Author Topic: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?  (Read 99311 times)

babymine08

  • Guest
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #120 on: September 27, 2011, 08:21:10 am »
liv81 - were on the same boat sis, pinagresign din ako kasi nga 2mos lang siya dito kaya until now wala pa din ako mahanap na work (medyo choosy kasi ako hehe), pero after marriage and before he left we discussed about this matter. kaya wala kami financial issues kasi open kami sa isa't isa.  siguro sis, kausapin mo nalang husband mo kung bakit ganun ginagawa niya kasi hindi maganda ganung set up lalo pag nagtagal. besides, mas may karapatan ka naman talaga sa lahat money nya at dapat ikaw ang 1st beneficiary nya. pagusapan nyo nalang mabuti sis. :)

imbisibol_

  • Guest
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #121 on: October 10, 2011, 08:55:02 am »
that's messed up. in our case, i've already put my foot down even before the wedding- we pool our money together. with marriage, we're supposed to be one physically, emotionally, and spiritually. i can't and won't deal with being separate financially- when that's supposed to be the easiest one to share. i don't need a roommate.
« Last Edit: October 10, 2011, 08:56:45 am by imbisibol_ »

Kady_14

  • Guest
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #122 on: October 10, 2011, 06:00:04 pm »
San napupunta yung extra na natitira kay SIL?

I do not agree with your set up. Since mag-asawa na kayo dapat sa inyo lahat, kayo dapat ngbebenefit sa mga pinaghihirapan nyo.

My husband and I both work. Ang set-up namin, I pay for all our expenses, utilities, groceries. Tuition lang ng mga bata ang sagot nya and the rest goes to our savings. We also pay for our own "kapritsos" like mani, pedi, rebond, shopping for our own stuff, gas and wants. If I'm short, I'll get from our savings, pero bibihira yun. So far so good this WORKS for us, kasi I also have an income, but in your case, dapat ikaw or sa inyo ang pinaghihirapan ng mister mo. :)



sistah_mom

  • Guest
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #123 on: October 11, 2011, 07:54:48 am »
on our part lahat ng sweldo sa akin allowance lang ang binibigay ko kay hubby. but if he gets extra that's his na. basically okay naman ang set up namin for the past 9 years.

sarsingkit

  • Guest
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #124 on: February 17, 2012, 06:55:14 pm »
Hi! My husband is overseas and i am arranging my papers to be with him soon. though i have a stable job here, i sometimes feel like asking him for money pag short ako. my savings is my priority, hindi ko na talaga ginagalaw as i want to save much para pocketmoney pagdating sa ibang bansa.

pero nahihiya ako to directly say na baka pwede magpadala sya ng money for me. how do itell him withoug being too controlling sa pera nya. ayoko rin naman kasi to be in charge of ALL his money.

dialamari

  • Guest
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #125 on: February 17, 2012, 07:26:12 pm »
nun kami ikinasal ng hubby ko more than a year ago, kusang-loob nyang binigay sakin yong atm card nya. para ako na daw ang magbabudget. pero since buntis ako, ayaw nya akong mastress at nagvolunteer sya to do the budgeting. then non nanganak ako, binigay na ulet nya yong atm card nya sakin. pero since balik-work ako naconfuse ako sa pagbabudget kasi nga nahahalo yong pera ko. ayaw din nya as much as possible na magalaw yong pera ko kaya kahit magkautang utang sya inaako nya yong expenses. pero syempre bilang mag-asawa ayoko na nahihirapan sya. kaya palihim ko syang tinutulungan. minsan kunyari yong kalahati ng amount ng inutang nya e sabi ko sakin na lang nya utangin with lower interest. pero yon di ko na lang sinisingil. di hamak na mas malaki ng 4x ang sahod nya sakin. pero since mataas ang cost of living namin at may binabayaran kaming bahay at kotse, halos kalahati lang ng sahod nya ang panggastos namin. dagdag pa yong mga bayarin sa utang namin at mga bills. ngayon magiging 2 na ang baby namin. pinagreresign na nya ako at pinagmamanage ng business. gusto ko na rin kasi di na ko masaya sa trabaho ko. pero minsan nagdadalawang-isip ako baka magsisi ako o magkaproblema kami sa pera ng asawa ko dahil wala na kong sariling pera. yun pa namang mga gamit ng anak namin halos ako lahat ang bumibili non. like damit, laruan at kung ano-ano..pero yong basic, gatas, vitamins, distilled water sya ang nagpoprovide. pero pag may chance ako na mamili nagbovolunteer naman ako na mamili. tapos minsan sinisingil ko sya, minsan hindi na pag alam kong wala na syang pera..so far di kami nag-aaway about money. kasi galing kami pareho sa family na puro pera ang pinag-aawayan. yong kawalan ng pera laging pinag-aawayan at pinoproblema. kaya mutual yong feeling na ayaw namin maapektuhan yong pagsasama namin dahil lang sa kawalan ng pera. as long na may trabaho at hanapbuhay at di sobrang taas ang lifestyle, di dapat matakot na magutom. minsan nagtatanim din kami ng mga gulay sa garden namin para makatipid kami sa pambili ng gulay or isasahog sa lutuin... :)

