Halos lahat ata ng katangahan ko e nangyare sa recent EX ko, we broke for almost 2 months now.
~ Nung 3rd night after we broke up (na akala ko e susuyuin nya ako, di ko pa alam na may other girl pala sya), I went to his workplace after my shift (I'm a call center agent). Sa Eastwood to be specific, I arrived there at 10pm on a Friday night w/c I know na medyo malalate sya ng out dahil may meeting pa sila after shift nya ng 10pm. So I waited there, called & texted him ng todo-todo na andun ako sa Eastwood sa tapat ng building nila waiting for him so that we can talk pero di man lang sya nagbother na magreply or sumagot. Kung bibilangin ko ang missed calls na ginawa ko both for his Sun & Globe numbers e baka umabot ng 100+. Whew! At eto na nga, nilamok nako sa kinauupuan ko, naambunan pako and I haven't eaten since lunch pa pero I don't care dahil ang tanging nasa isip ko lang is makausap sya at magkaayos kame. So there, I waited.. I'm giving myself an ultimatum na sa ganitong oras pag wala pa sya, uuwe nako pero di ko nagawa. Naghintay ako sakanya. By 3AM, he texted me, And it goes something like: "Ano ba ginagawa mo? Wala ka na ba talagang respeto sa sarili mo? Sa desisyon ko at sa 4 yrs nateng pinagsamahan? I just needed space and time to think, un lang ang hinihingi ko. Pls pagbigyan mo naman ako." I was totally shocked dahil di ko akalaing after 5 hrs of waiting e un lang ang makukuha kong reply from him. He even called me and told me the same thing. Ang nasabe ko na lang sakanya e "Salamat sa pag-aalala at pagbibigay ng imprtansya." Then I really bursted into tears habang tumatawid papalayo sa building na un. I sat down sa tapat ng lumang building dun, medyo madilim at bihira ang tao kaya nakaiyak ako freely. I swear na if ever na may makakakita saken na kakilala ko or kahit hinde, they would think na baliw nako. Feeling ko nasa teleserye ako. I really can't believe na nagawa nya saken un. Nagtetext-text pa den kame habang umiiyak ako that time. I kept on asking him kung baket ayaw na nya. Madame syang binigay na dahilan until bigla na lang nyang nasabe na, "Gusto mo talagang malaman kung baket ha? MERON NAKONG IBA!" Nung nabasa ko msg nya na yun parang gusto kong ibato yung cellphone ko at magwala. Pero ang tanging nagawa ko lang is umiyak nang umiyak pero di ko pa ren pinaniwalaan, naisip ko pa na sinasabe lang nya un para hiwalayan ko sya. Di ko sya pinag-isipan ng masama kahit ganun. Odba t*nga lang?! Hinde magsink-in saken yung nangyayare, at that time gusto ko nang magpasagasa sa mga taxi na dumadaan.

~ Next scenario, nagkita kame afterwards, i went to their house. I think it's about 4AM na. We talked, ang saket kase wala na akong makita LOVE sa mga mata nya. Inis ang nakikita ko, iritado sya while talking to me. Hinde ko talaga alam kung bakit nya ginawa saken un. Nagmakaawa ako sakanya, I begged him to not leave me and that I'll do everything to make it work for the 2nd time basta bigyan nya lang ako ng chance. Pero ayaw na nya talaga, mahal daw nya ako pero mas mahal na nya yung isa for some reasons. Sobrang saket nun for me. I even begged him to stay and begged him na kung hinde nya maiwan yung isa, dalawa na lang kame in which hinde naman sya pumayag.
~ And then, after the talk. Nung okay na kame parehas, nagsorry sya and all. Made silly promises like mag-iisip lang sya etc. That same day, may nangyare pa samen kahit wala na kame. Sobrang stupidity ko talaga! :|
~ Day after day pagtapos ng break-up, tinetext ko pa den sya. Di ko sya matiis. Sabe ko we can be friends naman and he can tell me his probs. One day he texted me nga, nagconfess na baka daw buntis yung girl at natatakot daw sya. Nasaktan ako, OO. Dahil alam kong kung totoo man un, wala na talaga kameng pag-asa. Fortunately, hinde naman pala. hehe'
~ Marame pa akong katangahan up to now.. Nagkikita pa den kame, we still go out, eat & date. May intimate moment pa den, may nangyayare pa den samen in short. Pag lumalabas kame, ako pa minsan ang gumagastos kase wala na daw syang pera at dahil sa kagustuhan kong magkita kame dahi namimiss ko sya e go naman ako at okay lang saken na ako ang gumastos. Nangutang pa sya saken dahil wala na syang pamasahe. Bigay naman ako, I bought him a pair of shoes pa. Pero di naman ako nanunumbat, I just feel na sobrang t**** ko pero di ko talaga sya matanggihan.

~ Marame pa akong katangahan kaso baka batukan nyo na ako isa-isa pag dinisclose ko pa, haha'

Thanks for reading btw!
