watch now

Author Topic: How to deal with babies suffering Colic?  (Read 189188 times)

rons_little_bb

  • Guest
Re: How to deal with babies suffering Colic?
« Reply #20 on: April 19, 2010, 12:39:09 pm »
full term naman si baby. natatakot lang kasi ako hehe hindi ko alam if tamang way, baka mabalian ko siya. may one time kasi try ko siya padapain like what you did. parang nahirapan kasi yun itsura niya, then nataranta ako kung paano ibalik sa tihaya, kaya hindi ko na tulo inulit.

jojogurl

  • Guest
Re: How to deal with babies suffering Colic?
« Reply #21 on: April 19, 2010, 12:40:48 pm »
hi sis coco chanel!

1month na si baby ko tomorrow pero hindi siya iyakin. pero yung panganay ko (7years old na ngayon), colicky nung magtu-two months siya. as in from 3pm-10pm ang iyak, minsan inaabot pa ng 1am. kawawa kami lahat sa bahay. sa colic kase kahit ano daw gawin mo walang lunas (though nabasa ko sa isang grisham novel na ang gamot sa colic is vanilla ice cream. hello, as if papakainin ng ice cream ang 1-3months old). nawala din naman after2 or 3weeks siguro.

patawa pa kase nasa province kami that time. may pilay-hangin daw kaya nagpatawag ng naghihilot. hindi ko pinahawakan baby ko sa manghihilot, e kung mabali ang buto? sige daw, hindi na lang hihilutin, per kaya daw iyakin anak ko sabi nung albularyo/manghihilot, binabantayan daw ng mga kaluluwa at maligno. Kelangan daw magkatay ng baboy. Naniwala naman lola ko. Siya, dahil siya ang naniwala, siya ang nagpakatay ng baboy. di ako gagastos para sa ganun no!

sabi sa nabasa ko, madami ang nag-aakala na ang colic is kabag. hindi daw. epekto na lang siguro ng pagiging colicky ang kabag. dahil siyempre sa kakaiyak, pumasok na ang hangin sa tiyan. 

pero mas maigi na yung mag-ingat. mixed-feeding ako nun sa panganay ko, pero ang gatas is enfalac. sa baby ko ngayon, nan hw na ang binili ko na milk. and sa tingin ko mas maganda nga siya kase magaling umutot ang baby ko. tsaka dati takot na takot ako magpa-burp, ngayon mas matapang na ako. and talagang i make sure na nakuha na ni baby ang hind milk before ko siya ilipat sa kabilang breast pag nagb-bf kami.

binawalan na din ako dati ng pediatrician na gumamit ng acete de mansanilya pero hindi ko sinunod. masyado kase talaga siyang effective na pampaalis ng kabag at very thin naman ang inaaply kaya siguro hindi nasusunog balat.

sana nga hindi mag-colic ang baby ko ngayon kase sobrang hirap ang  may baby na colicky. nakakaawa lalo ang baby.




rons_little_bb

  • Guest
Re: How to deal with babies suffering Colic?
« Reply #22 on: April 19, 2010, 01:44:53 pm »
sis nan hw din baby ko,  kaya pala lagi din utot ng utot. pero yun nga sa kakaiyak, kinakabag din.

another question, pag sleep si baby, nag pillow ba kayo?
« Last Edit: April 19, 2010, 02:48:11 pm by ron's_little_bb »

jojogurl

  • Guest
Re: How to deal with babies suffering Colic?
« Reply #23 on: April 19, 2010, 03:00:41 pm »
maganda kase dati ang nan ha sa panganay ko kaya nan hw na rin ang binili ko para sa baby ko ngayon.

di k pa rin pinagpi-pillow ang baby ko sis e. bakit nga ba hindi, ewan ko din. hihi.

CoCo ChAnEL

  • Guest
Re: How to deal with babies suffering Colic?
« Reply #24 on: April 19, 2010, 03:09:12 pm »
^hi sis jojogurl! batchmate sa jan-apr tee hee!. musta na baby mo? :)
 
ako pinaguunan ko lang si baby pag feeding time na, pero pag sleep indi na,ewan ko din bakit! hehe.....nakadapa kasi sya most of the time eh, iwas na din pag flat ng ulo, eh baka magmana kasi sa daddy nya tsapad ang ulo kaya indi makapagpa semi kalbo! lolz.


mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: How to deal with babies suffering Colic?
« Reply #25 on: April 19, 2010, 03:36:00 pm »
sis, paturo naman. nabasa ko din kasi un burp na padapa sa thigh. and un nakadapa sa bed. ang nagagawa ko lang kasi un nakadapa sa akin. paano ba yun sis, kasi malambot pa leeg nila diba, paano ko pa padapain and pabalikin uli.