purpleangel11

  • Guest
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #126 on: February 17, 2012, 07:36:11 pm »

       @ Sarsingkit

    Sis..ano ka ba..bat ka mahihiya eh hindi naman kayo mag gf-bf..mag-asawa kayo..iisa na kayo..kaya ang pera nia..dapat pera mo din..hehe...pag short ka..i voice out mo na kelangan mo ng financial help...siguro naman di ka naman nia tatanggihan kahit pa sabihing me work ka...kasi lalaki naman talaga ang provider di ba?...

sarsingkit

  • Guest
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #127 on: February 17, 2012, 10:59:36 pm »
thanks mga sis! awkward ako basta usapang pera.huhuhu

eyndzel

  • Guest
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #128 on: February 18, 2012, 09:27:27 am »
^naku sis wag ka mahiya humingi if you really need the money kasi husband mo naman siya.. parehas tayo sis inaayos ko din papers ko to be with him soon at tuldukan na ang 7 years of LDR na nakakaloka. meron ako work before and ok naman ang sweldo ko pero since wala pa kaming babies, 1 year pa lang kami kasal kasi, so halos lahat ng earnings ko napupunta sa needs ko and half of it, sa savings ko.. so di ako humihingi sa kanya kahit ano pag nagpapadala siya except for the money sa installment ng car.. pero since nagresign ako 2 months ago to process my visa.. and nauubos na din savings ko.. nagdedemand na ako sa kanya hehe. at first nagulat siya sa hinihingi ko kasi di siya sanay.. pero nung inexplain ko sa kanya kung ano mga need ko bilhin para sa pagpunta ko sa bansang kinaroroonan niya.. as in inisa isa ko lahat.. ayun walang palag pinadala lahat..  ;D

sarsingkit

  • Guest
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #129 on: February 18, 2012, 09:44:47 am »
^hahaha. halos half nga ng 13th month naubos ko din sa pagchange ng status, pagkuha ng papers, change status sa passport, medical, courrier ng papers, taxi, food. sige i'll try to explian. nyi. :-[

mamajus

  • Guest
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #130 on: February 18, 2012, 10:37:35 pm »
wala din akong work sis,nag resign para sa baby..ang sistema namin...lahat ng sahod niya nasa kanya naman,,pero magbibigay siya pang grocery...at panggastos namin sa araw araw ng anak ko pang merienda,,pananghalian...siya na sa mga bills sa bahay..minsan pinapabayad niya sakin...ok na sakin yung bigyan niya kami ng sapat lang sa pang-araw araw pangkain habang asa work siya..
bat nasa kapatid niya pera niya?curious lang...

sweetbabycakes

  • Guest
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #131 on: February 21, 2012, 05:28:41 pm »
may karapatan ka sa pera ng asawa mo, TS. malaking karapatan!

dapat sayo ang intrega ng sahod. sa amin, ibabawas lang nya allowance nya tapos bigay sakin to budget. ganun ata usual. yung ate ko nga direcho sa kanya LAHAT tapos binibigyan nya ng baon asawa nya. parang mali naman saken yun, parang estudyante si hubby...  ;D

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #132 on: February 21, 2012, 11:21:14 pm »
sis liv81, sana mapag usapan nyo ng hubby mo yung setup nyo. naisip ko lang, hindi ba dapat alam din ng SIL mo na parang mali ata yung ganung setup?  ::)

sa amin ni hubby share kami sa gastos. may allotted kaming money for savings tapos meron din para sa pang gastos sa bahay which ako ang humahawak. pero recently, pinag resign nya ako sa work ko and binibigay naman nya sa akin yung sahod nya, ako na bahala mag budget. kukuha lang sya ng pang gastos nya sa office dun sa sahod tapos pag kulang, hihingi nalang siya. wala naman problem sa ganun. yung parents ko, ganun din ang setup kaya siguro for me, yun ang tama.




