
I'm back! I'm back!
Here my story...
Night trip kami nung Friday from VL Pasay 10pm kaya on time kami sa Baguio. Since mainit dito sa Manila, yung pashmina lang ang gamit ko. Sobrang lamig sa Baguio. By 9am nasa DENR na kami. Nag-homestay na lang kami sa Babalac dahil sa dami nang nagcamping sa campsites at sa Babadac ngayon weekend. Dahil magday-hike kami tom, free kami nung hapon. Wala naman kami ginawa kundi humiga. Ang tubig? Yikes parang nag-ice bucket challenge kami nung maliligo nung hapon.

By 7pm, lights out na. 1am kami nag-start magtrek. Mabuti na lang maliwanag ang buwan kaso umulan nung gabi kaya basa ang lupa. Nahihirapan ako kapag ascend kaya thanks sa trek pole at sobrang laki naitulong.

At dahil hindi naman ako active sa sports, mabagal ang pacing ko. At least nakarating kami sa Peak 2 before 5am. Worth it ang first time namin sa hiking challence.

Hindi na ako sumama going to the summit dahil baka itulak na ako ni bro sa sobrang bagal

Nakipagkuwentuhan na lang kami sa naiiwan tour guide kaya enjoy sa pag-upo sa damuhan. Ang sarap pa nang kape.

Meron sea of clouds kaso sa malayo lang kaya sulit pa rin ang akyat for me. Pagbaba namin medyo madali na. Meron lang part na ascend kaya hingal kabayo akech. Hehe...Mabait yung (sweeper?!) at hinihintay nya ako. Pagdating between campsite 2 at 1, pinauna na nga ako dahil may hihintayin pa siya nahuhuli. Solo flight tuloy akech sa paglalakad. Ang sarap ng buko popsicle! Meron din akong nakitang sunflower kaso malayo lang. Pagdating sa Ranger station, marami akong nainom na buko juice. Ang mura pa nang mga gulay - lettuce (P25/bundle) at org BIG carrots (P30/kilo). Lagi kami ontime kaya pag-uwi, nakapagsidetrip pa kami sa sulfur spring(?!), hanging bridge at Ambuklao dam. Pagdating nga lang sa Baguio anlakas ng ulam. Sa VL station na lang kami tumambay since yung 8pm bus last night, 39 seats are reserved for us na.
Tips from me:
- use stick para hawak mo ang pacing mo at alam mo ang balance mo.
- look for hiking shoes, I bought a Reebook flex before for running at good thing nagamit ko siya sa pagtrekking. Yun lang pag-uwi ko nang bahay, para siya inilubog sa putikan

- If you're mabagal like me, don't rest too long. Sa akin 5-10sec ang pagrest pagkakaakyat.
- sa tubig, don't drink too much kasi mas babagal kung busog. I think nagamit ko is less than 1L during the hike.
- for clothes, identify mo agad kung saan ka unang nilalamig. Sa akin yun paa agad kaya I bought thick clothes. Meron sa SM, P200 thermal socks na. My outfit sa Peak 2 - dri-fit shirt, fleece sweatsheart, then jacket. Others are convertible pants and gloves. Pagbaba naman eh aalisin mo halos lahat nang makapal.
- Lastly, prepare yourself, talk and encourage yourself that you can do it and
enjoy the nature and the people whom you will meet in your group tour and along the way

Oppss...mahaba na. sorry po!

ps: if I will go back again, yes! I just need to train myself in ascending. Ayokong naiiwan sa hulihan! hehe... TIA
