had bad experience with rey casedo. sya supplier namin for the barong of my groom, dads, groomsmen, brothers.
whenever we meet mang rey, lagi naming tinatanong kung saan sya convenient makipagmeet, usually yung mga places lang na along the way nya while meeting other clients. although aware ako na pwede sya home service, since we stay in bulacan, ayaw na namin sya pahirapan. humihingi na lang kami ng vacant time sa sched nya.
1. first meeting namin (measurement ng groomsmen) on time sya, pero alam nyang kukuhanan nya ng sukat yung mga magpapatahi sa kanya, ni walang dalang papel and ballpen. he ended up using a small crumpled piece of paper. papalitan ko sana yung paper pero ayaw na nya. worried ako baka mawala yung paper (buti na lang di nangyari). we also gave him the fabric swatch (sample ng mocha duchess satin ng bridesmaids na gagayahan ng color ng barongs). wala rin syang receipt. humingi ako ng kahit anong proof of pament. nag-compute sya dun sa paper liner ng tray ng mcdo (dun kasi kami nagmeet). 22,200 yung account namin sa kanya, nag-DP kami ng 8K dahil yun lang yung dala namin. gulat ako yung yung paper liner na yun, pinirmahan lang nya tapos yun lna yung receipt. sabi nya sa susunod na meeting dapat bayaran na namin yung 4,200 para 10K sakto na lang ang balance. mukhang di tama yung mode of payment na to pero di na kami umangal.
2. second meeting (measurement ng brothers), sa trinoma kami nagmeet. late sya ng 1 hour kasi marami rin syang ka-meeting na iba. inintindi na lang namin. kaya lang while namimili kami ng tela ng barong, umaalis-alis sya kasi iniikot nila yung mga samples sa iba-ibang couples within trinoma na ka-meet nya. hassle kasi ubos oras. pinagpasensyahan na lang namin. sana kasi walang ka-overlap na oras para di ganun ang nagyayari. that time, binigyan ko na sya ng PRINTED SHEET ng names ng lahat ng cgroomsmen, brothers, dads,groom na susukatan, tabulated yun, inclusive of all the details -cut, design, color, emroidery, materials. yun nga lang halo halo yung gamit nya, makikita mo talaga kasi napaka-disorganized. then we found out na nawala nya yung swatch ng tela na gagayahan ng color that we previously provided. iba yung ipinapakita nya sa amin, he insists na yun daw yung binigaynamin NA HINDI TOTOO. ang sabi pa nya "san ko naman po makukuha yan kung hindi sa inyo?" again, nagpasensya na lang kami, and answered politely na hindi yun yung binigay namin. binayaran na din namin yung 4.2K
3. we had to meet him AGAIN just to give him the swatch.
4. he keeps calling us na nagtatanong ng details ng barong, when he could simply refer to the DETAILED PRINTED SHEET i provided him. hinahayaan ko na lang, iniisip ko, buti na yun para sigurado ang gawa. kaya lang nagcause ng delay ng delivery.
5. unang nadeliver yung barong ng groomsmen. hindi nakuha yung color na binigay namin, siniguro pa naman nya sa amin na makukuha yung kulay. ok namn yung tahi upon inspection kaya pwede na rin (we later found out na may problema din pala sa sukat, may maiksi ang sleeves and may masikip ang neckline, nalaman na namin nung wedding). hiningi na agad nya yung 5K sa balance namin na 10K.