our_precious_gift

  • Guest
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #133 on: February 22, 2012, 02:03:54 am »
 Share ko lang din story ko sa case kase namin ni hubby bago kami ikasal napagusap namin na pag kinasal na kami tutulong parin siya sa family niya tulad ng ginagawa niya nung binata pa siya. Sakin walang kaso yon malinaw naman okei ako sa set-up na yon at the same time ganon din ako sa family ko since ako lang ang nagwowork at yung bunso kong kapatid eh nag aaral pa. Wala naman complain si hubby sa ganon kahit na nung pinagresign niya para alagaan daughter namin ginawa ko ang sabi ko lang problema ko wala pa ko ipon at wala akong maibibigay na sustenso sa family ko okei naman sa kanya na siya since my parents ang leaving with us kase wala naman ako kasama sa house aside sa maid since overseas worker si hubby. Ang complain ko lang mga sis baket kaya nililihim pa ni hubby sakin na allotee niya sister niya at natulong pa sa ibang members ng family niya? ang sakin napagusapan naman namin yon pero bat kailangan pa niyang itago sakin. Sa pera naman wala kong problema kase halos lahat binibigay niya sakin kahit na ang gastos ko wala siya complain. Iniisip ko lanag siguro dahil nga nililihim niya sakin yung pagdating sa family niya kaya kahit na minsan over sa budget yung nagagastos ko hindi siya nag rereklamo.

Ano ba dapat ko gawin everytime kase open ko kay hubby yan parang uumpisahan ko lang di kona magawa. GUmawa nga ako ng letter para dun sabihin lahat ng sama ng loob hindi lang sa case ng pera as in sa lahat ng bilang mag-asawa kami kaso hindi na ibigay kase baka masama ang dating kay hubby at maging iba pa kalabasan non eh kakaalis palang niya. Help me naman mga sis. Hubby kase is older than me ng 18years so iniisip ko baka nasusulsulan ng mga sister inlaw ko kaya ganon. Maypagka ate girls kase hubby ko konting kibot lang tawag agad sa ate.

yaskulet

  • Guest
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #134 on: February 22, 2012, 01:33:13 pm »
Share ko lang set-up namen: Lahat ng pera ni Hubby nasaken. Binibigyan ko lang siya ng baon weekly (stay at home husband siya since homebased ang work nya). Meron din siyang ATM nya na may lamang 3k (maintaining balance) in case of emergency. Meron din siyang BPI Credit Card na extension ng card ko in case of emergency din. Lahat ng needs namen, grocery etc ako budget. Ako din bahala sa investments namen and kung ano gagawin sa pera namen. Pero lahat ng yan openly ko dinidiscuss sa kanya para alam nya nasan pera namen. Okay naman sa kanya. Alam nya din kasi ang capacity nya to budget. Hehe, nawawala pera sa kanya kaya tinuturuan ko siya mag keep track, kaya lang FAIL! Hehe!


mrsbrut

  • Guest
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #135 on: April 12, 2012, 05:45:17 am »
ito naman ang setup namin: both of us work at home. at magkahalo ang pera namin. since sakto lang ang kita, everything goes to food, bills, my son's education and other necessities. wala na kaming allowance kasi nasa bahay lang naman. palagi naman kami magkasama kung may kailangan bilhin. may bisyo si husband and siguro around P500/month lang naman yun kaya kahit ayaw ko before, pumayag na rin ako.

lately sabi nya gusto nya ng allowance. para daw kapag nangailangan (like last week) ng pera sa bahay nila, may maibibigay sya. tama ba yun? pinag-awayan talaga namin ito sobra. kasi sakto lang kami ng kita. may binabayaran pa kaming utang tapos wala naman kaming emergency fund tapos gusto nya magkaroon ng allowance for that? the last time na may allowance sya inuubos nya lang yun sa bisyo nya kasi sobra nga e di ba? atsaka kapag may nagbibigay ng pera sa kanya, sa bisyo rin lang napupunta. ako nga wala naman akong allowance at ok lang naman sa akin yun. kung yung allowance na hinihingi nya e para sa sarili nya e ok rin lang sa akin. pero para sabihin sa akin na allowance nya para ibigay sa pamilya nya, oa yun ha. pero tama ba ako? dapat ba bigyan ko sya ng allowance para sa pamilya nya kahit sakto lang kami? feeling ko hindi naman yata tama yun.

