watch now

Author Topic: Anong sasabihin mo kay ex kung sakaling magkita ulit kayo?  (Read 162599 times)

timetraveller

  • Guest
Re: Anong sasabihin mo kay ex kung sakaling magkita ulit kayo?
« Reply #520 on: August 29, 2016, 04:17:12 pm »
Broke up last December 2015 with my ex of five years. Daming reasons, petty reasons pero sa sobrang dami at nagpatong-patong na, hindi na kinayang mag-work out. Sobrang broken hearted ko nun, 'yung tipong mukhang t**** na sa sobrang pain na nararamdaman? Hahaha. Minahal ko talaga 'yung ex ko nang sobra. Well, not surprising. Five years is not a joke.

Come late April 2016, I met a guy from a dating app and eventually naging kami rin. He's a lot better than my ex in so many aspects and I know in myself that I already love him.

Nung nalaman ng ex ko na may bago na akong BF, super message sa'kin sa FB, saying na wag daw ako gumamit ng ibang tao para maka-move on, di raw true love 'yung sa bf ko ngayon, nanghihingi ng closure etc. etc. That's how I knew na he was still checking on me and stalking me.

Last three weeks ago, my ex showed up at my graduate school. Nakita niya raw ako accidentally (well nasa fourth floor ang classroom ko nun so I don't know how was that an accident, o baka feelingera lang ako hahaha). Tinawag ako and said he wanted to talk to me. Ayun, nagtanong about paano mag-enroll sa graduate school and stuff. Kamustahan, ganyan. Tapos tinanong niya ako kung okay lang daw ba sakin na contactin niya ako ulit kapag need niya pa ng information about graduate school. I told him, "wala ka bang ibang mapagtatanungan?" Hahaha, ang mean ko yata.

From time to time, I still stalk my ex on Facebook, I'm curious if he's still miserable because of me... Wala lang, parang ego booster? Or somehow there's happiness in knowing that someone who has hurt you regrets hurting you?

Alam ko naman sa sarili kong mahal ko pa 'yung ex ko, pero mahal ko rin 'yung BF ko ngayon. Kung papipiliin ako, 'yung BF ko talaga ang pipiliin ko in a blink of an eye. Ang gulo hahaha. Minsan feeling ko ang unfair ko sa BF ko pero iniisip ko na lang, siya naman ang mas mahal ko. And I know, kahit hindi niya ako i-confront, he knows all of this... Sobrang matured niya lang talaga para maintindihan pa ako.

Hays. Love is unfair talaga 'no?

Something I learned is... we never really stop loving people. We just find someone else to love more.

kvandenhaak

  • Guest
Re: Anong sasabihin mo kay ex kung sakaling magkita ulit kayo?
« Reply #521 on: August 31, 2016, 01:47:30 am »
^Kapal ng fez magsabi na it's not fair to use other people to move on? At sino sya to judge that it's not true love..LOL! Selfish is ex. He doesn't want to see you happy and learning you can actually have a life without him.

simang

  • Guest
Re: Anong sasabihin mo kay ex kung sakaling magkita ulit kayo?
« Reply #522 on: August 31, 2016, 04:52:51 am »
^^i remember my ex sa post mo kasi graduate school din ang common denominator namin when we broke up. Di kami magkaklase but we went to the same school. Hindi nya tinapos ang program nya, and he would always contact me para magtanong about his program. Pati pagtatanong kung may available na lanyard sa akin! Ano ba??? Ang kapal ng mukha utusan ako pumunta sa office to ask daw kung may lanyard. Jusko.

Anyway, how did you feel when he messaged you? Kasi the way you described your current relationship, eh baka nga you're using this person lang to divert your feelings for your ex? Have you asked yourself that?

shopaholic_in_rehab

  • Guest
Re: Anong sasabihin mo kay ex kung sakaling magkita ulit kayo?
« Reply #523 on: August 31, 2016, 03:12:16 pm »
The ex texted me  a month ago asking me out for dinner. Hindi naman ako directly nag No, i just said im busy with work some other time na lang. Part of me wanted to pero alam ko hindi pako ready. hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan, baka kung ano lang masabi ko sa kanya. Much worse baka magiiyak lang ako

young_maiden

  • Guest
Re: Anong sasabihin mo kay ex kung sakaling magkita ulit kayo?
« Reply #524 on: August 31, 2016, 04:28:49 pm »
I am glad hindi tayo nagkatuluyan. Baka maging palamunin pa kita.

