watch now

Author Topic: Signs of labor  (Read 834287 times)

reb_woods072683

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #60 on: August 15, 2010, 08:48:51 pm »
ang tagal ko nang hinahanap tong thread na ito. super paranoid din ako kung ano ang dapat maramdaman at dapat gawin pag true labor na.

as in ganun ba talaga yun sis mizteaza? pag hindi na masyado nagalaw si baby, malapit na yun? hindi na kasi madalas gumalaw baby ko pero pag gumalaw naman, sumisiksik sa kanan ng tiyan ko. tapos naninigas nigas na rin ang tiyan ko paminsan. nakakaramdam din ako ng panghihina kapag naninigas siya.

pamskie14

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #61 on: August 16, 2010, 10:59:18 pm »
Buti na lang may ganitong thread, thank you mga sis sa pag post ng experience nyo, napaka helpful ito sa mga new mom na katulad ko.  26 weeks pa lang ako kaya masyado akong concerns for any sign of labor. 

hay excited na ako kaya andun [textspeak!] inip factor hehe sa end of Nov pa kasi ang EDD ko.

COngrats to all new mom and Goodluck sa mga naghihintay  ;)

mariadj

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #62 on: August 17, 2010, 03:00:20 pm »
Wah, waiting na rin me starting next week kasi full term na si baby, kelangan nang maglakad lakad, totoo ba na pag hindi masyadong magalaw malapit na siyang lumabas? kasi yung baby ko may galaw galaw pa rin, kaso dun na siya sumisiksik sa bandang puson ko and minsan sa gilid gilid, minsan nga parang may natutusok tusok pa dun sa vajyjay ko eh. Normal lang din ba yung parang minsan di makahinga ng konti? parang hirap huminga pala

ms.orange17

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #63 on: August 17, 2010, 05:11:23 pm »
sis pag sinabi bang Full term is it yung ika 37Th week? based on LMP or ultrasound?

reb_woods072683

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #64 on: August 17, 2010, 07:02:13 pm »
sis mariadj - pareho tayo. nararamdaman ko rin yung parang may tumutusok sa vagina. tinext ko yung OB ko kanina, kasi sabi ko pag nagalaw si baby, umaabot dun sa vagina. sabi niya ganun daw talaga kasi bumababa na ang ulo no baby sa balakang kaya dun ko nararamdaman. siguro yung sinasabi na hindi na magalaw si baby eh, yung hindi na siya kasing likot katulad ng dati. ganun kasi ako ngayon, siksik ng siksik sa right side ng tummy ko eh. hirap na rin ako huminga, lagi ako hinihingal, ganun yata talaga kapag malapit na manganak.

sis ms.orange17 - nalilito din ako dyan pero ang sinusunod ko, yung based sa unang UTZ ko. sabi ng OB ko, mas accurate daw yung sa ultrasound kesa sa LMP eh.

glitterminded

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #65 on: August 18, 2010, 12:28:16 am »
mga sis nanganak na ako  :)
ang first sign na naramdaman ko eh yung pain na parang dysmenorhea na hindi talaga nawawala.. then habang tumatagal pasakit siya ng pasakit kaya nirush na ako sa hospital.. then nilagay na ko sa labor room kasi 2cm na ko then after nun naging 4cm then fully na.. hehe, pero sunod sunod na nangyari yung bloody show at pagrupture ng bow..

reb_woods072683

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #66 on: August 18, 2010, 12:40:54 am »
wow sis! congrats! kelan ka nanganak? hindi ka ba matagal nag labor?

Stellar27

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #67 on: August 18, 2010, 01:31:26 am »
^^congrats sis glitterminded. ;)

pamskie14

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #68 on: August 18, 2010, 02:47:14 am »
hey congratulation sis glitterminded.  Enjoy motherhood. God bless you and  your baby.

glitterminded

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #69 on: August 18, 2010, 06:19:53 am »
10pm ng aug 14 2cm na ko at dun nagstart yung labor contractions then i gave birth 1:10pm ng aug 15. painless delivery was fine, it was indeed painless pero yung labor contractions hay grabe, super! nakailang hingi ako ng epid while on labor pero sinabihan ako ng anes na wag the over kasi matatagalan yung progress ko.. nagtiis ako ng konti kaya ayun after ko mag 4cm naging fully na in just an hour  :D

mariadj

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #70 on: August 18, 2010, 10:52:22 am »
Congrats sis glittermind! wow...mukhang sunod sunod na ang mga nagdedeliver ahh!? :)

reb_woods072683

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #71 on: August 18, 2010, 01:53:54 pm »
naku sana sa end of the month manganak na rin ako.

