Author Topic: best health card in terms of service and payments  (Read 191365 times)

sportygurl

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 266
Re: best health card in terms of service and payments
« Reply #320 on: August 26, 2019, 07:19:30 pm »
Nakakafrustrate rin gumamit ng healthcard - or at least yung issue ng employer ko. Yung binigay sa akin ng employer ko is Maxicare at malaking malaki ang benefit limit ko dito (mas malaki pa sa nakapost pa sa website ni Maxicare).

Napansin ko na malaki ang tendency na hindi pagandahin ang serbisyo ng doctor especially kung outpatient or check up lang ang gagawin as compared sa mga cash paying na patients.

Dami ko pa namang nararamdaman!

Madalas mabilis lang ang duration ng consultation at hindi masyadong nage-explain ang mga doctor o kaya mabilisan lang and checkup or consultation sila. Sa tinagal tagal kong pumila sa opisina, parang mga 10 to 15 minutes lang ako na accommodate.

Compared sa pag nagbayad ako ng cash. Mas thorough ang doctor at mas maganda ang serbisyo.

Yung iba na ngang mga doctor, natuto nang mag offer ng additional services na magbabayad ang pasyente out of the pocket kasi hindi covered ng healthcard (may bayad ang vaccines, aesthetic procedures, medical certificates). Inavail ko ang iba dyan, at napansin ko na mas pinagbuti ang serbisyo nung doctor kesa kung umaasa lang ako sa healthcard.

May isa pa ngang doctor na inaway ako pa nga ako - dahil nga healthcard holder ako, at doon ko nalaman na maliit pala ang nakukuha nila per consultation. (P140 lang daw ang bayad sa kanila ng Maxicare kada outpatient consultation, as compared sa P500 na cash or more pa na nakukuha nila per checkup or consultation).

Eto pa ang nakakainis rin. May doctora rin na tumigil nang mag accept ng Maxicare at gusto na lang cash - pero nakalista pa rin siya sa Maxicare. Nakakafrustrate kasi yung anak na nag-aaral ko pa naman sana ang gagamit at binabayaran ko pa naman ang healthcard niya.

Sana naman matuto ang mga doctor na mag speak up para hindi maging malaki ang cut ng mga healthcard at maging motivated sila para maging pareho ang serbisyo nila sa mga nagbabayad ng cash. Masyadong short changed ang mga tao na gustong gumamit ng healthcard compared doon sa mga nagbabayad ng cash. Hindi naman kasi kasalanan ng pasyente kung pinili na mag healthcard, or mabigyan ng healthcard ng employer.

Pagdating naman sa operations (meron na akong mga operasyon) - mukhang wala namang issue. Mga outpatient checkups lang.

Kaya answer sa topic na ito - cash is best lalo na sa mga outpatient checkups.

so hindi lang pala ako nakapansin nito. yun sa experience ko naman sa dentist, napansin ko yun pinuntahan ko tapos maxicare ang gagamitin ko hindi ganon kapulido ang gawa. cleaning at pasta pinagawa ko pero sandaling sandal lang tapos na.

yun isa  naman pinuntahan ko, di pa chineck ng mabuti yun sira sa ipin ko agad agad crown na inoffer sakin at ayaw ipasta lang yun sira kesyo di na daw kakayanin ng pasta. eh hindi naman covered ng maxicare ang crown. humingi ako ng 2nd opinion sa ibang dentist as cash paying patient, sabi ng dentist na yun kaya naman ipasta lang kasi di naman ganon kalaki pa ang sira.  hayz

so hindi pala full ang bayad sa kanila ng maxicare? akala ko dati kung ano rate nila, ayun din mismo ang irereimburse sa kanila ng maxicare. if that's the case, eh bat pa sila nagpapamaxicare accredited?

Len0523

  • Senior GirlTalker
  • ****
  • Posts: 984
  • Keep Calm & Use Manners
Re: best health card in terms of service and payments
« Reply #321 on: August 27, 2019, 10:57:47 am »
Yung neighbor namin na may clinic -- hindi sila nagpaaccredit sa any healthcare company because half lang daw kinikita nila.
"Truth sounds like hate to those who hate truth"

J.warner

  • Junior GirlTalker
  • ***
  • Posts: 239
Re: best health card in terms of service and payments
« Reply #322 on: August 27, 2019, 03:01:43 pm »
Wala kami health card sa family since we live overseas. Pero may balak kami magmove sa Pinas eventually.
Me- 31 yo
Hubby- 39 yo
Baby- newborn (next year). 

Can you recommend magandang health card/insurance for our family?
Aabot kaya 5k per month ang payment or may mas mura pa?

Yun nga lang I notice before mas maganda serbisyo pag cash basis kesa card.

sctordy12

  • Probationary
  • Posts: 2
Re: best health card in terms of service and payments
« Reply #323 on: September 21, 2019, 03:28:19 pm »
carehealth plus sis mura lang as low as 2177 quarterly

Wala kami health card sa family since we live overseas. Pero may balak kami magmove sa Pinas eventually.
Me- 31 yo
Hubby- 39 yo
Baby- newborn (next year). 

Can you recommend magandang health card/insurance for our family?
Aabot kaya 5k per month ang payment or may mas mura pa?

Yun nga lang I notice before mas maganda serbisyo pag cash basis kesa card.

Axa.wyeth

  • Probationary
  • Posts: 1
Re: best health card in terms of service and payments
« Reply #324 on: December 02, 2019, 04:29:05 am »
@zach26 AXA financial advisor here. I could help you get a quote for your kids.

bluish_mommy

  • ako ang bluish na
  • Super GirlTalker
  • *****
  • Posts: 2235
Re: best health card in terms of service and payments
« Reply #325 on: December 02, 2019, 11:43:28 am »
hello, planning to get a healthcard for my yaya, anong recommended nyo?

lavfely12

  • Probationary
  • Posts: 3
Re: best health card in terms of service and payments
« Reply #326 on: December 05, 2019, 05:37:57 pm »
Do you have feedback regarding Insular Inlife Prepaid Healthcards?  Madali bang mag-approve ng LOA if mahohospital ka?

ER Care All-In 100 Adults

 


Latest Stories

Load More Stories
Close