Filipinasadhart

  • Guest
Re: Anong sasabihin mo kay ex kung sakaling magkita ulit kayo?
« Reply #525 on: December 04, 2016, 12:57:34 am »
Ayoko na sila makita habang nabubuhay ako. sobra ako nasaktan. Sana hindi pahintulot ng Diyos na magkita pa kame. Pagod na pagod na ko umiiyak at masaktan. Niloko nila ako lahat at sobrang pinaasa.  :'( :'( :'(

divaaaaa

  • Guest
Re: Anong sasabihin mo kay ex kung sakaling magkita ulit kayo?
« Reply #526 on: December 23, 2016, 03:17:47 am »
mahal parin kita. araw araw kitang iniisip.

rheinfall18

  • Guest
Re: Anong sasabihin mo kay ex kung sakaling magkita ulit kayo?
« Reply #527 on: December 28, 2016, 03:27:44 pm »
hi beks! hahaha!

pinkmoscato

  • Guest
Re: Anong sasabihin mo kay ex kung sakaling magkita ulit kayo?
« Reply #528 on: December 28, 2016, 04:37:34 pm »
^LOL!!!  ;D

siguro ako, tatanguan ko lang and smile... no need for small talks. Besides, we're both happy na sa kanya-kanyang relationships namin. We were together for 10 years, but life happened and everyone moved on.  :)

michipoo

  • Guest
Re: Anong sasabihin mo kay ex kung sakaling magkita ulit kayo?
« Reply #529 on: January 09, 2017, 12:44:26 pm »
None. He doesn't deserve even a single word.

Filipinasadhart

  • Guest
Re: Anong sasabihin mo kay ex kung sakaling magkita ulit kayo?
« Reply #530 on: February 12, 2017, 12:49:58 am »
Me too, wala na ko sasabihin kase tapos na.

easytwinkle08

  • Guest
Re: Anong sasabihin mo kay ex kung sakaling magkita ulit kayo?
« Reply #531 on: March 13, 2017, 03:17:53 pm »
sa ngayon. hindi ko maitatanggi na mahal ko pa din siya.

pero malamang kung makita ko siya. siguro yayakapin ko siya habang sinasabi ko na mahal na mahal ko pa din siya.

Filipinasadhart

  • Guest
Re: Anong sasabihin mo kay ex kung sakaling magkita ulit kayo?
« Reply #532 on: April 14, 2017, 04:36:29 am »
devil ka :-X wala ka puso di ka na naawa sa akin hindi mo ko sinipot sa meet up natin. Nag-antay ako. Ayoko na kita makita muli.

ohmygorjosh

  • Guest
Re: Anong sasabihin mo kay ex kung sakaling magkita ulit kayo?
« Reply #533 on: April 18, 2017, 03:21:51 am »
nakahanap ka na ba ng better saken? haha

barbillie

  • Guest
Re: Anong sasabihin mo kay ex kung sakaling magkita ulit kayo?
« Reply #534 on: April 19, 2017, 01:51:55 pm »
I am glad hindi tayo nagkatuluyan. Baka maging palamunin pa kita.

Hahaha! Same!

lonely_dad

  • Guest
Re: Anong sasabihin mo kay ex kung sakaling magkita ulit kayo?
« Reply #535 on: April 19, 2017, 02:09:42 pm »
buti na lang di tayo nagkatuluyan kasi di ako titigilan ng nanay mo kakahiram ng pera

gwyne21

  • Guest
Re: Anong sasabihin mo kay ex kung sakaling magkita ulit kayo?
« Reply #536 on: April 19, 2017, 02:13:19 pm »
Hi...parang tumataas na hairline natin ah..hehe =)

tychenemesis

  • Guest
Re: Anong sasabihin mo kay ex kung sakaling magkita ulit kayo?
« Reply #537 on: May 22, 2017, 12:32:31 pm »
^LOL.

Mine will be Hi there! Shining like a diamond na ang peg natin ah!  ;D 

DeathToMondays

  • Guest
Re: Anong sasabihin mo kay ex kung sakaling magkita ulit kayo?
« Reply #538 on: June 23, 2017, 10:37:11 am »
Nothing. He's verbally and emotionally abusive, a liar, and a forum predator.

chelsea1212

  • Guest
Re: Anong sasabihin mo kay ex kung sakaling magkita ulit kayo?
« Reply #539 on: September 27, 2017, 09:33:11 pm »
Maglaway ka at sana masaya ka sa balyenang ipinalit mo saken! ;D ;D

 

Latest Stories

Load More Stories
Close