naku sis, hindi ko alam kung paano ituturo. mas visual kasi dapat ito. itinuro din ito ni rome kanapi ng childbirth class teacher namin. pero try ko i-search or scan ko pic. meron nito sa book ng what to expect 1st yr. bale ang alalay ko kay baby yung isang hand ko nasa jaw part nya for support and yung isa pang himas sa likod.

another position that is effective with my 2nd baby, naka face si baby sakin. naka fold legs nya (parang frog), then yung feet naka dikit sa tummy ko. yung hands ko support ko yung likod and back part ng head-neck nya. dig-lo naman ito (utot) ang labas ng hangin... ;D

^sis full term ba si baby mo?sabi kasi sakin ni pedia, pag full term daw si baby, kaya na nya un neck nya pag dinadapa mo sila, i mean may alalay pa din pero kaya na nila i turn  and i hold un head nila. ang kinakatakot ko kasi before, nun sabi nya na mas masarap daw sleep ng baby pag nakadapa sabi ko cause ng SIDS un pag sleep ng nakadapa, sabi nya sa mga pre term lang daw un pero pag full term ok naman daw, about reflex something un ni explain nya eh.

ang ginagawa ko pag pinapadapa ko sya...higa ko muna sya nakatihaya, then patatagilidin ko, tpos alalay sa chest habang pinapadapa.
sis, i.m.o ko lang to re SIDS ha... kasi, tingin ko kaya ganun ka common ang SIDS sa abroad is hiwalay ang room ng parents sa baby. iba ang mattress nila. parang feather na lumulubog yung baby. tsaka, wala pa ako nabalitaan na nagkaron ng SIDS dito sa Pinas thru media or kamag anak or friends. siguro dahil foam or banig pa nga sa iba yung gamit sa baby. and another is mas common ang co-sleep dito sa atin. with my brother and my 2 kids naman, hindi naman kami nag ka problem kahit dapa sila matulog.. or baka matigas lang ulo ko. hehe...


jojogurl

  • Guest
Re: How to deal with babies suffering Colic?
« Reply #26 on: April 19, 2010, 03:58:33 pm »
sis coco chanel, ok naman si baby. malaki na. nasanay na ako na kargahin siya pag pinapadede. try ko na nga din pag-unanin mamaya. hehe. 

mycheska

  • Guest
Re: How to deal with babies suffering Colic?
« Reply #27 on: April 19, 2010, 04:31:24 pm »
ako nahihiya akong aminin na di ko mapatahan ang baby ko. 1 month old na sya and usually after breastfeeding, tulog agad sya pero ngayon kahit busog na sya, umiiyak pa din (inaantok) and kelangan ihele para makatulog. pag ako humehele, iyak pa din ng iyak pero pag ibang tao na, tulog agad sya. di ko tuloy alam gagawin ko.  :(

mom.of.inchikoy

  • Guest
Re: How to deal with babies suffering Colic?
« Reply #28 on: April 19, 2010, 05:04:24 pm »
^ sis, baka kelangan relax ka? one big factor din kasi eto eh... nararamdaman ng baby yung nararamdaman ng mommy...

try to follow this routine din, baka maka tulong... upon waking up - change diaper - feed - play / activity with the baby - sleep - then wak up uli...

usually sis, mas madali alagaan ang breastfed baby than formula fed baby. sa experience ko 'to ha...

CoCo ChAnEL

  • Guest
Re: How to deal with babies suffering Colic?
« Reply #29 on: April 19, 2010, 05:14:16 pm »
^siguro nga sis sa ibang bansa lang madaming cases ng SIDS, kasi naman pag nagreresearch ako puro base sa US ang articles eh, kaya naniniwala agad ako pero may point ka nga about sa co-sleep and about sa matress natin here in hehe, buti na lang din natanong ko kay pedia  about SIDS ang pagdapa pag matutulog and yun nga sagot nya. kaya nakahinga na ako maluwag. sarap tulog baby pag nakadapa eh.:)

jojogurl

  • Guest
Re: How to deal with babies suffering Colic?
« Reply #30 on: April 20, 2010, 09:14:43 am »
sis mycheska, first baby mo ba? minsan kase nasa pagkarga yan. ako nga second baby ko na mas gusto pa rin ng baby ang pagkarga ng mom ko e (sabi ko parang may cushion kase na bilbil pag mom ko nagkakarga, hehe.) wag ka mahihiya.

