watch now

Author Topic: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4  (Read 117585 times)

queens

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #480 on: March 26, 2012, 04:09:17 pm »
oo grabe talaga ganun rin daw nangyari sa friend ko 3weeks ago nung punta sila zero visibility rin sila at super tataas daw ng wave pero sila naka big boat tayo maliit lang hininaan din nila yun makina nila at ganun din gaya satin palutang lutang lang :)

tama sis God is good. nasabi ko rin yun biglang nasilayan na ang macolabo grabe parang miracle talaga at narinig nya prayer natin. makita mo lang itsura ng boatman natin halos mukhang wala ng pag asa yun impression ng face nila as in lagud na talaga tayo.

queens

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #481 on: March 26, 2012, 04:12:37 pm »
pero that time sabi ko sarili ko kailangan lakasan ng loob di ako pwede masuka mahilo o ginawin. di ko rin ma imagine eto ba magiging cause ng death ko? impossible ata. lamu buti nalang talaga biglang lumitaw si macolabo. 

rocky

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #482 on: March 26, 2012, 04:26:36 pm »
^katakot naman yan sis, buti safe pa rin kayo. ;) kalokah na talaga ngayon, kahit summer sobrang lakas ng kidlat & ulan nong sabado. :-\

queens

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #483 on: March 26, 2012, 04:28:10 pm »
grabe rocky tagal ko na nag t travel ngayon lang ako na trap sa dagat ng ganyan. mahirap pang mother nature calaban mo. dasal at awa ng dyos lang talaga katapat mo :)

queens

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #484 on: March 26, 2012, 04:30:17 pm »
funny about it low batt na kasi GPs ng isa namin kasama so nag tanong sinu may AA battery grabe lahat wala ni isa hahahha. pero nabuhayan ako nung may nasagap kaming c.p signal kasi gusto na namin humingi ng tulong nuon at para at least may nakaka alam kung [textspeak!] na nangyari samin. yun one bar nawala pa hahahha message hindi na send ;)

riandrew

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #485 on: March 26, 2012, 05:27:34 pm »
thanks goodness, everyone is safe. very unpredictable talaga si pacific ocean.

had experienced a rainy night in calaguas too. scary. grabe yugn alon, at its mightiest. kala ko mamamatay na ko. sobrang relief talaga when the rain stopped.

dBum

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #486 on: March 26, 2012, 05:34:50 pm »
@queens and sweetczarina, nakakatakot naman experience nyo. nitong weekend lang yan? thank God you're safe. sinuwerte pa rin pala kame last weekend kahit ang lakas ng alon. maaraw habang binabaybay namin yun dagat. pero yun experience nyo, nakakatakot. umuulan at maligaw kayo. iba na yon. prayers are powerful talaga.

maulan lang talaga nitong mga nagdaang araw kaya siguro ganon. i'm sure sa mga susunod na araw ay lalabas din ang haring araw at magiging maganda pa rin ang byahe.

queens

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #487 on: March 26, 2012, 05:42:51 pm »
we arrived saturday morning oki naman ang panahon may rainbow pa nga. surprisingly the next morning nagising ako sa lakas ng alon ng tubig. pero maaraw naman nung umaga. 10am umalis kami ng isla sa likod kami dumaan may mga residence pala sa likuran beachfront ng mahabang buhangin. 

@dbum - kauwi lang namin kagabi.
@riandrew - nakakarelate ako sa sinabi mong at its mightiest ang alon hahaha around 5am plus in the morning akala ko nga baka mabasa sila sweetczarina kasi mas malapit sila naka tent sa beach front. pero pag dungaw ko heheh malayo pa rin pala. lakas kasi hampas ng tubig  ;D
« Last Edit: March 26, 2012, 05:48:14 pm by queens »

sweetczarina

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #488 on: March 26, 2012, 09:51:55 pm »
^ plangak sis.. sabi ko nga bakit kakaiba yata yung tunog nung alon nung umaga? pagsilip ko, waaahh! ang taas talaga..

super basang sisiw kami sa gitna ng dagat. pati mga bags namin basa.. sabi nga nung isang friend ko, kahit saang isla na lang daw dumaong muna at magpalipas ng sama ng panahon..eh kaso nga, zero visibility na at ultimo bangkero hindi na alam sa kami pupunta.

ayaw nga umihi ng isang kasama namin ni sis queens sa bangka, baka daw maging huling ihi na nya yun.. lol!

sa mga pupunta po, makakatulong din na may dala kayo compass or GPS talaga. Para just in case na nasa gitna kayo ng laot, umulan at mag zero visibility. Baka mamaya nyan nasa Hawaii na pala kayo.. :D

queens

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #489 on: March 26, 2012, 10:57:01 pm »
guys we are not discouraging you to go calaguas ah just be safe and always ready bawat travel ko i always bring flash light with battery kung kelan nangailangan tayo ng battery nun eh rechargable headlamp ang dala ko katawa pa nyan ni isa samin walang may dala.  kasi kinailangan sana para sa GPs na dala namin na low batt nathat time makakatulong sana kung which way na kami. lesson din sa mga bangkero nextime dapat magpasobra sila ng gas buti nga di tayo nauubusan nun sis sweetczarina. i wonder kung kamusta mga naka salubong natin bumyahe pa. ang pangit kasi ng panahon nun sunday, yun lapit na kami sa mainland from calaguas. may paalis pa lang malamang pa calaguas mga yun kamusta kaya sila.  hahhaa i wana hear theur story too  :D
« Last Edit: March 27, 2012, 08:11:39 pm by queens »

sweetczarina

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #490 on: March 27, 2012, 09:17:33 am »
at ano na din kaya yung nangyari dun sa 3 lalaking nagbabangka din na nakasalubong natin?

