watch now

Author Topic: Signs of labor  (Read 834487 times)

glamorosa_09

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #240 on: February 27, 2011, 02:57:13 am »
buti na lang hindi ko na kailangang pag-isipan ang tungkol sa enema, dahil di na ginagawa sa cardinal santos. Hindi naman daw sya totally effective dahil hindi naman nauubos lahat ng poops sa loob... May lumalabas pa rin daw during the delivery, kadalasan watery pa...

purplesassy

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #241 on: February 27, 2011, 11:38:43 am »
Naku natatakot na ko manganak hahaha, gusto ko na lang yata magpa CS hahahah Ü

bbmack

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #242 on: February 27, 2011, 02:52:44 pm »
concern ko din ang poop thing na yan hahah.. siguro di nalang ako masyado mageeat pag alam kong nalalapit na hehe saka sisiguraduhin kong magpopoop ako everyday para mabawasan hehe.. i think i need to change the brand of my iron sup kasi pansin ko simula gamitin ko yung trev iron e laging watery/blackish ang poop ko (sorry sa term) kaya super wala akong problem sa constipation haha.. di kase ako kumportable haha.. kainis pa naman yung feeling na humihilab...

sana di ako mapopoo pag magdedeliver na :D

purplesassy

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #243 on: February 27, 2011, 04:29:49 pm »
Sis ang effect talaga ng iron eh nagdadark yung stool, don't worry, it's pretty normal Ü

bbmack

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #244 on: February 27, 2011, 04:36:00 pm »
^noon kasi ibang brand yung iron ko di naman blackish/watery, ngayong trev iron na yung brand nagka ganon na (baka fake yung dati kong brand hahah), kung normal ang blackish, how about watery? kahit anong kainin same same kahit puro banana at apples :D naisip ko lang kasi ang dyahe pag delivery time na :D

Cherry143

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #245 on: February 27, 2011, 04:36:36 pm »
sis bbmack,
mukhang ok yang Trev iron, i'll ask my oby.  currently with Humamet, i still need to take Senokot fiber supplement pra mag-Ok ako... kaso, lower limit borderline ang Hemoglobin ko (mas mababa pa dati while not pregnant), kaya advice ni Oby eh i-take ko daw 2x ang Iron supplement ko!  Naku, ang hirap na nun, kaya di ko halos nagagawa...

Mga sis,
mukhang ok naman ang enema/ labatiba.  i've experienced this 2x na prior sa 2x laparoscopy operation ko.  though uncomfortable sya, iniisip ko nalang na atleast nalilinis ang body ko.  kaya lang, kapag nagle-labor na, eh, ewan ko lang kung panung discomfort pa...
bilib nga ako sa mga hospital staff (nurse ba?) na gumagawa nun sa patient.  ;)

bbmack

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #246 on: February 27, 2011, 04:46:20 pm »
@sis cherry143 - recommended yung Trev iron ng friend ko, nung sinabi ko kay OB hindi na niya pinapalitan continue ko lang daw, never pa ako naka experience ng constipation, watery yung stool ko kaya kala ko di lang normal na ganun hehe.. (baka kasi kako ako lang ang ganun)... naku go ma 2x a day ang iron para magnormal values yung hemo mo.. magka-AOG ata tayo sis...

sana sa D-day maging ok ang bowels ko hahaha, yun lang worry ko, ayoko kasing nakakainterfere yung bowel sa labor/delivery experience, gusto ko kasi awake ako ayoko ng groggy :D

tiggerlily

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #247 on: February 28, 2011, 12:48:32 am »
@purplesassy: naku sis, wag ka magwiwish ng CS. wala pa kong nakilalang na-cs na walang regret na sana normal sila. maraming nawawala sa yo at sa baby mo kapag cs.

meron pa rin palang natitira kapag enema. akala ko wala na. actually, kapag andun ka na, wala ka ng keber sa poop mo. hindi mo nga mararamdaman na meron e. ako hindi ko alam kung meron o wala. kapag andun ka na kasi ang gusto mo na lang mailabas mo na at matapos na.

may tip pala ako. kasi before i gave birth, nagpawax ako. kasi normally, shave ang ginagawa nila sa hospital kapag manganganak ka na. pero kasi uncomfortable yun kapag tumutubo na. tapos may tahi ka pa. just go to a reputable waxer para safe.

yapeegurl

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #248 on: February 28, 2011, 01:43:17 pm »
Sis glamorosa, Hindi sya naincubator at Wala jaundice kaya very thankful kami. Maybe because their standards/protocol dito iba.

