watch now

Author Topic: Zambales: Anawangin & Nagsasa Cove, Capones, Camara Island [Thread 6]  (Read 153425 times)

longing

  • Guest
^sis pag nag side trip kayo sa Olongapo, puro beach lang din po ang andun. :) pero if mag food trip kayo, you may want to try the jumbo tacos @ The Coffee Shop in Bo. Barretto

cream_puffs

  • Guest
opo ate dami service ni kuya johnny nung saturday eh bait kasi kaya dami nya suki LOL kamuzta naman po sa side ni mang ador? nag jelly fish hunting din po ba kayo?
ang dami ngang jelly fish kaya super alert na lang kami na hindi madikitan.

@sis HIPster, nagpabili na kami ng isang malaking gallon ngtubig ka mang johnny. yung may gripo. sa kanya na din kami nanghiram ng cooler at nagpabili ng ice. sa kanya na din kami nagpaluto ng rice at yung sikat nyang adobong pusit. winner nga sa sarap.

di ko napansin kung san yung market. hehe. dala na namin kasi lahat pagdating dun. may pinapa-rent na lamp dun pero naubusan kami kaya yung pole na may gasera sa taas lang binigay sa min. lagi naman namamatay kasi mahangin. better kung magdala na lang kayo ng flash light.  :)

may kahoy ng tinda dun kay mang ador, pang bonfire tapos libre na ipasindi sa mga kuya dun. sabihin nyo na lang liitan lang yung apoy. sa min kasi nag-enjoy ata maglagay ng panggatong yung kuya kaya naubos agad kahoy namin.

yung mga duyan pala sa nagsasa 150 lang. yung amin sa anawangin pa namin nabili ng 170 pesos. natuwa pa kami kasi nung una 250 binibigay sa min. ewan ko kung mura yun. baka maya 100 pesos lang pala.

pandabear

  • Guest
I'm panicking na. Hala.

For reference:
water - puede bang dun na bumili or ipaki nalang kay Mang Johnny?
uling - dun na to bibilhin sa market dun di ba?  (personal and group consumption)
food (sat: lunch, snacks, dinner, moni, coffee for kinabukasan of any light breakfast) - dun na to bibilhin sa market dun di ba?
sunblock
Camping stove - err puede bang magrent or humiram nalang nito?
Cook set - kelangan ba talaga magdala kaserola and sandok and stuff?
Camplight/flashlight/headlight
Cooler - pede na ba tong hiramin/ irent dun?
Katol
Malong/Sarong
Black bag/Trash bag
Canned goods, instant noodles
Rice - dun na to bibilhin sa market dun di ba?

Ano pa bang dapat tandaan? eto ang aming itinerary

ITINERARY:

Expenses:
Transpo: 700 (exaggerated)
Accom @ Crystal Beach: 2500 x 2 = 5,000 <<< badtrip napamahal kami dito.
Nagsasa 100/ pax
Boat and tent 2500 x 2
Surf: 400 (half day)/ pax.

May 29 Arrival ng late morning. (Travel from manila @ 6am)
Punta sa market to buy things. Lunch na dn siguro?
Island Hopping. Capones Light House. Tambay sa beach after. Swim swim. Stay Overnight at Nagsasa.

May 30 Back to Pundaquit check in at Crystal Beach Resort. Surfing Class.

May 31 Back to Manila. Mamasyal kaya muna kami sa Olongapo? Ano bang meron dun? Hehe.

yung water at ice at ice chest pwede na kay manong jhonny 100 yung mineral water at 30 petot yung ice pwede nyo na dalhin laht ng kailanagn nyo like uling at cook wares pero may nabibili sa nagsasa na ice at uling........ pamasahe namin 251 caloocan to san antonio then 20 petot per pax sa trike from san antonio to san miguel kina mang johnny... sa olongapo la naman mazado puro naman night club duon

pandabear

  • Guest
ang dami ngang jelly fish kaya super alert na lang kami na hindi madikitan.

