nice ng thread na ito!

pasali.

where: lucky 13 billiard hall sa tapat ng feu na parehas namin school.
when: november 14, 2002
how:
mejo mahaba kwento ha, please bear with me, excited kasi akong ikwento ang aming love story. hehe
OT: nung bata pa kaming magkakapatid at kapag tinatanong namin ang mom ko kung paano sila nagmeet ng daddy namin, ang kwento ni mami, schoolmates sila ni dadi nung highschool. may play daw silang pinanood noon, habang naglalakd si mami with her best friend sa may tulay, may maingay daw na lalaki sa likod nila na kwento ng kwento sa kasamang kaibigan. e nainis na daw nanay ko, so lumingon siya para sitahin yung maingay sa likod, sakto paglingon niya, nakita niya ang dadi ko at out of the blue, bigla daw pumasok sa isip niya na yung lalaking nakita niya ay mapapangasawa niya, true enough, sila ang nagkatuluyan and they are now 29 years married. everytime kinekwento niya ito sa amin nung mga bata pa kme, parang hindi naman ako masyadong naniniwala na may ganung love at first sight.
going back sa topic: may tinatambayan kami na billiard hall sa morayta noong first year college palang kaming magkakabarkada, since first year college kami, block section kami so halos buong class magkakabarkada. tapos yung tambayan namin, meron ding isang grupo na tumatambay doon, hindi mga first year students pero mga architecture students at sila yung matatagal na talagang tambay doon, tapos tig-isang corner nung hall kme tumatambay. one time, nanonood ako ng nagbibilliards na mga kaibigan ko, nakaupo ako sa monoblock sa harap ng pinto. tapos biglang may nakita akong papasok ng bilyaran, e mejo maaraw sa labas so hindi ko pa siya masyado maaninag. pagpasok niya, tandang tanda ko pa na naka skinny jeans siya(hahahahaha) yellow cab boots, betty boop shirt at rayban, typical na pormahin ng mga archi students noon. tapos right there ang then, bigla din pumasok sa isip ko na itong lalaki na to, mapapangasawa ko ito. tapos bigla kong naalala yung kwento ni mami.
so un.
nov 14, 2002 1st time ko siyang nakita
dec 14, 2002 1st time niya akong hinatid sa bahay
jan 14, 2003 1st time namin nag date
march 14, 2003 naging kami.

we got married 2010.
sorry po napahaba na kwento.
