sa DR kasi ganun ako kabilis mag dilate. My OB was on her way na din.

I was so happy na nakining si baby na lumabas na din.

Lahat na ng prep ginawa na sakin

9pm- 6cm na ako and no pains pa din! thank God! My anesthesiologist came and niready na yung pang epidural thing na nilalagay sa back. Kulang na lang yung actual drug in case na may pain na ako maramdaman ilalagay na lang sa catheter.

9:30pm- May pain na and becoming worse. So humingi na ako epidural. Haay! what a relief sa epidural.

FEB 25:
12:20am- May naramdaman na ulit ako pain. Epidural again. My OB did an IE and it was 8cm na. Pwede na din atlast.

12:55am- I gave birth via NSD to a 8.1 lbs baby girl! I still can't believe na nagawa ko sya ilabas! :) Thank you Lord! mahirap talaga manganak but He kept us both safe.

howdouknowitsme

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #270 on: March 01, 2011, 08:11:38 pm »
^sis ang sarap naman nung pagkapangak mo...parang ang smooth...sana ako din normal delivery and di masyado mahirapan...san ka pala hospital nanganak?

h_winx

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #271 on: March 01, 2011, 08:31:33 pm »
hi just wondering pano malalaman kung CS ka or normal? im 34 weeks na hirap na nga magkikilos, at natatakot na sa labor pain, ayoko kasi ma CS i just want to know how to avoid being CS. thanks

yaninay

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #272 on: March 02, 2011, 08:13:40 am »
^sis ang sarap naman nung pagkapangak mo...parang ang smooth...sana ako din normal delivery and di masyado mahirapan...san ka pala hospital nanganak?

Manila Doctors Hospital ako nanganak sis. True talaga hindi ako masyado nahirapan this time. 2nd baby ko na kasi. Ganun daw kasi mas madali na daw sa susunod. Mas ok pa rin talaga thru normal delivery mas madali makarecover. Sana makaya mo din NSD :)

yaninay

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #273 on: March 02, 2011, 08:19:51 am »
hi just wondering pano malalaman kung CS ka or normal? im 34 weeks na hirap na nga magkikilos, at natatakot na sa labor pain, ayoko kasi ma CS i just want to know how to avoid being CS. thanks

sis, thru ultrasound makikita na ni OB mo kung ano na weight ni baby mo inside. Ask mo sya so that may idea ka. Most of the mommies na kasabay ko pag dating ng 7 lbs CS na. But then again it really depends sa mommy yun. yung iba daw kasi maliit yung "sipit-sipitan". Ako kasi nakaya ko thru NSD yung 8.1 lbs na baby ko pero 5'7" naman din kasi ako kaya kinaya. :) Sana NSD ka din sis para mas mabilis makarecover. Yung mga CS kasi kita mo talaga na hinang hina yung katawan nila. Good luck sis!

glamorosa_09

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #274 on: March 02, 2011, 10:46:53 am »
sis yaninay congrats to your new baby! Ang tangkad mo pala, no wonder nailabas mo ang 8.1 lbs na baby.

Tanong ko lang, alam mo ba sis kung kailan binreak ang water bag mo? Pero hula ko lang between 9pm-9:30pm kasi sabi mo hindi pa masakit yung 6cm, tapos nung nag9.30 na sumakit. Gusto ko lang maprove kung tama yung sabi sa lamaze class. TIA!

Manila Doctors Hospital ako nanganak sis. True talaga hindi ako masyado nahirapan this time. 2nd baby ko na kasi. Ganun daw kasi mas madali na daw sa susunod. Mas ok pa rin talaga thru normal delivery mas madali makarecover. Sana makaya mo din NSD :)

sis ito yung mga cases na alam ko na si emergency CS:

1. nagbreak yung water bag, dapat within 24 hours madeliver na si baby. Pero pag sobrang bagal ng dilation mo, CS na kasi high risk for infection na si baby.
2. cord colied babies, halos lahat ng mga kakilala kong CS ganito yung case. Pero may ibang OB na nagagawa magdeliver via natural.
3. parang katulad sa number 1, hindi naman nagbreak ang water bag, pero sa bagal ng dilation bumaba na yung heartbeat ng baby, nagbelow 100.
4. Yung maliit yung sipitsipitan na nabanggit ni sis yaninay, tapos ang laki ng baby. I don't know kung same sya sa stuck at a certain dilation. Kunwari 7cm lang sya hindi na nagprogress.