@sis HIPster, nagpabili na kami ng isang malaking gallon ngtubig ka mang johnny. yung may gripo. sa kanya na din kami nanghiram ng cooler at nagpabili ng ice. sa kanya na din kami nagpaluto ng rice at yung sikat nyang adobong pusit. winner nga sa sarap.

di ko napansin kung san yung market. hehe. dala na namin kasi lahat pagdating dun. may pinapa-rent na lamp dun pero naubusan kami kaya yung pole na may gasera sa taas lang binigay sa min. lagi naman namamatay kasi mahangin. better kung magdala na lang kayo ng flash light.  :)

may kahoy ng tinda dun kay mang ador, pang bonfire tapos libre na ipasindi sa mga kuya dun. sabihin nyo na lang liitan lang yung apoy. sa min kasi nag-enjoy ata maglagay ng panggatong yung kuya kaya naubos agad kahoy namin.

yung mga duyan pala sa nagsasa 150 lang. yung amin sa anawangin pa namin nabili ng 170 pesos. natuwa pa kami kasi nung una 250 binibigay sa min. ewan ko kung mura yun. baka maya 100 pesos lang pala.

ate 50 petot lang rent namin sa duyan kina mang ador hahahaha yung bonfire namin hanggang umaga may dingas pa hahaha

kimpot

  • Guest
went to nagsasa last sunday - monday. di kmi nkapag island hopping kasi  whole day kami sa nagsasa nung sunday. monday sana kmi mag-island hopping kaso lakas n ng alon. di na pumayag si mang william n pumunta pa kmi sa anawangin, capones and camara. haizzz.. disappointed talaga un mga officemates ko. pero in fairness, ganda talaga sa nagsasa.  :)  we had fun. sarap balikan. hehe!

un mga may plans n pumunta sa zambales. kung ok un alon,  1st day nyo pa lang mag-island hopping na kayo.  kasi unpredictable daw talaga un mga alon. lalo na ngayon na malapit na rainy days.

may big boat si mang william.  kaya lang wala syang tent. nanghiram pa sya ng tent sa iba.  since hiram lang nya un tent. he charged us 400/tent. sana tlaga kay mang johnny na lang kami. pero mabait din naman si mang william.  next summer punta ulit kami don, anawangin naman.   ;D

kimpot

  • Guest
hi sis HIPster! un mineral water and uling, pwede na kay mang jhonny.  tas un cooler, hiram na lang kayo sa boatman. un cookset, pwede na un isang kaldero para sa pagsasaing. tas un hot water for coffee, pwede bumili sa nagsasa. 5pesos per cup of hot water.

Galing ng itinerary nyo. sana nga ganyan na lang ginawa  namin.. haizz.. sayang talaga. =) di bale next time na lang pagbalik.  :D

HIPster

  • Guest
Ang galing galing galing nyo talaga mga sis! Thanks so much for the great help! Super appreciated. I love u sisses. Hehe. Magrereply ako ng mas mahaba tom pag d nako nakacellphone sa pagbrowse. For now, gusto ko lang talaga express ang aking gratitude. :)

ashey

  • Guest
hello po.. newbie ako sa thread nato.. hehe me & my friends kasi were planning to go to zambales.. meron kami nakita na tour package worth 1800, pero capones & anwangin lang ang pupuntahan eh.. di namin sure kung sulit to, pero eto po yung package inclusions:

overnight tent accommodation,
three meals (lunch, dinner, breakfast),
Manila-Zambales-Manila van transportation (including driver, gas, toll and parking),
guide fee,
entrance fee,
boat rental

or meron po ba kau alam na tour package na kasama yung 4 islands(capones,anawangin,nagsasa&camara)?? baka pwede naman po pasend ng details.. and contac info.. super thank you in advance.. :)

cuteapril_1215

  • Guest
Mga sis, meron na ba nakarating sa inyo sa Silanguin Cove(Zambales pa rin daw yun) bigger daw yun sa Nagsasa eh...plan sana dun na lang kami ng friends ko para hindi sobra crowded

ashey

  • Guest
sino po meron contact # ni mang johnny?pa-share naman po.. ano po ba services na offer nia? tia  ;D

shegothim

  • Guest
backread ka sis. napost ko na number ni mang johnny dito.