Agree ako Kay tiggerlily. Isa Sa motivation ko kaya naging successful ang normal delivery ko e lagi ko naiisip na ang dami daming nanganganak Sa Bahay Lang and it went well. Naisip ko Kung kaya nila, Wala reason para Di ko kya. Kaya kayo din for sure kaya nyo.

Hindi ako fan ng CS. :)

ysa_38

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #249 on: February 28, 2011, 02:48:22 pm »
napabilib ako sayo sis pink coyote! natawa ako sa inhale exhale mo... I hope for a normal delivery... sana kayanin ko din... ang hina pa naman loob ko

mikhia

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #250 on: February 28, 2011, 02:50:59 pm »
^ ako din sis.. sobrang hina din ng loob ko.. natatakot nga ako manganak eh.. :( sana din normal ako and sana saglit lang din ako mag labor.. :( ilang weeks ka na sa sis?

port80*

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #251 on: February 28, 2011, 03:05:56 pm »
nakakatuwa ang mga labor stories niyo mga sis...kaso my halong kaba yun saken..:p june pa naman edd ko...

pero question lang...paano ba malalaman kung full term na?yun 32 weeks ba delikado pa yun kung lalabas na yun baby?
sorry mga sis,shonga kase ko..wala ko idea...first bb namen ni hubs and nasa abroad pa siya kaya ako lang mag isa tumutuklas ng lahat regarding pregnancy...:p

^oo nga sabagay sanay na sila sa mga ganun...keber na lang..:p tee hee!

Sis, full-term is 37 weeks.  Sa 32 weeks, malaki na ang chance of survival ni baby pero hindi pa rin siya fully-developed at maliit siya.  Talagang preemie (premature) siya pag ganun, ibig sabihin, kailangan pa siya ilagay sa special care or NICU (neonatal ICU) for treatment.

Sis, kung makakabili ka nung book na What To Expect When You're Expecting, it's very, very helpful.  Kung ayaw mo naman bumili, may website din sila where you can see weekly updates (you can even subscribe tapos they will send you a weekly email on what's happening to you and baby on this week of your pregnancy).  Other helpful websites and comprehensive email updates:

www.fitpregnancy.com

www.huggies.com.au

www.thebump.com

Happy researching! Ako rin kasi, nandito sa Australia, walang friends or family na napagtatanungan kaya yung book at yang mga pregnancy websites ang best friends ko hehe :)

yapeegurl

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #252 on: February 28, 2011, 04:21:51 pm »
From what I ready delikado daw ang 32 weeks.. Super liit ng baby ko.. 2.1kg if I am not mistaken.. Hindi ko alam bakit hindi na incubator/ICU.. The doctors said it wasnt necessary.. very crucial yung first year nya.. lately lang nakakabawi ng weight.. he's 2yrs and 3 months now :)

sinisterspark

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #253 on: February 28, 2011, 06:25:04 pm »
Just sharing my labor story. NSD.  :)

Started bloody show last Friday (Feb 18) pero no contractions.  I think I only felt some contractions on Sunday morning (Feb 20).  I started timing it mga afternoon lang, in the meantime we went to the mall to walk around and watch a movie.  Mejo hirap na ako maglakad pero hindi pa sya ganon kasakit.  I checked my watch regularly, mga 10-15 mins apart lang sya.  Mga 5-6pm umuwi na kami at tinawagan ko na yung OB ko, sabi nya pag less than 5 mins apart na lang tawagan ko sya.  By 8 pm nagreport na ako na 6 mins apart na lang sya, sabi ng OB pumunta na daw ako sa pre-labor room.