mizteaza

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #72 on: August 18, 2010, 03:06:20 pm »
^ baka sabay pa tayo sis. starting this week onwards kasi waiting na ako manganak. haay nako kabado narin ako kasi kahit ang dami ko alam sa panganganak syempre iba parin yung ikaw yung nakahiga don at ikaw ang maglalabas ng baby. may post ako sa kabila thread sis. explantion kung kelan hindi na siya magagalaw.

sis glitterminded congratssss!!!! antayin mo kami at malapit narin kami! haha

glitterminded

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #73 on: August 18, 2010, 03:11:12 pm »
haha sige sis mizteaza, ang sarap magbasa ng birthing experience and for sure aabangan ko yung sa inyo..

@pamskie  :) thanks sis..

reb_woods072683

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #74 on: August 18, 2010, 03:53:45 pm »
sis mizteaza - oo nga mukhang magkikita tayo sa lpdh. haha. next tuesday 36 weeks na ako, so pwede na akong manganak nun. wag na sana umabot talaga ng 40 weeks. sa sunday magpapa ie nga ako para malaman ko kung 1cm pa rin ako. magpapa ultrasound na rin ako para malaman kung enough pa yung amniotic fluid sa tummy ko.

Goddess_Dione

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #75 on: August 21, 2010, 06:41:32 pm »
Wah, waiting na rin me starting next week kasi full term na si baby, kelangan nang maglakad lakad, totoo ba na pag hindi masyadong magalaw malapit na siyang lumabas? kasi yung baby ko may galaw galaw pa rin, kaso dun na siya sumisiksik sa bandang puson ko and minsan sa gilid gilid, minsan nga parang may natutusok tusok pa dun sa vajyjay ko eh. Normal lang din ba yung parang minsan di makahinga ng konti? parang hirap huminga pala

sis 37 weeks na rin ako...parehas tayo ng nararamdaman ngayon. minsan nga parang nahihipo ko or bumubukol si baby sa may puson ko e. tapos hirap na rin balakang ko, hirap na ako tumayo once na napa-upo na ako :) kinakabahan na rin ako every madaling araw kapag nagigising ako para mag-wiwi, baka kasi mag bloody show ako o water bag na pala yun...hays.. :)

winnie_the_martian

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #76 on: August 22, 2010, 10:15:18 pm »
mga sis nanganak na ako  :)
ang first sign na naramdaman ko eh yung pain na parang dysmenorhea na hindi talaga nawawala.. then habang tumatagal pasakit siya ng pasakit kaya nirush na ako sa hospital.. then nilagay na ko sa labor room kasi 2cm na ko then after nun naging 4cm then fully na.. hehe, pero sunod sunod na nangyari yung bloody show at pagrupture ng bow..

congratulations sis! normal ka po ba? how long ang labor mo?

sorry dami tanong...

im on my 30th week... pano po ba mallaman yung braxton hicks

mariadj

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #77 on: August 27, 2010, 09:06:15 am »
Mga sis ask ko lang, pano ba yung bloody show? kasi last monday ni IE ako ng ob ko, so normally magkakaron ng blood, kaso nga lang kanina, nung nagwashroom ako para akong may discharge, though hindi siya kulay bloody red, para lang siyang pinkish yung dating, what do you guys think? visit na ba ulit ako sa ob?

reb_woods072683

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #78 on: August 27, 2010, 03:19:31 pm »
sis try texting your ob kung sumasagot siya sa text. sabihin mo yung discharge mo. baka kasi discharge lang din. kung wala ka naman pain na nararamdaman, hindi pa bloody show yan.

teka, matanong ko lang, pag sinabi bang bloody show, marami to o parang spot lang?

liannlarn

  • Guest
Re: Signs of labor
« Reply #79 on: September 16, 2010, 07:24:09 pm »
hello.. newbie lang me here :)
7months and 3weeks pregnant na ko..

Just had this little accident kanina lang.. sobrang nagworry ako kaya nagsearch ako sa net.. kaya nalaman ko tong site na to..

I'm on my way kasi dito sa office.. tapos yung pagbaba ko ng bus.. yung sirang driver biglang inandar ng hindi pa ko nakababa totally..
result is nadulas ako.. di naman grabe pagkakabagsak ko.. kasi wala naman ako nararamdamang sakit.. and malikot parin si baby.. kaso nagwoworry pa rin talaga ko :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close