watch now

Author Topic: Construction/Renovation Tipid Tips  (Read 192763 times)

lilstar

  • Guest
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #280 on: October 21, 2015, 06:28:00 am »
on going na ang construction sa likod namin, malaki din pala pwede pa 1 room tapos laundry., as usual magastos pa din. pinag jack hammer pa namin kasi adobe talaga ang lupa samin,. Ganun din nangyari sa garage namin. Konti lang ipagawa, mahina ang 20k. Salamat pa din sa Dyos may pampagawa kahit paunti unti.

lanee_beu

  • Guest
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #281 on: November 13, 2015, 02:46:03 pm »
Sis lilstar.. may i ask magkano ang rent nyo ng jackhammer? Mabato kasi ang lot na nabili namin at balak na namin pagawa next year. Tia!

sleepy_grfld

  • Guest
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #282 on: January 05, 2016, 11:22:01 am »
sis, magkano rent nyo sa jack hammer? adobe rin kasi lupa sa amin e. nung nagpagawa kami ng gate, manual lang ang hukay, inabot ng 3 months ang paggawa. :(

dyosabel

  • Guest
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #283 on: February 03, 2016, 04:51:33 pm »
mga sis, san ba makakabili ng mga murang tiles pero magandang quality? Bandang muntinlupa area. TIA! :)

mikaela325

  • Guest
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #284 on: April 16, 2016, 07:43:31 am »
Sa amin din adobe ang lupa. May nasira pa ngang jack hammer. Dapat bibili kami kasi mas mahal kung rerentahan namin. Pero since may mga kaibigang nagpahiram, kaya hindi na kami bumili.

Thank God for our home. Nasa palitada stage na. Totoo pala last minute minsan you'll change your mind kami sa room placement and division. So papa wagas ulit. Next stage namin finishing na.

Musiqera

  • Guest
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #285 on: April 20, 2016, 02:03:20 pm »
Hi mga sis!!

Kumuha ako ng bahay thru pag-ibig townhouse sya bare type

42 sqm floor area
60 sqm lot area

tanong ko lang magkano kaya magagastos ko sa pagpapagawa ng bare type na bahay?
First time ko kase kumuha ng bahay at mejo wala ako idea pano uumpisahan..maliit lang budget ko hindi naman yung talagang splurge na pagpapayos..gusto ko lang modern look na simple hahaha!


would appreciate your insights mga sis  :)

Cari

  • Guest
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #286 on: May 05, 2016, 01:21:28 pm »
Mga sis,

Mas okay bang bumili sa home depot kesa sa hardware?

TIA!

ncato1214

  • Guest
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #287 on: May 05, 2016, 03:47:02 pm »
@ Cari mas mura pa din bumili  sa hardware. Kung may time ka mas maigi na magcanvass ka kahit sa tatlong hardware para may pagkukumparahan ka ng prices nila

Cari

  • Guest
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #288 on: May 06, 2016, 01:28:18 pm »
@ Cari mas mura pa din bumili  sa hardware. Kung may time ka mas maigi na magcanvass ka kahit sa tatlong hardware para may pagkukumparahan ka ng prices nila

Thanks po. Wala kasi ako masyadong time. Malaki po ba ang difference?

TIA!

Mrs_Bee

  • Guest
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #289 on: May 23, 2016, 11:54:12 am »
@Cari yes, malaki difference.

Crystalpenelope

  • Guest
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #290 on: May 27, 2016, 12:41:12 pm »
Sisses, paano kayo nagpapabid ng plano? sensya na ha..medyo noob at wala kong idea talaga. kelangan ba imeet lahat ng kinontak ko na contractor at the same time o kahit ipakita ko lang isa-isa ang plano? pwede ko ba sabihin budget ko o hayaan ko lang silang magsabi?

ncato1214

  • Guest
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #291 on: May 27, 2016, 03:59:15 pm »
sis Crystalpenelope, mas maigi na mameet mo sila isa-isa    but  kung mejo busy ka pwede din naman i-send sa email nila yung details ng bahay na gusto mong ipagawa.mas maigi kung me floor plan na para mas madali ka nilang mabigyan ng rough estimate.

Crystalpenelope

  • Guest
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #292 on: May 27, 2016, 09:56:22 pm »
^ Thanks sis ha.. Tama pala ginagawa ko..Nag sesend kasi ko ng plan pero perspective pa lang. Pero sabi ko pag natapos ang plan na pang permit, isesend ko rin sa kanila.

Crystalpenelope

  • Guest
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #293 on: June 29, 2016, 09:22:02 pm »
Magkano na ba ang rate ng construction ngayon per square meter? Yung sa mid-level design sana. 

Baka me mairecommend kayo na trusted na contractor sa Malolos area.  Need ko sana habang nakabakasyon pa ko.

ncato1214

  • Guest
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #294 on: June 30, 2016, 06:24:24 am »
sis Crystalpenelope depende kase din sa contractor na makakausap mo but usually 20k to 23k.

Crystalpenelope

  • Guest
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #295 on: June 30, 2016, 10:56:49 am »
^Thanks sis. Nagka-problem ako sa gumawa kasi ng plano. Sabi ko sa kanya work on my budget. Sabi nya itry nya. Contractor din sya. Nung na present sa kin ang draft, binigyan nya ko ng quote na medyo mataas sa binigay ko na amount pero kaya pa rin ng budget. Pero naghahanap din ako ng iba pang contractor.  Kaya lang natapos na ang plano, na over budget sya. Yung ibang contractor din sabi hindi kaya ang budget ko. Kaya sabi ko i-aadjust ko na lang ang plano. Sana lang hindi ko magkaproblema sa pagkuha ng building permit. Kaya lang wala pa kong contractor sa ngayon. Yung isa pwedeng sa kin ang materyales, pero ang labor ay 60% ng materials. Pwede na po ba yun? Parang ang laki kasi?

wifey

  • Guest
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #296 on: July 04, 2016, 09:07:25 pm »
^sis, kung may oras ka to personally manage the construction of your house, I strongly recommend it. Ganito kasi ang nangyari sa amin, we had no choice but to take over nung nagkaproblema kame sa contractor namin. What I can suggest is magpagdrawing ka ng plano then ipakontrata mo up to structural phase then kayo ang magpatuloy up to finishing. Kapalit ng oras (stress na rin hehe) eh sobrang laking matitipid talaga. Mamamaximize mo ang budget, walang daya sa quality ng materials, at mas attached ka sa bahay kasi kabisado mo lahat plus very rich learning experience  :)

Crystalpenelope

  • Guest
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #297 on: July 04, 2016, 10:46:13 pm »
^thanks @wifey… I think best nga na sa kin ang materyales para makatipid din.  Ipapa-labor ko na lang. Kaya lang I'm working. So baka weekends lang at pag holiday ko lang mabisita. Pero kinausap ko na brother ko to visit the site at least twice during weekdays. Mabuti at willing naman sya.

LABYU

  • Guest
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #298 on: July 05, 2016, 05:08:06 am »
Dito ko pala dapat tinanong yung tanong ko sa kabila, 600/day ba talaga yung bayad para sa maggagawa ng bahay?

pinklilac

  • Guest
Re: Construction/Renovation Tipid Tips
« Reply #299 on: July 05, 2016, 05:17:33 am »
^sis mura  na yan. Yung nag renovate  sa paupahan ng nanay ko 1k per day
Tas 600 yata alalay.
If mahusay na karpintero  yang 600/day grab mo na

 

Latest Stories

Load More Stories
Close