Pumunta na ako sa pre-labor room ng TMC (mga 8:30pm), kinabitan ako ng fetal monitor at na-IE ako for the first time.  Wow hanep sa sakit at ooze, esp. since nagcocontractions at bleeding na ako noon, atsaka sobrang taas pa daw yung cervix ko (pero 1cm na naman).  Despite this, yung contractions ko ay 2-3 mins apart na.  Sinuggest ni OB na instead na mag-book ako ng labor room or lamaze room, magpa-admit na lang daw muna ako sa regular room para hindi per-hour yung charge.  May option naman daw akong umuwi pero baka babalik lang din daw ako agad.  Mataas na rin ang BP ko at this time at baka kailangan din imonitor.  So ayon.  By 11-11:30pm lang kami nakakuha ng room.  Hindi pa ako nakakakain nito since lunch (except for a small cereal bar). Grabe. Big mistake.  Sinunod ko kasi yung advise sa prenatal class na wag daw kumain.  Midnight na ako nakakain.  Hindi na rin ako nakatulog sa sakit ng contractions.

By 6am kinain ko na yung breakfast tapos na-IE ulit ako. 3-4cm na sya pero mataas parin. Yung contractions ko din ay naging mga 10 mins apart.  By this time dinala na ako sa lamaze room at bibigyan na raw ako ng epidural! Happy thoughts.  Mataas parin ang BP ko at mukhang may pre-eclampsia na daw ako.

Eto na yung 12 hours na nag-stay ako doon. Kinabitan ako ng BP machine, fetal monitor, at dextrose. Highlights:
- 2x ako na epidural kasi masikip daw yung likod ko, namention ko na may slight scoliosis ako at baka ito ata yung naging problema, among other things.  Basta bottomline is abnoy ata yung likod ko. Nahirapan sila maglagay ng epidural at may natatamaan sila na nerve. Nakabitan parin ako pero sobrang sakit ng process, imagine, trial and error na natatamaan yung nerve habang nagcocontractions at nabi-BP check.
- sa taas ng BP ko binigyan ako ng gamot via dextrose at 2 injection sa butt (one per cheek). Masakit sya at mainit sa katawan.
- nagstall yung contractions ko kaya binigyan na nila ako ng pampa-induce. 
- sa totoo lang sobrang sakit dahil sa daming mga gamot, injection, IE, BP check na every 15 minutes, tapos chills.  Towards the end parang hingi ako ng hingi ng additional anesthesia.  Gutom na gutom at uhaw na uhaw din ako.
- Sometime around 4-5pm pala isinuka ko yung breakfast ko.
- by 6pm sa wakas fully dilated na ako! Game na! Nagulat ako dahil nagfocus ako sa pain, nakalimutan ko na magpupush pa pala.  Pero by this time sobrang numb ko na sa anesthesia (too late!).  Tanong sila ng tanong ng "may nafeefeel po ba kayo ng parang napoopoopoo? Wala. Pero nafeel ko na parang may laman yung pwet ko, yun na ba yon?  Ok sige push na!
- Wala na akong nararamdaman by this time, kahit contractions. So sinasabi na lang nila kung may contractions tapos magpupush ako. Tapos nagcountdown silang lahat (choral recitation including my husband). Hindi ko rin alam kung anong pinu-push ko. Dapat ko bang ipush yung nasa tyan ko or nasa ass ko? Tinanong ko pa yon. 2-3 pushes per contraction.
- Yung resident tinulungan na ako sa pag-push sa tiyan ko, tuwing may contractions tinutulak nya yung tyan ko. Nakatulong kasi sa wakas naramdaman ko yung pinu-push ko.
- Just before the last round of pushing, sinabi lang ng OB ko na "eto magcucut na ako pag may contractions". Akala ko umbilical cord. Yun pala episiotomy. Hindi ko rin naramdaman. Snip snip lang narinig ko.
- By 6:39 lumabas na! Yay. Umiyak yung baby tapos nafeel ko yung mga limbs nya na natatamaan yung vagina ko.  May konting cord coil pero maluwag lang, kaya pala pagkatapos magpush bumabalik sya sa loob.   Buti nadala ng assistance ng resident at hindi nadistress yung baby (nakita naman sa fetal monitor na ok lang sya).