..pero kahit ganun yung nangyari satin, babalik pa din ako ng Calaguas. Iba yung feeling pag andun ka eh..mababait pa yung mga locals dun. Handang magpahiram ng gamit pag kailangan.. Di lang mabait yung aso dahil kinain nya yung inihaw na bangus at laing natin..  >:(

sis queens: hoping to have more travels with you and the rest of the travelers here..  ;)

queens

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #491 on: March 27, 2012, 01:26:57 pm »
@sweetczarina -  yes sis anytime until our next travel sana makasama namin kayo uli. going to miss our category game in calaguas salamat sis ah ..  :)

purplechubs

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #492 on: March 27, 2012, 03:10:53 pm »
we will be in calaguas this coming holy week vacation april 5-7. sana naman hindi maulan. natakot naman ako sa experience nyo mga sis.

foruiz

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #493 on: March 27, 2012, 06:05:24 pm »
May life vests ba na kasama sa mga boat rentals? in case may freakish waves din....

melvic

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #494 on: March 27, 2012, 06:58:23 pm »
@ queens nagpa abot pa pala kayo ng 11am eh mas malaki alon that time pag open ko ng sat 5am forecast 1.7 ng saturday umaga then sunday 5am 2.2 then 11am 2.7 na plus may ulan pa.. anyway pag maliit ang bangka nakakatakot talaga, isang white water lang sa likod nyo papasok ng vinzons o paracale tiyak lubog.. anyway di naman totally lumulubog ang boat so may makakapitan pa habang palutang lutang..

forecast this friday 4.3 by 8am laki nito :) singtaas ng bahay, rain from 4am - 8am sa saturday 3.1 so 9 ft sa shoreline rainshowers bet 8am til 9am.. dont use small boat.. super delikado by sunday 2.4 nalang with rainshowers at 5am.

sa mga DIY rent a bigger boat parang sasakyan lang and eroplano yan, the bigger the better.
« Last Edit: March 27, 2012, 07:00:03 pm by melvic »

queens

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #495 on: March 27, 2012, 07:59:03 pm »
umalis kami sa island ng 10am nakarating sa mainland ng 1:45pm sa likod kami dumaan kuya melvic pa cove style pala yun likuran ng mahabang buhangin  sa likod at may mga residence pala nakatira. sabi ng bangkero namin kasi dun sa bandang ( i call it ) station one left side facing mahabang buhangin yun mga guest dun di gaya namin sa likuran kami dumaan pauwi sila pinalangoy daw ng bangkero nila papuntang boat kasi malakas nga ang wave ewan kung totoo di ko rin ma imagine why palanguyin mga guest pasakay sa boat nila or kasi di ata makalapit ang boat sa island? anyways. nakwento lang sakin ng bangkero namin kawawa naman ydaw un mga guest at least dito ( sa likod) mas safe kahit na kailangan pa namin mag lakad.

oo inulan kami siguro around 11am naa nga nun. small boat kami since 10pax. lang.  na realize ko better big boat nalang e offer  sa guest  kahit konti lang yun nga lang mas mahal. itsura pa naman nun ibang small boat  nakasalubong namin eh half part lang may silong. naawa ako sa mga guest.bumabyaheng naarawan kung umulan e di mauulanan pa sila agad.
« Last Edit: March 27, 2012, 08:04:21 pm by queens »

sweetczarina

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #496 on: March 27, 2012, 08:00:16 pm »
@ sis queens: laugh trip talaga ko dun sa Honda City mo..  ;D

queens

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #497 on: March 27, 2012, 08:25:51 pm »
@ purplechubs - twice kona ito sa calaguas yun unang punta ko oki naman. na tiempuhan lang bad weather ngayon. maganda sa calaguas turqoise color water and fine sand gora ka lang.. ayan na naman ako sa gora ayun tuloy hehe! :) but seriouly check nyo muna weather umalis kami ng manila oki naman kasi na ang panahon or ask sa mga taga ruon before you go if oki ang panahon.

@ foruiz - oo may lifevest kahit small boat. its a must pag wala dont ride that boat.
@ sweetczarima - hahahha pinaalala mo pa
@melvic - anung equivalent ng 1.7, 2.2 , 2.7  and 4.3 sa ft. ganu kataas yun?
« Last Edit: March 27, 2012, 08:29:09 pm by queens »

melvic

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #498 on: March 27, 2012, 10:12:39 pm »
@ queens meters po yan so x 3ft shoreline po :) sa dulo kami sumakay around 9am, di naman kami lumangoy, yun naiwan na guest malamang abot na nung malaks na alon.. so langoy na nga gagawin nila papunta sa boat. bukas update ako ulit forecast with conversion na.

happy birthday ms. jen santos :)
« Last Edit: March 28, 2012, 03:56:32 pm by melvic »

purplechubs

  • Guest
Re: calaguas, maculabo and mercedes group of islands thread 4
« Reply #499 on: March 28, 2012, 09:25:20 am »
@queens - si mang nelson po ang boatman namin, worried lang ako kasi baka small boat lang kami since 8pax lang.

nababasa ko sa mga post lagi ni melvic na dapat big boat lagi ang gamitin :(

ano kayang forecast ng weather sa holy week? melvic, any idea?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close