Yun lang ang alam ko so far. Yung iba elective CS na, meaning sadya talagang CS.

yapeegurl

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #275 on: March 02, 2011, 10:47:57 am »
Pag CS ka din ata ng 1st baby mo then konti ang gap ng 2nd baby mo, si 2nd baby CS na din.. parang ganon ata.. not so sure lang.

Sa amin dito promote nila ang normal delivery. Yun nga lang, in the event na for CS ka pala dapat and you initially chose a normal delivery, doble bayad. Sayang.. Sa atinn ganun din ba?

ragnamom

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #276 on: March 02, 2011, 12:17:59 pm »
@heartheart-actually di ko nakita nagbroke yun.Blood lang talaga tapos 4cm na ko. di naman masakit na masakit pra magsisigaw sa hospital. Tolerable naman yung labor pain basta alam mo kung paano mo irerelax katawan mo. OA naman yung nasigaw pa with matching mura,kusa naman magpush katawan mo pagpalabas na sya... Wag kayo matakot manganak bka magtaas baba BP nyo. Isipin nyo lang magkikita na kayo ni baby after para mabilis.

glamorosa_09

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #277 on: March 02, 2011, 01:41:08 pm »
Pag CS ka din ata ng 1st baby mo then konti ang gap ng 2nd baby mo, si 2nd baby CS na din.. parang ganon ata.. not so sure lang.


yap sis, ganyan din case nung iba kong kakilala and relatives.

sinisterspark

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #278 on: March 02, 2011, 01:53:08 pm »
Thanks mga sis :)

Re hemorroids, tama si sis yapeegirl, dapat isteam. Hindi sya mawawala pero at least hindi din sya magiging masakit, mafeefeel mo lang sya pagpoop mo. Yung pinagawa sa akin ay yung modified method, instead na steam pwede naman din daw ibabad yung butt sa warm water. Yung steam kasi ata sobrang init para sa iba, bad daw yon kasi matutunaw yung stitches. Pag pwet mo daw mas less likely kang umupo sa sobrang init na tubig.

39 weeks ako nung nagdeliver, 5 lbs 15 oz lang yung baby ko w/c is way below the ultrasound estimates. Mahaba limbs nya pero payat sya.

Add ko lang din  yung tips ni sis glamorosa sa pushing, yun [textspeak!] exactong pinagawa sa akin.  ;D

Naiinggit ako sa mga moms na dilated agad, parang ang sarap nung labor ni sis yaninay and ragnamom :) :) Sana ako din. Pero wala talagang magagawa, we all have our own labor journey (nyaks baduy!).  Be strong mga mommies!

h_winx

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #279 on: March 02, 2011, 02:06:07 pm »
sis, thru ultrasound makikita na ni OB mo kung ano na weight ni baby mo inside. Ask mo sya so that may idea ka. Most of the mommies na kasabay ko pag dating ng 7 lbs CS na. But then again it really depends sa mommy yun. yung iba daw kasi maliit yung "sipit-sipitan". Ako kasi nakaya ko thru NSD yung 8.1 lbs na baby ko pero 5'7" naman din kasi ako kaya kinaya. :) Sana NSD ka din sis para mas mabilis makarecover. Yung mga CS kasi kita mo talaga na hinang hina yung katawan nila. Good luck sis!

salamat yaninay! oo ayoko ng CS ala pa naman si hubby ko nasa abroad at first baby pa namin ito, last check up ko kinapa ng OB ko yun tiyan ko normal lang naman daw laki ng baby ko malaki lang tignan yun tiyan ko, pero sana di ako CS kasi ayoko talaga gusto ko makakakilos me ng maayos after few days, salamt po uli  :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close