ashey

  • Guest
ayan nakita ko na, whew! hehe

ano po ba mas ok nagsasa or anawangin?

sleepy_me

  • Guest
^ sis better stay at Nagsasa lesser crowd and nice view ^_^

Frozen Toes

  • Guest
My vote goes to Nagsasa as well for the exact same reasons. Mala-sardinas na sila sa Anawangin eh.

ashey

  • Guest
^ok thanks sis, il follow your suggestion,, hehe :D

kung sa nagsasa kami, pwede rin kaya kami makadaan sa camara & capones island?..  tia :)

sleepy_me

  • Guest
^ sis depende yan kay manong boatman or sa lakas ng current... kasi kung malakas ang current mahihirapan kayong magdock sa Capones...

IMO there's nothing nice to see at Camara sayang lang ang time nyo so wag na kayo pumunta dun ^_^

Frozen Toes

  • Guest
^ok thanks sis, il follow your suggestion,, hehe :D

kung sa nagsasa kami, pwede rin kaya kami makadaan sa camara & capones island?..  tia :)

Pero sa totoo lang, mas photogenic ang Anawangin. Mas maraming pwedeng picture picture spots. So, daan pa rin kayo ng Anawangin. Wag na lang kayo dun magcamp kasi nga puno don. Parang Ayala and Buendia station ng MRT. Haha.

Oo, makakadaan kayo ng Capones/Camara. From the jump off point kasi una nyo madadaanan yang dalawang yan. Then, Anawangin. Then, pinakamalayo yung Nagsasa. Ang catch nga lang sa Capones/Camara, as SLEEPY ME has already pointed out, pag maalon di ka dadalin ng boatman dyan. Kasi yung Anawangin and Nagsasa ay mga cove while Capones and Camara are islands. Meaning, lalayo ka pa ng konti sa mainland para mapuntahan ang Capones and Camara.

Kami kasi di na nagpunta don sa Capones and Camara. Tanaw naman siya on the way to Nagsasa. Malakas yung alon nung time na yon and small boat lang kinuha namin dahil 2 lang kami. So, hello and goodbye Capones lighthouse ang drama ko non.
« Last Edit: June 02, 2010, 07:41:05 am by Frozen Toes »

pandabear

  • Guest
kami po 5am nag start inuna po namin camara tapos mga 6am punta na po kami capones mga 7:30 nasa anawangin na po kami and past 8am nasa nagsasa na po kami kala nga po namin super late na as in lunch time kaya luto kami agad ng rice at ininit na yung chicken  tapos tingin kami sa time 9am lang pala kaya borlogs muna hahahah mas maganda po mag island hopping ng umaga or hapon basta mababa ang tubig kasi po sa capones madaming bato sa side na malapit sa light house nakadaong po kami dun kaso pagbaba namin ng boat lampas tuhod pa yung tubig ang lalaki kasi ng bato kaya ndi maka dock yung boat hahahahah... kakatakot sa lighthouse 3 lang kami andun tapos kinikilabutan kami lahat hahahahaha

Frozen Toes

  • Guest
Sabi ni SLEEPY ME, dami nga daw mumu don! :D

ashey

  • Guest
@sleepy me
base nga po sa mga pics mukhang wala ngang breathtaking views sa camara.. hehe :) kaya baka di na kami dumaan dun.. :) thanks

@Frozen Toes:
thanks for the detailed infos..
kung maraming photo ops dun sa anawangin e di dapat pala medyo matagal ang stay namin dun.. ok na kaya 2hours lang.. hehe naka-tour package din ba kayo?

@pandabear
sis naka-tour package ba kayo? mukhang ok yung trip niyo, kasi nadaanan niyo yung 4..


kami kasi plan namin avail ng tour package, pero ang kasama lang sa package yung nagsasa cove.. e gusto sana namin madaanan na lahat para mas masaya.. pag modified itinerary baka may additional charges yung travel agency.. kung kami lang ba mag-aarange ng tour namin dun, ano kelangan namin iconsider? tia :)
« Last Edit: June 02, 2010, 03:33:27 pm by ashey »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close