evilwoman

  • Guest
Re: How to deal with babies suffering Colic?
« Reply #31 on: April 20, 2010, 09:42:14 am »
^ sis mycheska, ako naman madalas pag may ibang tao di ko mapatulog ang baby ko.siguro panic mode lang ako kasi may mga nagoobserve sa first time mom..  ;D ang nag-ok na technique sa paghele ko sa baby e yung may big bouncing motion, tipong inuugoy sa alon ang baby (hindi po shake ha..makalog naman ulo ni baby nun..). tumatahimik naman sya kapag ganun ang paghele ko.yun lang mahirap na pag masyado na mabigat ang baby.tyagaan na lang talaga..  ;D

btw, noong nagcolic din ang baby ko, ang naging effective sa kanya, pahid ng manipis na manzanilla then patong ko ang palm ko sa tyan nya (ibabaw lang ng damit at hindi po buong bigat ng kamay mo ang gagamitin) then sabay hele (nakaupo ako noon, alalay ang libreng kamay at hita kay baby). after mga 30 minutes, makakatulog na sya nun..siguro nagiginhawaan sya sa init ng palad ko..

jojogurl

  • Guest
Re: How to deal with babies suffering Colic?
« Reply #32 on: April 20, 2010, 01:22:50 pm »
sis evilwoman, kahit pag ako  mismo ang kinakabag effective ang pagpatong ng palm sa tiyan. lalo kapag sa left side ng tiyan ipinatong.

evilwoman

  • Guest
Re: How to deal with babies suffering Colic?
« Reply #33 on: April 20, 2010, 01:31:21 pm »
^ totoo palang effective..hehe..isip ko minsan imagination ko lang na effective..thanks sa confirmation sis! :)

jojogurl

  • Guest
Re: How to deal with babies suffering Colic?
« Reply #34 on: April 20, 2010, 03:58:45 pm »
^may power talaga ang palad sis. kahit nung nagle-labor ako palms lang na nakadikit sa lower back ko ok na.

yapeegurl

  • Guest
Re: How to deal with babies suffering Colic?
« Reply #35 on: May 01, 2010, 09:52:03 am »
we used gripe water

ullala

  • Guest
Re: How to deal with babies suffering Colic?
« Reply #36 on: May 01, 2010, 01:57:21 pm »
up to the 3rd month of my daugher super cry din siya all evening. what i would do is put her in a sling but not the ones that are available here in manila (at least bases what i see on offer) it looks like this: http://didymos.com/index.php?s=tying_methods&t=tying methods

anyway that way of carrying a newborn/young infant gives him/her a sense of being in the womb again plus the warmth and the scent of the mom further sooths the baby. i would just put her in the sling when she starts crying and walk around with her a minute or so after she stops crying and then she would just fall asleep.

yapeegurl

  • Guest
Re: How to deal with babies suffering Colic?
« Reply #37 on: May 04, 2010, 09:25:42 pm »
^i wish i bought that sling when my son was an infant.. i think that's an alternative solution to pacify him.. sigh.. thanks sis.. nice information.. :)

simplykristine08

  • Guest
Re: How to deal with babies suffering Colic?
« Reply #38 on: June 04, 2010, 05:18:56 pm »
hello mga sis. i think my baby's suffering from colic din. nagstart sya nung 4wks+ sya. until now ganun pa rin sya. mag 6wks na sya. as in grabe naiiyak na ako sa kakaiyak nya. from 1am-6am minsan iyak talaga sya ng todo. tapos kapag binibigyan ko ng milk (sa bottle) parang sabik na sabik sya sa gatas. grabe sya magsuck. i read kasi na ang pagsusuck daw nakakasoothe sa mga colicky babies. utot din sya ng utot kaya i always put mansanilla at night pero iyak pa rin sya. naffrustrate na din ako mga sis kasi ako ang mommy nya pero hindi ko sya mapatahan. pakiramdam ko hinahanap nya yung lola nya kasi kapag dumating yung mom in law ko at kinarga na sya, ayan tatahan na sya. grabe iyak ko that time. and nakakahiya din sa mom in law ko kasi kapag talagang hindi ko mapatahan si baby kahit madaling araw yun tinatawagan ko si mil at pumupunta sya dito at ipinaghehele nya si baby at napapatahan nya talaga agad. usually mga sis madaling araw sya iyak ng iyak. hay.

yapeegurl

  • Guest
Re: How to deal with babies suffering Colic?
« Reply #39 on: June 09, 2010, 01:30:59 pm »
naexperience ko din yang colic sis.. sa madaling araw walang tigil ang iyak ni baby ko noon.. bottle fed sya.. and the colic started between 2-3 months nya.. one month din syang ganon.. lahat na ginawa ko.. manzanilla, gripe water, burp, hele, karga, baby rocker.. pero i guess bigla na lang din nawala ng kusa.. substitute sa karga lang talaga ang solution.. problem ko pa that time, ako lang talaga dito nag aalaga kasi malayo kami sa pinas..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close