watch now

Author Topic: Qatar Thread 3  (Read 141675 times)

smm_0411

  • Guest
Re: Qatar Thread 3
« Reply #340 on: August 10, 2011, 02:50:17 pm »
mga sis, advise naman po,  plan ko dalahin si hubby and baby dito sa January under Family visit visa, eh kaso naiisip ko paano yung mga vaccines ni baby di pa siya kumpleto by that time.  Pano ako maka avail ng vaccines nya at saka yung mga check up sa doctor in case kailanganin namin.  At saka nga pala yung milk nya ngayon hindi available dito.  Pano kaya ang dapat maganda gawin.  TIA again mga sis.

ms_ldr

  • Guest
Re: Qatar Thread 3
« Reply #341 on: August 10, 2011, 03:30:04 pm »
^ dalhin mo lang yung record ni baby ng mga vaccines para kahit san mo sya dalhin na clinic may mapapakita ka na anong mga vaccines na take nya. pag may resident permit na sya makakakuha ka na ng health card para sa health center ka na lang at free yun. yung anak ko kasi sa health center lang sya since birth, mga pangkaraniwang sakit lang naman. baka yung ibang mga sis marerefer ka nila sa mga pinoy na Pedia kung gusto mo.  ano ba ang milk nya ngayon?

smm_0411

  • Guest
Re: Qatar Thread 3
« Reply #342 on: August 10, 2011, 05:49:36 pm »
^thanks sis, NAN HW1 siya ngayon para sa hypoallergenic.  Wala kasi dito akong nakita na ganong milk.  I-try ko kasi ayusin ang RP nila pag nandito na, kaya lang sapalaran kasi nga madami ako naririnig na hindi naa approve ang family RP pag babae ang sponsor. 

raven03

  • Guest
Re: Qatar Thread 3
« Reply #343 on: August 18, 2011, 09:52:09 pm »
HI GT's from Qatar! I might be moving from Kuwait to Qatar soon, tanong ko lang sana kung may ma-recommend kayong salon na nag-ro-royal bath (hammam maghrabi), tsaka full body wax tsaka magaling sa brows.

Also, madali bang mag pa-visit visa sa mga kapatid? Thanks girls, hope to meet you soon! =)

xoxo_mean

  • Guest
Re: Qatar Thread 3
« Reply #344 on: August 24, 2011, 04:00:36 pm »
I've been thinking of getting some laser hair removal done here, does anyone can recommend a good clinic / dermatologist? Thanks mga sis =)

ms_ldr

  • Guest
Re: Qatar Thread 3
« Reply #345 on: August 24, 2011, 04:35:55 pm »
meron ba kayong alam na hiring for receptionist/ secretary na may visa available? my sis in law is in badly, kasi she was already working here naka family visit, pero puro pangako yung company bibigyan sya ng visa until now matatapos na yung family visit nya wala pa rin, ang gagawin sa kanya papa exit tapos under ng hotel ang business visa nya. haayyyy.. help!

marssie

  • Guest
Re: Qatar Thread 3
« Reply #346 on: August 25, 2011, 01:45:04 am »
^naku sis parang nagwoworry naman ako sa sister ko, papunta rin siya rito family visit visa.. try ko rin pahanapin ng work sana.. bakit kasi ang hirap ng visa sa babae dito. halos ganyan din prob ng mga nakilala ko

ms_ldr

  • Guest
Re: Qatar Thread 3
« Reply #347 on: August 25, 2011, 07:01:44 pm »
wag ka naman matakot sa experience ng sis in law ko.
nagkakataon lang siguro.
based in my experience at observation, i suggest na dress professionally palagi, kasi may time na nasabihan SIL ko kala di sya papainterview, kala may sinamahan lang sya dun kasi blouse at dark pants lang suot nya. kahit ilang bes ko na sinabihan na mag blazer at slacks. kasi sa tingin pa lang inaassess ka na ng mga employer.
at saka pag mga 1 month wala pang work visa, look for other work na agad.
at isa pa pag wala mashado experience wag mag set ng mataas ng standard ng salary.
wisdom talaga needed sa pagdecide kasi may mga offers na sya dati, tinatanggihan kasi maliit raw :-\
 
 

marssie

  • Guest
Re: Qatar Thread 3
« Reply #348 on: September 07, 2011, 07:09:56 pm »
Pashare naman po procedures and requirements for extension ng visit visa. nalilito kasi ako:

- Una dadalhin siya sa medical commission - pero kailangan ba hawak ko na rin yung Form na nadadownload sa immigration para sa visa extension? Magpapatype ba muna ako?
- Then immigration na to apply for the extension - ano ang mga kailangang ipresent?