After this kinuha nila yung baby, wipe wipe test test, tapos after mga 5-10 minutes (parang isang iglap) nakaswaddle na sya tapos pinapa-latch nila.  Dinila-dilaan lang nya yung boob ko pero hindi talaga ako naka-breastfeed. Pero dahil pinakita nila sa akin yung baby at this time, nadistract na ako at hindi ko na napansin kung ano pa yung ginagawa nila sa akin (stitching, collecting cord blood and placenta, etc).  Basta below the waist busy yung OB ko at mga residents nya, above the waist, picture taking kami ng asawa ko w/ the baby.

Pagkatapos kinuha na nila yung baby, dinala ako sa recovery room for 2+ hours.  Gutom na gutom at uhaw na uhaw parin.

Happy ako na healthy naman yung baby.  Maraming pwedeng masamang nangyari pero hindi.  Mahirap pala maoperahan. Maraming masakit pero titiisin ang lahat para sa baby!  ;D

That's it!

ps. Bawal magkasakit! Napakahirap ng inuubo habang naglalabor at recovery! Tuwing umuubo ramdam hanggang stitches. Nakamask at bawal ikiss si baby sa face!


sinisterspark

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #254 on: February 28, 2011, 06:46:10 pm »
Dagdag ko na rin since madaming nagtatanong re enema - ako hindi naenema at hindi rin naman ako napoop (or baka hindi lang nila sinabi, haha).

Re hemmorhoids - grabe hell ito, meron ako nito during pregnancy pero maliit lang. After birth, nakapa ko lang nung una akong nagwash parang naging 10x the size!!! Ano yon!!!  :o Sakit umupo!  Pero nagwork yung advise ng doctor na ibabad daw yung butt sa warm/lukewarm water for 15 minutes. Narelieve sya.

Cherry143

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #255 on: February 28, 2011, 07:48:40 pm »
Sis sinisterspark!
thanks for sharing! ang daming matututunan!
am glad ok kayo ni baby, you finally did it!

Sis, anong meaning na relieve yung hemorhoids?  Nawala din ng kusa after ng lukewarm water?  Di ko alam, i have this crazy idea ipatahi sya right after delivery, hahaha! ewan ko ba, pranning ako dyan.

glamorosa_09

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #256 on: February 28, 2011, 07:55:46 pm »
congrats sis sinister and to your baby! =D Ilang weeks bebi mo that time?

Dagdag ko pala yung natutunan ko about pushing at 10cm dilation

1.mabilis na paghinga ng malalim pag pasimula na ang contraction
2. push ng 10 seconds or 1-10 counts (tagal). Do this 3 times in one cycle of contraction. Kaya bumabalik si baby sa loob kasi maikli lang yung pag-ire. But don't know the case of cord coiled babies.
3. in pushing, yung chin nakadikit sa chest. Para yung force nakafocus sa baba. Forgot the whole explanation.

ayun, yun lang =) sana magawa ko yan.

tiggerlily

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #257 on: February 28, 2011, 09:52:11 pm »
naka-cord coil noon baby ko. buti na lang hindi ganun kahigpit. everytime na magpush ako, bumabalik. buti na lang nung nakalabas na yung ulo, nakapa na nila yung cord kaya pinutol na nila from there. kaya pala tuwing nagpupush ko, humihina ang heartbeat. note ha: 12nn the previous day, nagultrasound pa ako dahil napaaga ako ng punta. 1 cm pa lang daw ako kaya pinauwi nila ako. hindi pa cord coil nun. 6am the next day ko sya ipinanganak. ganun sila kabilis gumalaw.

glamorosa_09

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #258 on: March 01, 2011, 10:40:56 am »
^ang bilis nga... pray na lang talga na ok yung status ni baby at makipagcooperate sya on the delivery...

Cherry143

  • Guest
Re: Labor Stories
« Reply #259 on: March 01, 2011, 11:10:19 am »
sis tigerlily,
thanks for sharing. Grabe ang bilis naman ng galaw ng baby. And everything buti tama lahat ang timing. Na nag double coil sya na palabas narin naman sya, pati ang paglabas nya Normal Delivery parin kahit na double coil. Ang galing. 

 

Latest Stories

Load More Stories
Close