dahil nga kailangan ng gamot ng lola nya gusto nya magpahiram na naman kami. e hindi nga nya masingil singil yung hiniram dati ng nanay nya e. basta na lang hiniram. tapos nung binanggit nya na pambayad namin ng kuryente yun, no reaction. tapos sinabihan nya ako na ako daw ang sisisihin nya kapag may nangyari sa lola nya. alam nyo nung maluwag pa kami, halos mapunta lahat ng kita nya sa bahay nila to the point na hindi na natapos yung pinapagawa naming bahay. kaya sinabi ko sa kanya yun. at sinabi ko rin na sana wala ring mangyaring masama sa pamilya namin na kakailanganin namin ng pera dahil sisisihin ko rin sya!

sobra na kasi e. ayoko na nga na dumaan pa sa amin yung padala ng nanay nya. hoping lang naman kasi ako dati na since sa amin pinadadaan yung padala, e, makakasingil ako. ako lang kasi ang naniningil. and most of the time kulang or sakto ang padala kaya ayaw ipasingil ni husband. last week super kulang talaga. tapos malala daw ang ubo ng lola nya na kailangan ng gamot. e di sabi ko gamitin nya yung pera pambili ng gamot. bakit uunahin ang sweldo ng katulong, kuryente at upa sa bahay? haynako. grabe nakakasama talaga ng loob pagdating sa pera.  :'(

i_v_y

  • Guest
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #136 on: April 12, 2012, 12:27:03 pm »
kami ang set up namen ng magaling kong asawa, noon lahat ng sweldo nia binibigay nia sa akin at bahala na ako magbudget. but since yung sa pera nia nanggagaling yung amortization ng bahay, so he keeps that money tapos yung sobra binibigay nia.

nagbago yun when i resigned from work at naghome based. Yung work kasi nia talagang kulang yung sweldo nia sa pambayad ng bahay tapos gas pa nia halos 4k isang cut off. so hindi ko na kinukuha ang sweldo nia basta bayaran nia lang yung amort ng bahay at bahala sia sa gas nia. ako bahala na sa lahat ng needs sa bahay like food, groceries, bills, salary ni helper. i like it this way i should say kasi i have money of my own, hindi pa ako nasstress sa gasoline allowance ng asawa ko. basta kapag ginagamit ko yung kotse, nagpapagas din ako according to my usage.

 in the first place, talagang ayaw nia mag entrega, napilitan lang sia noon kasi yun ang gusto ko.

sis, sa akin lang ha, noong ayaw ng husband ko magentrega, i felt na hindi ako pinagkakatiwalaan at masakit sa akin yun. namulat kasi ako sa home na mom ko ang nagbubudget ng lahat so parang nadala ko yon. i realized marami din palang arrangements na iba from what i was accustomed to. so hindi ko magets baket kelangan sa kapatid nia eh ikaw ang asawa. i suggest is to write him a letter. sa umpisa ng letter mo, mention mo na, you are writing the letter not to disrespect him or make him angry. gusto mo lang kamo maintindihan baket ganun. make him feel through writing in a very loving and respectful  na you are not okay with that set up. at also make him feel that he can trust you financially speaking.

in one way or another sasabihin mo din naman sa kanya yan eh so make it sooner and don't prolong your agony. before you send the letter to him, pray about it. God can make wonders. Ginagawa ko yan bago ako mangutang, pinagdadasal ko na sana maintindihan ng uutangan ko kung baket ako mangungutang. ayun pinauutang naman ako. hehe.

danne

  • Guest
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #137 on: April 12, 2012, 12:53:48 pm »
kami naman ng husband ko, ang pera niya, pera niya lang, ang pera ko, pera niya din...  >:(

tiggerlily

  • Guest
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #138 on: April 12, 2012, 06:45:53 pm »
^ parang balistad? haha! sa amin ang pera nya ay pera ko at ang pera ko ay pera ko lang. in short, wala syang pera. bwahahaha!

sarsingkit

  • Guest
Re: ano ba ang karapatan ng isang wife sa pera ng husband?
« Reply #139 on: April 12, 2012, 06:53:52 pm »
^^naku sis, make sure you have youre own money. kahit may savings kayo pareho na joint accoun, gawa ka pa rin ng sarili mong savings.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close