TIA :)

ms_ldr

  • Guest
Re: Qatar Thread 3
« Reply #349 on: September 07, 2011, 07:47:06 pm »
family visit ba? just show the passport sa immigration and pay 200QR via card. kalas!

smm_0411

  • Guest
Re: Qatar Thread 3
« Reply #350 on: September 07, 2011, 11:01:20 pm »
^^ his sis, kailangan muna makuha ang result ng medical examination bago ka magpunta sa immigration sa may gharaffa, tapos dapat may dala ka din ng signed form for extension fo visit visa at bayad ng QR200 per month of extension.

ms_ldr

  • Guest
Re: Qatar Thread 3
« Reply #351 on: September 08, 2011, 05:47:42 pm »
naka 6 mos na kami extend ng visa para sa sis in law ko till sept 2, passport lang palagi dala ng hubby ko sa immigration every month. pero yung emergency extension nya for additional 1 month (till oct 2) yun na ang may form kasi lagpas na ng 6 mos.

marssie

  • Guest
Re: Qatar Thread 3
« Reply #352 on: September 10, 2011, 07:01:11 pm »
@smm_0411

Thanks sa reply sis.. yung form ba (extension form) kailangan ba meron na rin ako nun pag nagpunta ako sa medical commission or sa immigration lang yun kailangan? Sa medical ba, may kailangan pang form na need na pirmahan ng sponsor? kasi si hubby ang sponsor ng sis ko at ako nalang sana ang magdadala sa kanya sa medical commission para sa medical kaso baka kailangan pa ang presence ni hubby.

@ms_ldr

Thanks din sa reply sis, ang galing naman umabot na kayo ng 6mons pero ang alam ko pag kapatid or parents ata ni hubby pwede ang 6mons pero pag inlaws lang ni hubby max of 3mons lang pwede i-extend :(  bakit pala everymonth kayo nageextend, di ba pwedeng apply agad for 5mons extension?

smm_0411

  • Guest
Re: Qatar Thread 3
« Reply #353 on: September 10, 2011, 08:52:57 pm »
^sis, nung nagpunta si hubby sa medical commission, passport at yung visa copy lang ang dala nya. Mag-isa lang nagpunta si hubby sa medical so hindi na kailangan ng presence ko (ako kasi nagsponsor sa kanya). Yung Visa extension form sa immigration lang tapos biglang 5months yung extension na nilagay namin sa form at granted naman. Mas less hassle kasi pag biglang 5months.

marssie

  • Guest
Re: Qatar Thread 3
« Reply #354 on: September 11, 2011, 02:19:16 am »
^ah okay, gets ko na... thanks sis.. sige try ko nga rin ilagay agad 5mons.. naku po sana maapproban... thanks again :)

ms_ldr

  • Guest
Re: Qatar Thread 3
« Reply #355 on: September 11, 2011, 03:05:27 pm »
^^unang extend namin ay 2 mos, then monthly na kasi nga sis in law was looking for work, so sayang naman ang visa kung makahanap agad ng work. so nung nag umpisa sya mag work, kami lang nag eextend then her company gave us refund while they process her visa eh until now ay wala pa rin
>:(
passport and visa lang ang sa medical kahit sya lang mag isa ok na. then wait after few days and go directly sa immigration for extension kasi lalabas na sa system nila kung pasado sya sa medical or you will receive call kapag nag fail sya.

marssie

  • Guest
Re: Qatar Thread 3
« Reply #356 on: September 11, 2011, 04:03:24 pm »
^ ah okay.. Oo nga, sayang nga naman pag nakahanap agad ng work..  :)

Ask ko ulit sis, baka naalala mo pa..

Yung form ba (extension form) kailangan ba meron na rin ako nun pag nagpunta ako sa medical commission or sa immigration lang yun kailangan?

 Sa medical ba, may kailangan pang form na need na pirmahan ng sponsor? kasi si hubby ang sponsor ng sis ko at ako nalang sana ang magdadala sa kanya sa medical commission para sa medical kaso baka kailangan pa ang presence ni hubby. - so wala ng pipirmahan pala yung sponsor na form at pwede ng mag isa siya sa medical commission.:) thanks for the info.

ms_ldr

  • Guest
Re: Qatar Thread 3
« Reply #357 on: September 11, 2011, 04:43:29 pm »
^wala ng form na kailangan sis pag family visa. ask ka lang ng immigration officer sa counter ilang months gusto mo extend and pay via card.

family visa referes to parents, sibling, parents in law, sis in law. aside from father and brother, basta all female in the family pwede mo kunan ng family visit. restricted na yung lalake. family visit is always up to 6 mos.

marssie

  • Guest
Re: Qatar Thread 3
« Reply #358 on: September 12, 2011, 04:17:05 pm »
^ah okay. Sige thanks again sa info  :)

marssie

  • Guest
Re: Qatar Thread 3
« Reply #359 on: September 15, 2011, 05:37:57 pm »
mga sissies share ko lang, tapos na kami sa medical para sa sis ko, we went there 7am then sa guard may nagbibigay ng number, we just presented her passport, tinignan yung visa niya (pero may dala rin akong print out ng passport at visa page niya) then tinanong lang kami kung may atm kami to pay, then nagbigay na ng number.  Pagpasok sa loob, kumuha kami ng slip sa loob na kung san nilagay yung mobile number namin at ask sila if preggy or not then pay ng QR100, then lipat na for xray at blood grouping at yun tapos na :) wait nalang kami for the result ng medical.

Thanks ms_ldr and smm_0411 for all the replies :)

may nakapagsabi pala sa akin, sa may Hamad day may area daw dun kung san pwede magpaextend ng visa.. may nakapagtry na ba sa inyo? gusto ko sana subukan,mas mabilis daw at walang kapila-pila :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close