Author Topic: Do you allow your husband or bf to go to a bar or club (boys night out)?  (Read 51070 times)

messe.besse

  • Guest
yup i allow him pero di siya mahilig (*sigh of relief!) ...gastos lang kasi and kadiri daw (with the women already been touched by indescribable maniacs already)

andees

  • Guest
last week, halos 1 week kami nagkulitan ni hubby.
anniversary kasi ng bar ng kaibigan nya, and ang gimik is wet & wild party.
hindi talaga ako pumayag na pumunta sya kahit pa kasama ang kuya ko at sis-in-law ko. (common friend kasi nila).
sorry na lang sa hubby ko, im not really comfortable with it.
sabi pa nya e sumama pa daw ako if i want. still, hindi ako talaga pumayag eh.
sabi ko, im not againts sa wife ng kuya ko at sa iba pang mga wives na kasama, basta ako, ayoko.



prettybarbie

  • Guest
buti nakinig sayo hubby mo  ;D

andees

  • Guest
hmmm,, oo nga buti na lang at nakinig sya at sinunod nya ako.
coz if not, alam nya na mag-aaway lang kami.
hindi nya talaga ako mapapapayag kahit anong sabihin at gawin nya.

prettybarbie

  • Guest
hehhehe ako din... girl power LOL

kreez

  • Guest
Yes naman, sya nga ang minsan nagpaalam na tapos in the end biglang tatamarin hehe

chengkii

  • Guest
Ako din. Game lang kay hubby.
Pero hindi din kasi ganoon ang trip niya eh. Usually mas type niya pa ang computer sa bahay. LOL

frankikay

  • Guest
no, kasi hate ko talaga ang mga ganyang lalaki eh. pero so far hindi pa naman nagpaalam or pumunta ng bar hubby ko. masunurin kasi eh! :D
pag sinabing ayaw. ayaw din niya. pero pinapayagan ko naman siya makipag night out sa mga friends nya but hindi sa bar!

binlaten

  • Guest
yup i allow him pero di siya mahilig (*sigh of relief!) ...gastos lang kasi and kadiri daw (with the women already been touched by indescribable maniacs already)

actvista ba sya? all men are made of the same material.

wonderland1

  • Guest
thanks sis bibilhin ko yung mga books na ni-recommend mo. Mali kasi ata yung mga books na binabasa ko "Why men love Bitches"  :) LOL

^Huh? Meron palang book na ganon? Sana hindi ako considered as b*tch just bec. my man loves me, haha.

prettybarbie

  • Guest
heheh meron pa nga Why Men Marry Bitches  LOL

happyrabbit

  • Guest
OMG hindi pwede baka matempt siya huhu. Scary eh

hotchick_19

  • Guest
yes, but pag inuman lang i told him na pag pupunta siya dun sa mga bar na may mga babae na nagsasayaw dapat kasama ako. (gusto ko rin kasi maexperience eh kahit na babae yungh magsasayaw) ano siya swerte!!! hehe LOL  ;D pero most of the time magkasama kami magbar. hindi dahil sobrang protective ako pero gustong gusto ko kasi nilalandi siya sa public... hehe yung idirty dance ko siya.. hehe  ;)

juicy

  • Guest
ako i allow my husband din... usually naman shot shot lang, hindi kasi naglalasing hubby ko, at ayaw nya din ang hubad hubad thing sa club... masyado maka-Diyos yun e.  ;D


hannah23

  • Guest
i allow my hubby pero sya mismo ang ayaw.. nakakainis nga eh coz his friends thought pinagbabawalan ko sya that's why ako pa minsan ang tumutulak sa kanya.. Wala namang problema sa akin and I trust him naman and besides I do the same, may girl's night - out din ako minsan and ok lang din naman sa kanya.. I don't wanna be unfair naman..

juicy

  • Guest
^ay parehas tayo sis, akala ng mga friends nya pinagbabawalan ko rin sya.. hindi naman..sya mismo may ayaw..

Pink_Sugar

  • Guest
sya na mismo naayaw kasi mahirap na daw baka bigla syang mawala sa sarili sa makita nya. hehe tao lang naman daw kasi sya at natutukso din kaya kung pwedeng wag ng pumunta eh hindi na sya pupunta. sabi nya baka makita ko daw ang tunay na ALINDOG ng pamilya nila. sya lang kasi ang matino at yung ate nya. pero yung dad, mom, kuya, bunso (girl) puro mahilig sa club (as in yung may nasayaw na hubad).

prettybarbie

  • Guest
pati mom? hehhehe

Pink_Sugar

  • Guest
^oo sis nung medyo bata pa yung mom nya nasama din, pero ngayon yung dad na lang nila. naasiwa nga ako eh kasi sa family namin walang napunta sa club na may nasayaw na hubad.

ang diko pa gusto eh yung friend nung dad nya mahilig ma-mick up ng girls kaya papa nya napapasama din, pati kuya nya na-mimick up ng girls with his friends.

nasabi kasi sa akin ni bf one time na nagtataka ang papa nya kasi ako pa lang ang naging gf ng anak nila. hehe may mga pumunta kasing schoolmate ni bf nung highschool sa bahay nila nung bday nya at nag-yaya na lumabas. sabi daw ng papa nya na bakit hindi daw sya sumama kasi baka bigyan daw sya ng girl. anak ng tinapa ang tatay nya. LOL. kasi yung kuya nya at younger sis ay meron kaliwa't kanan. si bf at yung ate nya lang matino. pero yung mama naman nya very proud sa kanya kasi mabait syang anak at hindi mahilig mag-barkada.

bunchcup

  • Guest
call me mahigpit, strict o kung anuman, pero ako hindi ako papayag unless kliyente nya yung nagyaya at wala syang choice. ayoko, kasi para sakin, kaya sya pumunta dun eh para sa mga babae.. kaya nga sa red house sila pumunta eh. kung mag iinuman sila, bakit hindi na lang sa bar na inuman lang?  :P hindi ko sya papayagan pero nasa kanya yung decision kung susunod sya o hindi. choice nya pa rin yun eh.. at least nagpaalam sya, alam ko kung nasaan sya at alam nya na ayoko at he knows what i feel kapag yun ang gusto nyang gawin...pero nasa kanya pa rin yun kung pupunta sya, decision nya yun. heh. i trust him pero syempre, voluntary syang pupunta sa tukso. ano ba naman ang mararamdaman ko dun diba? haha.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close